Bakit: 16
Mina Myoui
• active now
Mina:
Denisse, sorry ah.
Mina:
Magiging ka okay ka rin, hayaan mo na yung taong nanakit sayo. Hindi ka niya deserve.
Mina:
Kasi gurl, nag-aalala talaga kami sayo. After nung nangyari parang nag-iba ka na. Oo, nasaktan ka pero huwag mo naman kami ipagtabuyan na parang hindi mo kami kaibigan.
Seen
Mina:
Kausapin mo na kami ng maayos. Tutulungan ka namin. Ang tagal mo na kaming iniiwasan.
Mina:
Denisse :((
Denisse:
Ang sakit kasi talaga.
Denisse:
Pakiramdam ko, kasalanan ko lahat. Ako na nga nasaktan, pero parang ako pa yung nagmumukhang may mali.
Denisse:
Kasalanan ko ba na masaktan ako? Sorry. Kahit ako, parang hindi ko na rin kilala sarili ko.
Mina:
Huwag mong sabihin yan. Nasasaktan ka e, pero hindi mo kasalanan na sinaktan ka.
Mina:
Nabalot ka ng sakit, kaya pati yung nga tao sa paligid mo nilalayo mo na.
Mina:
Paano na Denisse? Ganyan ka nalang? Hahayaan mo nalang bang mawala yung mga taong nagpapahalaga sayo? Dahil kay Ethan?
Mina:
Sorry. Ang galing ko mag-salita di kasi ako yung nakakaramdam e.
Mina:
pero sana gets mo parin yung point ko.
Mina:
Mas marami kaming nagki-care sayo. Huwag kang makulong jan sa sakit nararamdaman mo.
Mina:
Kasi iba ang impact gurl, baka imbis na mag-heal ka. Mas lalo kang malulungkot kasi pinagtatabuyan mo yung mga taong nag-aalala sayo.
Mina:
sige, okay lang na mag-isip ka ng masama sa akin.
Mina:
pero always mo tatandaan na nandito lang ako para sayo. Isipin mo na kung anong gusto mong isipin.
Mina:
Basta ako, nagki-care ako sayo. Kaibigan kita e.
Seen
---
Denisse Kim
• Just now
Bakit ka ganyan? Bakit ba ako nagkaka-ganito?
| Like | Comment | Share |
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top