KABANATA 25

Abala si Amanda sa pag-aayos ng kanyang kwarto. Ilang araw din kasi siyang natulog sa kwarto ni Alfonso. Pagkatapos noong araw ng kanilang huling pag-uusap ay umalis na muna ang binata at dalawang araw na rin itong wala dahil s amayroon na raw muna itong importanteng aasikasuhin.

Pagkaalis niya rin nang pagkaalis mula sa mahaba niyang pagkahihiga at pagpapahinga ay unang-una niyang ginawa ay binisita ang kanyang pinakmamahal na kabayong si Caspian. Hindi naman ito pinabayaan ng kanyang Inang kahit na ang mga trabahante sa manor.

Hindi na rin bago sa kanya ang muling pag-alis ng binata dahil para na siyang nasasanay na nawawala na lamang ito. Ngunit noong araw na tila nagtapat ito ng damdamin sa kanya ay tuluyan nang nahulog ang kanyang damdamin. Subalit hindi pa rin maalis-alis sa kanyang isipan ang mga sinabi sa kanya ng kanyang Inang.

Habang abala sa paglilinis ay nakita niya ang kanyang selpon at ilang araw na rin pala niya itong hindi ginagamit simula noong araw na naisipan niyang hindi pansinin si Alfonso. Nang i-on niya ang kanyang selpon ay tumambad sa kanya ang ilan-ilang mga mensahe at tawag mismo ni Alfonso. Hindisiya halos makapaniwala na halos bumabaha ng mga mensahe at ilang mga tawag ang ginawa sa kanya ni Alfonso. Napagpasyahan niyang basahin ang mga mensahe nang biglang tumunog ang kanyang selpon hudyat na may tumatawag sa kanya.

Nagulat naman siyang mabasang si Enzo ang tumatawag sa kanya. Walang pag-aalilangang sinagot niya naman ito. Ilang araw din simula noong maaksidente siyang hindi sila nakapag-usap o nagkita man lang. Nabalitaan niya rin s akanyang Inang napilit itong bumibisita sa kanya ngunit tinataboy siya mismo ni Alfonso. Isa pa sa gusto niyang malaman ay kung bakit tila hindi magkasundo ang dalawa.

"Hello, Enzo?" sagot niya sa tawag at narinig naman niya itong tila napabuntong-hininga.

"Amanda," mahinang sagot nito sa kabilang linya. "I was just trying to call you kahit na alam kong hindi mo ginagamit ang selpon mo. Yet you answered," dugtong pa nito.

Tila nakaramdam naman ng konsensya si Amanda. "Pasensya ka na, Enzo. Ngayon lang din kasi naging maayos ang pakiramdam ko. Kasalukuyan kasi akong naglilinis ng kwarto kaya ko nakita itong selpon ko," sagot naman ni Amanda saka marahang naupo sa gilid ng kanyang kama. "Nasaan ka ba ngayon? Gusto mo ba lutuan kita para man lang makabawi ako sa'yo," dugtong pa niya.

"Hindi naman ako nagdadamdam doon dahil alam ko naman kung ano ang nangyari sa'yo. Nag-aalala lang kasi ako. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Pwede ba akong pumunta riyan? Huwag kang mag-alala mabilis lang ako kahit kaunting silip lang sa'yo ay okay na," wika ni Enzo at tumango naman si Amanda.

"Ayos lang, Enzo. Tara rito at magluluto na ako. Dito ka na kumain," sagot naman niya at nagpaalam naman sila sa isa't isa bago pinatay ang tawag.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng ilang minuto ay agad din siyang bumaba upang maiayos lahat ng mga gagamitin niya sa kanyang pagluluto. Nakita naman siya agad ng kanyang inang at agad siya nitong nilapitan.

"Naku ano ba 'yang ginagawa mo? Dapat nagpapahinga ka pa ngayon," wika naman ni Hilda habang pinapanood si Amanda na naghihiwa ng mga isasahog sa kanyang iluluto.

"Inang, ayos na po ako. Mabuti nga po itong may ginagawa ako Inang para kahit papaano mapawisan naman po ako. Ilang araw din akong nakatihaya sa kwarto," sagot naman ni Amanda at tumango-tango naman si Hilda rito. "Saka nga po pala Inang, bibisita raw po ngayon si Enzo rito kaya magluluto po ako," dugtong pa niya.

"Ganoon ba? Mabuti na lang at wala rito si Senyorito kung ganoon," wika naman ni Hilda na ikinalingon ni Amanda at hinayaan na muna ang kanyang ginagawa.

"Tungkol po riyan, Inang. Bakit po ba tila napansin kong medyo may iba sa hangin ng dalawa? Bakit po ano po ba talaga ang totoong nangyari?" tanong ni Amanda.

Napabuntong hininga naman si Hilda at sasagot na sana ito nang biglang may pumasok at tinawag siya.

"Hilda, kailangan naming ng tulong mo roon sa kwadra at may kailangang suriin sa mga supplies natin para agad na mailista sa mga bibilhin," wika ni Mang Rodolfo, punong tagapangalaga ng mga kabayo.

May katandaan na rin ito at kung iisipin ay pwede na rin itong magretiro ngunit mahal niya ang kanyang ginagawa at ayaw niyang umupo na lamang sa kanyang bahay na walang ginagawa at mag-isa na lang kasi ito sa buhay.

"Magandang umaga po sa inyo Mang Rodolfo," bati ni Amanda at ngumiti naman ang matanda sa kanya at tumango.

"Magandang umaga rin sa'yo iha. Mabuti naman at nasisinagan ka na ng araw. Huwag kang mag-alala kay Caspian mo at hindi namin siya pinapabayaan," wika naman nito sa kanya dahilan upang mapangiti nang husto si Amanda.

"Maraming salamat po sa inyo Mang Rodolfo," sagot naman ni Amanda.

"O siya anak, maiwan na muna kita rito ha at pupunta na muna ako roon," wika naman ni Hilda at tumango naman ang dalaga.

Nang makaalis ang dalawa ay bumalik naman si Amanda sa kanyang ginagawa. Habang naghihiwa ng karne ay may narinig agad si Amanda na tila humintong sasakyan sa harap ng bahay. Bago pa man niya tuluyang iwanan ang kanyang ginagawa upang tingnan kung sino ito ay agad na sumalubong sa kanya si Enzo.

May dala-dala itong basket na punong-puno ng sari-saring mga prutas. Agad naman nitong inilapag sa mesa at nilapitan ang dalaga.

"Amanda," tawag naman ng binata at walang ano-ano ay agad siya nitong niyapos ng yakap ngunit agad din itong kumawala. "I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin.

Umiling naman si Amanda dahil alam nitong pinag-aalala niya ito. "Upo ka na muna riyan at iluluto ko na muna ito. Hindi ko aakalain na agad-agad ka rin pa lang pupunta rito. Ganoon talaga kabilis ha," wika ni Amanda na medyo natatawa.

"Ganoon talaga kapag mahal mo," mahinang sagot ni Enzo habang humihila ng upuan upang maupo.

Hindi naman ito masyadong narinig ni Amanda dahil sa ingay ng supot na kanyang kinuha mula sa kabinet. "Ano ulit 'yon?" tanong ni Amanda at nilingon ang binata.

Umiling naman si Enzo at nangingiti na lamang habang pinapanood ang ginagawa ng dalaga. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top