KABANATA 39

Nakatanaw sa malayo si Alfonso, minamasdan ang pag-uwi ng dalaga. Mula sa malayuan ay kitang-kita niya na nagkita ang dalawa. Mahirap mang titigan ay kinaya niya ito. Hindi na rin siya nag-abalang sundan ang dalaga upang komprontahin ang mga ito bagkus nanatili lamang siya sa kanyang pwesto. Sa bawat paglunok niya ay tila may nakaharang na tinik sa kanyang lalamunan. 

Hindi niya lubos maisip o hindi niya kayang isipin na mapupunta lamang ang dalaga sa bisig ng iba. Napakuyom siya ng kanyang mga kamay at umiigting ang kanyang mga panga na nakatanaw pa rin sa dalawa ngunit napabuntong hininga na lamang siya dahil wala na rin naman siyang magagawa. Kasalanan niya ang lahat. He screwed up. 

Hinintay niyang makabalik si Amanda habang humihigop siya ng kanyang mainit na kape. Doon lang siya nakaramdam ng kakaibang sakit nang dahil sa pag-ibig. Napagtanto niya ang resulta ng kanyang mga ginawa sa dalaga. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit umabot pa sila sa ganito.

Maayos na ang lahat dahil nasa malayo na si Enzo ngunit nang dahil sa kanyang ginawa ay heto ngayon ang nangyayari. Napagdesisyunan niyang hayaan na lamang ang dalaga na pumili sa kanilang dalawa at kung sino ang mas matimbang sa kanyang puso. Hindi naman taliwas sa kanya na may gusto si Amanda kay Enzo ay iyon ang pinakamasakit isipin.

Napabuga naman ng paghinga si Alfonso sabay hithit ng kanyang paubos na sigarilyo. Saktong pagpatay niya ng kanyang sigarilyo ay ang pagpasok naman ni Amanda sa bahay.

Nagtama naman ang kanilang mga mata ngunit sa halip na kausapin niya ito ay agad niya itong tinalikuran at inilagay ang kanyang tasa ng kape sa lababo. Ramdam niyang hindi gumagalaw ang dalaga sa kinatatayuan nito. Hindi na niya ito nilingon pa at kaagad na lumabas ng bahay.

Inaamin niyang nakararamdam siya ng selos at malakas ang pakiramdam niyang mas pipiliin niya si Enzo kaysa sa kanya. Inaamin niya rin na hindi siya naging mabuti sa dalaga at puro pasakit ang ibinigay nito sa kanya. Mahal niya ang dalaga at kung ano man ang magiging desisyon nito ay tatanggapin niya ng buong-buo.

Habang naglalakad ay hindi niya namalayang nakasunod pala si Amanda sa kanya. "Alfonso," mahinang tawag ng dalaga at bahagyang nilingon niya ito.

"Yes?" tanong niya at tila nahihirapan naman ang dalaga sa paghabol sa kanyang mga hakbang kaya bahagya niyang binagalan ang kanyang paglalakad.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ng dalaga nang tuluyan na siya nitong maabutan.

"Tungkol saan?" pabalik niyang tanong at agad na nag-iwas ng tingin sa dalaga.

Napahawak naman si Amanda sa bisig ni Alfonso dahilan upang tumigil sila sa paglalakad. "Tungkol sa ating dalawa," mahinang sagot ng dalaga na nakayuko.

Napangiti naman si Alfonso dahil kanina lamang ay nakararamdam siya ng inis at selos ngunit heto siya ngayon at nag-iiba na ng timpla.

Hinawakan naman ni Alfonso ang baba ni Amanda upang matitigan niya sa mga mata ito. "Mahal kita, Amanda. Higit pa sa inaakala mo," wika niya at kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga. "Ngunit dahil na rin sa nangyari sa pagitan nating dalawa dahil sa malaking kasalanan na nagawa ko sa'yo ay hindi ko na alam kung ano na talaga tayo. Malaki ang pagkakasala ko at walang kapatawaran iyon. Desisyon mo pa rin ang masusunod, Amanda. Alam kong mahal mo rin siya. I can change, Amanda. I can be a better man for you," dugtong pa niya at agad na binitawan ang dalaga.

Iiwanan na sana ng binata ang dalaga at magpapatuloy sa paglalakad patungo sa kuwadra nang pigilan naman siya ni Amanda. "Alfonso," tawag ni Amanda at nakahawak pa ito sa laylayan ng damit ng binata.

"Gusto ko sanang magsimula tayong muli," wika ni Amanda dahilan upang lingonin siya ni Alfonso.

Hindi naman makapaniwala si Alfonso sa kanyang narinig at agad na hinarap si Amanda. Magsasalita pa sana si Amanda nang biglang sakupin ni Alfonso ang mga labi nito.


GABI na ngunit hindi pa rin makapaniwala si Alfonso na magsisimula silang muli. Gagawin niya ang lahat upang maging maayos ang kanilang relasyon. Pagkatapos ng pag-aaral ng dalaga ay agad niya rin itong aalukin ng kasal. Isang taon na lang din at makakapatapos na rin sa kolehiyo ang dalaga. The age difference between them is ten years. At kung dumating na ang araw na iyon ay ibibigay niya ang lahat na naisin ng dalaga.

Naikuwento na rin kasi sa kanya ni Amanda ang kagustuhan niyang magkaroon ng isang cake at tea shop kung saan malaya ring makapagbabasa ng mga libro ang mga taong dadayo sa kanyang shop. Business management din kasi ang kinuha ni Amanda kaya iyon na lamang ang kagustuhan niya. Isang simpleng tao nga si Amanda at iyon ang isa sa mga nagustuhan ni Alfonso sa kanya. Isang heredera si Amanda ngunit wala siyang pakialam sa karangyaan dahil isa lamang ang gusto nito, isang masaya at payak na pamumuhay. Isang buhay na gusto rin ni Alfonso.

Humila naman siya ng bangko at pinagmasdan ang natutulog na si Amanda. Himbing na himbing ito sa pagtulog sa kanyang kama. Wala namang nangyari sa kanila at gusto lamang ni Amanda na matulog sa kanyang kwarto at pinagbigyan niya naman ito. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan niya at ni Enzo ngunit tila siya ang pinili nito.

Hindi niya sasayangin ang pangalawang pagkatataong ibinigay sa kanya ni Amanda. Tatayo na sana siya upang kumuha ng maiinom na tubig nang biglang tumunog ang kanyang selpon hudyat na mayroon siyang natanggap na mensahe.

Nang tingnan niya ito ay natigilan siya nang malaman niyang galing it okay Enzo. He read the message after opening it.

From Enzo Gabriel:

This is my way of saying goodbye. Take care of her, man.

Iyon lamang ang nakalakip sa mensahe at nangangahulugang siya nga ang pinili ng dalaga. Hindi na siya sumagot pa sa mensahe bagkus nilapitan ang dalaga at maingat na naupo sa gilid ng kama.

Inipid niya ang ilang hibla ng buhok sa tainga ni Amanda at hinalikan ang noo nito. "I will look after you for every moment of my life."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top