Bakit: 05 °


Denisse Kim

Maaga akong nag-ayos dahil sa pagka-excited ko sa monthsary namin ni Bby Ethan. Grabe ano kayang mangyayari mamaya? Ahm, hindi ko na muna iisipin.

Time check: 3:45 pm.

Umalis na agad ako ng bahay since walking distance lang naman yung park sa bahay namin, maglalakad-lakad nalang ako. Hindi ko akalain na makaka-abot kami ng three months ni Ethan, sa panahon kasi ngayon iilan nalang ang relationships nabumaabot ng three months. Naniniwala rin kasi ako sa three-months rule, na kapag umabot na kayo ng three months kayo na talaga. Kaya sobrang special ng araw na 'to sa akin, nakaka-kaba pero mas nanaig yung saya.

Nang makarating ako ng park, natatanaw ko na na parang may kakaiba sa may clubhouse. Ang bigat ng bawat hakbang ko.

Nandito na ako sa may entrance ng clubhouse. Halos walang tao, mukhang may kakaiba talaga.

Pinagmasdan ko muna yung loob ng clubhouse, napangiti ko nakita ko yung mga decarations, ang ganda. Bby Ethan naman.

Napatingin ako sa lapag, may mga nakalagay na signs kung saan 'yung way. Nakita ko rin 'yung mga sign-board parang may mga stations. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa entrance ng station.

Station 1:

May isang rose na nakalapag du'n, napangiti naman ako sa naka-indicate na note, This rose is for you, it symbolize how much I loved you.

Station 2:

May nakalapag naman du'n na paper bag, agad ko siyang tiningnan. Halaaa! Nagulat ko may laman siya garapon, may laman na long sweet message.Ang sweet ni Bby Ethan ko huhu. Binitbit ko nalang 'yung paper bag, excited na ako basahin 'yun mamaya.

Station 3:

Dito sa station 3, feel ko napaka-ganda nito. May naka-lagay na "Happy 3rd Monthsary Denisse". Tapos napapalibutan siya ng mga pictures namin ni Bby Ethan, first picture namin, hanggang sa latest picture namin bago kami nag-three months.

Station 4:

Ito 'yung pinaka-simpleng station, parang nilagyan lang ng 'station 4' na word. Napansin ko 'yung maliit na box na nandun.

Ang cute! Bracelet ang laman ng maliit na box dito sa station 4. Puro puso 'yung design, aw siguro sign to ng full love sa akin ni Bby Ethan! Hihi.

Last station na 'tong 'station 5'. Bago ako pumasok, pinagmasdan ko muna ito. Feel ko ito 'yung pinaka-bongga! Puro rose petals ang nasa lapag, ang romantic! Excited na akong makita si Bby Ethan.

Station 5:

Hindi ko alam. Ngunit sa bawat hakbang ko, parang feel ko may kakaiba. Ang bigat. Okay, gaya nga ng sinabi ni Thalia, inlove lang ako. Hindi dapat ako kabahan!

Naka-ngiti akong humakbang, maraming signs na naka-lagay. Nasaan na ba si Bby Ethan?

Ang cute! Hindi ko in-expect 'to kay Bby Ethan, imagine three months palang kami ganto na ka-grabe 'yung effort niya sa akin! Love na love niya ako huhu.

Natatanaw ko na si Bby Ethan, naka-tayo siya at may hawak na bouquet of flowers.

Papalapit na ako ng papalapit, at hindi ko inaasahan 'yung nakita ko. Si Ethan, naka-ngiti siyang tumingin sa akin. I looked at his eyes, may mali. At bakit. . . bakit parang nasasaktan ako sa mga ngiti niya?

Kasabay ng paghakbang ko papalapit sa kanya, sumabay rin ang pagbagsak ng luha ko.

Bakit ganito?

Lumapit sa akin si Ethan, binigay niya sa akin 'yung bouquet of flowers, naginginig kong tinanggap 'yun. Tumingin ako sa mga mata niya, hindi siya yung Ethan na nakilala ko.

"Happy Third Denisse, sorry." Napatitig ako sa kanya, hindi ko magawang mag-salita. Unti-unti nang tumutulo yung luha ko, habang siya. . . nakangiti siya sa akin, paano niya nagagawang ngumiti?

Napa-pikit naman ako ng mariin, sinusubukan kong pahihintuan 'yung luha ko. Kaya pala ang bigat, kasi masakit. Tiningnan ko muli 'yung naka-lagay sa pader. Wow ang ganda, halatang pinaghandaan. . .

IKAW AT AKO, WALA NG TAYO. HAPPY BREAK-UP, SORRY.

Umiiyak akong hinampas-hampas siya. Hindi ko kaya, Ethan bakit? Hindi ko magawang magsalita. Nabalot ako ng sakit, pinapalo siya kasabay ng pag-iyak ko. Hindi ko naman in-expect na mangyayari 'to sa akin. Nakakapanghina, feeling ko pati 'yung lakas ko nawala. Masyado akong nadala ng mga luha na 'to.

Pinigilan niya 'yung kamay ko. "Denisse! Tama na," kasabay ng pagbitaw niya ng simpleng salita, sumabay rin yung tuluyang pagbagsak ng luha ko.

Tiningnan ko siya sinubukan kong ngumiti kahit umiiyak ako, bago pa siya mag-salita nilapat ko na yung mga palad ko sa kanya. Alam kong malakas 'yung impact nun. Binato ko rin sa kanya 'yung bouquet ng flowers na binigay niya. Putek, ang sakit.

Nakita ko siyang natutulala sa pag-sampal ko sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama at pinunasan ang luha ko. Ngunit parang niloko ko lang din 'yung sarili ko. Tumakbo ako palayo habang umiiyak. Grabe ang sakit, gagi, umasa ako. Nakaka-inis!

Ang sakit lang, mas masakit pala 'yung ganitong break-up?! Isu-surprise ka muna, bago ka saktan.

Ano kailangan niya munang pasayahin ka, para hindi masyadong nakaka-guilty kapag sinaktan ka na? Nakaka-baliw!

Tumatakbo na ako, hindi ko kaya ang sakit. Gusto kong takasan lahat! Ano bang ginawa ko sa kanya? Masyado akong nag-expect sa kaniya na hindi niya ako sasaktan. Ang sakit. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung saan nalang ako dalhin ng mga paa ko.

Sa pagtakbo ko may naka-bangga pa ako. Wrong timing, parang dumoble 'yung sakit.

"Denisse?!"

Napayakap agad ako ng mahigpit, nang makitang siya 'yung naka-bangga ko. Parang biglang bumalik 'yung sakit na naramdaman ko kanina. Patuloy lang akong umiiyak sa kanya. . .






"Jasperr! Ang sakit, ayoko na..."


---

Denisse Kim
• Just now

Bakit ganito?

| Like | Comment | Share |

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top