Chapter 2
"Oh gosh, nakahandalusay rin," usal ni Daia nang makahiga sa kama at i-extend ang braso at legs na para bang gumagawa pa ng snow angel. "Infairness naman, ang lambot ng mattress nila at ang bango pa ng kwarto. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina, I think we hit a jackpot sa acommodation natin."
"Ang judger mo naman kasi agad," saad ni Cara. "I really think we find the best one here in Baler. I-compare natin sa mga kalapit na five-star hotel, well, this Casa Casillas saved us a lot of money when we can have all of this naman in one place."
"Same! And oh my gosh, did you even see the infinity pool they have? Majestic!" tuwang-tuwa sabi pa ni Daia na may kasama pang paghalik sa daliri. "'Di ba, Ley?"
"Hm?" Alleah hummed, looking at both of them.
"Ano ba naman 'to parang wala sa sarili, e," walang prenong sabi ni Daia sa kaibigan. Hinagisan naman siya ni Cara ng unan sa mukha. "Biro lang!" Ngiti pa nito na may pagtaas ng kamay para sa peace sign.
"Ang tahimik mo kasi, Ley," pagpuna pa ni Cara. "Nakakapanibago. . . Alam ko naman kung bakit, pero 'wag mo na dalhin dito 'yong past niyo ni Mando sa totoo lang. Bilang kaibigan mo, ha? Mas masaya kung makita ka naming nakangiti at ine-enjoy ang ang bakasyon natin dito. Pagbalik natin ng Maynila, in a snap lang, balik klase na naman."
"I'm enjoying naman," tipid na sagot ni Alleah, pero hindi ramdam ni Daia at Cara 'yon.
"Okay, sige, tatanggapin na namin 'yan today," Daia said. "But we would expect to see you go wild for the rest of the vacation. Hindi naman 'yong totally na maging wild, ha?"
Alleah chuckled, nodding her head. "Gets ko naman. Thanks, guys for being so patient with me. . . Everyone knew naman na this was the first time na umalis tayong magkakaibigan na single ako. Mag-break muna kayo para naman may karamay ako?"
"Loka-loka ka, girl!" Halakhak pa ni Daia. "Pero don't worry, nandito naman kami. Kami ang ka-relationship mo for now."
"Sabi nga ng iba, summer-flings," dagdag pa ni Cara. "Anyway, magpahinga muna tayong tatlo dahil mamayang saglit lang ay lalabas tayo—'Yon ay kung tumila ang ulan. If hindi tumila, maybe we could just spend the day para magpahinga saka i-explore natin 'tong facilities ng hotel natin. Magulat kayo, may happy hour sila."
"OMG!" Napatayo si Daia sa kama at naglulundag. "OMG! I can't wait. This is the perfect place for us! I'm happy na natuloy talaga 'tong plano natin."
"Well, thanks to our parents who gave us the budget," sabi pa ni Alleah. Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon.
All the girls stayed in a room with three beds and a bathroom while the boys stayed in one room together with a bathroom. The plan is supposedly be shared by each couple, Dominique with Cara, Daia with Kenny, and Alleah by herself, but because they don't want Alleah to be left out, they all decided to divide themselves by gender which also costs them less than booking three rooms.
On the other hand, the boys got all their bags at the corner of their room while lying down freely on their beds. Sarap na sarap naman sa pagkakahiga si Kenny dahil sa ilang oras na pagda-drive mula Maynila hanggang Aurora ay ngayon lang siy nakahilata nang maayos.
"I don't think I would ever drive that long again my whole life," sabi pa nito. "Don't be a bitch to me, Dom. You'll be driving us back to Manila. Kailangan mo rin maranasan na mainis sa kung ano-anong direksyon ang ituturo sa 'yo."
"Oh, hell no," he said, shaking his head. "Alam ko na agad kung sinong makakasagutan ko, e."
Natawa na lamang si Kenny. "Well, she's your sister and you've known her for your whole life so you've already got used to her."
"Para namang ikaw hindi, e," banat pa ni Dom. "'Di bale, matagal-tagal pa naman 'yon. We've got a lot of time to relax and spend all the money. Ready na ako pumarty every night! Nabanggit nga ba ni Cara kung may bars na malapit dito?"
Napakibit balikat si Kenny. "Hindi ko matandaan, pero sinabi niya naman na kasama 'yon sa mga nilista niya. 'Wag ka ring mag-alala, nakita ko 'yong signage nila kanina. May happy hour sila at mukhang maganda ang ambiance ng bar area nila."
"Why don't we check it out?" suhestiyon ni Dom. "Tara na! Habang wala pa 'yong girls."
"Sure? Baka naman maghanap sa 'tin 'yong mga 'yon, e," tugon ni Kenny, pero iling lang din ang isinagot ng kaibigan. Bumangon din naman ito sa pagkakahiga niya sa kama. "Tara na nga. Tingnan natin. Maulan nga lang, e. Ayoko pa naman mabasa."
"Sus! Ang arte naman nito," angal pa ni Dom. "Iwanan kita riyan, e."
Naglakad na patungo si Dom sa pinto saka siya sinundan ni Kenny. Tahimik namang naglakad palayo ang dalawa dahil katabi lang din nila ang kwarto ng mga babae. Ang nasa isip ni Dom ay para silang nasa escape room kung saan tinakasan nilang mahuli ng mga masasamang tao. He was obviously making fun of the situation in his head while Kenny was worried they might end up on bad note to the girls.
May mga puno-puno sa paligid. Parang isang malaking garden kung iisipin ni Kenny. Dahil maulan din ay ginagawa nilang suungan ang mga magkakalapit na puno hangga't sa marating nila ang open bar area. Lumaki ang ngiti ni Dom at kinuskos ang mga palad sa pananabik nang marating ang bar counter.
"Look." Tinuro ni Kenny ang card board kung saan nakalista ang oras ng happy hour ng bar. "Mamayang alas y cinco pa. Matagal pa 'yan. Inom na inom ka na ba?"
Umiling naman si Dom. "Hindi pa naman! Gusto mo bang uminom?"
"Pwede rin naman," sagot ni Kenny. "Sure! Why not. Let's just get a bottle of beer. Okay na siguro 'yon na muna."
"Yes, that's fine for me!" Tumungo si Dom sa bar counter at tinawag ang atensyon ng bartender. "Kuya, can I have two light beers, please?"
"Sure thing! New guests?" tanong ng bartender sa kanila. Tumango naman si Dominique. "We've got free drinks for our guests. Do you want to get that instead?"
Nagkatinginan ang dalawa at nag-usap sa paningin. Umiling din si Kenny.
"We'll get the beers for now," sagot ni Dominque. "We'll get those free drinks when our friends join us."
"No worries! It'll be right up, sir."
Mabilis namang kinuha ng bartender ang dalawang bote ng light beer at pinalibutan iyon ng tissue saka inabot sa kanila. Both hit the bottles together to cheers. Dominique swallowed like he was drinking water and Kenny laughed at him.
"'Wag ka magpapakita sa kapatid mo na ganyan uminom!" Tawa pa ni Kenny.
"Sus! Hayaan mo siya. Mas malakas nga 'yon uminom sa akin. Oh, 'wag mong itanggi 'yon." Hindi umangal si Kenny at uminom na lang sa beer niya bilang pagsang-ayon din. "Let's find a table. Kung huminto lang 'tong ulan pwede tayong bumaba ro'n sa beach side, e."
"Marami pa namang araw na pwedeng gawin," ani Kenny. "Magpahinga na lang muna, and get some beers. Cheers!"
Muling ipinagtama ng dalawa ng bote ng beer. Inikot naman ni Dominique ang paningin niya sa paligid ng hotel. Hindi naman siya maarte pagdating sa tutuluyan, pero sa tingin niyo ay maganda talaga ang lugar na napili nila. Hindi niya sigurado kung ang services nila ay mame-maintain sa mga susunod na araw, pero sa ngayon ay sapat na sa kanya ang beer at pa-free drinks nila.
"Do you wish to be somewhere else right now?" tanong ni Kenny. Napakunot naman ng noo si Dominique. "I mean, marami namang ibang lugar na pwedeng puntahan. Boracay, Palawan, Siargao, 'di ba? Nasa plano natin na mag-Siargao talaga kasi kakaiba ang night life ro'n."
"I wish na nasa Siargao tayo," ani Dom na may kasamang pagtango. "But I've heard na mas okay mag-Siargao ang mga single. Maraming makaka-meet o kung ano man ang gusto nilang gawin sa buhay. Maybe next time, 'di ba? O kaya mag out of the country na tayo."
"Mas gusto ko rin mag-out of the country. Kung wala nga lang visa sa Australia, lumalangoy na siguro ako sa ngayon sa Bondi Beach."
"Loko ka!" Natatawang usal ni Dom. "Baka palitan mo na rin 'yong mga life guard do'n, e."
"Tingnan mo ro'n!" Tinuro ni Kenny ang isang tao na naglalakad sa tabing dagat. "Uumulan tapos nando'n? May aso pa siyang kasama."
"Mukhang foreigner, e," komento naman ni Dominique. "Alam mo naman mga foreigner, ma-extreme rin sa buhay. Kung dito 'yan nagi-stay, kaibiganin natin baka i-libre pa tayo ng beer."
"Parang pamilyar nga, e," ani Kenny. "Pero hindi ko sure. Hindi ko naman kasi maaninag kung anong hitsura sa malayuan. Sana nga hindi naligaw 'yong foreigner na nagtanong samin ni Ley kanina. Baka sisihin pa kami na niligaw namin siya."
"Bakit niyo pa kasi niligaw? Baka ka-meant to be na ni Ley 'yon, e," banat pa ni Dom. "Speaking of Ley, pansin ko talaga ang lungkot no'n. Tawagan kaya natin si Mando tapos papuntahin natin dito?"
Nagsalubong ang kilay ni Kenny sa suggestion ni Dom. Hindi niya sigurado kung magandang plano ba 'yong naisip niya dahil alam naman nila kung paano naghiwalay ang dalawa. Inilabas pa ni Dom ang kanyang phone at akmang tatawagan na ang kaibigan.
"'Wag na lang, bro," sabi pa ni Kenny. "Hayaan na lang muna natin mag-adjust si Ley."
"Okay, sabi mo, e," ani Dom saka ibinalik sa bulsa ang phone. "Kung hindi lang din kasi 'yon naging busy rin, kasama siguro natin ngayon. Pero depende pa rin."
"Depende nga," pagsang-ayon ni Kenny. "Nandiyan naman sina Daia at Cara para samahan siya. If Alleah and Armand always lead our group to any activities we do, ngayon tayo naman muna ang mangunguna at hayaan nating mag-step back ang girls. Stay put lang sila ro'n."
"'Wag mo lang sasabihin sa kanila 'yan, tingnan mo magagalit 'yong mga 'yon."
"Well, ano bang magagawa ko?" ani Dom sabay inom sa kanyang beer.
Nanatili ang dalawa sa bar area at saka inubos ang kanilang mga beer. Sakto ring tumila ang ulan. Magbabalak pa sanang bumaba ang dalawa para tingnan kung nasaan na 'yong lalaking foreigner na naglalakad sa may tabing dagat nang marinig nila ang mga boses ng mga kaibigan. Agad nilang isinauli ang bote ng beer sa counter at inabutan ni Dom si Kenny ng mint candy para maalis ang amoy ng beer sa hininga nila.
Tumahimik ang dalawa at mistulang umakto na parang walang nangyari. Nang makita ng tatlo ang dalawa na nakaupo sa isang table sa bar area, sumigaw si Daia na siyang ikinahiya naman ni Dom dahil sa sobrang lakas ng boses.
"Para ka namang nasa bahay lang," sabi ni Dom sa kapatid. "Pwede bang huminahon ka naman saglit?"
Inirapan naman siya ng kapatid nito at hindi na lang sinagot.
Saglit lang din nang dumating ang babaeng na-meet nila kanina na napag-alaman nilang anak ng may-ari ng hotel. Magaan ang loob ni Morriah nang makita ang grupo ng magkakaibigan na nag-check in sa kanilang hotel. Hindi niya mawari, pero sa tingin niya ay hindi gagawa ng mga bagay na ikasisira ng hotel.
They seemed fun to get along with. Sana all may friendship na long-lasting. . . sa isip ni Morriah.
Kanya namang nilapitan ang magkakaibigan. "Hey, guys! How are you guys settling in? Okay naman ba ang rooms niyo or do you need something else?"
All said in chorus, "Okay naman." That made Morriah feel better.
Nagtaas naman ng kamay si Daia. "May request lang ako. Isa lang naman."
"Yes, sure. What is it?" tanong pa ni Morriah.
"Do you still have any spare pillows for our room? Tag-iisa kami need pa ng unan. Kayo rin ba boys?" tanong ni Daia sa kanila at tumago naman ang mga ito. "If we could have five more pillows, that would be great. Tatlo sa room namin at dalawa sa room ng boys."
"Sure thing! I will get that ready, but before that, we have some special free drinks for you guys," anunsyo pa nito. "Come here with me and grab your free drinks. These are Piña Colada, one of our best-selling cocktails. I hope you enjoy and have fun!"
Kenny and Dom felt so relieved that they hadn't taken their free drinks yet and all grabbed their glasses while Morriah left them to attend to their requests.
"Everyone," pagtawag ni Cara sa atensyon ng lahat. "Let this be our best vacation yet, so please, walang magiging KJ, alright?"
"Yes! Let's cheers to that!" pagsang-ayon ni Daia at kanilang ipinagtama sa isa't isa ang hawak na baso at ininom ang kanilang free drinks.
Although it seemed like everything was fun for them, Morriah reminded her of someone else when all these foreigner-looking guests arrived at their hotel, and what would happen next? She doesn't know, but surely, she'll give them the best experience in Baler.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top