One Shot

Nakakalumbabang nakatingin ako sa labas ng coffee shop. Wala pang masyadong costumer dahil kakabukas lang namin.

"Lea pakisabi sa boss natin na uuwi muna ako"napaatras ako dahil sa biglang paglapit ng mukha ni Yesha sa akin. Bahagya ko siyang naitulak na kinatawa niya.

"Kakabukas lang natin ah"dinilaan niya ako at nagcross arms.

"Di na talaga kita bestfriend, I cannot believe you forgot"nagtatampo niyang sambit sakin. Luh anyare dito?

"Nakalimutan ko ang alin?"true wala akong maalala dahil sa marami din akong iniisip kaya kung ano man yun ay nakalimutan ko na.

"I hate you"sabay pout, she's cute whenever she doing pouted.

"Oh please Yesha just spill it"sabay irap ko sakanya pero agad ko din siyang nginitian.

"I hate you hundred times, it's april 17 my birthday"napahawak ako sa bibig ko at lumapit sakanya pero umatras siya sakin.

"Oh my, sorry I forgot"

"Bahala ka"saka siya lumabas ng coffee shop hahabulin ko sana siya pero tinawag na ako ng boss namin. Napa buntong hininga nalang ako saka lumapit sa boss namin.

"Maaga tayong magsasara, mga 5:30"tumango ako at nginitian naman ako ng boss namin.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

From:Lea

I hate you bestfriend, but I have no choice your invited to my party, you're always be. Siguraduhin mo lang na babawi ka sakin. Sumabay kana sa mga kasama natin invited din sila, Babush love you.

Hindi na ako nagreply dahil nagkatupak ang phone ko, isesend ko na dapat ang 'ok' kaso tinupak ang lintek kaya hindi ako nakapagreply. Napangiti nalang ako hindi talaga ako matitiis ng bestfriend ko. Bumalik na ako sa pwesto ko dahil may pumasok na costumer. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Ang gwapo, oh my ang puti, matangkad, matangos, ang kinis basta handsome kung handsome.

"Ice macchiato miss"

"130 po"nagbigay siya sakin ng 150 kaya sinuklian ko siya 20 pesos. Sinabi ko kay Drea ang order nitong mister pogi.

"Just wait 5 minutes po we'll serve your order"tumango siya at umupo sa malapit na mesa. Ilang saglit pa ay binigay na ni Freska ang order ni pogi, nagpacute pa si Freska pero parang nadidiring tumingin sa kanya si kuyang pogi.

Pagkalapit sakin ni Freska sinimangutan niya ako.

"Mataray ang peg ni kuyang pogi"natatawang sabi niya kaya natawa din ako. Napatingin ulit ako kay pogi na nakapandekwatrong nakaupo at nakataas ang isang darili na nakahawak sa kanyang macchiato. I think na crush at first sight ata ako.

Nawala lang ang atensyon ko kay pogi ng magsipasukan na ang mga costumer, padami na ng padami kaya hindi na kami nakapagkwentuhang magkakasama. Nakakapagod pero agad ding nawala ang pagod ko ng lumapit sakin si pogi at umorder ulit ng ice macchiato take out naman ito.

Kaya umorder yan dahil nasarapan may halong pagmamahal ko kasi. Ay cashier lang pala ako. Haha.

Lumabas na siya kaya napangiti ako ng matamis, pogi niya, gusto kong tumili pero mapapagalitan ako ng boss namin. Basta 'waaaaaah' perpekto ng mukha, sana pala tinanong ko pangalan niya sayang. Bumalik ako sa realidad ng biglang kumalabog ang gamit sa harapan ko.

"Kanina pa ako umorder tulala ka dyan! Asan ba ang manager niyo irereklamo kita!"singhal sakin ng babae na medyo may edad na.

"Sorry po sorry po pasensya na po, maari niyo po bang ulitin ang order niyo"magalang kong sabi, nakakahiya naman oh, buset. Sinabi na ng babae ang order niya at kagaya kanina sinabi ko ito kay Drea at si Freska naman ang nagbigay ng order o minsan ang dalawa niya pang kasamang tagaserve.

"Bat ka ba natulala?"lumapit sakin si Drea dahil wala pa namang costumer busy pa sa mga pagkain nila.

"Wala lang natulala kasi ako dahil iniisip ko kung ano kayang pangalan nung lalaking gwapo kanina"animong kinikilig na sabi ko sakanya, tumingin naman siya sakin na parang nandidiri.

"Crush mo kaagad?"nahihiya akong tumango.

"Tsk tsk tsk oh sige goodluck nalang"natatawa niyang sabi na pinagtaka ko saka bakit niya ko sinabihan ng goodluck hindi naman ako susugod sa gera.

Makalipas ang 5:25 ay sinara na namin ang coffee shop kahit may nagpupumilit pang pumasok.

"May regalo ka kay Yesha?"biglang tanong ni Freska. Shit oo nga pala wala talaga akong kwenta, nakalimutan ko na ngang birthday niya ngayon tapos mukhang wala pa akong balak na bigyan siya ng regalo.

"Ikaw meron?"tumango siya at tinuro ang kanyang bag.

"Daan muna tayo sa mall bibili lang ako"tumango siya at lumapit kay boss saka sinabi na dumaan muna kami sa mall.

5 minutes later nakarating na kami sa isang mall, humiwalay na muna ako sa kanila para makahanap ako ng pang-gift sa bestfriend ko. Lumingon lingon ako sa paligid hanggang sa ang makita ko ay si kuyang pogi mukhang papasok ata sa isang jewelry shop dahil sa may kung anong kilig ang naramdaman ko sumunod ako sa kanya, hindi ako nag papahalata na sinusundan ko siya, kanino niya kaya ibibigay ang bibilhin niya, sa akin ba? .Biglang nagvibrate ang phone ko kaya medyo nagulat ako at napatingin sakin si pogi pinagkunutan niya ako ng noo kaya naglakad ako palayo sakanya, baka napaghalataan niya ako.

From:Freska

Where are you?

To:Freska

Wait lang pabalik na ako

Nilagay ko na ang phone ko sa bulsa saka kinuha ang napili kong necklace. Pumunta na kaagad ako sa cashier at binayadan ang binili ko saka nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Ang tagal mo"nakakunot na tanong ni Drea, nginitian ko lang siya ng malapad at sumakay na sa kotse.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ni Yesha doon sa likod ng bahay nila gaganapin ang venue, malaki naman kasi ang bakuran nila at maaliwalas. Nakakahiya man ay dumeretso parin kami dahil lahat ng bisita ay pawang mga nakasuot ng pormal suit at kami eto nakapantalon at simpleng plain colored t-shirt. Mabuti nalang kahit papaano nakapagmake-up naman ako sa byahe. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero agad ding babalik sa ginagawa nila.

"Leaaa!"napangiti naman ako ng marinig ang matinis na boses na iyon. Napakahilig niyang sumigaw mapaprivate man o public ang lugar, wala kasing pinipili ang bibig at walang pakialam kung pagtinginan siya. Lalo na ngayon mas may karapatan siya dahil kaarawan niya ngayon. Sinalubong ko siya ng yakap at sinabihan ng HAPPY BIRTHDAY.

"Where's my gift?"nakanguso niyang tanong sakin habang nakalahad ang kamay, napangiiti naman ako at kinuha ang maliit na box sa bulsa at binigay sakanya.

"What is this? A engagement ring?"

"Loko"

"Thank you bestfriend"bumaling naman siya sa mga kaibigan namin.Binati siya ng lahat at binigay din ang mga regalo na dala-dala nila.

"Tara dun tayo sa mesa natin"aya niya kaya tumango kami.

"May ipapakilala ako sayo pero huwag kang mafofall ha"kumindat siya saka nagpaunang maglakad, napailing nalang ako at nagtuloy sa pagsunod sakanya.

Nang makarating na kami sa unahan kung saan naandun ang mesa namin meron ng nakaupo na dalawang lalaki naglalandian.

"Cous"tawag ni Yesha sa isang lalaki. Humarap yun lalaki na kinabagal ng ikot ng mundo ko.

WTH mababaliw ako grabe mababaliw talaga ako. Gusto kong manapak gusto kong manampal, mansabunot basta gusto kong manakit at nakakahiya talaga. Lumingon ako kay Drea na tatawa-tawang nakatingin sakin sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.

"I told you goodluck"

"Whatever Drea"humarap ulit ako sa dalawang lalaki na naglalandian sa harap namin gusto kong masuka pero wala pa naman akong kinakain.

"Guys this is my cousin Briz"

"Briz sila ang mga kaibigan ko slash katrabaho"

"Hi"sabi ng mga kasamahan ko pero ako ay nakatulala at nakatingin sa lalaki.

"Guys ito naman ang boyfriend niya"sabay turo sa lalaki na katabi ni pogi.

Yes si pogi may boyfriend, my god. Sayang! Akin lang yan eh!

"We meet again"baling niya sakin at nginitian ako.

"Ha oo nga"wala akong salita na mailabas sa bibig ko maliban sa ah eh ih oh uh haha.



********************

Ahm yang one shot na iyan ay medyo totoo dahil nangyari sakin yan nung grade 6 ako, gwapo yung lalaki pero biglang kumembot boom haha.

VOTE,COMMENT,FOLLOW

--Hindi lahat ng gwapo hanap ay maganda yung iba kasing pogi nila ang hinahanap.

--Huwag magpalinglang sa nakakakilig na ngiti baka ang lalaking nasa likod mo ang nginingitian nito.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top