KABANATA 34

Nagising si Amanda dahil sa sinag ng araw. Kahit hirap siyang imulat ang kanyang mga mata ay pilit niya pa rin itong iminulat. Inilibot niya ang kanyang mga tingin at kulay puti at kahoy ang una niyang napansin sa loob ng kwarto. Kasabay noon ay ang putting kurtinang isinasayaw ng malamyos na hangin at kung hindi siya nagkamamali ay naririnig niya ang paghampos ng alon na animo ay malapit lamang siya sa dagat.

Napahawak naman siya sa kanyang ulo dahil tila nakararamdam siya ng pagkahilo. Ipinikit-pikit niya ang kanyang mga mata at tila bumalik naman siya sa kanyang ulirat. "Ano bang nangyayari sa akin?" tanong niya sa kanyang sarili habang maingat na inilakad ang kanayng sarili patungo sa bukas na bintana.

Napaamang siya sa kanyang nasaksihan dahil isang mala-paraisong karagatan ang kanyang natatanaw. Berdeng-berde rin ang damuhan na nasa labas ng bahay na para bang sinadya dahil sa dulo nito ay isang puting buhangin na sinasalubong ng mala-bughaw na alon ng dagat. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa kanyang nasasaksihan at kayang-kaya niyang tanawin ito kahit ilang oras pa.

Napapitlag naman si Amanda nang biglang may magsalita mula sa kanyang likuran. Agad naman niya itong nilingon at nagulat nang malamang si Enzo ito. Nakasandal ito sa pader na para bang kanina pa ito nakatambay doon at minamasdan siya.

"Loving the view?" tanong nito at tila nahipnostismo naman si Amanda nang lumakad ito sa kanyang direksyon.

Tumango naman ang dalaga at hindi makahagilap ng salita sa kanyang bibig. Hindi makapaniwala si Amanda na nasa harapan na niya ngayon si Enzo. Matagal din silang hindi nagkita at napansin niya na tila malaki ang pinagbago ng binata.

Bahagya namang natawa si Enzo. "I was so anxious about you that I got here as quickly as I could. You fainted that evening. I flew here while you were meant to fly to France, where I am," wika niya at hindi naman malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon niya.

Napaiwas naman ng tingin si Amanda. "S-sorry, nahihiya ako sa mga ginawa ko sa'yo," wika niya at inipid ang ilang hibla ng kanyang buhok na hinahangin sa kanyang tainga.

Umiling naman si Enzo. "I'm not certain, but when it comes to you, I'll do anything. Get some rest, and I'll call someone to help you. You should also change your clothes," wika naman nito habang pinapasadahan ng tingin ang dalaga.

Dahan-dahan namang napatingin si Amanda sa kanyang suot-suot at doon niya lang napansin na isang manipis at puting tshirt na abot tuhod ang kanyang suot-suot ngunit bakat na bakat ang kanyang katawan sa loob. Hindi rin siya nakasuot ng pang-itaas ngunit nakasuot naman siya ng isang maiksing kulay itim na short.

Napahawak naman siya sa kanyang katawan na animo ay matatakpan niya ang kanyang buong katawan. Nakaramdam siya ng pamumula sa kanyang mga pisngi at ng kanyang tainga.

Hinubad naman ni Enzo ang kanyang suot-suot na itim na dyaket at agad itong ipinatong sa mga balikat ng dalaga. "Alis na ako," wika nito at agad na tumalikod.

Naiwang mag-isa si Amanda ngunit ang mga tingin niya ay nakapako pa rin sa pinto kung saan lumabas ang binata. Ilang segundo lang din at may pumasok na rin na isang matandang babae sa kwarto. Nakangiti ito sa kanya at bumati bago tuluyang lumapit sa kanya.

"Magandang umaga sa'yo, iha," malumanay na bati ng matanda sa kanya. "Ako ang nagbihis sa'yo, iha. Sana ay hindi mo ikagagalit 'yon ha," dugtong pa nito.

Napayuko naman si Amanda bilang pasasalamat. "Maraming salamat po sa inyo. Pasensya na po at naabala ko po kayo," pagpapaumanhin ni Amanda at bahagyang natawa naman doon ang matanda.

"Naku iha, huwag kang humingi ng pasensya ha. Pati ako ay nag-alala sa'yo ngunit ang mas nag-alala sa'yo ay walang iba kung hindi si Enzo," sagot nito sa kanya na bahagyang ikinagulat ni Amanda.

Habang nagpapalit si Amanda ng kanyang damit na siyang ibinigay sa kanya ni Welma, ang pangalan ng matandang babae ay hindi niya mapigilang hindi mapamangha sa ganda ng damit. Isa itong bulaklaking damit na kulay rosas at puti at hapit na hapit ito sa kanyang katawan na para bang isinukat para sa kanya.

Nang makalabas siya ay tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nagandahan sa isang damit kahit na punong-puno siya ng kagamitan na puros regalo ni Alfonso. Ngunit ang damit na ngayon na suot-suot niya pakiramdam niya ay payapa at malaya siya sa lahat. Pakiramdam niya ay ngayon lamang siya nakahinga nang maluwag ngunit naroroon pa rin ang pighati sa kanyang puso. Naninikip pa rin ito at kung pagtutuunan niya ito ng pansin ay siguradong luluha na naman siya ng timba-timba.

"Sige iha, maiwan na muna kita rito ha at may inaasikaso pa ako sa kusina nang makakain ka na. Naku, tiyak akong gutom na gutom ka na. Dalawang araw ka ng tulog iha, kaya dapat marami ang kakainin mo mamaya ha," wika ni Welma at wala sa sariling tumango naman si Amanda.

Nang makaalis ang matanda ay bumalik si Amanda sa bintana at humila ng bangko upang maupo. Hindi siya nakararamdam ng gutom ngunit nakararamdam siya ng tila may kulang sa kanya na kailangan bigyan ng puwang.

Sinusuyod naman ng malamyos na hangin ang kanyang mahabang buhok. "Alfonso," bulong niya habang minamasdan ang pag-alon ng dagat sa buhanginan.

Ilang minuto rin siyang nanatili sa kanyang pwesto hanggang sa marinig niyang bumukas muli ang pinto at sa pag-aakalang si Welma ito ay hindi na siya nag-abala pang lumingon.

"Hindi na muna po ako kakain, Manang Welma. Wala po akong gana," wika niya ngunit wala siyang narinig na sagot.

Narinig niya itong papalapit nang papalapit sa kanyang direksyon at doon niya na lamang ito nilingon.

"Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan. Makes me want to keep you away from him."

Nahagip naman ang paghinga ni Amanda nang mapagtanto niyang sobrang lapit ng kanilang mukha. Amoy na amoy niya ang pabango nito. "Enzo," tawag niya at mariin siyang napapikit nang lumapit pa nang husto ang mukha nito.

Naramdaman niya na lamang ang paglapat ng mga labi ng binata sa kanyang noo. "Please join me for lunch." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top