KABANATA 36
Abala si Amanda sa ginagawa niyang kwintas nang bigla siyang may narinig na tila nag-uusap sa labas. Tumibok naman nang husto ang kanyang puso nang marinig niya na tila pamilyar para sa kanya ang boses. Agad niyang nabitawan ang mga shells sa ginagawa niyang kwintas at kumalat naman ito sa sahig. Dali-dali siyang lumabas at habang papalapit siya nang papalapit sigurado na siya kung kaninong boses nanggagaling ito.
Halos mag-iisang linggo na rin ang nakalipas simula ng kanyang paglisan ngunit sa isang linggong iyon ay hindi niya man lang namalayan ang tagal dahil na rin siguro sa lugar kung nasaan siya. Hindi rin siya pinabayaan ni Enzo at alagang-alaga siya nito. Malaki ang pasasalamat niya kay Enzo dahil sa panahong lugmok siya ay nandoon ang binata.
Nang tuluyan na siyang makalabas ay nakita niya si Enzo na tila galit na galit at doon na lamang ito natigilan nang mapansin nitong naroroon na ang dalaga. Agad na nagtama ang kanilang mga mata at nag-alala ito.
Kitang-kita niya si Alfonso na kalmadong nakatayo at nakatitig lamang sa dalaga na animo ay susunggaban siya nito anumang oras.
"Amanda, it's okay I can take care of this," wika naman ni Enzo nang tuluyan na itong makalapit sa dalaga.
Napakuyom naman ng kamay si Alfonso nang makitang hinawakan ni Enzo ang kamay ng dalaga.
Napatitig naman si Amanda at alanganing ngumiti. "Ako ang sadya niya, Enzo. Ayokong mag-away kayong dalawa," wika naman ni Amanda at umiling naman doon si Enzo.
"No, hindi kami mag-aaway. We're just talking. Go back inside," wika ng binata at napalingon naman si Amanda sa direksyon ni Alfonso at kita niya rito ang galit sa kanilang dalawa.
Bahagyang natawa si Alfonso. "What are you two? Living in?" wika ni Alfonso na tila nangungutya.
Napalingon naman si Enzo sa direksyon ni Alfonso at ngumisi. "Go check some other things. Mind your own business," sagot naman nito dahilan upang ngumisi si Alfonso.
"You're the one who should mind your own business," asik nito at kumalas naman sa pagkahahawak si Enzo kay Amanda ngunit agad din siya nitong inawat ng dalaga.
Pinakatitigan ni Amanda si Enzo at ngumiti. "Ako na ang bahala rito. Maraming salamat sa lahat Enzo. Hindi ko alam kung papaano ka pasasalamatan sa lahat ng mga ginawa mo sa akin. Babalik din ako. Dito rin mismo sa lugar na ito," wika ni Amanda dahilan upang hawakan ni Enzo ang kanyang mga kamay na napakahigpit.
Malalam ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata ng dalaga. "If that's your will. I'll be here," wika nito saka hinalikan ang kamay ng dalaga.
Sa huling pagkatataon ay niyakap ni Amanda si Enzo at bahagyang hinalikan sa pisngi bilang pamamaalam.
Napalingon naman si Amanda sa gawi ni Alfonso na ngayon ay hindi mawari ang ekspresyon ng mukha nito na para bang susugurin ng wala sa oras si Enzo. Lumapit si Amanda kay Alfonso at nang nasa harapan na siya nito at dahan-dahan namang tila umamo ang mukha ng binata.
"Desisyon ko ang pagpunta rito kaya walang kasalanan si Enzo," maikling wika ni Amanda at agad na tinalikuran si Alfonso.
Pinagbuksan naman siya ng pinto ng sasakyan ni Miguel kaya pumasok na rin si Amanda sa loob.
Nagkatitigan naman si Alfonso at Enzo sa huling pagkatataon. "I'll take her away from you without hesitation if you hurt her again. She deserved better," wika ni Enzo.
"And you believe that you are a better fit for her?" wika naman ni Alfonso na nakataas ang isang kilay.
"Does answering that suit your ego?" Ngising saad ni Enzo.
"She's mine," Alfonso growled as if he wanted to attack Enzo.
Natawa naman ang binata rito. "She's not yours to keep. Let her decide," sagot naman nito.
Napamulsa naman si Alfonso at umiling. "From the start, there is no choice between us as to who she will choose. I've devoted to her, and she is committed to me. By the end of the day, her home is still with me. Simply deal with it. Have a good day, Enzo Gabriel," wika ni Alfonso at agad na tumalikod dito.
Habang nasa byahe ay hindi malaman ni Alfonso kung papaano kauusapin ang dalaga dahil tahimik lang ito sa gilid at tila walang balak na kausapin siya. Ramdam nito ang galit sa kanya ngunit hindi niya kinakaya ang pananahimik ng dalaga. Agad niyang isinara ang bintana kung saan makikita si Miguel
"Amanda," tawag niya rito ngunit tila hindi pa rin siya narinig ng dalaga.
Nakatalikod kasi ito sa kanya at nakatanaw lamang sa bintana. Nakasuot lamang ito ng puting bestida ngunit bagay na bagay ito sa pigura ng dalaga. Nakawayway din ang mahaba nitong buhok ngunit nakaipit ang ilang hibla sa isang ribbon.
Doon niya lang din napansin na nakapaa lamang pala ito at puno pa ng buhangin. Hindi niya lubos maisip na nahuhumaling din pala ito sa karagatan.
"Amanda, please let's talk," tawag niya ulit rito ngunit sa uli ay wala siyang nakuhang sagot at hindi nga siya nito nagawang lingonin.
Hindi rin gumagalaw ang dalaga sa pwesto nito kaya napagpasyahang silipin ito ni Alfonso. Nagulat naman siya nang masaksihan niyang natutulog pala ang dalaga at tila himbing na himbing ito.
Napangisi naman si Alfonso at maingat na bumalik sa kanyang pagkauupo. Dahan-dahan niyang ipinuwesto ang ulo ng dalaga sa kanyang kandong at itinaas niya ang mga paa ng dalaga sa upuan. Agad niya ring hinubad ang kanyang suot-suot na coat at ipinatong sa mga binti ng dalaga upang magsilbing kumot nito.
Pinagmasdan naman ni Alfonso ang maamong mukha ng dalaga na tila pagod na pagod dahil hindi man lang ito nagising. Hindi niya lubos maisip kung paano nanagwang matulog ng dalaga agad-agad sa byahe. Inipid naman niya ang iilang hibla ng buhok ng dalaga sa tainga nito.
Napabuntong hininga naman si Alfonso nang maalala ang sagutan nilang dalawa ni Enzo. Hindi niya lubos maisip at hindi niya kayang makita ang dalaga na mapupunta ito sa bisig ng ibang lalaki.
"Mamamatay na muna ako bago ka makuha ng iba, Amanda."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top