KABANATA 37
Nagising si Amanda at nalamang nasa loob na pala siya ng kanyang kwarto. Ni hindi niya man lang namalayan ang byahe at ang pagpasok sa kanya. Nagpalinga-linga siya at doon niya lang napansin na may natutulog sa kanyang tabi at agad din itong naalimpungatan.
"Inang," tawag ni Amanda at tinitigan naman siya ni Hilda na para bang maluha-luha ang mga mata nito. Agad siya nitong niyakap nang pagkahigpit-higpit at hinalikan sa noo.
"Ikaw bata ka! Pinag-alala mo ako nang husto," wika ni Hilda at napabuntong hininga naman si Amanda.
"Patawarin ninyo po ako Inang," wika naman ni Amanda at umiling-iling naman si Hilda.
Ikinuwento naman lahat ni Amanda ang lahat ng mga nangyari sa kanya at halos lahat doon ay masaya si Hilda ngunit hindi pa rin makapaniwala na makakayang gawin iyon ni Alfonso sa kanya.
"Pinaalalahanan na kita noon pa man anak, ngunit sa huli ay ikaw pa rin ang masusunod. Ikaw ang gagawa ng desisyon mo sa iyong buhay at ako ay taga gabay mo lamang," wika naman ni Hilda at hindi naman mapigilang hindi maluha ni Amanda.
"Alam ko naman po 'yon Inang, ang hindi ko lang maintindihan ay ang sarili ko. Kahit na masakit ang natuklasan ko ay mahal ko pa rin siya. Siguro ganito po talaga ang pagmamahal," sagot naman Amanda at marahang umiling naman si Hilda.
"Bata ka pa at hindi mo pa gaanong alam ang kahulugan ng pag-ibig. Hindi kita pipilitin sa isang bagay na ayaw mo bagkus hahayaan lamang kita rito hanggang sa ikaw mismo ang makakita at makaramdam. Ito lang ang maipapayo ko na sana ay sundin mo. Kapag nagkamali ka dapat ay matuto ka at huwag mo ng ulitin pa ang pagkakamaling iyon," mahabang lintanya ni Hilda at tila nahimasmasan naman doon ang dalaga.
Alam niyang tama ang kanyang Inang at dahil na rin sa marami na itong napagdaanan sa buhay ay alam na niya kung saan siya patungo.
PAGKATAPOS nilang magkwentuhan ay nauna na ang kanyang Inang na lumabas at mamamalengki pa raw ito. Samantalang si Alfonso naman ay lumabas muna at mayroon daw itong importanteng aasikasuhin.
Napadesisyunan niyang bumaba na muna at tingnan ang kanyang kabayong si Caspian dahil nangungulila na siya rito. Saktong nasa pinto na siya ay mayroong isang itim na sasakyan na tumigil sa harap mismo ng bahay.
Napakunot noo siya dahil pamilyar ang sasakyang iyon sa kanya hanggang sa magbukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa nun ang babaeng kasama ni Alfonso noong gabing iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil pamilyar ang sasakyan sa kanya.
Lumabas naman ang babaeng nakasuot pa ng pulang bestidang hapit na hapit sa katawan nito at nakasuot din ng mataas na takong.
Nagkasalubongan naman silang dalawa at may sumilay na ngiti sa mga labi ng babae nang makita niya si Amanda. "Look, who is here?"
Pamilyar para kay Amanda ang mukha ng babae at kung hindi siya nagkakamali ay isang modelo ang babae at ang pangalan nito ay Celestine. Minsan na kasi niya itong nakita sa isang magasin sa loob ng kwarto ni Alfonso.
Pinagkatitigan naman siya ni Celestine mula ulo hanggang paa at nakataas pa ang isang kilay nito sa kay Amanda. "What are you looking at?" asik naman ni Celestine.
"A disappointment," sagot naman ni Amanda at tila uminit naman ang ulo ni Celestine sa pagsagot nito.
Akmang sasampalin na siya nito nang magsalitang muli si Amanda. "Mananampal ka? Sige ituloy mo nang may pagkalalagyan ka sa akin mamaya," wika ni Amanda dahilan upang mapaatras naman si Celestine.
"Nasaan si Alfonso? Siya lang naman ang sadya ko rito," wika ni Celestine at bahagyang natawa naman si Amanda.
"Hanapan ba ako ng nawawalang tao?" asik naman ni Amanda at pinandilatan naman siya ni Celestine.
"Ikaw, isa ka lang namang ampon dito. Kaya wala kang karapatan na sumbat-sumbatan ako ng mga ganyan. Bakit? Ano ka ba ni Alfonso? Palamunin?" Natatawang saad ni Celestine.
"Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong niyan kay Alfonso? Para alam mo naman kung saan ka lulugar," sagot naman ni Amanda at dali-daling naglakad at nilampasan si Celestine.
Habang naglalakad si Amanda patungo sa kuwadra ay narinig niya naman ang pag-andar ng sasakyan na nangangahulugang papaalis sa manor si Celestine.
Tinanaw naman ito ni Amanda hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Sa pangalawang pagkatataon na nagkita silang dalawa ay hindi siya nakaramdam ng galit o inis. Hindi rin niya magawang umiyak ngunit maraming katanungan ang bumubuo sa kanyang isipan.
Sa pagmumukha ni Celestine na isang modelo ay pakiramdam niya ay wala siyang laban dito. Kahit sinong lalaki ay kaya nitong akitin at angkinin. Kasama na roon si Alfonso. Hindi niya rin mawari ngunit wala ng epekto sa kanya kahit na ilang ulit niyang isipin na may nangyari sa dalawa.
Hindi niya pa kayang kaharapin ang binata o kausapin man lang ngunit alam niyang mag-uusap at mag-uusap din silang dalawa dahil nasa iisang bubong lang naman sila.
Hindi niya rin alam kung bakit pa siya umuwi ngunit isa sa mga dahilan ay ang kanyang Inang. Marahil sa kanyang pag-uwi ay mahanap niya nag mga kasagutan sa kanyang mga katanungan. Bibigyan niya ng huling pagkatataon ang binata. Muli ay susugal siya sa ngalan ng pag-ibig at hayaan ang kanyang sarili na matuklas ang magiging resulta ng kanyang desisyon.
Tatanggapin niya ito ng buong-buo kung magkakamali nga man siya at kapupulutan niya ng aral ang lahat. Tatawagan niya rin mamaya si Enzo at kukumustahin. Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos. Tinulungan siya nito noong araw na iyon at kailangan niyang ibalik ang utang na loob na iyon.
Nang makarating siya sa kuwadra ay walang mga tao. Agad siyang tumungo sa kanyang kabayong si Caspian. Nang makita niya ito at agad itong lumapit sa kanya na parang isang tuta. Hinagkan naman niya ito at binigyan ng paborito nitong carrots. Napansin niyang malinis ang kuwadra ni Caspian at hindi naman ito pinapabayaan.
"Mamaya ipapasyal kita sa batis," usap niya sa kabayo habang ngumunguya naman ito.
Habang hinihimas ng dalaga ang kabayo ay natanaw niya ang sasakyan ni Alfonso na papalapit sa manor. Tumigil ang sasakyan at lumabas naman ang binata. Nakatanaw ito sa dalaga na para bang kitang-kita niya ito. Napalunok naman si Amanda dahil tila nagtititigan lamang silang dalawa.
"Hindi ko alam kung tama bang bigyan ka pa ng isa pang pagkatataon," bulong ni Amanda bago nag-iwas ng tingin sa binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top