KABANATA 42

Dahil na rin sa nangyari kay Alfonso ay hindi nakayanan ni Amanda ang mga ito. Maliban sa hindi siya makakita ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Gustuhin niya mang nasa tabi lamang siya ng binata ay hindi na niya ito nagawa dahil nawalan na rin naman siya ng malay.

Tinurukan na rin siya ng pampatulog at pampakalma upang sa gayyun ay makapagpahinga ang kanyang katawan at isipan.

Samantalang si Alfonso naman ay pansamantalang nasa mabuting kondisyon. Kilala ni Alfonso ang kanyang doktor at kinausap niya ito na prangkahin siya sa kanyang kondisyon at sinabi naman nito sa kanya ang totoo. Walang sinayang na oras si Alfonso at agad na ipinatawag kay Hilda ang kanyang abogado sa lalong madaling panahon.

Mabigat sa kanyang dibdib ang isiping wala man lang siyang magawa at hindi matumbasan ng kahit na anumang salapi upang dugtungan ang kanyang buhay. Isa lang ang gusto niya ngayon at iyon ay ang ipangalan lahat ng kanyang ari-arian at mga naipamana sa kanya ng kanyang ama at ina sa pangalan ni Amanda.

"Ito na ba lahat-lahat?" wika ni Atty. Sebastian, ang pinagkatitiwalaang abogado ng kanyang ama.

Tumango naman si Alfonso dahil wala na siyang lakas pa na magsalita. Tinitigan naman siya ni Sebastian na may lungkot sa mga mata nito. "Aasikasuhin ko na ang lahat ng mga ito. Pumirma ka rito," wika niya sabay turo sa dulo ng papel kung saan ito mismo pipirma.

Pinirmahan naman ito ni Alfonso at sa bawat guhit ng kanyang pagpirma ay ang paninikip naman ng kanyang dibdib. Tila namamaalam na siya kay Amanda at hindi niya man lang ito makita sa kanyang mga huling sandali. Tulog na tulog daw ito dahil sa pampakalma at pampatulog na itinurok dito.

"Pahingi ng papel at ballpen," mahinang wika ni Alfonso at agad naman itong tinugon ni Sebastian.

Mahina ngunit pinilit ni Alfonso na magsulat alang-alang kay Amanda upang sa gayun ay mayroon itong mabasa sakaling magising ang dalaga. Nawalan raw ito ng malay dahil nagwala ito sa kwarto at gusting sumunod sa binata. Habang nagsusulat si Alfonso ay hindi naman niya maiwasang hindi maluha at kitang-kita iyon ni Sebastian.

"I'd like to ask for something more. I want you to speak with my doctor. Tell him I want to go out and get whatever is hanging on me. I will sign whatever waivers they want me to sign. I want to be with my loved one in my final moments here," wika niya at halos hindi naman makapaniwala si Sebastian sa huling hiling ng binata ngunit kung susumahin at titingnan ang kondisyon nito ay malala na nga ang binata.

Tila lahat ng sakuna sa insidente ay nakuha mismo ni Alfonso, sa leeg, sa ulo, baling mga buto, sa spinal cord, at mga paa nito. Kung titingnan ay halos wala na itong pag-asa at doon din napanghinaan ng loob si Alfonso dahil pakiramdam niya ay wala na siyang silbi para sa dalaga. Maaari rin kasing magkaroon siya ng psychological conditions at ayaw niyang maging pabigat sa dalaga at maging alagain.

Makalipas ang ilang halos trenta minutos ay nasa tabi na siya ng dalaga. Tila himbing na himbing ito sa tulog ngunit pansin ni Alfonso na tila mamasa-masa ang mga mata nito na parang umiiyak. Hirap sa paghinga si Alfonso at putlang-putla ang kanyang mga labi. Nasa likuran naman niya sina Hilda at Sebastian, gayun na rin na may dalawang nurses na nakabantay at ang doktor nito.

Hindi na pinigilan ni Alfonso ang kanyang mga luha at kusa na niya itong pinakawalan. Parang tinutusok ng karayom ang kanyang dibdib at sinasalsal ang kanyang lalamunan. Hindi niya lubos maisip na aabot sila sa ganitong trahedya.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ng dalaga at hinalikan. Nababasa naman ang kamay ng dalaga dahil na rin sa mga luhang umaagos sa mga mata ng binata. Hindi naman makayanan ni Hilda ang kanyang nasasaksihan at pati siya ay naiyak ngunit kailangan niyang magpakatatag.

Nilingon naman ni Alfonso ang kanyang doktor at agad naman siya nitong nilapitan. ""Please, take anything in my eyes can be transplanted to her," bulong nito sa doktor at tumango naman ito.

"Kung 'yan ang iyong kagustuhan ay kailangan na nating pumunta agad sa operating room at tatawagin ko na ang ophthalmologist namin," sagot naman ng kanyang doktor at agad namang tumango si Alfonso.

"There's so much to see in this world, Amanda. I want you to experience the world and live to the fullest, even if I am no longer with you," wika nito at sa huling pagkatataon ay pinilit niya ang kanayng sarili na tumayo mula sa kanyang wheelchair at hinagkan ang dalaga.

Marahan niya pa itong hinalikan sa mga labi at kitang-kita niya ang muling pagluha ng dalaga.

"Leave now, Alfonso—there's not much time left," wika ni Sebastian at maingat naman siyang hinila ng mga nurses.

Sinenyasan naman niya ang mga nurse na sandaling huminto at hinarap si Hilda. Nilapitan naman siya ni Hilda at inilapit ang tainga nito sa binata.

"Ikaw na ang bahala sa kanya. May inilaan din ako sa iyo, Hilda."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top