KABANATA 9

Makalipas ang tatlong taon...

Tatlong taon ang makalipas bago tuluyang makapagtapos ng pag-aaral si Alfonso ngunit ipagpapatuloy niya pa ito sa susunod na taon. Babalik siya sa manor dahil na rin sa bagay na hindi niya kayang tiisin at isa sa mga dahilang iyon ay walang iba kung hindi si Amanda. Ilang oras na naging araw, buwan at taon ang kanyang tiniis dahil na rin sa mga balita ni Miguel sa kanya.

Nabalitaan ni Alfonso ang lahat ng mga namamagitan kay Amanda sa lalaking nagngangalang Enzo Gabriel. Kilala niya ang mga Gabriel at isa rin sila sa mga mayayamang mga pamilya ngunit ang mga Gabriel din ang isa mga naging malaking kalaban ng kanyang ama. Kalaro niya noon pa man si Enzo ngunit simula nang magsimulang mag-away ang kanilang angkan ay naging mailap na si Enzo sa kanya. Itinuring ni Enzo na isang kaaway si Alfonso. Dahil doon ay naging mailap na rin si Alfonso sa kanya at dahil mas nakatatanda siya ay hindi niya ito pinatulan kahit na sa tuwing magku-krus ang landas nila ay hinahamon siya nito ng away, hindi sa kamao ngunit sa mga mata ng mga tao.

At ngayon na nabalitaan niyang nagkamamabutihan si Enzo at Amanda ay tila ba may kumirot sa kanyang puso at hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin noon. Isa lang ang alam niya at iyon ay ang umuwi at paghiwalayin ang dalawa.

Isa pa sa mga dahilan na uuwi si Alfonso ay dahil sa nalalapit na kaarawan ni Amanda, labing walong taong gulang na ito at nais niyang maging magarbo ang kaarawan ni Amanda dahil debut na niya ito sa pagiging dalaga. Dalaga na si Amanda, isa na siyang naturang babae.

Hindi niya pa nakikita ito sa personal ngunit dahil na rin sa mga ipinapadalang larawan ni Miguel sa kanya ay nagiging saksi siya sa mga pagbabago ni Amanda. Hindi niya maitatago na nabibighani rin siya sa ganda ni Amanda. May angking ibang ganda si Amanda na hindi nakasasawa sa mga mata ni Alfonso. Ngunit ang isipin ang mga iyon ay isang kamalian dahil alam niya kung ano ang kanyang posisyon sa buhay ni Amanda. Ayaw niyang magkaroon ng kuwento na ikasisira ng buhay ng dalaga. Isa lang ang kailangan niyang gawin kahit na mahirap at iyon ay ang iwasan ang dalaga hangga't maaari at ibaling sa iba ang kanyang atensyon.

"Ahh," ungol ni Alfonso habang patuloy na pinapataas at baba na hawak-hawak ang buhok ni Criselda. Hindi niya ito kasintahan ngunit dahil na rin sa gusto niyang makalimot ay ginamit niya na lang din ito. Isa itong kilalang modelo at papasikat pa lang sa larangan nito.

Taas-baba ang ginawa ni Alfonso at wala siyang pakialam kung nangangalay na ang bibig ng dalaga sa pagsubo sa kanya. Ginagawa lamang niya ang gusto ng dalaga at ngayon na ibinibigay na niya ito ay wala itong karapatan na magreklamo. Agad niyang hinila paalis sa kanya ang mukha ng dalaga at ang lahat ng likido niya at napunta sa pagmumukha ni Criselda.

Agad naman siyang tumayo pagkatapos at hinila pataas ang kanyang pantalon. "Get out," ani ni Alfonso sabay bukas ng pinto.

Tila hindi naman makapaniwala si Criselda sa tinuran nito at kahit kitang-kita ang kanyang hubad na katawan ay walang pakialam si Alfonso rito. "Seriously?" sigaw ni Criselda na hindi pa rin makapaniwala. Tumayo naman siya habang ang mga tingin nito ay nakapukol lamang kay Alfonso habang kinukuha sa sahig ang kanyang mga nagkalat na mga damit at agad din itong isinuot.

Taas-noo siyang humarap kay Alfonso. "Hindi pa tayo tapos, Alfonso. Kahit kalagkarin mo ako nang kalagkarin sa buhay mo tandaan mo kailangan mo pa rin ang katawan at presensya ko. Alam kong mahal mo rin ako at hindi mo pa kaya itong aminin sa akin," aniya at agad na lumabas.

"Women." Napahilamos naman si Alfonso ng kanyang mukha at napabuntong-hininga. Kailangan na niyang makauwi sa lalong madaling panahon.

Agad naman niyang tinawagan si Miguel kung nasaan na ito at nakumpirmang nasa labas na siya mismo ng hotel kung nasaan siya.

Hindi pa siya nakakapag-isip kung ano ang maaari niyang iregalo kay Amanda dahil nalaman niya rink ay Hilda na halos lahat ng kanyang mga ipinadalang regalo noon ay hindi niya ginagamit. Maliban na lamang sa kabayong pinangalanan niya pang Caspian ay mahal na mahal niya ito.

Natigilan naman siya sa pag-iisip at tila nakaisip na siya ng magandang ireregalo sa dalaga. Agad naman siyang natungo sa banyo upang maligo.

HALOS dalawang oras din ang kanyang binyahe bago makarating sa manor. Sinusulyapan din ni Alfonso ang regalong binili niya para kay Amanda. Tiyak siyang magagamit ito ng dalaga at magugustuhan niya.

"Senyorito, narito na po tayo," wika ni Miguel at tumango naman siya sabay lingon sa bintana.

Ang kaninang mga ngiti sa kanyang mga labi ay agad na napalitan ng isang malamig na mga tingin. Kasa-kasama ngayon ni Amanda si Enzo na nangangabayo at tila masaya pa ang dalawa na naghahabulan. Kitang-kita ni Alfonso kahit na nasa malayo ang dalaga ang mga mata nito na hindi niya pa nakikita sa tuwing sila ang magkasama.

"Miguel, get rid of him," wika ni Alfonso at tumango naman si Miguel dahil alam na nito kung sino ang tinutukoy niya.

Nang makarating na sila sa harap ng bahay ay agad namang bumaba si Alfonso ng sasakyan. Hindi siya lumingon kung nasaan si Amanda sa halip dumiritso ito sa loob nang salubungin na siya ni Hilda at ng iba pang mga kasambahay.

"Senyorito, napaaga po yata kayo. Ipaghahanda ko na po ang mainit ninyong pangligo," wika ni Hilda ngunit pinigilan naman siyang agad ni Alfonso.

"There is no need for that. I'm going to rest, and please don't pester me," malamig na tugon ni Alfonso at yumuko naman si Hilda roon.

Wari na ni Hilda na hindi maganda ang araw ng kanilang Senyorito at kapag sinabi nitong hindi dapat siya istorbuhin kapag siya ay namamahinga ay huwag itong balewalain. Iba ang isang Alonto kung magalit at hindi nito gugustuhin ng taong makasasalamuha niya.

"Opo, Senyorito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top