KABANATA 33

Namamaga ang mga mata ng dalaga ngunit abala pa rin siya sa pagtupi ng kanyang mga damit. Hindi siya makapag-isip ng matino sa mga oras na ito ngunit iisa lang ang gusto niya at iyon ay ang umalis sa lugar na ito kahit ilang araw lang.

Magpapaalam na muna siya sa kanyang inang at sasabihing magbabakasyon lamang siya ng ilang araw. Hindi niya kayang manatili kasama ang binata sa iisang lugar. Naalala niyang mayroon pa siyang isang selpon at nakalagay pa roon ang numero ni Enzo. Walang pagdadalawang-isip na hinanap niya ito. Mabuti na lang din at umaandar pa ito kaya dali-dali niyang hinanap ang pangalan mismo ni Enzo at sa loob-loob niya ay nagdarasal siyang sasagutin ito ng binata.

Wala rin kasi siyang matatakbuhan dahil simula ng pagkabata niya ay tanging ang rantso lamang ang alam niyang puntahan maliban na lamang kay Enzo. Wala pang ikatatlong pag-ring ay sinagot naman ito ng binata. Tila narinig naman ng kaitas-taasan ang kanyang dasal at agad siyang napanatagan ng loob.

"Amanda?" tawag ni Enzo sa kabilang linya.

Nanginginig naman ang pang-ibabang labi ng dalaga at umaagos na naman ang kanyang mga luha. "E-enzo," nauutal niyang sagot at tila nabahala naman ang binata nang marinig ang kanyang boses.

"Ano'ng nangyari? Nasaan ka?" sunod-sunod na tanong ni Enzo at halata sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala.

"Gusto kong umalis dito. Please take me away from here," mahinang sagot ni Amanda at walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Dahil na rin na nasa malayong lugar si Enzo ay hindi niya ito agad-agad mapuntahan. "Take your phone with you. Go get a ride, and I'll message you the address where you need to go, and someone will take care of you. I will wait for you here," wika naman ni Enzo at tumango-tango naman si Amanda.

Nang mamatay ang tawag ay nakatanggap naman siya ng mensahe galing kay Enzo at nakalakip doon ang address na dapat niyang puntahan. Huminga naman siya ng malalim at tinapos nag kanyang ginagawa. Iilang damit lang naman ang kanyang dadalhin at nagdala na rin siya ng kanyang pera na unti-unti niyang inipon noon pa man.

Muli niyang tiningnan ang kanyang sarili sa salamin at halatang mugtong-mugto pa ang kanyang mga mata. Wala na rin naman kasi siyang magagawa ngunit kailangan na niyang umalis.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at tahimik ang buong kabahayan. Madilim na rin sa labas at tila umuulan pa ngunit hindi gaanong kalakasan.

Nang makarating siya sa kwarto ng kanyang inang ay agad na nagtama ang kanilang mga mata. Nag-aalalang tinititigan naman siya ni Hilda at hindi na ito nagtanong pa kung ano ang nangyari bagkus niyakap niya ang dalaga at inalo. Bumuhos naman lalo ang mga luha ni Amanda dahil doon. Hinagkan at hinalikan naman ni Hilda ang ulo ni Amanda.

Ilang minuto rin sila sa ganoong puwesto bago inihayag ni Amanda na aalis siya ngunit inilahad niya rin na hindi naman magtatagal ang kanyang paglisan at agad ding babalik. Tila nakuha naman ito agad ni Hilda at kahit na labag sa kalooban niya na umalis ang dalaga ay alam niyang wala rin naman siyang magagawa dahil ramdam niya na tila mabigat at masakit ang pinagdadaanan ni Amanda.

DALA-DALA ang maliit niyang bag na may laman ng kanyang iilang damit ay tila nakahinga nang maluwag si Amanda. Habang tinatanaw ng kanyang mga mata ang manor ay hindi niya maiwasang hindi pa rin masaktan. Sa iisiping naroroon si Alfonso sa kwarto nito na walang kamalay-malay sa kanyang paglisan.

Basang-basa siya sa ulan hanggang sa makasakay. Ibinigay niya ang address sa drayber at agad naman siya nitong tinugon. Halos isang oras din ang kanyang binyahe dahil sa layo ng address na ibinigay sa kanya ni Enzo. Nanginginig naman sa lamig si Amanda at wala siyang lakas na balutin pa ang kanyang sarili dahil kahit sa panahon ay ramdam niya pa rin ang kalamigan ni Alfonso.

Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ni Alfonso sa kanyang isipan at heto na naman siya at naluluhang muli. Para ring napipiga ang kanyang puso sa tuwing inaalala niya ang pangyayari sa kwarto kung saan minsan silang dalawa ang nagtatalik at nakita niya na lamang na may iba na rin itong itinatalik.

"Naririto na po tayo, Ma'am," wika ng drayber at doon naman bumalik sa ulirat si Amanda.

Bago pa man ito makahugot sa kanyang pitaka ng pangbayad ay bumukas ang pintuan ng sasakyan at sumalubong sa kanya ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na long sleeve at pantalon. Sa pagmumukha pa lang nito ay halatang isang mayaman at eleganteng tao.

"Miss Amanda, I'll take care of this," wika nito at tila gulat pa rin ang dalaga ngunit tumango naman siya.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay agad siyang iginiya ng lalaki sa daan. Doon ay nakita niya ang isang private plane na kulay itim.

"My name is William, and I'll be your assistance for the night. "You can change your clothes inside," wika nito na ngayon ay nagpakilalang William.

Nagpasalamat naman ang dalaga at sumunod na lamang sa inuuutos sa kanya. Mahina na ang kanyang katawan at saktong nasa loob na siya ay ang siya namang pagdilim ng kanyang kapaligiran. Ramdam niya na tila umiikot ang kanyang paligid at hindi na niya nakayanan at ipinikit na niya ang kanyang mga mata.

Ang tanging naririnig na lamang niya ay ang boses ng nag-aalalang si William. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top