Bakit? [CWC]

“Happy birthday bebs!” sigaw ng bestfriend kong si Sandy habang hawak ang isang bilugang chocolate cake na may dalawampu’t dalawang nakasinding maliliit na kandila.

Napangiti ako. Hindi ko inakala na sosorpresahin ako ng aking mga kaibigan at katrabaho. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner sa isang mamahaling restaurant malapit sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya nang bigla na lang may inilabas na cake si Sandy. Matapos ipagsigawan ni Sandy na kaarawan ko ngayon ay bigla na lamang nagsikantahan ng birthday song ang mga waiter, iba pang customers at siyempre, ang aking mga kasama. Napatawa na lang ako ng bahagya habang nakayuko dahil sa atensyon na ipinupukaw nila sa akin. Nahihiya kasi ako.

“Blow your candles, Krizza! Make a wish,” sabi ni Ina, katrabaho ko sa firm na pinapasukan ko, matapos akong kantahan ng buong restaurant.

Ipinikit ko ang aking mga mata at humiling.

‘Lord, wish ko po na sana ay matagpuan ko na ang lalaking magpapatibok ng puso ko - yung lalaking mamahalin ko at mamahalin ako.’

Hindi naman sa nagmamadali akong magkanobyo. Sadyang hindi lang ako mapanatag dahil ni minsan ay di ko pa nararanasang umibig. Tinalo pa ako ng kapatid kong nasa high school na nakakadalawang boyfriend na. Twenty-two years old na ako at nagtatrabaho sa isang kumpanya. Masasabi ko na isa akong career woman at ayoko dumating sa punto na hindi na ako magkaka-social life dahil sa sobrang busy sa trabaho in the future kapag nagkataon.

Pagmulat ko ay nahagip ng aking bilugan at maiitim na mata ang isang lalaki. Matangkad siya, matipuno, chinito at hindi maikakaila ang kanyang napakagwapong mukha. Nagkatitigan kami at sa di malamang dahilan ay nagkangitian.

‘Lord, siya na ba yun? Ang bilis naman po ng gift delivery niyo. Salamat ha? Ang lakas ko po talaga sa inyo!’

Hinipan ko na ang mga kandila at nagpalakpakan ang lahat.

Ang panandaliang titigan at simpleng ngitian namin ng misteryosong lalaki na nakita ko sa restaurant ng gabing iyon ay nasundan ng date. Hindi lang isa o dalawa, kundi maraming beses pa. Nang mga panahong iyon ay abot langit ang saya ko. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko na ang tinatawag nilang pag-ibig.

Minsan nga pakiramdam ko ay para kaming teenagers na nagliligawan. Lagi niya ako hinahatid sundo sa trabaho. Kumakaen kami sa labas. Madalas ay namamasyal, nagkekwentuhan at minsan naman ay nagtititigan lang. Hindi ko inakala na sa simpleng pag-upo at pakikipagtitigan sa buong maghapon ay makakaramdam ako ng happiness at contentment.

Hanggang sa dumating ang araw na tinanong niya ako ng “Will you be my girlfriend?” Hindi ako nakasagot nun. Tumango na lang ako at niyakap siya ng sobrang higpit. Speechless man ako ng mga oras na iyon ngunit sa loob ko ay nagsisisigaw at tumatambling na ako sa tuwa.

Matapos ang araw na iyon ay lalo pa kami naging masaya. May mga panahon na kami ay nag-aaway at nagkakatampuhan. Subukan man naming wag magkasakitan ay hindi pa rin namin tuluyang maiwasan. Sabi nga nila, love has its ups and downs. Hindi sa lahat ng oras ay puro na lang kasiyahan. Ngunit pagkatapos naman ng sakitan ay ang panunumbalik ng ngiti sa aming mga labi, saya sa aming mga puso at ang pagsusumamo namin sa isa’t isa.

Sa paglipas ng mga araw ay lalo naming nakilala ang isa’t isa. Natutunan namin ang mga good at bad sides naming dalawa. Nalaman din namin ang aming mga pagkakapareho at pagkakaiba pagdating sa pagkain, kulay, hobby, at pati na rin sa aming mga pananaw sa buhay.

Habang tumatagal ay lalo akong napapamahal sa kanya. Hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil sa kabaitang taglay niya. Napakamaunawain niya pa, maalaga, mapagmahal at isang huwarang anak hindi lamang sa mga magulang niya pati na rin sa Poong Maykapal. Walang linggong lumipas na hindi niya ako niyayaya magsimba dahil dapat daw ay lagi kaming magpasalamat sa lahat ng biyayang natatamo namin at dapat ay nirerespeto daw namin ang ‘Sabbath Day’ ni Lord. Nakakatuwa dahil lahat na ata ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya na.

Isang araw, bigla na lang akong pinuntahan ni Sandy.

“Bebs! Magpapakasal na si Ate!” aniya.

“Talaga? Naku bebs, dapat invited ako ah!” ani ko naman.

“Oo naman bebs! Close rin kaya kayo ni Ate. Thanks to me! Haha.”

“Oo na lang. Haha.”

“Pero, ngunit, datapwat, subalit!!! Hindi yan ang ipinunta ko dito!” sabi niya na para bang excited na excited siya.

“Oh? Ano pala?” nagtatakang tanong ko.

“Bebs, sabi ni Ate, nakita niya daw yung boyfriend mo sa simbahan!”

Ngek. Yun lang?

“Wow bebs! Grabe, bagong-bago ang balita mo! Nakakagulat ng sobra!”

Dumayo si Sandy dito paralang sabihin iyon? Eh lagi namang nasa simbahan yun eh. Napakarelihiyoso niya at saka sobrang close sila ni Father.

“Hindi bebs! Nakita niya si Dylan sa function hall kung saan nagpaparehistro ang mga taong gusto ng magpakasal!”

“Oh tapos?”

“Krizza naman eh! Ang slow slow mo! It only means na sooner or later ay yayayain ka na ni Dylan na magpakasal! Waaaaaaaaaah!” aniya habang nagtatatalon.

Kasal? Wala pa sa isip ko ang pagpapakasal. Three years pa lang kaming magkakilala at tila napakaikling panahon pa nun. Ngunit nang sinabi ni Sandy iyon ay bigla akong nakaramdam ng tuwa at excitement.

Krizza & Dylan’s Wedding

Hindi ko alam kung bakit pero parang nagustuhan ko ang aking naisip at ang mismong ideya ng pagpapakasal.

Matapos nun ay lagi na lang akong nagpapaganda. Girl Scout ako eh! Laging handa kung saka-sakaling magpropose na siya sa akin. Lalo na’t nitong mga nakaraang linggo ay lagi na lang siyang balisa at para bang wala sa sarili. Lagi siyang uneasy. Naisip ko na lang na siguro ay kinakabahan siya sa proposal niya.

Dalawang taon na ang nakalipas. Ako ay kasalukuyang nasa simbahan at naglalakad papunta sa may altar habang nakasuot ng gown. Ngiting-ngiti ako habang naglalakad ng bigla kaming nagkatitigan. Habang naglalakad ay para bang nag-slow motion ang lahat at tila nag-flashback lahat ng mga pinagdaanan namin at ang masaya naming pagsasamahan at pagmamahalan.

“Krizza!”

Nasa labas ako ng restaurant kung saan kami kumain ng mga kasamahan ko upang i-celebrate ang birthday ko habang naghihintay ng taxi nang narinig ko na may sumigaw sa pangalan ko. Lumingon ako sa aking likuran at bahagyang nanlaki ang mga mata ko. May isang lalaki ang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko habang nakataas ang kanyang kanang kamay sa ere na para bang bibigkasin niya ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas anumang oras. Pero naintindihan ko naman na ang ibig sabihin ng hand signal na iyon ay ‘Wait’ kaya itinigil ko muna ang paghahanap ng masasakyang taxi at hinintay siya.

“Hey. Krizza, right?” Sabi niya nang makalapit na siya sa akin.

“Ahh. Yeah. Ako nga si Krizza,” sabi ko naman.

Sa harap ko ay nakatayo ang isang matangkad, matipuno, chinito at napakagwapong lalaki na nagtataglay ng sobrang kakisigan. Humahalimuyak din ang gamit niyang pabango na kasalukuyan kong naamoy dito sa mismong kinatatayuan ko. Parang hindi siya tumakbo kani-kanina lang dahil mas nangingibabaw pa rin ang matapang ngunit nakakaadik na amoy ng men’s perfume niya kesa sa pawis na tumatagaktak ngayon sa mukha at mga braso niya. Naguumapaw din ang taglay niyang charm at sex appeal lalo na nang ngumiti na siya na siyang naging dahilan upang makita ko ang cute na cute na dimple niya sa may kanang pisngi niya. Sa madaling salita, nakatayo sa mismong harapan ko ang misteryosong lalaki na nakangitian ko kanina sa loob ng restaurant.

“Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?” Tanong ko habang wala sa sariling nakatulala sa kanya.

Tumawa siya. “Let’s just say that the whole restaurant–“ sabay turo niya sa kinainan namin ng mga kaibigan ko “–probably knows you by now.” Aniya habang nakangiti.

Para akong nakarinig ng nagkakantahang mga anghel ng marinig ko ang tawa niya. Ngunit mas nangibabaw ang kahihiyan ko sa katawan dahil sa isinagot niya sa tanong ko. Oo nga naman. Kilala na ako ng buong restaurant. Ilang beses ba naman ipinagsigawan ng mga kaibigan at katrabaho ko ang pangalan ko kanina sa paulit-ulit nilang pagbati sa akin. Malamang sa malamang ay matatandaan talaga ng mga tao kanina sa restaurant ang pangalan ko. Talk about instant popularity. Napailing na lang ako sa utak ko.

“Hmm. By the way, I’m Dylan.” Pagpapakilala niya habang inilalahad ang kanyang kanang kamay sa harap ko.

“Krizza.” Pagpapakilala ko rin kahit pa na alam na niya ang pangalan ko sabay abot sa kamay niya para makipag-shake hands.

Panandalian lamang nagkadikit ang mga balat namin ngunit para akong nakuryente on the spot dahil sa bolta-boltaheng electric waves na naramdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagustuhan ko ang kakaibang kiliti na dulot ng pagkakakuryente na ‘yun sa akin.

“It’s nice to meet you, my lady.” Aniya pagka-shake hands namin. Ramdam ko ang biglaang pamumula ng pisngi ko. “You need a ride?”

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ang kaliwang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse niya na nakaparada sa harap mismo ng restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan sa may shotgun seat at pinasakay ako bago siya umikot papunta sa driver’s seat. Bago umalis ay siya pa mismo ang nagkabit ng seatbelt ko sabay sabi ng “I’ll take you home, my lady.”

“Good morning, Mam Krizza!” bati sa akin ni Mang Sebastian. Si Mang Sebastian ang janitor slash delivery boy slash photocopy man slash marami pang iba. Kumbaga ay all-around helper siya dito sa opisina. Medyo may katandaan na si Mang Sebastian pero nagagawa niya pa rin na makipagbiruan sa aming mga empleyado.

“Good morning din po Mang Sebastian. Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah,” sabi ko sa kanya. Ang lawak kasi ng pagkakangiti niya nung binati niya ako. Palangiti naman talaga si Mang Sebastian pero sadyang may napansin lang akong kakaiba sa ngiti niya ngayon. Parang hindi normal?

“Naku Maam! Hindi ho. Baka nga ho kayo diyan ang maganda ang gising. Tingnan niyo naman Maam, ang blooming niyo ho ngayon! Siguro ay pinapasaya ka ho ng sobra ng nobyo niyo ano?” may halong pang-aasar sa tono ng pagsasalita niya.

Ano kaya itong pinagsasasabi ni Mang Sebastian? Nagiging bolero na rin siya ha. At ano raw? Pinapasaya ako ng nobyo ko? Ni wala nga akong manliligaw eh. Mas lalo naman na wala akong boyfriend! Kung anu-ano naiisip ni Mang Sebastian.

“Wala po akong nobyo, Mang Sebastian,” maikling sagot ko na lang sa kanya.

“Hayaan niyo Maam. Mamaya magkakaroon ka na ho ng nobyo,” aniya habang nakangiti na para bang masaya siya para sa akin.

Hindi ko maintindihan si Mang Sebastian. Hinayaan ko na lang siya at hindi na sumagot pa. Nginitian ko na lang siya at saka tinungo ang opisina ko. Laking gulat ko na lamang ng makita ang kabuuan ng opisina ko. My supposed to be plain-looking office is now filled with beautiful, fragrant flowers. May balloons pa! At talaga namang hugis puso pa ang mga lobo na nakalapag sa tiled-floor ng opisina ko.

I must say, naging instant Valentines-themed ang opisina ko. Puro kulay red at pink ang nakikita ko sa paligid. Pero mas nakaagaw pansin sa akin ang isang napakagandang bouquet ng flowers na nasa ibabaw ng office table ko.

Naglakad ako papalapit dito at kinuha iyon. Inilapit ko ito sa aking mukha at inamoy. I could smell its sweet scent.  Napapikit ako sa sobrang bango. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay may nakita akong isang maliit na scented paper na nakaipit sa mismong sanga ng mga bulaklak. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. Napangiti ako sa aking nabasa.

“Ayos ba Maam? Hindi lang ikaw ang blooming. Pati ho buong opisina niyo, blooming na rin!” sabi ni Mang Sebastian na kasalukuyan na palang nakatayo sa may pintuan ng opisina ko. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.

Napailing na lang ako at tiningnan si Mang Sebastian.

“Mukhang magkaka-nobyo na po talaga ako, Mang Sebastian,” nakangiting sabi ko sa kanya.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong opisina sa ikalawang pagkakataon at binasa muli ang nakasulat sa note.

‘Sweet things for you, my lady. See you at 7 pm. We’ll be having a romantic dinner date tonight. – Dylan ;)’

“Ate! Wake up!”

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang nakababata kong kapatid na si Keisha. Tiningnan ko lang siya saglit at ipinikit uli ang mga mata ko.

“Ate, ano ba? Gising na!”

Hindi ko siya pinansin. Dumapa ako sa kama at nagtalukbong ng unan. Gusto ko pa matulog!

“Ate naman eh! Tumayo ka na diyan! Nakakahiya sa bisita mo!”

Bisita? Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon. Bahala na. Inaantok pa ako kaya matutulog muna ako ulit. Pinuyat kasi ako ni Dylan eh! Ang kulit ng lalaking iyon! Ayaw ako tigilan sa kakatext niya buong magdamag!

“Ate! Babangon ka diyan o paaakyatin ko dito si Kuya Dylan?”

Agad akong napabalikwas ng bangon. Tiningnan ko si Keisha na para bang nakakita ako ng patay na nabuhay. Nginisian naman ako ng kapatid ko.

“Sus! Kailangan lang pala na banggitin ko ang magic word! Ate ha, naglilihim ka na sa akin! Di mo man lang sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala!” nagtatampo na sabi niya sa akin.

Hindi ko naman kasi boyfriend iyon eh! Hindi pa! ‘Yan ang isinisigaw ng utak ko. Nagulat na lang ako ng itulak niya ako bigla papasok sa banyo. Maligo na raw ako ng maharap ko na raw ang gwapong bisita ko. At dahil masunurin ako, ginawa ko ang sinabi niya at pagkatapos ay nagmamadaling bumaba ako ng hagdan patungong sala para puntahan na si Dylan. Nang nasa huling palapag na ako ng hagdan, nakita ko si Dylan at ang Daddy ko na nag-uusap. Biglang kumabog ang dibdib ko. Baka kung ano ang sabihin ni Dylan kay Daddy! Hindi ko pa naman nasasabi sa pamilya ko na may nanliligaw sa akin. Pero mas ikinababahala ko na baka may sabihin si Daddy tungkol sa akin na maaaring hindi magustuhan ni Dylan.

“Good morning, Dad,” bati ko kay Daddy nang pumunta na ako sa mismong sala.Hinalikan ko siya sa cheeks at umupo sa tabi niya. Tiningnan ko si Dylan at binati rin ito. “Good morning, Dylan.”

“Good morning, anak. May bisita ka. Sabi niya boyfriend mo raw siya,” sabi sa akin ni Daddy na siyang ikinalaki ng dalawang mata ko.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Dylan. Iyong tipo ng tingin na nagsasabi ng ‘boyfriend ka diyan!’ At tumawa lang siya!

“Stop glaring at me. I actually didn’t said that,” pagdedepensa ni Dylan sa kanyang sarili. “Ang sabi ko sa Daddy mo, I came to visit so that I could introduce myself properly to my girlfriend’s family. Oh sorry. Soon to be girlfriend pa lang pala,”sabi niya habang nakatingin sa akin. And I could see amusement in his eyes at this very moment. There is nothing amusing in this situation though! Bigla niyang ibinaling ang tingin niya sa Daddy ko. “Medyo pakipot po ang anak niyo, Tito. I wonder kung namana niya po iyan kay Tita.”

What? Seriously? Sinabi niya talaga iyon?

“I heard you, hijo.”

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Mommy. And she’s laughing her heart out! Tumingin ito sa akin.

“Mukhang nagmana ka nga sa akin, anak. Mas pakipot ka nga lang sa akin,” sabi ni Mommy na siyang naging dahilan ng tawanan ng buong pamilya ko. Ako lang ang hindi natawa. Hindi naman ako nagpapakipot eh!

“Umalis ka nga diyan Ate! Doon ka tumabi kay Kuya Dylan!” sabi naman sa akin ni Keisha. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang naghihintay na lumipat na ako ng upuan.

Fine! Edi lilipat na! Sinimangutan ko ang kapatid ko bago ako tumayo at umupo sa tabi ni Dylan na feeling close agad sa pamilya ako.

“Stop frowning, sweetheart,” bulong ni Dylan sa akin bago ako binigyan ng isang matamis na halik sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ito upang makita ng lahat. “Bagay na bagay po kami diba?”

Wala na. Namula na ako ng sobra! Goodness! Siya lang ata ang kilala kong manliligaw na kayang makipagusap ng pa-cool lang sa pamilya ng nililigawan niya!

“God! You’re burning!” sigaw ni Dylan matapos niyang ilapat ang palad niya sa noo ko. “Why didn’t you tell me that you have a fever? Kung hindi pa ako pumunta dito, hindi ko pa malalaman!”

I slowly opened my eyes just to see the concerned and worried expression plastered on his face. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

“I just don’t want you to worry. I know that you are a very busy person, Dylan. Ayokong maabala pa kita,” pagrarason ko sa kanya na ngayon ay kinakalikot ang cellphone niya.

“Hello Keisha? Where are you? Ah. I see. Pakibili naman ng gamot itong Ate mo. She has a fever and she didn’t bother telling me! Okay. See you. Pakibilisan ha?”

Napabuntong hininga na lang ako. Fever lang naman ito. Hindi naman malala pero sobrang natataranta siya habang kausap sa telepono ang kapatid ko. Tinawag niya rin ang kasambahay namin dito sa bahay na magdala ng maligamgam na tubig at towel sa kwarto ko.

“And you, young lady! You don’t want me to worry? Ha! Are you out of your mind? I’m your boyfriend so definitely I’ll be worried about you! Besides, no matter how I busy I am, I will always find time to be with you. And of course, to take care of you,” he scolded me.

Gusto ko pa sana siyang sagutin pero hindi ko na tinuloy. Alam kong hindi ako mananalo sa kanya. I know how persistent he is. Kaya naman umayos na lang ako sa pagkakahiga para matulog dahil ang sakit ng ulo ko. Ipinikit ko na uli ang mga mata ko. Sana lang paggising ko ay bumaba na ang lagnat ko.

Naramdaman ko na lang na umupo sa tabi ko si Dylan. “I’m sorry, sweetheart.” He heaved a sigh. “I didn’t mean to shout at you. Nag-aalala lang ako.”

Tumango na lang ako. This headache is killing me!

“Okay. Now, rest. I’ll be here beside you. I’ll watch you sleep. Pagaling ka ha? I love you, sweetheart,” bulong niya sabay halik sa noo ko.

“Good morning, my dearest sweetheart. How are you? I hope you’re having a good time there ‘coz I’m actually having a blast here in Paris. Though it would be much fun if you’re here with me. I miss you already, sweetheart.”

Kasalukuyan kong pinapanood ang video na ipinadala sa akin ni Dylan through Facebook. Halata sa video na bagong gising pa lang siya. Nakaupo siya sa kama wearing a blue sweatshirt with his messy hair habang kinukuhanan ng video ang sarili. Nasa Paris siya ngayon to attend a friend’s wedding. Kasama dapat ako kaso biglaang nagkaroon ng party sa opisina dahil anniversary ng kumpanya. Next week pa dapat ang party kaso biglang ni-reschedule due to some conflicts. Nataon naman na sa mismong araw ng flight namin gaganapin ang party. I have no option but to come since I’ll be the emcee for the event. Nakakalungkot lang na hindi ako nakasama sa Paris. Gusto ko pa naman pumunta dun!

“Hey sweetheart! I’m currently here in the famous Eiffel Tower! Look!” He diverted the video from himself to the tower and back to him. “It’s so beautiful! But it’s nothing compared to you. I promise to bring you here next time. Hopefully, during our second anniversary. I love you, sweetheart. Happy first anniversary!”

I smiled. He remembered our anniversary. First anniversary namin pero magkalayo kami. Isn’t it ironic? Kapag anniversary dapat magkasama ang couples to celebrate. Pero kami hindi. Well, nagkataon din kasi na the day before the wedding of his friend ay anniversary namin. We decided to celebrate it in the Eiffel Tower since we’ll be going in Paris for his friend. But obviously we didn’t due to some circumstances.

The video goes on and on. Pinapakita niya sa video ang mga magagandang lugar na pinuntahan niya sa Paris. But mostly, siya ang nasa video blabbering about everything na naiisip niya.

“Okay. As you see, sweetheart, I’m back in my hotel room. And this is the last part of my video presentation that I personally made for you. This is important so you better watch this part!” sabi niya sa harap ng videocam na may paturo-turo pa na para bang kaharap niya lang ako.

“Here it is.” He took a deep breath and resumed talking. “I know how excited you are for this day. I know how badly you want to go sightseeing here in Paris. Pero wala eh. Hindi ka nakasama. That’s why I made a video. For you to feel what it feels like to be in Paris even just for a while. But don’t worry, sweetheart. I swear in front of my videocam that I will take you here soon. That’s a promise. Ehem. Here’s the part where you’ll be crying so I suggest you get some hanky or tissue to wipe your tears ‘coz I’m currently not beside you to kiss your tears away. Sweetheart, first and foremost, I want to tell you that I’m very lucky to be a part of your life. Not to mention that I’m the most important person to you aside from your family. I’m very grateful about that. The past 365 days that I’ve been with you is… I don’t know exactly the right word to say but I’ll choose the word perfect. Perfect in the sense that despite of our differences and misunderstandings, we still made it through. And I must say, we made it through happily… together. You’re one fine lady, Krizza. You’re pretty, smart, kind and witty. And, you love me. I never knew that there would come a time in my life that I would be contented just because I have you. You’re so amazing that you totally take my breath away. I love you, Krizza. I really, really do. Whenever I’m with you, I feel so alive. It’s as if you’re the one who gave me light… who gave me hope… who gave me everything that I have right now. I’m so much into you, sweetheart. And I’m glad you feel the same way. Happy anniversary, sweetheart! Let’s celebrate when I come back into your heavenly arms again. I miss you so much. I love you.” Then he blew a kiss before the video ended.

He sure was right. I really cried. Still, I’m happy. It just shows how much he loves me.

“I love you too, Dylan. My one and only sweetheart,” I muttered silently with a smile.

Naiiyak na ako habang naaalala ko ang lahat ng iyon. Ngunit sinusubukan kong pigilan dahil ayokong masira ang make-up ko. Bahagya ko na lamang siyang nginitian. Through all these years, wala pa ring nagbago. Gwapo ka pa rin at mahal na mahal pa rin kita. Habang pinagmamasdan ko siya ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang lubos na kasiyahan.

“With the power vested upon me, I now pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Pagkatapos ng seremonya ng kasal ay unti-unti kang tumalikod at umalis…

…habang suot ang damit pang-pari.

“I’m sorry. I’m so sorry, Krizza. I’m sorry,” aniya habang nakaluhod sa harap ko.

The moment that he knelt in front me, my heart literally skipped a beat. I thought that the sweet moment that I’ve been patiently waiting for would eventually transpire in front of me now. Unfortunately, it never happened.

“Please forgive me. Please,” he pleaded.

I’m speechless. Not in a million years have I imagined that this would happen to me… to us. Napatulala talaga ako sa sinabi niya. It was very unexpected. Instead of hearing his declaration of undying love and his desire for me to be his lawfully wedded wife for eternity, I heard his testimony of yearning to serve the Lord with his life.

“I’m sorry. Trust me, Krizza. I never wanted to hurt you.”

“You just did,” I said, my voice lacking any emotion.

Mula sa pagkakaluhod ay tumayo siya at ikinulong ang mukha ko sa palad niya. Ramdam ko ang bigat ng mga titig niya sa akin. Tiningnan ko rin siya. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Singkit na mga mata, matangos na ilong, manipis na labi, makinis at gwapong mukha – walang duda, siya nga. Pero bakit ganun? Wala namang nagbago sa kanya. Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong iba siya. Iba na siya. Hindi siya ang Dylan na nakilala ko. Hindi siya ang Dylan na minahal ko ng buong puso ko. Hindi na siya si Dylan. At hindi ko iyon matanggap!

“I know. But please believe me when I say that I didn’t intend to do this. Please, Krizza. Please, believe me.”

“Pinagkatiwalaan kita noon. Naniwala ako sa’yo. Sabi mo mahal mo ko. Ilang beses mong sinabi ‘yon Dylan! Naniwala ako sa’yo! Ngayon tingnan mo kung saan ako dinala ng pagtitiwala ko sa’yo!” sigaw ko sa kanya habang unti-unti ng tumutulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan sa pagbagsak sa mga mata ko. Ang sakit eh! Ang sakit sakit!

“Sorry. Sorry. Patawarin mo ko, Krizza,” aniya habang pinapahid ang mga luha sa mukha ko. Maging siya ay umiiyak na rin. ‘Ano ang karapatan niyang umiyak?’ sigaw ng utak ko. Ako ang iiwanan. Ako ang talunan. Ako ang nasasaktan. Wala siyang karapatang umiyak at magmukhang kawawa na para bang siya ang biktima dito! Ako ang biktima dito eh! Ako ang sobra sobrang nasasaktan!

Muli ko siyang tiningnan sa huling pagkakataon – ang lalaking mahal ko… na inayawan na ang pagmamahal na ibinibigay ko. This is too much. This is just too much! Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumakbo na lang ako palayo.

Habang tumatakbo ay nag-rewind sa utak ko ang sinabi niya na siyang naging dahilan ng mas malala kong paghikbi.

“Krizza. You’re an amazing girl. You’re an epitome of brains and beauty. No wonder that I fell for you. I loved you, Krizza. But… But it won’t work. We won’t work. Matagal ko itong pinagisipan. At kung ano man ang sasabihin ko sa iyo, sana ay maintindihan mo. Krizza. Minahal kita. Lahat ng pagmamahal na pinakita at pinaramdam ko sa’yo, totoo ‘yon. It just so happened that in the process of loving you, a realization hit me. And that realization is that… I… I can’t be with you. Noong kinasal iyong Ate ni Sandy, napaisip ako. Kailan kaya kita dadalhin sa altar? Kailan ako magiging handa para maging isang asawa mo? I thought about this thoroughly, Krizza. And the answer that I found is that I woud never be ready to be a husband to you or to anyone. I don’t know. I really don’t know. It just came to the point that I started visualizing myself as a priest. Siguro, masyado kong naging idol si Father o di kaya ay dahil sa sobrang close kami kaya… kaya naging ganito ako. I don’t want to hurt you. But I can’t keep this to you forever. We can’t be together, Krizza. I wanted to be a preacher… specifically, a priest. I wanted to be like Father. I’m so sorry. I’m really sorry. I never wanted this. I never wanted to hurt the girl who devoted all her time in loving me. I’m really sorry. But this is for the better. I’m sorry. Sana… sana mapatawad mo ako. Please, forgive me Krizza. Please. Sorry talaga. Sorry.”

Sa isang iglap, bumalik lahat ng sakit at kirot ng kahapon. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pakawalan. Wala na akong pakialam kung masira ang make-up ko o marumihan ang bridesmaid gown na suot ko. Ang sakit. Ang sakit sakit pa rin pala.

‘Bakit? Bakit po nangyayari ‘to? Do I deserve this kind of torture? Naging mabait naman po akong girlfriend sa kanya. Minahal ko siya ng sobra sobra. Pero bakit ganon? Bakit ikaw pa? Sa dinami-rami ng pwede kong maging kaagaw kay Dylan, bakit ikaw pa? Lord, bakit ikaw pa?

Bakit po ba naisipang mag-pari ni Dylan? Everything was perfect. Everything was supposed to be perfect pero hindi eh. Mas pinili niya pong Ikaw ang pagsilbihan kesa sa akin.

Lord, ang daya naman eh! Simula’t sapul pa lang, wala na akong laban sa inyo. You are so powerful. Walang wala po akong panama sa inyo. Talong-talo po ako eh. Talong-talo ninyo ako.

Bakit ba kasi ikaw pa ang naging karibal ko? Hindi ko po maintindihan eh. Bakit po ganito Lord? Bakit ikaw pa? Bakit?’

END. </3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: