KABANATA 22
Napaawang naman ang bibig ni Amanda, gulat dahil sa presensya ni Alfonso. Hindi niya kasi lubos maisip na nakauwi na pala ito at kung hindi siya nagkamamali ay nakita nito ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ni Enzo.
Napalunok naman si Amanda at nagpatuloy sa paglakad papasok ng gate. Hindi siya umimik at nilampasan lamang si Alfonso. Mabilis ang kanyang mga hakbang ngunit inilang hakbang lamang ito ni Alfonso at agad naman siyang inabutan.
"You're ignoring me?" tila sarkastikong komento pa nito sa kanya ngunit hindi pa rin umiimik si Amanda bagkus patuloy pa rin ito sa paglakad hanggang sa malapit na sila sa bahay.
Para siyang nagpipigil ng kanyang paghinga at gusto niyang liparin na lamang ito patungo sa kanyang kwarto. Hindi niya alam ngunit tila nakararamdam siya ng konsensya dahil sa kanyang ginawa ngunit iniisip niya pa lang ang ginawa ni Alfonso sa hindi pagsagot sa kanyang mga mensahe at tawag noon ay may karapatan siyang hindi ito pansinin. Lalo pa at nalaman niya ang dahilan kung bakit hindi siya nito sinasagot dahil abala pala ito sa ibang babae.
"Yes, it appears like you are ignoring me because of him huh," dagdag pa ni Alfonso at pinanood na lamang ang dalaga ang pag-akyat patungo sa kwarto nito.
Nang makarating si Amanda sa loob ng kanyang kwarto ay agad niyang isinarado ang pinto. Kumakabog nang husto ang kanyang dibdib dahilan upang masapo niya pa ang kanyang noo, namamawis na pala siya.
Agad siyang nahiga sa kanyang kama. Mabuti na lang din at hindi niya namataan ang kanyang inang kanina kung hindi ay mapupuno naman ito ng katanungan.
Tumatambol nang tumatambol ang kanyang dibdib. "Bakit pa siya umuwi? Ano'ng karapatan niya para itanong sa akin ang mga 'yo? Siyanga itong nasa ibang lugar pagkatapos may ibang kinakalantari pala," wika niya habang sinusuntok ang malaking unan na nasa kanyang tabi.
Galit ang nararamdaman niya para sa binata ngunit mayroon ding parte na tila nakokonsensya siya. "Hindi dapat ako makaramdam ng ganito," bulong niya sa kanyang sarili saka tumayo at kinuha ang tuwalyang nakasabit malapit sa kanya.
Kailangan niyang maligo dahil na rin sa nalilito siya sa kanyang nararamdaman. Para rin kasing mas gusto niyang piliin si Enzo kaysa kay Alfonso dahil na rin sa komplikado ang kanilang sitwasyon ni Alfonso ay ayaw niya rin na siya pa ang maging dahil nang pagbagsak nito. Ayaw niya ring maglagay patungkol sa kung ano man ang mayroon sa kanila dahil kahit na ang binata ay wala namang sinasabi sa kanya. Kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin kasama si Caspian mamaya pagkatapos niyang maligo.
HALOS isang oras din siyang naligo bago siya lumabas sa banyo. Pagkalabas nang pagkalabas niya ay napasinghap siya sa gulat nang makita si Alfonso na malayang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
"Amanda, we have to talk," salubong nito sa kanya at wala itong pakialam kahit na nakabalot lamang sa tuwalya ang dalaga.
Tumungo si Amanda sa pinto at bahagyang pinihit ang busol upang buksan ang pinto at paalisin ang binata ngunit agad namang isinarang muli ito ni Alfonso at dinambahan si Amanda.
Habol-habol naman ni Amanda ang kanyang paghinga dahil dikit na dikit ang kanilang katawan. Amoy rin ng dalaga ang pabango ni Alfonso. "Please..." bulong ni Amanda at hindi masyadong makatitig ng maayos kay Alfonso.
"Please what? Tell me," bulong ni Alfonso malapit sa tainga ng dalaga.
Buong-lakas namang tinulak ni Amanda si Alfonso sa dibdib nito. Hindi man ito natinag ngunit bahagyang napaatras naman si Alfonso.
"You hate me now?" tanong nito ngunit tila may nakalolokong ngiti sa labi nito.
Isinara naman ni Amanda ang pinto at matiim niya itong tinitigan. "Mabuti naman at alam mo. Ngunit wala naman akong karapatan upang magalit dahil wala naman tayong relasyon. Noong una pa lang ay wala naman talaga. Ni hindi ko nga alam kung ano tayo. Saka makikita ko na lang sa mga social media na may kasama kang iba kaya pala wala akong nakukuhang sagot sa'yo. Hindi ko na ginagamit ang selpon na ibinigay mo sa akin dahil isasauli ko na rin 'yon sa'yo. Hindi ko naman kailangan nun kaya kung pwede lang po ay umalis ka na rito sa kwarto ko at magbibihis pa po ako," mahabang lintanya niya at ilang minuto rin siyang pinagkatitigan lamang ni Alfonso at tumango.
Siya na rin mismo at bumukas ng pinto at lumabas. Walang imik siyang lumabas at agad na isinara ang pinto. Naiwang tulala lamang si Amanda at tila nakaramdam siya na tila siya pa ang may kasalanan o mali.
Nag-iinit ang kanyang mga mata at tila nangingilid ang kanyang mga luha. Napaupo siya sa gilid ng kanyang kama at hinayaan na lamang ang kanyang sarili na lumuha. Kailangan niyang magpahangin at maging malayo sa lugar. Kahit na madilim na sa labas at tila may paambang uulan ay wala siyang pakialam. Kailangan niyang makapunta sa kanyang sekretong lugar, sa batis upang maisagaw ang kanyang inis at galit.
Dali-dali naman siyang kumuha ng damit at agad na nagpalit. Pagkatapos niyang magpalit at lumabas ng kanyang kwarto ay nagpalinga-linga na muna siya dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang inang.
Nang wala siyang mahagilap na tao sa ibaba at kumaripas siya nang takbo papalabas ng bahay at patungo sa kuwadra. Kumukulog naman ang langit batid na malapit na ang ulan at gayun na rin ang malakas na paghampas ng hangin ngunit hindi iyon alintana ni Amanda.
Nang mailabas niya si Caspian ay agad niya rin itong sinakyan at sabay ng pagtakbo ay ang malakas na pagkidlat na ikinatakot din ng kabayo ngunit agad naman itong pinakalma ni Amanda.
Mabilis ang kanyang pagpatakbo at gayun na rin ang malakas na paghampas ng hangin sa kanya at may butil-butil na rin ng pag-ulan. Ramdam niya rin na natatakot na ang kanyang kabayo ngunit hinihimas niya lamang ito upang kumalma. Malapit na sila sa batis at nang malapit na sila ay ang siyang pagbuhos ng malakas na ulan at pagkulog.
Dahil sa takot ng kabayo ay nagwala ito dahilan upang mahulog si Amanda at mabagok ang kanyang ulo sa lupa. Para namang nilamon siyang paunti-unti ng kadiliman habang pinapanood na tumakbo ang kabayo papalayo sa kanya. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong dahil na rin sa napakadilim ng kanyang kinaroroonan at palakas nang palakas ang ulan.
Tuluyan na rin siyang nilamon ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top