Nagmamahal, Cess
[January 31, 2022 - March 31, 2022]
after 2 months... balang araw is now officially ended!
maraming salamat sa dalawang buwang pagsama at pananatili sa akin, balang araw. hindi ko akalaing ganito pala magiging kasakit ang kwento na ito. from the start, madilim na ang mundo ni felicia at hanggang wakas din pala. <//3
sobrang daming luha ang ibinuhos ko sa istoryang ito. simula nang mawala si nay anchita, si hilaria, ang magkakapatid na de vera, at sa lahat-lahat na. sobrang nalulungkot ako para sa kinahinatnan ni fe and enrique na natagpuan nila sa iba. nagwakas si enrique kay assunta habang si felicia naman ay sa pagiging madre :'((
ito na rin marahil ang pinakamasakit na story na nagawa ko. kung paano isa-isang nawala ang lahat kay felicia at sa huli ay nabuhay siya nang mag-isa. nawala sa kaniya ang kaniyang mga anak at sa huli, si enrique. may sasakit pa kaya rito? T^T
grabe 'yong impact sa akin ng story, hanggang ngayon nga naluluha pa rin ako huhu. kay dami ring kanta ang bumuo sa istoryang ito tulad na lamang ng sana by ibttz, bawat piyesa by munimuni, ereplanong papel by december avenue, somewhere only we know by keane, at iba pa.
sana by i belong to the zoo ang napili kong theme song ng balang araw dahil dito rin naman ito nagsimula. iyong last scene sa kabanata 2, sa kantang ito nagsimula 'yong scene na iyon at nabuo na nga ang plot ng balang araw after. ang aking 'sana' para kay fe at enrique ay sana, sinabi nila ang kanilang mga saloobin sa isa't isa at hindi itinago dahil iyon ang naging dahilan upang una pa lang ay mawala na ang tiwala nila sa isa't isa.
share ko rin sa inyo na sanya dapat ang name ni felicia pero nagbago ang isip ko habang binubuo ang mga names ng familia de vera. sa huli ay ginawa ko na lang sanya ang name niya sa kaniyang bagong mundo sa maynila. binuo ko rin ang names ng pamilya de vera alphabetically;
E - enrique
F - felicia
G - gael
H - hilario
I - isla
J - josefa & josiah
ibig ko namang magpasalamat sa iyo, aking alon. maraming salamat sa pagbabasa ng balang araw. salamat sa iyong suporta at pagmamahal, napakahalaga niyon sa akin. mahal kita! <3
thank you so much din po, Lord! salamat sa paggabay sa akin habang sinusulat ko ang balang araw. ang buong akala ko'y hindi ko na ito matatapos sa march 31 pero thankfully, natapos ko pa rin siya ngayon huhu. maraming salamat sa inyong lahat! ikaw ang alon na patuloy kong babalikan, magbago man ang lahat.
ngayo'y nagpapaalam na ang pamilya de vera. masakit man ngunit tuluyan ko nang tatapusin ang kwentong naging malaking bahagi sa aking puso. nagpapaalam na si enrique, felicia, gael, hilario, isla, at lahat ng karakter na nabuhay sa loob ng kwentong ito. maraming salamat at paalam! <3
nagmamahal,
cess.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top