KABANATA 10
Alas-nuebe ng gabi . . .
Malamig ang simoy ng hangin at tanging ingay lamang ng mga kulisap ang maririnig. Kanina pa hindi makatulog si Amanda at hindi niya alam kung bakittila hindi siya mapakali. Alam niyang nasa bahay na si Alfonso at hindi man lang niya ito nakita o lumabas ng kanyang kwarto. Ipinagbilin daw kasi nitong huwag na huwag siyang iistorbuhin.
Napabuntong-hininga naman si Amanda at napaupo sa gilid ng kanyang kama. Sa huli ay napagdesisyunan niyang lumabas ng bahay at magpahangin kasama si Caspian.
Wala naman silang pasok kinabukasan dahil bakasyon na. Napapadalas din ang pagpasyal ni Enzo sa kanya kaya hindi naman siya nababagot. Tumutulong din ang binata sa kung ano ang kanyang ginagawa at natutuwa siya roon. Alam ni Amanda na laking mayaman si Enzo ngunit natutuwa siya rito dahil hindi ito maarte at gusting matuto sa maraming mga bagay.
Nang makalabas si Amanda ay dahan-dahan niyang isinarado ang pinto upang hindi makalikha ng ingay ngunit napasinghap naman siya sa gulat nang may nagsalita sa kanyang likuran. Nang lingonin niya ito ay kitang-kita niya si Alfonso na nakasandal sa pader at may hawak-hawak na sigarilyo. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at kahit na madilim na ay kitang-kita pa rin ni Amanda ang mala-adonis na mukha ni Alfonso.
"Tinatanong ko kung saan ka pupunta," ulit ni Alfonso dahil tulala pa rin si Amanda sa kanya. Nakaawang naman ang bibig ni Amanda at sa halip na sumagot ay itinuro na lamang niya ang kuwadra kung nasaan ang mga kabayo at sinundan naman ng mga tingin iyon ni Alfonso. Alfonso smirked and nodded. "Tara, samahan kita," wika naman ni Alfonso at nauna sa paglalakad.
Hindi naman makapaniwala si Amanda sa kanyang narinig at nakikita ngunit sumunod naman ang kanyang mga paa. Nililipad ang ilang mga hibla ng kanyang mga buhok at agad niya itong inipid sa likod ng kanyang tainga.
Hindi mapigilan ni Amanda na suriin kahit na ang likod ni Alfonso. Napakatangkad nito at parang modelo kung maglakad. Amoy na amoy niya rin ang pabango nito. Bakat na bakat din ang suot nitong white long sleeve shirt na ipinares niya sa kanyang padyama.
Tanging buwan lamang ang nagsilbing ilaw sa kanilang dalawa habang naglalakad ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin maitataliwas ang aking kakisigan at kagwapuhan ng binata. Minsan nga ay naitatanong ni Amanda sa kanyang sarili kung may kaisntahan na ba ito ngunit imposible namang wala dahil alam niyang maraming nagkakandarapa rito.
"Are you done staring at me?" tanong ni Alfonso na bahagyang ikinaggulat naman ni Amanda. Tila nag-init naman ang kanyang mga pisngi at tainga dahil doon.
"H-hindi naman po kita tinitingnan," sagot naman ni Amanda at mas binilisan ang paglalakad.Alfonso chuckled. "So why are you stuttering?" And why are you looking guilty?" Tila nang-iinis na turan niya kay Amanda.
Hinarap naman siya ni Amanda at pinamaywangan. "Ano naman po ngayon sa inyo kung tinitingnan ko po kayo? Bawal po ba? Magsabi lang po kayo, Senyorito," wika ni Amanda na kahit siya ay nagulat sa kanyang mga binitawang mga salita. Gusto niyang lamunin na lamang siya ng lupa ngayon din.
He grinned at her, showing off his breathtaking smile. "You can stare at me all you want, baby."
KINABUKASAN hindi naging maayos ang tulog ni Amanda dahil sa hindi maalis-alis na mga salita na galing kay Alfonso sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ikinasisisi niya ba ang kanyang paglabas kagabi o hindi.
Sinilip niya kung ano'ng oras na at nagulat siya nang malamang mag-aalas singko na pala ng umaga at ni hindi man lang siya nakatulog ng maayos. Kinuha niya ang unan na nasa kanyang gilid at inilagay iyon sa kanyang mukha at nagsisigaw hanggang sa gusto niya. Parang ayaw niya pang bumaba dahil alam niyang magku-krus na naman ang landas nilang dalawa ni Alfonso kay mararapatin niyang sa loob na muna siya ng kanyang kwarto at kung papasukin naman siya ng kanyang Inang at tatanungin kung bakit ay magdadahilan na lamang siya ng kung ano ang kanyang maisip.
"You can stare at me all you want, baby."
Hanggang ngayon ay paulit-ulit iyong tumatakbo sa kanyang isipan at sa halip na magpapahangin siya kasama ang kanyang kabayo ay iniwan niya si Alfonso noong gabing iyon. Hindi niya rin alam kung bakit ngunit pulang-pula siya noong gabing iyon at inaamin niyang tumibok nang husto ang kanyang puso. Hindi niya kayang tagalan ang mga tingin ng binata sa kanya. Sa presensya pa lamang nito ay nanginginig na ang kanyang mga tuhod ngunit noong gabing iyon ay tila ibang Alfonso ang nakita niya.
Dahan-dahang siyang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga at naglakad papunta sa kanyang bintana. Ilang minuto na lang papasikat na ang araw. Gusto niyang saksihan ang pagsikat ng araw dahil nagiging pampakalma na niya ito noon pa man.
"Ano'ng gagawin ko? Alangan naman na magkulong na lang ako rito buong araw?" tanong niya sa kanyang sarili habang nakatanaw sa labas. Napabuntong-hininga naman siya at napantingin sa ibaba.
Muntik na siyang mapaluhod nang makita niya si Alfonso na nakatayo sa ibaba at may hawak-hawak na tasa ng kape. Bahagya naman siyang umatras at inusog ang kurtina pabalik upang takpan ang bintana.
Sa gilid ay sinilip ulit ni Amanda si Alfonso. Ngayon ay may kausap ito sa kanyang telepono at napapaisip si Amanda kung sino ang katawag ni Alfonso sa mga oras na ito. Habang nagsasalita si Alfonso sa kung sino man ang kausap nito ay halatang naiirita ito at galit.
Napakunot noo naman si Amanda at marahang binabasa ang mga salitang namumuo sa mga bibig ng binata. Ang ibang mga salita ay nababasa niya ngunit sa bilis ng bibig nito ay hindi niya masyadong masabayan. Ang alam niya lang ay totoong galit ito.
Nang matapos si Alfonso sa kanyang tawag ay walang ano-ano ay napatingala ito at agad na nagtama ang mga mata nilang dalawa. Tila nahigit naman ang paghinga ni Amanda at agad na nagtago sa gilid.
Inilagay ni Amanda ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang pagtambol nang husto ng kanyang puso. Ano nga ba itong nadarama niya? Hindi niya dapat ito nararamdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top