KABANATA 13
"I'm pleased you like it," wika ni Alfonso na may nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi ngunit agad din siyang tumalikod at umalis.
Naiwang tulala naman si Amanda ngunit kumakabog-kabog naman ang kanyang dibdib. Napahawak naman siya sa kanyang dibdib at dahan-dahang isinara ang pinto. Tumungo naman siya sa maliit niyang mesa saka iginiya ang kanyang sarili na maupo sa gilid ng kanyang kama. Hindi pa rin siya makapaniwalang kaharap niya si Alfonso kanina at siya naman itong parang timang na natulala lamang sa katititig sa kanya.
Ilang araw din silang hindi nagkikibuan simula noong araw na iyon ngunit ngayong araw na ito ay siya pa ang naunang kumausap sa kanya. Hindi maintindihan ni Amanda ang kanyang nadarama ngunit isa lang ang sigurado siya ngayon. Iyon ay ang may pagtingin na siya sa kanilang Senyorito Alfonso. Pagtingin na hindi naman dapat dahil sa estado ng kanilang buhay.
Huminga naman ng malalim si Amanda at umiling-iling. Hindi niya dapat nararamdaman ang mga bagay na ito. Napagdesisyonan niyang bumaba na muna upang makainom ng tubig ngunit papalabas pa lamang siya ay nakita ni si Senyor Wilbert na papalabas din sa kwarto nito.
Yumuko naman si Amanda bilang paggalang. Lumapit naman si Senyor Wilbert sa kanya at may dala-dala itong isang kahon na tila regalo.
"Maligayang kaarawan sa'yo," wika ni Senyor Wilbert saka iniabot ang kahon kay Amanda.
Tila nagulat naman si Amanda sa tinuran ni Senyor Wilbert. Hindi siya makapaniwala na may ganitong emosyon ang kanilang Senyor. "M-maraming salamat po. Hindi nap o sana kayo nag-abala pa, Senyor. Sapat na po sa akin na manirahan at kupkupin ninyo po ako rito," sagot naman ni Amanda.
Umiling naman si Senyor Wilber at napangiti. "Kahit na naririto ka ay hindi ka naman naging sakit sa ulo at naging pabigat bagkus kahit 'di naman naming sinasabi ay kusa kang tumutulong dito sa manor. Pagpasensyahan mo na ako nitong mga nakaraang taon at hindi naging maganda ang pagkikita natin. Sa katunayan nga ay ngayon pa lang talaga tayo nakapag-uusap ng ganito," wika ni Senyor Wilbert habang nakapamulsa.
"Maraming salamat po Senyor, utang na loob ko po ang buhay ko sa inyo," ani ni Amanda at napayuko.
Napangiti naman si Senyor Wilbert sa dalaga at umiling. "Sige na, maghanda ka na at maya-maya ay naririyan na ang mga bisita mo. Magpapahinga na muna ako," wika naman ni Senyor Wilbert at tumango naman doon si Amanda bilang sagot.
Nang makainom naman si Amanda ng tubig ay agad din siyang pumanhik sa kanyang kwarto upang maligo. Habang buhay niyang pasasalamatan ang mga Alonto sa pagkupkop sa kanya.
Habang rumaragasa ang tubig sa kanyang katawan ay napansin niya na lang na tila umiinit ang kanyang mga mata. Naluluha na pala siya dahil sa pangungulila sa kanyang mga magulang, sa kanyang ama at ina. Hinayaan niya ang kanyang sarili na umiyak nang umiyak dahil pakiramdam niya ang nag-iisa siya sa mundo at iyon ang totoo. Isa siyang ulila.
Pagkatapos niyang maligo at ibinalot ng tuwalya ang kanyang katawan ay lumabas na rin siya sa banyo. Sa kanyang paglabas ay halos mapasigaw siya sa gulat nang makita niyang nakaupo si Alfonso sa gilid ng kanyang kama.
"S-senyorito?" nauutal niyang tawag ngunit nakatingin lamang ito sa kanya ng diritso.
Tinapik ni Alfonso ang kama na sinasabing maupo siya sa kanyang tabi. Kahit na nagdadalawang isip dahil sa kanyang sitwasyon na hindi pa siya nakapagbihis ay tinugon naman ni Amanda ang utos nito.
"You're a grown up now, Amanda," wika ni Alfonso habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga.
Naiilang naman si Amanda sa mag titig ng binate at hindi niya alam kung ano ang gagawin o isasagot dito. "I don't want you to be like this," dugtong naman ni Alfonso dahilan upang lingonin siya ng dalaga.
"Ano po?" tanong ni Amanda na napakagat ng kanyang pang-ibabang labi.
"Irresistible," sagot ni Alfonso na walang pag-aalinlangan at tinitigan sa mga mata si Amanda.
Agad namang nag-iwas ng mga tingin ang dalaga ngunit hinawakan naman ni Alfonso ang baba ni Amanda at pinaharap sa kanya. "You know I respect you," wika ni Alfonso at titig na titig sa mga labi ng dalaga.
Amanda's lips were swollen and sensitive and Alfonso couldn't resist looking at it.
Tumango naman si Amanda at tila nangungusap ang mga mata nito sa binata. Hindi alam ni Amanda ngunit nang dumapo ang balat ni Alfonso sa kanya ay bigla siyang nag-init. Ramdam niya rin ang pagtulo ng tubig sa kanyang basang buhok. Sinasabi ng kanyang isipan na dapat siyang tumayo at umalis sa presensya ni Alfonso ngunit isang napakalaking tukso ang kanyang katawan dahil gusto pa nitong mamalagi sa binata.
"Because maybe later it's going to look like I don't... or now." Walang ano-ano ay unti-unting sinakop ni Alfonso ang mga labi ng dalaga at lumakbay naman ang mga kamay nito sa leeg ni Amanda.
Napasinghap naman si Amanda at puno ng gulat ang kanyang mga mata. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o hindi.
Habang tumatagal ay dahan-dahang napapikit ang kanyang mga mata. At ang mga labi niyang hindi gumagalaw kanina ngayon ay sinasabayan na ang galaw ng mga labi ng binata. Ang isang kamay ni Alfonso ay dahan-dahan namang lumakbay sa isang hita ng dalaga. Nag-init naman ng husto ang katawan ni Amanda dahil dito.
Hindi naman hustong dumapo ang mga kamay ni Alfonso sa hita ng dalaga ngunit ramdam ni Amanda ang balat nito. Hanggang sa unti-unting lumakbay uli ang kamay ni Alfonso sa tuwalya ni Amanda at hinila ito.
Napasinghap naman si Amanda at nais na takpan ang kanyang sarili ngunit pinigilan siya ni Alfonso at patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya.
Lantad na lantad ang buong hubad na katawan ni Amanda sa binata. Sumasabay sa agos ng tubig at apoy ang dalawa.
Napaungol naman si Amanda at doon ay tumigil si Alfonso. "You're mine."
Doon ay agad na tumayo sa Alfonso at tumalikod. "Happy birthday, Amanda." Iyon lang at lumabas na ito saka isinara ang pinto.
Tila habol-habol naman ni Amanda ang kanyang paghinga. Napahawak siya sa kanyang mga labi at mariing napapikit. Nang imulat niyang muli ang kanyang mga mata ay doon niya lang napagtantong totoo ang lahat ng mga nangyayari sa kanya.
"Ano ba 'tong ginagawa ko?" Napaungol naman si Amanda at napahiga sa kanyang kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top