KABANATA 35

Alas-dyes na ng umaga nang magising si Alfonso , ilang araw na rin siyang gabi-gabing lasing simula ng pag-alis ni Amanda. Halos hanapin niya ang dalaga sa kahit sang sulok ng mundo. Nakausap niya na rin si Hilda ngunit wla itong alam sa kung saan man pumunta ang dalaga. Kahit na ito ay nag-aalala rin dahil namaalam itong ilang araw lamang itong mawawala ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi.

Halos ilaklak niya ang ilang bote ng alak sa kanyang lalamunan. Hindi niya lubos akalain na makakaya siyang iwan ng dalaga. Hindi niya sinasadyang gawin iyon kay Amanda ngunit dahil na rin sa tila lugmok na ang kanayng buhay kaya niya nagawa ang mga iyon ngunit alam niyang hindi iyon ang rason upang saktan niya ang dalaga.

Isa na lang ang hindi niya inaalam at iyon ay ang lugar ni Enzo. Natatakot siyang alamin na baka nga doon tumakbo ang dalaga. Matagal na niya itong hinala ngunit ayaw niya lang kaharapin ang katotohanan na halos isampal na sa kanya ng kanyang isipan.

Gusto niyang malasing ngunit tila hindi siya tinatablan ng alak kaya hindi pa rin niya malunod ang kanyang sarili kahit sa panandalian lamang.

"I hate this feeling," bulong niya saka napahilot sa kanyang sentido. Kukuha pa sana siya ng isang bote ng alak nang may biglang kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.

Pinatawag niya kasi si Miguel upang ihanda ang kanyang sasakyan at mayroon ding ipinakumpirma.

"Bukas 'yan," wika naman niya at pinihit naman ni Miguel ang siradura at tuluyan na ring pumasok.

Yumuko naman si Miguel bilang paggalang bago bumungad ng kanyang salita. "Kumpirmado pong nasa poder ni Enzo Gabriel si Senyorita Amanda," wika ni Miguel at bago pa ulit ito makapagsalita ay inihagis ni Alfonso ang kanyang hawak-hawak na baso sa pader malapit lamang sa kung saan nakatayo si Miguel ngunit hindi ito kumurap o natinag man lang.

Kitang-kita ang galit sa mga mata ni Alfonso at napakuyom ito ng kanyang mga kamay. Napatayo ito sa kanyang kinauupuan at kumuha ng sigarilyo at sinindihan.

"How are you certain?" tanong ni Alfonso sabay hithit ng kanyang sigarilyo. Umiigting ang kanyang mga panga na nakatitig lamang kay Miguel.

May dinukot namang envelope si Miguel mula sa kanyang suot na dyaket. Inilatag naman niya ang laman ng envelope na puro litrato sa mesa. Dahan-dahan naman itong nilapitan ni Alfonso at pinagkatitigan hanggang sa may nakakuha ng kanyang atensyon. Isang litrato ni Amanda kasama ni Enzo na mukhang masaya. Halos malukot ang litrato na kanyang hawak-hawak dahil sa ngiti ni Amanda na dapat ay para sa kanya lang. Hindi niya kailanman nakikita ang mga ngiting iyon noong magkasama sila.

Napabuntong hininga naman si Alfonso bago humithit ulit ng kanyang sigarilyo. "Location?" tanong ni Alfonso habang titig na titig pa rin sa litrato.

"Nasa Bantayan Island po sila Senyorito," sagot naman ni Miguel.

"Get everything ready. We will leave," utos naman ni Alfonso at tumango naman doon si Miguel at agad na umalis.

Nang tuluyan nang makaalis si Miguel at maisarado ang pinto ay doon na ibinuhos lahat ni Alfonso ang kanyang galit. Walang pagdadalawang-isip na kinuha niya ang mga litrato at lumapit sa basurahan. Sinindihan niya ang mga litrato at sinunog. Hindi pa siya nakuntento at inihagis niya ang mesa kung saan ipinatong ang mga litrato kanina.

Binuksan niya ang isang boteng alak at lumagok. Halos makalahati niya ito at agad na ipinatong sa mesa. Dali-dali naman siyang kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo.

Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay agad siyang bumaba at hinanap si Hilda. Maayos na ang pakiramdam nito at kahit papaano ay bumalik na ito sa kanyang pagtatrabaho kahit na sinabihan na niya itong mag-utos na lamang at maging mata sa manor.

"Senyorito, pakaingatan ninyo po si Amanda kung iuuwi ninyo po siya rito. Dapat ay hindi labag sa loob niya ang pag-uwi dahil mauulit at mauulit din ang lahat ng mga ito," wika ni Hilda at tila hindi naman magawang sumang-ayon doon ni Alfonso.

"Isa lang ang nais ko at iyon ay ang iuwi si Amanda sa ayaw at sa gusto niya, Hilda. Walang makakapigil sa akin doon," sagot naman ni Alfonso at tuluyang iniwan si Hilda na nakatitig lamang sa kanya.


HABANG nasa byahe ay hindi pa rin mawala sa isip ni Alfonso ang mukha ni Amanda sa litrato habang kasama si Enzo. Gusto niyang suntukin sa mukha si Enzo hanggang sa mawala ang ngisi nito sa kanyang mga labi at mayupi ang pagmumukha nito.

Naikuyom niya ang kanyang kamay habang nakatanaw sa labas. Kung maaari lang na liparin ng kanilang sinasakyan ang lugar kung saan naroroon si Amanda ay gagawin niya ngunit gusto niyang maging kalmado ang kanyang pagbyahe upang makapag-isip at maihanda ng buo ang kanyang sarili.

Dahil sa nangyari noong gabing iyon ay hindi niya kayang kaharapin ng buo ang dalaga. Hindi niya rin maintidihan ang kanyang sarili kung bakit niya nabitawan ang mga katagang iyon. Hindi naman niya tinawag si Celestine noong gabing iyon. Nagulat na lamang siya nang makita niya itong nakapasok na sa kanyang kwarto.

Pinapasok naman ito ng mga katulong at dahil masama pa ang pakiramdam ni Hilda noon ay hindi niya nasabihan ang mga kasambahay. Nang tuluyang makapasok si Celestine ay agad itong dumiritso patungo sa kanyang kwarto at doon nga ay may nangyari na sa kanila.

Gusto niyang magpakalunod at makalimot sa sakit na kanyang tinatamasa kaya niya nagawa ang mga iyon ngunit habang nagtatalik sila ay hindi niya maiwasang isipin na si Amanda ang larawan ng babaeng kanyang tinatalik. Hanggang sa bumukas na lamang ang pinto at iniluwa noon si Amanda at kitang-kita sa mga mata nito ang gulat at pagkamuhi.

Hindi na sana niya ito gagatungan dahil ramdam niya ang sakit ng dalaga ngunit tila nakaramdam siya na ayaw niyang tila tinatali siya ng dalaga dahil hindi pa naman sila mag-asawa. Kahit siya ay hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili.

"Please Amanda, I will do whatever it takes to bring you back into my life. You cannot be taken from me by a man. For you, I would burn this world."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top