Chapter 27

After a day of Morriah and Rik getting engaged and her relatives leaving the hotel, the vicinity somehow returned to its normal phase—it was quiet and everything seemed so solemn.

"Nasaan na ba si Mando? Masyadong aligaga 'yon buong araw, ah?" takang tanong ni Kenny.

"Baka gusto rin mag-propose?" sabi pa ni Daia.

Inirapan naman siya ni Alleah. "Mukha mo, Day."

"Sus! Pero gusto rin naman?" Panunundot pa ni Cara sa tagiliran ni Alleah. "For all we know, no'ng hindi pa kayo nagbe-break, you've been dreaming about na ma-engage with Mando after graduation. What if kaya pala siya bumalik sa life mo is because he regretted leaving you? He already had a plan na pumunta ng Baguio, pero nagpaiwan pa siya sa Baler just for yuo. Think of it. Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero parang gano'n na nga."

Napasinghal si Alleah at saka ito umiling. "It's impossible na mangyari 'yon."

"'Wag mong pangunahan si Mando," sabi pa ni Dom. "Pinapangunahan mo naman 'yong kaibigan namin, e. I knew he was trying to set things right with you at sana makita mo rin 'yon. Make it reasonable. Hindi naman siya siguro magpapaiwan sa Baler kung wala siyang binabalak, 'di ba?"

Kibit balikat na lang din naman ang naging tugon ni Alleah.

Nasa tabing dagat lamang sila at nakita ang ilang foreigner na naglalaro ng volleyball kaya sumali sila. Alleah doesn't have a mood to play with them kaya nanatili itong nakaupo sa buhanginan at pinaglaruan ito para gawing castle. Kinuha na lamang ni Alleah ang phone niya at nanood ng video. She found a series of vlogs a few nights ago sa isang travel channel na naka-feature ang iba't ibang isla sa Palawan. It was hosted by Cory and Douglas. Aliw na aliw naman siya dahil ang hyper at ang taas ng energy ng lalaki.

They've been into Palawan before, but didn't go much into other islands dahil limited lang din ang budget nila at gustong sulitin kung anong magagawa sa isang lugar. She watched them go around the island and explain every bit of it, especially, when Douglas started talking about the island's history.

"What are you watching?" Napaigtad si Alleah nang biglang sumulpot si Mando sa tabi niya. "Oh, 'wag kang magulat. Ako lang 'to?"

Natawa nang bahagya ang dalaga. "Malay ko ba na darating ka bigla?"

"Then I'm sorry if I surprised you, but here I am now." Ngiti pa ng lalaki. "What are you watching?"

"Ah, travel blogs lang." Ipinakita ng babae at screen ng phone niya. Hinarangan pa ng palad ni Mando ang screen para tuluyang makita dahil hindi nito maaninag sa liwanag ng araw. "About Palawan ba 'yan?"

"Yup. Enjoy na enjoy lang ako panoorin sila."

"Gusto mo bang pumunta ng Palawan?" tanong pa nito sa akin.

"Maybe next time," sagot ni Alleah. "Baka mamulubi na ako kung pupunta ako ng Palawan. I want to go to El Nido. Mukhang masaya ang tours do'n."

"Yes, I can assure you that," anito. "Kasama ko ang family ko one time na nagpunta kami ng Palawan. It was in El Nido. It was majestic. Nakakapagod lang din ang island hopping, but it was all worth it."

"If we would plan na ang our next vacation, maybe I would suggest them na El Nido naman ang puntahan natin. Sasama ka naman, 'di ba?"

Napangisi si Mando at saka kibit balikat. "Hindi ko pa sure. I'm not sure what would happen next after this. I can't say I'm sure I would be coming, but I'm also not closing the possibility of coming. Does that make sense?"

Alleah giggled, nodding her head. "Yes, nage-gets ko naman. Sabihan na lang kita once they all made a decision."

"I would love that. . ."

Mayamaya lang din naman ay lumapit na ang apat sa kanilang dalawa. Agad nilang ininteroga si Mando kung saan ito nagpunta. They quickly teased him about proposing to Alleah, but he was just smiling at them as if he was really planning on doing it. Sinasakyan na lang din pala ni Mando ang mga kalokohan ng kaibigan.

"You, guys. Ang daming pumapasok sa isipan niyo," ani Mando at hindi mapigilan ang ngiti sa labi. "I was on a call with my cousin. Kakarating lang daw pala ni ng Baguio dahil nag-stay pa sila ng ilang araw sa Dagupan. We originally planned na puntahan iyong Death Pool sa Burgos, Pangasinan. Hindi na nila pinuntahan. Nabalitaan kasi nila na may naaksidente lang do'n nitong nakaraang linggo kaya hindi na sila tumuloy."

"Maybe we could catch them sa Baguio, 'no?" sabi pa ni Daia. "Malapit na rin naman tayong umalis ng Baler. I'm missing this place already!" Akto pa ni Daia na umiiyak.

Napabulong ang kapatid nito ng, "Napaka-OA talaga."

"Baka naman hindi talaga 'yan 'yong pinag-usapan niyo," pagbabalik pa ni Kenny sa usapan. "Engaged na uli sina Morriah at Rik. Baka kayo na ang next?"

"Baka kayo na ang next!" may pagdiin pa sa tono sa simula nitong salita si Mando. "Kayo 'tong mga hindi nag-break, e. For sure, pagka-graduate natin, ikaw, Kenny at si Daia ay engaged na rin tapos nabuntis na ni Dom si Cara."

"Hoy! Loko ka!" Nakatanggap naman ng hampas sa braso si Mando mula kay Cara. "Hayop ka, Mando. Ginawa mo pa talaga akong buntis, ha?! Kaloka ka."

"May plano 'to, e," sabi pa ni Dom kay Mando. Tinuturo-turo pa nito ng daliri ang lalaki na parang may itinatago sa akin. "Pag-usapan natin 'yan mamaya, bro."

"Wala nga, Dom," anito. "'Wag niyo na akong pigain dahil wala naman akong sasabihin. That was the truth. Kausap ko lang ang pinsan ko. If you need more anything to me right now, wala na akong masasabi pa. Baka kayo ang may gustong sabihin?"

Nagkatinginan ang makakaibigan at wala namang nagsalita. Muli namang kinuha ng foreigner ang atensyon nila para maglaro. Napilit na rin nilang sumali sina Mando at Alleah sa kanila para five on five ang laban.

Alleah knew she had nothing to worry about. Everything is going well for them and hope for the best until the end of this trip.

***


"Party rock is in the house tonight. . ." everyone inside the club was jamming and dancing as soon as the DJ dropped the song.

Ang lahat ng tao sa loob ng club ay may iba't ibang atake sa pagsayaw. Mayamaya lang din ay pumwesto sa gitna ang magkakaibigan at isa-isa sumayaw ang ito habang chinicheer ang bawat dahilan para makuha rin ang atensyon ng ibang tao sa paligid. Everyone who joined them wanted to get on the dance floor and show of their best moves. Maraming natuwa. Nakatutok ang phone sa kanila at sabay-sabay na humahataw sa bawat drop ng beat.

Ikinagulat naman ng lahat nang may isang babae ang sumakay at may hinatak itong lalaki na sumali sa kanya sa pagsayaw. They were all cheering for them until they made out in front of everyone. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa ginawa nila.

"Grabe 'yon!" sigaw pa ni Kenny. "Dom! Natatandaan mo 'yong hinatak ka rin ng babae no'n tapos naghalikan kayo?!"

"Ha? Ano 'yon?!" biglang singit ni Cara nang marinig ang sinabi ni Kenny. "Narinig ko 'yon."

"Don't believe anything he would say, baby," sabi pa ni Dominique. Nilakasan pa nito ang boses dahil sa lakas ng tugtog sa paligid.

"May hinalikan siya. Kayo na no'n. We were just having fun lang sa isang club. Nagkaayayaan tapos pumarty hangga't sa may humalik kay Dom." Tawa pa ni Kenny, pero mabilis din namang natigil iyon nang sunggaban ni Dom ng suntok ang kaibigan mukha. "Bakit ka naman nanuntok, Dom?!"

"Gago ka! Gumagawa ka pa ng kwento, e!" Nanggagalaiting sagot ni Dom at saka muli nitong sinuntok dahilan para mapatumba si Kenny sa sahig. Sa puntong iyon ay nakuha na nila ang atensyon ng ibang tao.

"Hindi ba totoo? E, sarap na sarap ka rin namang himasin 'yong pwet no'ng babae, e?" rebut ni Kenny at saka ito tumayo. "Kulang na nga lang ay iuwi mo 'yong babae, e. Kala mo walang girlfriend para gawin 'yon."

"Gago ka, Kenny!" sigaw ni Dom at muli nitong sinunggaban ng suntok ang lalaki. Hindi naman nagpatinag si Kenny at nagpapakawala rin ito ng suntok na siyang sinasalo ni Dom.

Sinusubukan namang pigilan ni Cara at Daia ang dalawa, pero nang itulak ni Cara si Daia palayo at kamuntikang matumba ay na-trigger ito. Inatake ni Daia si Cara at sinabunutan ito. Napatitig na lamang si Alleah sa nangyayari at hindi alam ang gagawin. Nang mapansin niyang wala si Mando sa tabi niya ay mas lalo itong nag-panic. 

Dumating din si Willimar na pinakiusapan ni Alleah na tulungan niyang paglayuin ang mga lalaking magkaibigan, pero sumali lang din ito sa kaguluhan. Hindi niya maawat sina Cara at Daia na naghihilaan ng buhok. Hindi nila binibitawan ang isa't isa kahit na paluhod na ang mga ito. Ang ibang mga tao sa paligid nila ay pinapanood lamang sila at hindi man lang magawang awatin at paglayuin ang mga lalaki.

With panicked setting in, umalis na lamang si Alleah doon para hanapin si Mando. She was calling his name, pero walang sumasagot sa kanya. Nang makalabas ito ng club ay nakita nangingibabaw pa rin ang tugtugan mula sa loob ng club. Inilingon nito ang paningin sa paligid at nakita niya si Mando sa hindi kalayuan. She quickly run towards him. As soon as she got close to him, she stopped when she heard him talking to someone else over the phone.

"Alright. Give me a few more days," sabi pa ni Mando. "Babalik na rin naman ako ng Manila. Hindi na ako susunod sa Bagui. Mom, hear me out. I'm with my best friends right now and I'm just taking this chance to hang out with them bago ako umalis. I won't be coming home for a few years once I got in the states. Please reschedule my flight. Kahit mauna na kayo ni Dad. I'll be fine. .  Please. . ."

At that moment, Alleah was about to call him out again, pero hindi na niya nagawa nang rumehistro na sa isip nito kung anong narinig niya sa sinabi ni Mando. Dali-daling tumakbo si Alleah palayo habang unti-unting nilalamon ng emosyon sa dibdib. Hindi niya alam kung saan siya papunta ngayon. Basta makalayo lamang sa kanila ay wala na siyangpakialam.

"Alleah! Alleah!" Natigil lamang ito nang salubungin siya ni Rik at Morriah. Nang tinginan niya ang mukha ng dalawa ay puno naman ito nang pag-aalala. "What's happening? We've received a call that your friends were in trouble at the club. Are they still there?"

Pero hindi sumagot si Alleah sa tanong ni Rik. Inalis na lamang nito ang pagkakahawak sa kanya at muli itong tumakbo palayo. Sinubukan siyang tawagin at pabalikin ni Morriah, pero hindi na muling lumingon ang bababe. Sa puntong iyon ay tinungo nina Rik at Morriah ang club kung nasaan ang magkakaibigan.

Rik told Morriah to wait for him outside as he doesn't want to get her in trouble. Isinulong ni Rik ang sarili sa mga tao hangga't sa makita nito ang dalawang magkaibigang babae na nakasalampak sa sahig at naghahatakan ng buhok. He quickly got to the girls, and pulled them away from each other while he told all those people who were watching them to get Dominique away from Kenny who got blood on his face.

Nang maipaglayo ni Rik ang mga babae ay idinala niya agad si Cara sa labas kay Morriah. Agad na sinimahan ito ni Morriah. Binalikan ni Rik ang dalawang kaibigan, pero nadamay pa siya ng makatanggap ng suntok kay Willimar. Umintig ang panga nito ng masuntok sa mukha at hindi naman siya nakikipaglaro kaya binigyan niya ng isang malakas na suntok si Willimar dahilan para bumulagta ito sa sahig. Kinuha ni Rik si Kenny at inilayo kay Dom. Magkasama sina Daia at Dominique na nanatili sa loob ng club.

"What happened?" Rik questioned Kenny and Cara. Mando showed up shocked about what happened with his friends.

"Where's Ley?" he asked, but no one answered. "I'm going to look for her. . ."

Morriah wasn't able to tell Mando she went the other way, as she felt something came up.

"Friendship over," matalas na usal ni Cara.

Napangisi na lang din naman si Kenny. "Better be. . ."

Walang nagawa sina Morriah at Rik nang umalis si Kenny sa harapan nila. Both realized all of them were drunk and possibly the alcohol got into their heads. Walang nagawa ang dalawa para kunin ang kanilang atensyon dahil sa puntong ito, ang magkakaibigan lamang ang dapat humanap ng way para magkaayos-ayos sila.

It was supposed to be a night full of fun, but it all went down to where it all ended.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top