WAKAS

Katulad ng dating nakagawain nina Amanda at Enzo ay lagi nila pinapanood ang paglubog ng araw. Nasa labas sila ng bahay habang si Hilda naman ay abala sa kanyang niluluto. Ang ibang trabahante naman ay sarap na sarap sa kwentuhan sa kuwadra habang nag-aayos ng mga gamit upang makauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Nilingon ni Enzo ang magandang mukha ni Amanda at ang ilang hibla ng buhok nito ay nililipad ng hangin. Napangiti naman ang binata ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito. Alam nitong hindi nito mapupunan ang pagmamahal ni Alfonso sa kanya ngunit noong araw na nakarating sa kanya ang balita na wala na si Alfonso ay ang araw din na may natanggap siyang sulat na galing dito.

Enzo Gabriel,

Alam ko hindi naging maganda ang pakitutungo natin sa isa't isa ngunit gusto ko lang malaman mo na ikaw pa rin ang kapatid na itinuturing ko kahit na hindi tayo magkadugo. Hiling ko lang na alagaan mo si Amanda, para sa akin. Matagal man ngunit darating din ang araw na makapagpapatuloy siya sa kanyang buhay. Mahirap man ngunit sana ay magkaroon ka pa ng mahabang pasensya. Alam kong mahal na mahal mo siya at ipinagkatitiwala ko na siya sa'yo. Pakaingatan mo ang babaeng minahal ko.

Alfonso

Halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyari kaya agad-agad siyang lumuwas papunta sa dalawa. Siya rin ang nagpahanap sa salarin at naging tama nga ang kanyang hinala na si Celestine ang may kagagawan. Nakipag-ugnayan siya kay Marie na gawin ang tama at upang hindi na makagawa ng iskandalo.

"I'll be leaving," wika ni Enzo dahilan upang lingonin siya ni Amanda na tila animo ay nagulat sa sinabi nito. Napalunok naman si Enzo bago siya makapagsalitang muli at nag-iwas ng tingin. "You need more time to heal, Amanda. I know that. You don't need to love me dahil makapaghihintay ako even if it hurts maghihintay pa rin ako. Alam kong mahal mo pa rin si Alfonso. Mahirap siyang alisin sa isipan at puso mo. Hindi ko siya kayang pantayan Amanda. So instead of torturing myself mas pipiliin kong magpakalayo-layo na muna," dugtong niya.

Hindi naman makahagilap ng salitang sasabihin si Amanda bagkus marahang tumango na lamang siya.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa basagin ito ni Amanda. "Babalik ka pa ba?" tanong ng dalaga at nilingon naman siya ni Enzo sabay kuha ng kamay ng dalaga at marahang pinisil.

"Bakit labis kitang mahal, Amanda? Yes, kung kailangan at tatawagin mo ako ay babalik ako,"  sagot naman ni Enzo at walang ano-ano ay niyapos ni Amanda ng yakap si Enzo na siyang ikinagulat naman ng binata.

Niyakap naman niya ang dalaga at bahagyang hinalikan ang buhok nito. "Sa unang pagkatataong nagkita tayo ay nabihag mo na agad ang puso ko. Mahal na mahal kita, Amanda ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa," wika nito nang maghiwalay sila sa pagkayayakap.

Tumayo si Enzo mula sa kanyang kinauupuan at sa huling pagkatataon ay ngumiti ito saka dahan-dahang tumalikod at naglakad paalis.

Lulan ng sasakyan ay pinagmasdan ng dalaga ang pag-alis ng binata hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

Ngumiti si Amanda at tinanaw ang kalangitan na ngayon ay nagsisimula ng magdilim. "If God, permits I'd love to see you again."


WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top