KABANATA 21

Nagpasyang pagmasdan nina Amanda at Enzo ang papalubog ng sikat ng araw. Malamyos ang hangin na sumasalubong sa kanila at hindi mapigilang hindi pagmasdan ni Aenzo ang mukha ng dalaga. Mas lalo siyang nahuhumaling at nalulunod sa kagandahan nito.

"Do you love him?" walang pagdadalawang-isip na sinambit ni Enzo ito.

Tila nagulat naman si Amanda sa tinuran ng binata. "Ha?" tipid na tanong ni Amanda at tila nag-iiwas ito ng tingin sa binata.

"Hindi pa man kita lubos pang kilala ngunit hindi nagsisinungaling ang iyong mga mata, Amanda," wika ni Enzo at hindi naman alam ni Amanda ang kanyang gagawin. Maski siya ay hindi nbiya alam kung ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Alfonso. "Kilalanin mo munang mabuti si Alfonso," dugtong pa ni Enzo ngunit pabulong lamang ito.

Tila nakuha naman ang atensyon ni Amanda rito at napalingon sa binata. Gusto niyang magtanong ngunit natatakot siya sa maaari niyang malaman. May parte sa kanya na gusto niyang makilala pa si Alfonso ngunit may parte ring takot siya. Kahit na may nangyayari sa kanila ay ramdam niyang sirado pa ang puso nito para sa kanya.

Kahit siya ay napaisip na isang malaking kamalian ang kanyang ginagawa dahil hindi naman dapat niyang maramdaman ang mga nararamdaman niya ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kanya at lalong-lalo na kay Alfonso. Alam niyang inaalagaan nila nang husto ang kanilang pangalan at baka siya pa ang maging mitsa upang madumihan ito.

"Huwag mo nang isipin pa," wika ni Enzo saka ibinaling ang kanyang mga tingin sa unti-unting paglubog ng araw.

Palihim na nasasaktan ang binata ngunit ayaw niya itong ipakita sa dalaga dahil unang-una ay wala naman talaga silang dalawa. Ni hindi niya nga ito nililigawan. Ngunit sa araw na ito ay gusto niyang aminin ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. At kahit na anuman ang magiging sagot nito ay tatanggapin niya ng bukal sa kanyang kalooban.

"Amanda," tawag niya rito. "Aaminin kong may pagtingin nga ako sa'yo. Hindi ko naman sinasabing kailangan mong ibalik ang pag-ibig ko sa'yo. Sinasabi ko lang 'to upang gumaan ang kalooban ko," pag-aamin ng binata at hindi naman iyon inaasahan ni Amanda.

"Enzo," mahinang tawag ng dalaga. "Hindi ka naman mahirap mahalin at sa katunayan kung hindi ko pa nakilala si Senyorito ay paniguradong ikaw ang mamahalin ko," dugtong pa nito na mas ikinalungkot naman ng mukha ni Enzo.

"Inamin mo nan gang mahal mo siya," nakangiting turan ng binata.

Dahan-dahang tumayo si Enzo mula sa kanyang pagkauupo. "Halika na, ihahatid na kita sa inyo at gagabi na," mahina nitong sambit at nagsipaunang naglakad papalayo sa dalaga.

Tila nakaramdam agad si Amanda na tila lumayo agad ang kalooban sa kanya ni Enzo. Ito rin ang isa niyang ikinakatakot na maaaring makasira ng pagkakaibigan. Hindi niya rin inaasahan iyon sa binata. Totoo naman ang kanyang mga sinabi na hindi mahirap mahalin si Enzo ngunit hindi siya ang nararapat na babae para rito. Dahil kung susumahin ay isa siyang dukhang inampon lamang ng mga Alonto. Walang kamag-anak ni isa at iniwan na rin ng mga magulang.

Sa madaling salita ay wala siyang silbi at ang tanging magagawa na lamang niya ay ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanp ng magandang trabaho. Kapagka dumating ang araw na iyon ay susuklian niya ang mga Alonto dahil sa pagkukupkop sa kanya at pag-aaral. Buong buhay niya ring pasasalamatan ang kanyang inang ngunit kung maaari ay kukunin niya ito dahil tumatanda na ito at siya naman ang mag-aalaga rito.



HABANG nasa byahe ay hindi mapakali si Amanda sa kanyang upuan dahil tila hindi na siya kinikibo ni Enzo. Seryoso lamang itong nakatingin sa daan. Hindi siya sanay sa ganitong ugali ni Enzo. Ngayon niya lang din nakita ang ganitong ugali ng binata.

"Enzo," mahinang tawag niya rito ngunit sapat na iyon upang marinig ng binata.

"Don't worry, my treatment of you will not change," malamig na sagot ni Enzo at hindi man lang siya nito tinapuan ng tingin.

Hindi naman umimik si Amanda at pinili na lamang na tumahimik dahil tila nagbabadya ang kanyang mga matang lumuha. Pinanood na lamang ni Amanda ang nadadaanan nilang mga puno upang kahit papaano ay malibang siya at umurong ang kanyang mga luha.

Ilang minuto rin ang lumipas bago natanaw ni Amanda ang manor. Huminto naman ang sasakyan at sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. "Maraming salamat," wika ni Amanda saka binuksan ang pinto ng sasakyan.

Papunta pa lang si Amanda sa gate ay agad siyang napasinghap nang may humila sa kanyang pulso. Agad na nagtama ang kanyang katawan sa mismong dibdib ni Enzo at kasabay noon ay ang isang halik sa kanyang mga labi.

Mulat na mulat ang mga mata ng dalaga habang hinahalikan siya ng binata. "I'm willing to wait because you are worth it," wika nito saka siya binitawan at tuluyang iniwan.

Tulala naman si Amanda habang pinapanood ang papalayong sasakyan ni Enzo hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Dahan-dahan siyang napahawak sa kanyang mga labi at tila mainit pa ito mula sa halik ng binata.

Tatalikod na sana siya nang agad naman siyang natigilan mula sa kanyang kinatatayuan nang makita niya si Alfonso na nakatayo sa gate at malalim ang mga tingin nito sa kanya.

"I guess you're enjoying someone else's company than mine."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top