1

"Lola, bakit po umuulan kahit may araw naman?" tanong ng anim na taong gulang na si Ayella, habang nakaturo sa labas ng balkonahe kung nasaan naroon sila ng kaniyang lola.

Natawa na lamang ang matanda sa tinuran ng apo. Nakikita niya kasi ang sarili niya kay Ayella . Minsan na rin niya kasi naitanong ang katanungang iyon sa kaniyang ina.

"Gusto mo bang makarinig ng kwento apo?"

"Opo lola! Gusto ko ng mga kwento!"

Mahinang natawa si Lola Omillia bago hinarap ang apo.

"Dadalhin kita apo sa isang napakagandang lugar, kung saan lahat ng katanungan mo ay bibigyan kong linaw," kasabay ng pagpikit ng nga mata ng matanda ay biglang pagbabago ng kapaligiran. Kung kanina nakaupo si Ayella sa maliit na couch, ngayon naman ay nabigla siya ng makitang nakaupo na siya sa isang batuhan, habang may isang malaking tila isang telebisyon ang ngayoy nakatunghay sa kanilang mag- lola.

"Sisimulan ko na, ikaw ay makinig ng mabuti apo."

"Noong unang panahon..."

Habang abala ang mga magulang ni Milliana ay palihim itong tumakas sa paningin ng kaniyang mga magulang. Nais kasi niyang maglaro sa kagubatan, sa likod ng kanilang bahay. Malayo sa kabahayan ang kinatitirikan ng kanilang mansyon, ngunit hindi ito naging hadlang upang mainip di Milliana.

Para sa kaniya, sapat na ang kagubatan bilang kaniyang palaruan. Hindi naman nakakatakot sa gubat na iyon, sapagkat wala pang ni isang balita na may mga naninirahang engkanto sa kagubatan. Bagkus itinuturing pa nga itong swerte, sapagkat sino mang pumasok sa gubat ay lumalabas ng may hitik na pagkaing dala, kaya ang gubat ang nagsilbing poon ng mga taga-nayon ng Hermania.

Nang makitang hindi nakatingin ang mga magulang ay mabilis na nagtatakbo si Milliana sa kagubatan. Mabilis niyang pinuntuhan ang kaniyang lungga. Pasipol-sipol at patalon-talon pa ito habang lumalakad na tila ba may isang napakalaking surpresa ang naghihintay sa kaniya.

Mabilis na pumasok si Milliana sa bahay na pinaghirapaan niyang buuin. Hindi man ito ang pinangarap niyang tree house, subalit naging maganda naman ang kinalabasan ng munting bahay na kaniyang ginawa.

Hindi mo aakalaing simpleng bahay lamang ito, sapagkat kumpleto ang bahay-bahayang ito ni Milliana, may ilaw ang kabahayan sa tulong ng araw. Ang tubig naman ay mula sa bukal ng gubat na kinonekta ni Milliana patungong kaniyang bahay.

Sa murang edad ay masasabing matalino at madiskarte siyang bata sa edad na pito.

Habang naglalaro sa labas ay nakarinig ng kaluskos si Milliana. Hindi na sana niya ito papansinin subalit naulit muli ang kaluskos. Nakaramdam ng takot si Milliana. Nais na niyang umalis subalit binigo siya ng kaniyang mga paa, sapagkat sa halip na lumakad paalis ay pinili ng mga paa niyang sundan ang pinagmumulan ng ingay.

Nanginginig ang katawan ni Milliana sa takot habang binabagtas ang lugar, ngunit laking gulat niya sa kaniyang nasaksihan.

"Isang kasal sa gitna ng kagubatan?" nakarandam ng pagkagalak si Milliana, ambang pupuntahan niya ito ng makita ang hindi inaasahang nilalang.

"May kabayong mukha at paa pero kalahating tao... Tikbalang?!" mabilis na natutop ni Milliana ang bibig ng makitang lumingon ang isang Tikbalang sa gawi niya. Lumapit siya sa isang puno at doon ay nagtago. Inakyat niya ito at palihim na pinagmasdan ang nagaganap sa kaniyang harapan.

Sa gitna ng pusod ng kagubatan ay may isang nakapagandang arko ang nakatayo. Sa harap nito ay isang babae at lalaking Tikbalang na pawang nakasuot ng pangkasal na damit.

Pinagmasdang mabuti ni Milliana ang nagyayari, mula sa pagbibigay nila ng mensahe sa isa't-isa hanggang sa bigayan ng singsing. Ngunit ng saktong isuot ng lalaking tikbalang ang singsing sa kabiyak ay biglang bumuhos ang ulan kahit na tirik pa din ang araw.

Nagulat si Milliana ng biglang nagdiwang ang bagong kasal ng mag-umpisang umulan.

"Bakit umuulan kahit may araw?!"

Nagulat ang mag-asawang Tikbalang ng biglang sumulpot ang maliit na si Milliana sa kanilang harapan. Tatakbo na sana sila subalit hindi sila pinadaan ni Milliana. Walang nagawa ang mag-asawa kung hindi ito ay sagutin.

"Sapagkat ito ay isang indikasyong kami ay ganap para sa isa't-isa."

"Ha? Hindi ko maintindihan ang gulo naman." Napakamot sa ulo niya si Milliana dahil sa kalituhan.

Natawa na lamang ang mag-asawa kay Milliana.

"Sa tuwing isa sa lahi namin ang ikakasal, marapat na umulan pagkayaring isuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng babae."

"Bakit?"

"Sapagkat ibig sabihin noon ay kami ang itinakda para sa isa't-isa, subalit kung hindi naman umulan makayaring magbigayan ng singsing ang ikakasal, ito ay tanda  ng hindi kayo ang nakatadhana. Mapipilitan ang dalawang magkasintahang maghiwalay at muling humanap ng bagong magiging katuwang."

"Ay hindi ko bet, pero ang galing," napabungisngis na lamang ang mag-asawa dahil sa tinuran ni Milliana.

"Maghahapon na hindi ka pa ba hinahanap ng iyong mga magulang?"

"Ay oo nga po pala, paalam Mr and Mrs. Diarmente! Maligayang pagbubuklod!"

May ngiti sa mga labing nilisan ni Milliana ang kagubatan at sa entrada nito ay naghihintay ang nakabusangot na magulang nito.

"Hello parents!"

"Ikaw na bata ka oo, tinakasan mo na naman kami!"

Dinilaan lamang ni Milliana ang magulang na ngayon ay naiiling sa pasaway nilang anak.

"Bakit kaya umulan kanina, may araw naman? Ngayon lamang ito nangyari ah."

"Sapagkat isang Tikbalang na naman ang ikinasal!"

Sa pagmulat ng mga mata ni Ayella ay ang pagbalik niya muli sa kinauupan niya.

"Wow, lola totoo po ba iyon?"

"Maaring oo, maaring hindi. Naging parte na ng ating bayan ang kwentong iyan. Maaring may katotohanan at maaring kathang isip lamang."

#WriteAThonChallenge2022
# WattpadOctoberEntry

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top