Bakit: 32 °

Denisse Kim
Just now

Bakit may mga bagay sa mundo na kahit pigilan mo, kusang gumagalaw ito?

| Like | Comment | Share |

---

Kanina ko pa natatanaw si Jasper simula nung dumating siya kanina dito. Sadyang, nainis lang talaga ako. Adik, pinaligo ako ng maaga, at ang bilis ko naman sumunod. Kaya mabilis akong naloloko e.

Natatawa akong bumaba para puntahan si Jasper, I just wear a simple black t-shirt and black pants.  I also wear black rubber shoes para all black 'yung pormahan ko.

Wala, bitter parin ako e para ma-feel ko lalo, chz.

Nagpaalam ako kay Mama na may pupuntahan lang ako, nang makita ko si Jasper na naka-sitting pretty na sa sofa namin. Ang OA,  nasa initan raw pero mukhang 'chillin like a boss' dito sa sala. What a scam, lol.

"Oh, hi Denisse," nakangiti niyang salubong sa akin kaya naman napa-taas 'yung kilay ko. "Umagang-umaga, g na g," dagdag niya pa.

"Ang OA mo kasi."

"Nakakahiya naman Madam.."

"Talaga, mahiya ka talaga," natatawang sagot ko sa kanya.

Nang makalabas kami ng gate nagtaka ako kung bakit parang wala siyang dalang sasakyan.

"Tara na, lakad na tayo."

"Ha?" Nakakapanibago naman, si Jasper walang dalang sasakyan? Anong meron?

"Bakit? Hindi ka na marunong maglakad?" natatawa niyang sabi sa akin. Bigla siyang lumapit sa akin kaya automatic na napahampas naman ako sa braso niya.

"Ano bang ginagawa mo, baliw ka!" Naiistress kong sabi sa kanya.

"Bubuhatin ka, akala ko di ka na marunong maglakad e."

"Dami mong alam, nagtaka lang naman ako. Magccommute tayo?"

"Oo, kaya tara na. Huwag mong sabihing hindi ka na marunong? Edi sana all rich kid."

Nag-make face lang ako sa kanya, daming alam.

Nang makarating kami sa sakayan, sakto nag-iisa nalang 'yung jeep papunta sa Mall kung hindi mag-hihintay pa kami ng matagal. Masyadong siksikan na sa jeep, punuan na masyado. Naging maayos naman 'yung biyahe namin, ang daming chika mo Jasper. Walang bago.

"Gutom ka na? Saan tayo kakain?"

"KFC?"

"Sige, tara. Gusto mo talaga sa mahal ah."

"Baliw! Hindi naman mahal sa KFC e, " mahina kong tinulak 'yung braso niya.

Sinabi ko na kay Jasper kung ano 'yung order ko. "Shocks." Mabilis kong naghanap sa bag ko, awit talaga!

"Huy, anong problema Denisse?"

"Naiwan ko wallet ko, wala akong pera." Napahawak ako sa sintodo ko at inaalala ko kung saan ko ba 'yun nilapag sa bahay kanina.

"Stress ka naman! Libre ko naman 'to, ayos lang. Ako bahala." Nginitian niya ako sabay kinindatan.

Hindi ko alam kung maki-cringe ba ako or matutuwa. Napangiti nalang ako at naghanap nalang ng upuan namin.

"Jasper, nakakahiya naman sayo. Ang dami ko pa 'man ding order, promise! Hindi ako aware na wala pala akong wallet." Sumubo ako ng kanin at tinaas 'yung kamay  ko as a sign na hindi ako nag-sisinungaling.

"Ayos nga lang!" Natatawa niyang sabi.

"Nahihiya talaga ako, Jasper. Isang ice cream pa nga." Ngumiti ako sa kanya at sumenyas ng 'one.'

Napatawa siya ng malakas sa inakto ko. "Sige na nga, grabe ramdam na ramdam ko talaga na nahihiya ka." Nakangiting sabi niya at uminom at coke.

Lumipas ang buong araw, nag-ikot ikot lang kami ni Jasper sa Mall at kumain sa iba't ibang stall. Grabe, ganito pala feeling ng walang wallet. Busog.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, inaya ko pa siyang pumasok pero tumatanggi na siya.

"Thank you, Jasper! Ang galante mo ngayon ah. Huwag ka mag-aalala babayaran kita."

"Para kang others, libre ko nga 'di ba. Nag-enjoy ka ba?"

"Syempre! Busog e," tinaas taas ko pa 'yung kilay ko at ngumiti sa kanya.

"Goods 'yan!" Kinurot niya 'yung pisngi ko kaya automatic na napahampas 'yung kamay ko sa kanya.

Tumatawa lang siya sa ginawa ko. "Alam mo Denisse, na-miss kita."

Napakunot 'yung noo ko sa sinabi niya, "Ha?"

"Na-miss kita." Umiwas siya ng tingin at parang sinisilip kung may mga nakatingin ba.

Hindi ako nag-salita. Anong ibig niyang sabihin?

"Ang tagal na rin kasi simula nung last na bonding natin, wala natutuwa lang ako," dagdag niya pa.

"Drama mo ah! Pero thank you, pakiramdam ko tuloy ngayon medyo okay na ako." Nagform ako ng 'slight' sign gamit 'yung daliri ko, "Medj."

"Sige na nga, "He chuckled. "Una na ako ha? Sana nag-enjoy ka!" Masigla niyang sabi sa akin.

"Sige, salamat!"

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan 'yung pakiramdam ko. . . pero thanks?

Ang lakas ng impact ni Jasper, lakas maka-comfort.

Bakit kaya hanggang ngayon, hindi parin niya nag-girlfriend?

Napa-iling ilang nalang ako sa naiisip ko.

Bakit ikaw, self? Hindi parin mawala sa isip mo 'yung Ethan na 'yon?

---

Denisse Kim
Just now

Bakit kapag naiisip mo na masaya ka na, biglang babalik 'yung rason kung bakit hindi ka nagiging masaya?

| Like | Comment | Share |




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top