Chapter 1

After almost seven hours on the road, they've finally reached their destination—Baler, Aurora.

After months of planning and discussing where to go next, they've finally made it happen after all the struggles and misunderstandings that came along the way. Ang dami ba namang plano na ibinasura, binago, at hinayaan para lang matuloy ang pagsasama-sama matapos ang ilang taong hindi natutuloy dahil sa adulting life.

Sabik na sabik ang magkakaibigan nang marating ang kanilang destinasyon. Sino ba namang hindi kung muntik nang mapurnada ang plano nila? Kung iniisip nila na hanggang drawing lang lahat sa GC ang lahat, ngayon ay naging totoo na at wala nang atrasan pa.

"Oh, malayo ang Maynila para umuwi dahil lang bad trip, ha?" pangunguna ni Daia. Inungkat niya ang usaping iyon dahil sa mga nakaraang bakasyon nila na nauwi sa tampuhan.

"Okay, hindi na mauulit 'yon, 'di ba, Dominique?" sabi pa ni Cara.

"Sabi na, e. Ako talaga pinariringgan niyo, e." Ngisi pa ni Dom. "Ako na naman nakita niyo, 'no? Lagi na lang ako."

"Tama na 'yan, bro. Nagtatampo ka na naman, e," sabi pa ni Kenny sa kanya. "Pwede naman na siguro tayong pumunta ro'n sa hotel natin? Maaga pa rin para mag-check-in, pero siguro pwede namang tumambay ro'n sa lobby nila. Nakakatamad kung nandito lang tayo, e."

"I agree to my babe," pagsang-ayon pa ni Daia. "This would be a month of vacation we won't forget!"

"Sana all," komento pa ni Dom. 

"Sana all nga!" sabi pa ni Cara. "Saka sana mahanapan natin ng jowa 'tong si Alleah."

Sabay-sabay silang lumingon kay Alleah na siyang nagpataas sa kilay niya. "Hala? Nadamay na naman ako? Nananahimik ako, oh?"

Napahagikgik naman si Daia. "Tama si Cara. We will find you someone special on this island. Let go of the bad memories na. I-set aside mo muna 'yang past mo at tandaan mo na nandito kami para sa 'yo."

"Masaya siguro kung nandito 'yon si Mando, panigu—" Natigil sa pagsasalita si Dom nang paluin siya ng kapatid nito. Takang-taka naman 'to dahil nagulat siya nang hampasin siya sa balikat niya.

"Makiramdam, okay?" sabi pa ni Daia sabay irap sa kapatid.

"E, ano naman kung banggitin ko pangalan ni Armand?" bwelta pa ni Dom. "E, kaibigan naman natin 'to. Okay, I get it na ex-boyfriend 'yon ni Alleah, but we've all shared a lot of moments! Lalo na no'ng nag Puerto Galera tayo at Boracay! Siya nagplano no'n lahat, e. Kaya nga hindi nain matuloy-tuloy ang—" Dom was cut off again and this time, Daia put her hand over his mouth to shut him off.

Napabitaw naman nang malalim na buntonghininga si Alleah. "Alam ko naman. . . Kung siya nagplano nitong Baler natin, nakalatag na lahat ng itinerary natin."

Nanahimik ang lahat sa sagot ni Alleah. Muling binantaan ni Daia ang kapatid sa isang matalim na tingin. Alam nilang hindi dapat sasama si Alleah dahil sa recent break up nito kay Mando, pero dahil ayaw niyang maging KJ ay pinilit nitong sumama. Ang nag-iisang request lang niya ay 'wag na 'wag pag-uusapan ang nangyari sa kanila ni Mando, pero ito sila ngayon, pinangungunahan ang usaping iyon.

"Everyone, get your asses out of this car! Let's go and have the best fucking vacation of our lives," saad ni Cara dahilan para mapuno ng sigawan ang loob ng sasakyan. Napatakip na lamang ng tainga si Alleah sa ingay ng mga ito.

Isa-isang bumaba ang mga ito. Binuksan ni Dom ang trunk ng sasakyan kung saan kinuha nila ang mga maletang dala-dala. Para sa isang buwan stay sa Baler, halos dalhin na nila ang lahat ng kagamitan sa bakasyon na 'to. Tinulungan ng dalawang lalaki ang tatlong kaibigang babae na bitbitin ang mga backpack nila habang hatak ng mga kababaihan ang mga twenty-four inch na maleta.

"Sa isang buwan natin dito sa Baler, sana hinanda niyo rin ang sarili at mga pera niyo, ha?" pagpapaalala ni Daia. "Mabuti na lang tapos na ang pagdurusa sa school kaya bakasyon all the way na tayo!"

"'Yon nga, e. May bakasyon naman, pero ngayon lang natin 'to natuloy?" sabat pa ni Dom.

"Ang epal mo talaga, kuya. Kausap ba kita?"

Napasinghal si Dominique. "E, sino bang kinakausap mo? Kaming apat, 'di ba?"

"Silang tatlo lang. Hindi ka kasali ro'n," paliwanag pa ng kapatid nito. "Anyway, since lahat naman ay nag-agree sa one-month vacation natin dito, walang bigla-biglang magsasabi na gusto nang umuwi nang Maynila? Kotong malala."

"Alam mo Day, chill ka lang," sabi pa ni Cara. "This is the time for all of us na iwanan ang stress ng city. This place should be our haven and all. Nakalista na naman ang lahat ng gagawin natin at posibleng mapuntahan."

"Sa thirty days?" taka pang tanong ni Kenny. "Ano 'yon wala tayong pahinga?"

"Syempre meron naman!" sagot pa ni Cara. "What I mean is, Kenny, listen to me. I've listed all the possible things we could do, and yes that's starting today until the end of our trip. Para naman hindi tao bakante at hindi masayadong ang bakasyon natin. Ano 'yon, we're just spending money to stay sa hotel? Like, no way!"

"Okay, okay, kalma ka lang," sabi ni Kenny habang itinaas ang kamay kay Cara na para bang inilalayo nito ang sarili sa kaibigan. "Nagtatanong lang naman ako. Masyado ka namang trigger, e."

"Pagsabihan mo nga 'tong jowa mo, Day," sabi ni Cara.

Natawa na lang din si Daia sa kanya. "Oh, it's the first day of our trip and I know marami pang mangyayari. 'Di ba, Ley?"

"Hmm?" Alleah hummed, saka lang nagproseso sa kanya ang sinabi ng kaibigan. "Ah, yes. . . You're right. We also have to expect less because if we assume too much of what will happen in this trip, baka hindi maging worth it para sa akin. I'm happy na nakasama ako ngayon. . . And I'm hope I'm not ruining everything. . ."

"Oh, no, no! Hindi 'no, Ley," ani Cara. "We're happy na nakasama ka namin ngayon kaya nga we'll make this vacation worthwhile. Alisin ang negativity at punuin ng positivity ang life. I think that's the key to having a wonderful vacation lalo na't nandito tayo sa Sanctuary of Nature's Splendor."

Ngiti na lang din naman ang naging tugon ni Alleah sa kaibigan.

Pinangunahan naman ni Daia ang pagpunta nila sa kanilang hotel na nangangalang Casa Casillas. Marami silang pinagbotohan na mga hotel and resort, pero ito ang napili nila dahil bukod sa mababa ang rate per room ay ten minutes lang din ang layo sa beach front. May mga ino-offer din sila na wala ang ibang resort kaya mas pinili nilang mag-book ng isang buwan. Sinuggest pa ni Dominique na hatiin ang pag-book at sa ibang hotel, pero sa huli ay nagwagi ang desisyon ng mga babae dahil sa swimming pool na meron ang hotel.

"Ayun na!" Pagturo ni Dom nang matanaw ang signage ng hotel. "Let's get it on! Gusto ko nang humiga."

"Wow naman! Nahiya naman akong ma-drive ng ilang oras," banat pa ni Kenny.

"E, bro, sabi mo naman kasi kaya mo na mag-drive from Manila to Baler kaya hinayaan na kita," sagot ni Dom.

"Basta ikaw pauwi, a."

"Kung may uuwi," sabi pa ni Cara na dahilan para lingunin ng dalawa. "Joke lang! Hindi naman kayo mabiro, 'no? Hindi ko lang alam kung may curse ang Baler katulad no'ng sa Siargao. Bakit nga ba hindi na lang Siargao ang pinuntahan natin? I've seen a lot of good things naman do'n."

"Wala namang marunong mag-surf sa 'tin," sabi pa ni Dom.

"Si Mando!" pagpunto ni Kenny na may pagturo pa kay Alleah. "Marunong 'yon, 'di ba? Madalas kayong magpunta no'n sa La Union, 'di ba, Ley?"

Napangiwi si Alleah at saka tumango para kompirmahin ito. Doon lang din na-realize ni Kenny na ikinailing ng ulo ni Daia. 

"'Di bale, next time na lang natin pagplanuhin 'yon. Pwede rin naman tayo mag-isang buwan do'n. I've seen a lot of videos there lalo na 'yong mga nightly party! Oh, boy! Gusto ko no'n."

"Baka meron naman din dito 'yon," sabi ni Daia. "For sure may nilista 'yan si Cara. She discussed naman sa atin a few days ago 'yong mga tourist spot dito. Later na lang din natin pag-usapan ang. . . Wait, umaambon ba?"

Sabay-sabay na tumingala ang lima at pinakiramdam ang bawat patak ng ulan sa balat nila. Nang unti-unting bumuhos ang ulan ay kumaripas ng takbo ang lima papunta sa kanilang acommdation. Halos kinaya na ng dalawang lalaki ang pagbuhat ang mga back pack na bitbit habang nagkandarapa na ang tatlo marating lang ang masisilungan sa hotel.

"Grabe naman?! Ang malas naman," busal ni Daia. "Kung kailan kakarating lang natin dito, saka naman bumuhos ang ulan?"

"E, may balat ka sa pwet, 'di ba?" sabi pa ni Dominique sa kanya. Inirapan lang siya nito. "O, 'di ba? Check mo ngayon 'yong pwet mo. Balot na balot ng balat. Kulang na lang maging pwet 'yong mukha mo."

"Nakakainis ka, kuya!" panggigigil ni Daia. Kulang na lang ay bugbugin nito ang kapatid niya.

"Awat na, guys," pagpigil ni Kenny sa magkapatid.

"Hello!" Sabay-sabay namang napatingin ang lima sa babaeng umagaw ng atensyon nila. Nakita nila ang isang babaeng nakasuot ng yellow na dress na may logo ng resort na kanilang tinutuluyan. "Are you guys checking in today sa Casa Casillas?"

"Yes, we are po," sagot ni Daia.

"Great! I'm excited to have you today. Please join us in the lobby because the check-in schedule will be one in the afternoon. I hope you can still wait."

"We can wait naman po. . . It was so bad lang po na umulan pa."

Pinatuloy nito ang mga guest sa loob ng lobby. Mula sa nagtataasang high-rise building sa Manila, ang hotel na kanilang tinutuluyan ay ibang-iba mula sa nakasayanan. Gawa sa kawayan ang ibang pasilidad at ang ilang kwarto ay gawa sa kubo. Minamata naman ni Daia ang paligid dahil mukhang hindi niya gusto ang appeal ng hotel in person. Siniko na lamang siya ni Cara para 'wag ito umabot sa pagtataray.

Naka-settle ang lima sa lobby ng hotel kung saan may mga couch para sa guest na magche-check-in.

"This is what we paid for. . ." halos pabulong pang sabi ni Daia.

"I think this is nice," sabi pa ni Cara. "Let's not underestimate it for now. . ."

"Are you okay, guys?" tanong pa ng babaeng nag-assist sa kanila. "We will check if your rooms will be available to check you all in. By the way, I'm Morriah Casillas."

"Omg! Casillas? Casa Casillas? So, you owned this hotel?" gulat na tanong ni Cara.

"This is a family-owned hotel, but I managed it," sagot ni Morriah. "Where did you guys come from?"

"Manila!" sagot ni Kenny. "We're all around Manila."

"Oh, I see! I've been there a few months ago and was about to settle there, but I guess my life is here in Baler. I hope you will enjoy your stay here at the Casa Casillas. We're glad to have you as our guests. . . I will be back, okay? We will let you know soon. . ."

Nang umalis si Morriah ay nag-usap ang lima na hindi nila inaakala na makakausap pa nila ang may-ari ng hotel na tinutuluyan nila. Ramdam ni Daia ang hiya niya. Mabuti na lang ay hindi siya nagmaldita kung hindi ay magiging masama ang reception ng hotel management sa kanilang lima.

"Oo nga pala, naalala ko lang. . ." panimula ni Dom. "Ano ulit 'yong nangyari kanina sa gas station?"

"Wala lang 'yon," sagot ni Kenny. "May tinanong lang sa amin kung saan daw kami papunta."

"Sinabi niyo naman ba kung saan?" tanong ni Cara.

Umiling si Kenny sa tanong ng kaibigan.

"Nagtanong lang 'yong foreigner. Feeling ko nawawala rin 'yon, e," sabi pa ni Alleah. "Hindi naman nagpakilala. . . Pero naka-motor siya."

"Okay, baka he's the one for you na, girl!" pang-aasar pa ni Daia sa kaibigan. "Sa 'yo na mismo lumapit. Sana mahanap ulit natin 'yon. That's it, Ley. Siya na talaga 'yong para sa 'yo."

Natawang iiling-iling si Alleah. "No, I don't think so. . . Saka I don't think na magka-age kami? Medyo mature look na siya for me, e."

"Age doesn't matter, girl!" sabi ni Cara. "Tingnan mo 'tong si Dom."

"Grabe ka naman sa 'kin, babe. Two years lang din naman ang gap nating dalawa," nasasaktang tugon ni Dom. "Pero okay lang, basta sa 'yo lang ako."

"Yuck," utas ni Daia. "Anyway, what's the plan for the first day, Car?"

"Oooh, let me check. . ." Tiningnan ni Cara sa kanyang phone ang itinerary na ginawa nito. "Arlight! The first thing we need to do is mag-check-in at magpahinga."

"Boring," sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"Wala na bang iba?"

Kakaibang ngiti ang lumabas sa labi ni Cara. "Well, you will find it out later because from here and now, we'll be wild and free. . ."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top