Chapter 25

Nagising si Daia sa lakas ng tawa na narinig niya mula sa labas. Walang effect ang pagtatakip ng unan sa tainga nito at tumatagos ang ingay sa labas. Wala siyang choice kung hindi ang piliting gising ang diwa at bumangon sa kama. 

Kinuha niya ang unan at hinagis kay Cara na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.

"Cara, gising!" pasigaw nitong tawag sa kaibigan. "How could you sleep with the noise outside? Nakakaloka!"

"'Wag mo na kasing pansinin! Itulog mo na lang ulit," suggestion pa ng kaibigan nito. "Pero medyo maingay nga, 'no?"

"Oh, 'di ba?!" bulalas ni Daia. "Silipin natin kung anong nangyayari sa labas! May event ba o what?"

Dali-dali namang tumayo si Daia at tumungo sa pinto para lumabas. Agad siyang sinundan ni Cara. Sinundan din nila kung saan nanggagaling ang ingay kaya nang matunton nila ang mga ito sa lobby at bar area ay napabitaw ito nang matalas na hininga na labas sa ilong.

"Ano bang meron?" saad pa ni Cara. "Kung mga guest 'yan sila, napakaaga naman nila dumating? Hind pa naman sila agad papa-check in-in."

"Kaya nga! Nakakaloka?" inis pang usal ni Daia. "Lapitan ko ba sila at patahimikin ko?"

"'Wag na," sabi pa ni Cara. Hinawakan pa niya sa braso ang kaibigan para pigilan ito dahil paniguradong susugurin talaga nito 'yong mga taong malakas na nag-uusap. Isama pa ang mga iyak ng bata na hindi nila masaway.

Napasinghal si Daia. "Hindi na ako makakatulog nito. Gusto ko na lang mag-swimming."

"Mas mabuti," pagsang-ayon ni Cara. "Tingnan ko kung gising na rin ang boys."

"Sige, magpapalit lang ako."

"Sila Mando at Ley ba?"

"Naku! Baka naglalampungan pa 'yong dalawang 'yon," saad ni Daia. "Pero tingnan ko. Ako na dadaan sa kanila mamaya."

Naghiwalay ang magkaibigan nang pinuntahan. Tumungo si Cara sa kwarto ng boys habang si Daia naman ay bumalik sa kanilang kwarto para mag-ayos ng pangligo sa beach. Naka-two piece lamang ito at pinatungan na lamang niya ng short jeans para hindi agaw atensyon sa ibang tao. Tumungo rin naman siya sa kwarto ni Mando at tinawag ang mga kaibigan.

Nakailang tawag na rin 'to sa mga kaibigan, pero walang sumasagot sa kanya. Sinubukan niyang pihitin ang door knob, pero naka-lock ito. Pumasok sa isip nito na baka may milagrong ginagawa ang dalawa o kaya naman umalis nang walang pasabi.

"Masyado niyo nang nae-enjoy ang isa't isa, ha?!" usal pa nito.

Tumungo siya sa bar area kung saan naabutan pa rin niya ang ilang tao na paikot-ikot sa paligid. Ngayon lang naalibadbaran si Daia ng ganito sa dami ng taong nakikita niya. Life was good a few days ago sa hotel dahil sobrang peaceful ng paligid tapos magiging na lang siya na halos kulang na lang ay maging fiesta ang hotel.

Itinukod niya ang siko sa mesa habang ang baba ay nakapatong sa kamay nito. She was looking around. Panay bitaw lamang nang buntonghininga si Daia. Saglit lang nang dumating ang mga kaibigan nito at nasaksikhan din nila ang dami ng tao sa paligid.

"Mukhang may event," komento pa ni Dom. "Nasa'n na sila Mando at Ley?"

Napakibit balikat si Daia.

"'Di ba, Day, ikaw tatawag sa kanila?"

"I did, pero wala naman ata sila sa kwarto nila," sagot ni Daia. "Mukhang nilayasan na naman tayo ng dalawa, e. Anyway, let's go na sa beach side bago pa lalong uminit ang ulo."

"Kalma ka lang, babe," sabi pa ni Kenny at inakbayan nito ang girlfriend sabay halik sa pisngi. "Mas kumu-cute ka rin kapag galit, pero syempre, let the negativity go away. . ."

Hindi na nagbigay pa ng komento si Daia at nagsimula na lang silang tumungo sa beachside. Nagmamadali silang pumunta ro'n para matakasan ang ingay sa hotel, pero ikinagulat na lang din nila nang makita sina Mando at Alleah na nakahiga sa buhanginan. Nakapatong ang ulo ni Alleah sa braso ni Mando habang nakabilad sa araw.

"Nandito lang pala kayo!" sigaw pa ni Daia at nakuha niya ang atensyon ng dalawa. Napabangon din sila. "Kinakatok ko kayo sa kwarto niyo. Nandito pala kayo. Kay aga-aga, ha?!"

"Mga thirty minutes pa lang naman kami rito," paliwanag ni Alleah. "Nagising kami sa ingay ro'n."

"Ay, same!" Napamaywang pa si Daia sabay irap ng mata. "Nakakaloka! Naging palengke bigla ang hotel. Anyway, gusto ko muna maligo."

"Have you put your sunblock on, babe?" Kenny asked.

Daia smiled. "I'm glad you asked, babe. Hindi pa. Ley, may dala kang sunblock?"

"I have. . ." Hinagis ni Alleah ang sunblock kay Daia at saka nito inabot kay Kenny at sinimulang pahiran ng cream si Daia sa iba't ibang parte ng mukha nito.

"Ano sa tingin niyo ang meron, 'no?" takang tanong pa ni Mando. "Mukhang may event na hinanda na naman si Morriah. What could it be? Mamaya natin malalaman. . ."

Naligo naman ang magkakaibigan at nagtampisaw sa dagat sa ilalim nang nakakasunog na balat na sikat ng araw. Nagpalipas lamang sila ng oras sa beachside hangga't sa makaramdam na rin ng gutom ang ilan sa kanila. Nag-presenta si Kenny na pumunta sa hotel para um-order ng pagkain nila habang nanatili sa beachsie ang lima.

Mga twenty minutes din ang nakalipas bago bumalik si Kenny na dala ang pagkain nila. Nagulat pa sila nang makitang kasunod nito sa Morriah na dala ang kanilang drinks. Kinuha ni Dom iyon kay Morriah dahil sa pag-aabala pa na dalhin iyon sa kanila.

"Kamusta kayo, guys?" tanong pa nito. 

"We're okay," sagot ni Cara.

"We're having fun," ani Mando.

"Nice to know that! I hope hindi nakaabala sa inyo 'yong mga guest na dumating, ha?" anito at sasabat na sana si Daia, pero pinigilan lamang siya ni Cara. "Mga kamag-anak kasi namin 'yon. I invited them all para sa death anniversary ng parents ko tomorrow. They're all staying sa hotel since I've got no other places for them to stay. I hope you will understand. Those drinks are on us."

"Thank you, Morri. . . Sorry for what happened to your parents," sabi ni Daia.

"It's alright. . ." tipid na sagot ng dalaga. "If you've nothing to do tomorrow, invite ko na rin kayo na sumama sa amin. We'll be going to the cemetery tomorrow and paying for a tribute. Okay lang din naman kung hindi kayo makakasama. That's fine by me."

"I think we'll go," sabi pa ni Daia. "Yeah, we'll go? Right. . ." Nilingon nito ang bawat isa para kunin ang kanilang kompirmasyon. Tumango rin naman ang bawat kaibigan ni Daia. "Yes, we will join tomorrow, Morri."

"Happy to know that!" she beamed with a smile. "Sige, I will let you know na lang some other information later. Mag-enjoy muna kayo riyan and excuse me na lang for their noises, ha? I'm trying to tell them naman na may ibang guests. May makukulit lang din talaga ako lalo na 'yong mga pinsan ko.

"No worries. . . Thanks again!" sabi ni Dom.

Nang iwanan sila ni Morriah ay kinuyog nila si Daia kung bakit ang bilis magbago ng isip nito. Kanina lamang ay inis na inis siya sa mga ingay ng guests, pero nang malaman na mga kamag-anak pala ni Morriah iyon at bumisita para sa death anniversary ng parents niya ay na-guilty siya.

"What we can only do is to show up tomorrow," sabi pa ni Daia. "Nakakahiya kung hindi pa tayo pupunta. Nagsabi na tayo, e."

"Ikaw nagsabi, e," sabi pa ni Dom. 

"Pero nakakahiya naman kung hindi pa tayo pupunta," rebut nito. "That's the least thing we can do and pay such respect. Mabait naman si Morriah sa atin and she was giving us the best experience here sa hotel nila so 'wag na kayong umangal. May pa-free drinks na nga, e."

The next day, maagang nagising ang magkakaibigan para sumama sa gagawing pag-aalala sa mga magulang ni Morriah. Lulan ng sasakyan ay sinundan lamang nila ang ibang sasakyan na patungo ng sementeryo. Hindi naman kalayuan iyon mula sa kanilan tinutuluyan. Halos kahalating oras lang din ang itinagal nang marating nila iyon.

Naabutan nilang may dalawang tent sa puntod nito. May mga nakapalibot ding upuan sa paligid na inakala pa ni Cara ay maglalaro sila ng Trip to Jerusalem as she thought it made sense sa tawag nito. May lamesa ring nakahanda para sa mga pagkain na hindi inalisan ng tingin ng boys.

Pumwesto ang magkakabigan sa likurang row ng upuan habang ang mga kamag-anak at malapit na kaibigan ng pamilyang Casillas ay nasa harapan. 

"Nakita niyo ba si Rik?" tanong ni Morriah sa magkakaibigan. Umiling naman ang magkakaibigan sa tanong niya. "Nandito na raw kasi kanina 'yon tapos umalis para kunin daw 'yong in-order niyang yema cake regalo niya para sa parents ko. Favorite kasi ni papa 'yon."

"You should text him," suggestion pa ni Alleah.

"Ginawa ko na. Tinawagan ko pa nga, e, pero hindi naman sumasagot."

"'Wag ka na munang mag-aalala," sabi ni Mando. "Darating naman 'yon. I know he wouldn't like to miss remembering your parents."

"I'll try tor each out to him," ani Dom. "May number niya ako. Sabihan kita kaagad kung mag-replay siya."

"Alright! Thanks, guys. Iwanan ko muna kayo, ha? Kung magutom man kayo, you can just grab something to eat there. Walang bayad 'yon."

"Thank you, Morri," sabi ni Daia. 

Sinubukan namang i-text ni Dom si Rik, pero wala rin itong natanggap na respond. Hindi naman tumungo ang magkakaibigang babae dahil nahihiya na sila pa ang mauunang pumunta ro'n. Hinintay na lang nila na mauna ang ibang kamag-anak ni Morriah bago sila sumunod.

Nagsimula rin naman ang pag-aalala sa mga magulang ni Morriah. One of her cousins lead the event. May mga panimulang salita ito patungkol sa mga magulang ni Morriah hanggang sa tawagin nito ang kanyang pinsan na magsalita sa harapan.

Nanginginig na hinawakan ni Morriah ang microphone. Pinipilit nitong huwag bitawan ang emosyon dahil paniguradong hindi niya maaayos gawin ang kanyang inihandang salita. Nagsimulang magsalita si Morriah, pero panay pa rin ang hanap nito kay Rik na hindi pa rin dumarating. Sa isip-isip ng dalaga ay sana hindi na lamang nito inabala pang balikan ang yema cake dahil mas mahalaga para sa kanya ang presensya nito.

Nang matapos magsalita ni Morriah ay napuno na lamang ng luha ang bawat isa. She tried to end her speech with a joke to lessen the emotion, pero bumuhos pa rin talaga ang kanilang mga luha. Nang lingunin ni Morriah si Dom para tanungin kung nag-reply na ba si Rik, pero umiling na lamang ang lalaki.

Isang pastor naman ang sumunod na pumwesto sa harap upang magbigay ng maikling sermon at salita. Tinapos din naman nito sa isang mataimtim na dasal bago hinayaan ang lahat na kumain at maliwaliw sa paligid. 

Sa pagkakataong iyon ay pumunta na ang magkakaibigan sa mesa kung nasaan naka-display ang mga pagkain. Katamtaman lamang ang mga pinaglalagay nila sa kani-kanilang plato dahil medyo maraming kamag-anak si Morriah at hindi maganda na sila pa ang makakaubos no'n. Bumalik ang anim sa pagkakaupo at muli silang nilapitan ni Morriah na pansin nila na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Wala pa rin ba kayong natanggap na message kay Rik?" tanong pa nito.

"Wala pa, e," sabi ni Dom. "Huwag kang mag-aalala, Morri."

"I'm trying not to, but this day won't be a good one for me," anito. Naiintindihan naman nila kung saan nanggagaling ito. "I'm trying to call him, pero laging nag-e-end ang call. I don't wnat to think of anything bad, pero iyon ang lumalabas sa dibdib ko."

"Ito, tubig. . . Inom ka muna para mahimasmasan ang dibdib mo. . ." Inabot ni Alleah ang bote ng tubig na tinanggap naman ni Morriah. "I'm sorry if he missed going here. Siguro hindi naman niya ginusto na hindi makapunta. Maybe he had reasons din?"

Dahan-dahang napailing si Morriah. "Hindi ko alam. . . Hindi naman kami nag-away, e. Hindi pa naman siya aalis ng Pilipinas. We've already talked about this. Ang kulit din kasi minsan ng lalaking 'yon, e."

Mayamaya lang din naman ay isang staff mula sa kanilang hotel ang nakita ni Morriah na patungo sa kanilang direksyon. Sa pagkakataong iyon ay may kakaiba siyang naramdaman sa dibdib at hindi iyon maganda.

"Ma'am," bungad ng lalaki. "Isinugod po si Sir Rik sa hospital. Puntahan mo na po ngayon."

At that moment, everything that happened before flashed in Morriah's mind. She can't lose Rik a year after losing her parents. She couldn't bear it and probably would lose everything once again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top