Chapter 23

Bumalik si Mando sa kwarto nila habang tumungo naman si Alleah sa kwarto ng mga kaibigan nitong babae. As usual, pagkapasok pa lamang niya ng kwarto ay naabutan pa rin niyang natutulog ang mga kaibigan. May naisip naman itong gawin na tiyak magpapagising sa diwa ng mga kaibigan niya. Kanyang inihanda ang phone at itinaas ang volume. Binuksan nito ang ilaw na dahilan upang magliwanag ang kapaligiran at sinabayan pa ito ni Alleah ng malakas na tugtog.

"Gising na mga eabab!" sigaw pa nito. Nang makita niyang aburido ang dalawa at nagtalukbong ng mga kumot sa mukha ay lumapit si Alleah sa kanya at pinaghihila nito ang mga kumot.

"Ley!" sigaw ni Daia na dahilan para mapabangon sa pagkakahiga niya.

Napabangon din kaagad si Cara sa pagkakahiga nito sa lakas ng sigaw ng kaibigan. Natawa si Alleah dahil sa ginawa niya. She thought it was effective dahil napabangon niya ang mga kaibigan. She wouldn't dare to do the same thing sa boys dahil baka iba pa ang magawa nito sa kanya.

"Bakit ba mga tulog pa kayo?!" tanong ni Alleah. "Past lunch time na, oh?!"

"E, ano naman?" pabalang na sagot ni Daia. "Kita mo namang natutulog."

"Wala naman na tayong sinusunod na itinerary. Matutulog na lang ulit ako," sabi pa ni Cara. "Good night, everyone!"

"Car naman!" tawag ni Alleah. Lumapit ito sa tabi nito sa kama. "Come on! Bakit naman kasi sumobra na naman kayo sa inom kagabi? Hindi na kayo nadala. Masyado kayong nagsaya."

"E, anong gusto mong gawin namin?" sabi ni Cara sa akin habang nakatakip ang mukha ng kumot, pero agad din naman nitong inalis ang kumot at saka binigyan ako nang mapangilatis na tingin. "Kayo nga ni Mando kagabi bigla-bigla na lang nawawala, e? Saan ba kayo pumunta, ha?"

Hindi sumagot si Alleah.

"Hindi ka makasagot ngayon, Ley?" sabat ni Daia. Nilingon naman niya ang kaibigan sa kabilang kama. "Anong ginawa niyo ni Mando kagabi, huh? Bakit hindi kayo nag-join sa amin? Hindi pa naman oras para umuwi no'n, pero hindi na namin kayo makita? Horny ba kayo kagabi? Umamin!"

She scrunched her face, shaking her head. "No?! Wala namang nangyari sa amin ni Mando, 'no."

Napahagikgik naman si Cara sa tabi ni Alleah. "Kaloka ka, girl! Kilala ka naman. You can't lie to us! Kahit hindi ka umamin, halata naman sa 'yo. May nangyari man o wala, happy pa rin naman kami for you dahil nandiyan na uli si Mando in your life! Gabi-gabi niyo na bang gagawin 'yon?"

Napatayo si Alleah. "Grabe kayo sa akin! Laswa, ah!"

"Sus!" Halakhak pa ni Daia. "Gusto mo rin naman 'yon! 'Wag na mag-deny."

"Alam niyo, maliligo lang ako at aalis na. Kung hindi kayo sasama sa amin, kami na lang talaga ang aalis," pagbabanta pa ni Alleah.

"Go! Push niyo 'yan," sabi pa ni Cara. "Wala pa akong energy to be honest so hindi ko sigurado kung mag-eenjoy rin ako! Maybe bukas na lang ako sasama."

"Same," saad ni Daia. "Hindi rin naman ako nagugutom and I think I needed more sleep. Kung aalis kayo, alis na. Si Mando naman kasama mo, 'di ba?"

"Yup! Sumama na kayo para lahat tayo."

"Kayo na lang," dagdag ni Daia. "Kayo muna. Mag-loving-loving muna kayong dalawa tapos bahala na kung anong gusto niyo gawin next."

Alleah groaned, dropping her shoulders. "Ay! Bahala nga kayo sa buhay niyo. Magbabanlaw na ako at once na nakatapos na ako maligo tapos wala pa rin kayong ikinikilo, babye na talaga!"

Hindi nakinig sa kanya ang mga kaibigan nito. Kinuha lang nito ang tuwalya at damit saka pumasok sa banyo. She took her time in the shower hoping that her friends would join them, but after a while, as she stepped out of the bathroom and found that they all went back to sleep, she had no choice but to leave them. Muli niyang inayos ang sarili at dinala ang maliit na purse saka lumabas ng kwarto.

Tumuloy naman si Alleah papunta sa kwarto ni Mando. Kumatok ito sa pinto at narinig niya ang boses ng lalaki kaya tuluyan din siyang pumasok sa loob. Naabutan pa niyang naka-boxers lang si Mando. Umupo ito sa may dulo ng kama at pinanood ang lalaki na mag-ayos sa sarili. She was smiling the whole time seeing him, and when he turned to see her ay nahuli niya kung gaano titig na titig ang babae sa kanya. Agad naman niyang tinakpan ng kamay ang crotch area nito.

Bumalik sa kanyang senses si Alleah at nang ma-realize kung anong ginawa nito ay binato nito ang unan sa lalaki. "Loko ka talaga! Hindi naman ako nakatingin diyan! Assumero ka naman!"

Nailagan naman ni Mando ang pangbabato niya at natawa na lamang ito. "Don't worry. Sa 'yo lang 'to kahit anong mangyari."

"Ewan ko sa 'yo," aniya at napatayo. "Iwanan kita rito, e."

"Ohhh, you don't want that to happen, girl," babala pa ni Mando sa kanya. Muli niyang binalikan ng tingin ang lalaki at mabilis itong nagsuot ng pantalon at t-shirt. "See? I'm all done. Nasaan na sila? Tayong dalawa lang ba?"

"Ayaw naman nila sumama," asar na tugon ni Alleah. "Pinilit ko 'yong mga 'yon, pero ayaw magsibangon sa mga kama. Hindi ko na naman pipilitin kung ayaw nila. Mukhang tayong dalawa lang pupunta."

"Are we still going to the Balete Tree or may iba kang gustong puntahan?"

"I still want to go there," sagot ni Alleah. "Bahala na sila kung sa susunod na araw magyaya pa sila, pero puntahan na natin 'yon ngayon."

"Alright. Should we use the car?" tanong pa ni Mando.

"Na kay Dom ang susi," aniya. "Try kaya nating hiramin 'yong motor ni Rik? Mabilis lang naman tayo at pa-gas-an na lang din natin."

"Let's try. . . Nasaan ba sila?"

Tuluyang lumabas ng kwarto ang dalawa. Tutungo pa sana sila sa reception desk para hanapin si Rik, pero naabutan na nila sina Morriah at Rik sa bar area. Nagtulakan pa ang dalawa kung sino ang kakausap kay Rik, pero napansin din sila ng dalawa kaya wala silang choice kung hindi ang lumapit.

Nakangiwi na lumapit si Alleah sa kanila. "Armand has a request."

"Ha? Bakit ako?" anito. Nakatanggap pa siya ng siko mula sa babae kaya wala siyang nagawa kung hindi akuin ito. "Ah, yes. I have a request. As you may know earlier, Ley and I planned to go to the Balete Tree and we would like to ask if you would lend us your motorcycle just for the day? If it's okay for you and if you won't use it, but I'd understand if you do."

Nagulat na lamang ang dalawa nang binunot ni Rik sa bulsa nito ang susi ng motor niya. "Here you go! You can go ahead and ride away, but I think it has a little gas left so you can refill it at the nearby gas station along the way. I won't give you a time. Just get back here safely and that's all good for me!"

"Thank you so much, Rik!" Ngiting wagi ni Alleah.

"Of course, you got my word. We will get back safely. Thank you so much."

"E, nasaan ang iba niyong kaibigan?" tanong pa ni Morriah. "Hindi niyo ba sila kasama?"

"Ay, let's not talk about them po today. Mga KJ sila for today's video. Mga nilamon ng hangover."

Natawa si Morriah. "Sabi ko na nga ba, e. Tanghali na kasi tapos hindi ko pa rin sila nakikita. Mukha ngang napasobra ang kasiyahan nila kagabi. Anyway, mag-iingat kayong dalawa. Drive safely, Armand."

"I will. Thanks, guys! We'll be back before the evening."

Nang umalis ang dalawa ay tinungo nila ang nakaparadang motor ni Rik. Nauna namang tumungtong si Rik at ini-start ang motor saka sumampa si Alleah. Ipinalibot naman ng dalaga ang kamay niya sa baywang ng lalaki at saka ito tuluyang ipinaadar ni Mando. Magiging mabilis ang biyahe nila kompara kung ang sasakyan ang dadalhin nila. Mabilis namang natandaan ni Mando ang daan patungo sa kanilang destinasyon dahil nangyaring nagpunta na sila noon kasama ang mga pinsan nito. Halos thirty minutes ang layo mula sa kanilang tinutuluyan, pero mga twenty minutes lang din ang nakalipas nang marating nila ang kanilang destinasyon.

"Ayos ka lang ba?" Natatawang tanong ni Mando nang mapansin nanginginig ang tuhod ni Alleah sa pagbaba nito ng motor. "I wasn't even driving fast, Ley."

Mahina naman nitong hinampas sa braso. "Alam mo naman na matagal na nating hindi nagawa 'to."

"Mas delikado pa nga sa Manila," sabi pa  ni Mando. "Mabuti nga at maayos ang kalsada rito, e. Medyo delikado nga lang dahil sa palik-liko, pero narating naman natin ng ligtas."

"Thanks to me." Irap pa ni Ley.

"That's the tree, oh." Turo pa ni Mando sa puno na nasa harapan na lang din nila.

Nang iniangat ni Alleah ang tingin ay hindi siya makapaniwala sa nakita. Sa sobrang laki nito ay medyo kinilabutan siya at tumaas ang balahibo. Iniwan nila sa parking lot ang motor ni Rik at nagbayad ng entrance free para makapag-ikot-ikot sa paligid. 

Inuna nilang puntahan ang paligid ng Balete Tree at binasa ang ilang impormasyon sa karatula. Hindi naman ipinalampas ni Alleah ang kumuha ng litrato kasama si Mando.

"Are we going to spend here for the rest of the afternoon?" tanong pa ni Mando sa kanya.

"I think so. . . May mga upuan naman do'n, oh," sabi pa ni Alleah. "Saka tahimik naman. May mga tindahan pa sa paligid. Mabuti na lang din tayong dalawa lang ang nagpunta. We can appreciate this place in peace. . ."

"Yeah, and uhm. . ."

"Hm?"

"Huh? Nothing. . . Let's go find somewhere else to sit. . ."

Naabutan nila na hindi karami ang tao sa paligid at halos lokal lamang ang mga nasisilayan nila. Kung may turista man ay hindi rin nagtatagal dahil wala masyadong gagawin bukod sa makita ng personal ang Balete Tree at tingnan ang paligid ng lugar.

"Mukhang marami naman pwedeng gawin dito," ani Alleah. "Kayo ba? No'ng bumisita kayo ng mga pinsan mo rito, ano pang ginawa niyo?"

"Wala," anito saka umiling. "Gusto lang talaga namin makita 'yon saka kami umalis. Medyo mainit kasi no'n. Nagpunta kaagad kami sa museo no'n kung saan namin kayo nakita. Mabilis lang naamn ang biyahe since halos hindi naman magkakalayo ang mga lugar dito sa Baler."

"Sabagay. I have a question for you though."

"Hmmm?"

"What if you will be given a chance na tumira dito sa Baler? Would you do it?"

Tumango ito nang walang pag-aalinlangan. "Yes. I think this place is beautiful. Wala naman sigurong hindi itatanggi 'yon. I could live a life here. Bakit mo naman natanong? May balak ka bang mag-stay o tumira dito in the future?"

Napakibit balikat naman si Alleah. "Pwede rin naman, but I'm sure I'll miss my city life. Sobrang peaceful dito at ang gaan lang ng pakiramdam kung saan ka pumunta. I also think I could live a life here. What if we should do it after graduation, 'no?"

Natawa naman si Mando. "That's a something to happen in the future, pero hindi natin kung sure kung anong mangyayari. Malay mo mas may iba pang lugar na destiny mo, 'di ba?"

"Hm. . . Siguro. . . If there's a place I could always fall in love with, ito na siguro ang Baler. 

"Baler would be lucky to have you," Mando said. "But what do you think would happen after this, Ley?"

"Hm. . . 'Di ba plano naman natin na pumunta ng Baguio."

"Yup, but I'm not still sure if everyone's good with the plan. I'm okay with it. I can hook us up with our relatives there so we can have a place to stay."

"That's good, pero for sure naman na hindi nila tatanggihan 'yon. After this trip, another school year looms around kaya suliti na natin habang may time pa tayo!"

He chuckled, nodding his head. "Yup, while we have time. . . Anyway, gusto mo na bang umalis? I think we've seen enough of the tree yet, but before we leave, we should leave some offering."

"Let's do it! Hanap na rin tayo ng makakainan after then maybe we can spend the rest of our afternoon there. . ."

Mando and Alleah went back to the tree and left some offerings there, but at the back of Mando's mind, leaving this place would only mean something, and hoping that she was ready for it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top