KABANATA 28
Makalipas ang isang taon...
Hindi na isang sekreto ang relasyon na namumuo sa pagitan nina Amanda at Alfonso. Inaasahan na rin nila noon pa man ang mga batikos na kanilang matatanggap ngunit kalaunan ay nawala rin na parang bula. Ganoon na lang din ang pagkagulat ni Hilda nang malaman niya ito ngunit hindi siya nagkulang sa paalala sa dalaga kung ano ang maaaring magiging kahihinatnan nito.
Alam din kasi ni Amanda na mayroon lamang silang usapan ni Alfonso ngunit wala itong sinasabi kung ano nga ba ang katayuan ng kanilang relasyon. Isa lang ang alam ng dalaga at iyon ay handa siyang sumugal sa ngalan ng pag-ibig. Ngunit sa makalipas na isang taon ay hindi na rin niya nakitang muli si Enzo subalit isang sulat ang iniwan para sa kanya na hanggang ngayon ay nagbibigay ng katanungan sa kanya.
Hindi naman mahirap mahalin si Enzo subalit mas matimbang ang pagmamahal niya kay Alfonso. Naniniwala siyang makahahanap pa ito ng ibang babaeng susukli ng tama sa pag-ibig nito at hindi siya ang babaeng iyon. Kung darating man ang panahon na magku-krus ang kanilang landas ay hindi siya mag-aatubiling kausapin ito dahil kahit papaano ay may maganda silang pinagsamahan bilang magkaibigan.
Habang abala si Amanda sa pagpapakain sa kanyang kabayong si Caspian ay ang siya namang pagsulpot ni Alfonso. Nitong mga nagdaang araw ay tila malamig ang pakitutungo nito sa kanya at hindi niya mawari kung bakit o kung ano ang rason dahil wala naman siyang maaalalang may ginawa siyang labag sa kalooban ng binata.
Pagkatapos pakainin ni Amanda ang kabayo ay agad siyang nagtungo sa direksyon ni Alfonso kung saan ay abala rin ito sa pakikipag-usap kay Mang Rodolfo.
Hinintay naman ng dalaga na matapos ang dalawa sa pag-uusap bago niya tuluyang lapitan si Alfonso ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ay dali-daling naglakad si Alfonso papalabas ng kuwadra. Nagtatakang sinundan naman ito ng tingin ni Amanda at agad pa rin itong sinundan. Gulong-gulo siya sa kung ano man ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa dahil sa pagkaaalala niya ay maayos naman silang dalawa.
"Alfonso," tawag niya rito habang patuloy pa rin sa pagsunod ngunit malalaki ang hakbang ng binata kaya hindi niya agad-agad ito maabutan. "Alfonso," ulit niyang tawag ngunit hindi pa rin siya tinapunan ng tingin ng binata.
Wala si Hilda dahil siya ang naging pansamantalang bantay ni Senyor Wilbert sa America kung saan ito kasalukuyang nagpapagamot at nagpapagaling. Ang tanging naiwan lamang sa manor ay silang dalawa dahil pinagbakasyon din ni Alfonso ang ibang mga katulong. Ilang tao lang din kasama ni Mang Rodolfo ang naiwan upang pangalagaan ang mga kabayo.
Walang pag-aatubiling pumasok si Alfonso sa kanyang kwarto at sinarhan nang pagkalakas-lakas si Amanda. Napasinghap naman sa gulat ang dalaga dahil sa tinuran ng binata. Napaatras siya sa takot ngunit ikinuom niya ang kanyang mga kamay at napabuga ng paghinga.
Pinihit niya busol at natuklasang hindi naman pala ito tuluyang nakasirado. Agad na tumambad sa kanya ang amoy ng pabango ng binata. Madilim ang buong kwarto at tanging silip lamang ng araw mula sa kurtina ang ilaw niya sa loob hanggang sa unti-unting masilayan ng dalaga ang binata na nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama at nakapanghilamos ng mukha.
"Alfonso," bulong ni Amanda at dahan-dahang lumapit sa direksyon ng binata. Nang makalapit naman siya kay Alfonso ay agad niyang hinawakan ang mga balikat ni Alfonso dahilan upang dahan-dahang tumingala ang binata sa kanya.
Agad na nagtama ang kanilang mga mata at tila para bang nangingiyak ang mga mata ni Alfonso na nakatitig sa kanya. Bigla namang nag-alala si Amanda at nilapat ang mga kamay nito sa mga pisngi ni Alfonso.
"I have read the letter," mahinang sambit ni Alfonso na siya namang ikinakunot ng noo ng dalaga. "He loves you," dugtong pa nito at doon naalala ni Amanda ang liham na siyang itinago niya sa kanyang kwarto na galing kay Enzo.
Hindi niya alam kung papaano ito nakita ni Alfonso dahil sa pagkaalam niya ay itinago niya ito. "Alfonso," tawag ni Amanda na may malamlam na mga mata habang titig na titig sa mga mata ni Alfonso. "Binasa mo ba ang liham na ipinadala ni Enzo sa akin na siyang itinago ko?" tanong niya at nag-iwas naman ng tingin si Alfonso.
"Why did you hide it?" diritsang tanong ni Alfonso. "And do you love him too? Kaya mo itinago ang liham na 'yon?" dugtong pa nito at umiling naman si Amanda.
"Hindi ko itinago 'yon na may kasamang dahilan o ilihim sa'yo, Alfonso. Inaamin kong hindi mahirap mahalin ang tulad ni Enzo ngunit hindi ko 'yon magawa dahil iisang tao lang ang minahal ko noong una pa lang at 'yon ay walang iba kung hindi ay ikaw, Alfonso," sagot ni Amanda dahilan upang titigan siya ni Alfonso sa mga mata.
Dahan-dahan namang tumayo si Alfonso at kitang-kita ang kanyang katangkaran sa liit ni Amanda na hanggang dibdib lamang nito. "I despise the rage I'm having. You're mine and I'm yours, baby."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top