NUEBE

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maabutan ko si Pete sa pagdaan nya dito para bumili nang pandesal.

Pero nang paglabas ko nang pinto nang apartment ay iba ang naabutan ko. Si Cindy at yung isa pa naming kapitbahay.

"Oh, Genesis. Bibili ka rin ba nang pandesal?" Tanong ni ate.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Kung ganun, sumabay ka na sa amin." Paanyaya nito na gusto ko sanang tanggihan dahil sa nakakainis na ngiti ni Cindy. Pero dahil nga wala akong masyadong oras na kilalanin ang mga kapitbahay ko ay pumayag na lang ako. Since wala pa naman si Pete. Baka makasalubong ko din yun sa daan. Sasabay na lang ako sa kanya. Magandang opportunity na rin to para malaman ko kung may masama bang binabalak sa akin itong si Cindy.

"San ka laging nagpupunta? Genesis? Palagi kang wala sa kwarto mo."

Napasimangot ako nang bigla akong tanungin ni Cindy, gayung wala naman akong balak na kausapin sya. Approachable naman sya, pero ewan ko ba. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.

"Oo nga. Kasama mo ata palagi yung anak ni Mila na mataba." Dagdag pa ni ate.

Ano bang pangalan nito. Bakit hindi ko alam?

Dahil nga si ate na ang nagsalita ay napilitan nalang akong sumagot.

"Ah opo. Boring po kase sa bahay, walang magawa." Simple kong sagot at nanahimik na.

"Sabagay. Ang mga kabataan talaga ngayon mabilis maburyo. Wala na kaseng ibang alam na gawin kundi ang maselpon kaya kapag nagsawa. Wala nang ibang alam na gawin." Ani Cindy habang nakangiti at diretso lang ang tingin sa kalsada.

Ako ba ang pinaparinggan nito? Grabe ang kapal nang mukha nang babaeng to ha. Kaya nga ako nalabas nang bahay kase nabo-bore ako, tapos sasabihin nya na pagseselpon lang ang alam ko?

Kahit na malapit nang kumulo ang dugo ko dito sa babaeng to ay pinilit ko pa rin ang sarile ko na maging kalmado. Afterall, thoughts lang naman nya yan. Tsaka, kaylangan na mabago ko ang pakikitungo ko sa kanya. Kung ayaw kong maging kriminal sa murang edad.

Siguro ay hindi nya lang ako masyadong pinagkakatiwalaan noong una kaya nya nagawang itapon yung ulam na ibinigay ko sa kanya. Normal lang naman yun, kahit ako siguro. Although, sayang talaga. Pero iintindihin ko na lang sya.

"Hindi naman. Nakakapaglibang naman ako kase nakikipagkwentuhan naman sila sa akin. Magandang way na rin yun para may mga kakilala na ako bago pa magsimula ang pasukan." Mahinahon kong paliwanag. Pilit na isinasantabi ang inis ko kay Cindy.

Tumango naman silang dalawa. "Dito ka pala mag-aaral? Akala ko sa private." Si ate habang binibilang ang pera nya sa wallet. "Malapit na namang maubis ang pera ko ko." Bulong pa nito. Ninja

"Dito lang po. Di naman po ako sanay sa private." Sagot ko nalang at nagpatuloy pa ang kwentuhan naming tatlo.

Habang tumatagal na nakakasama ko si Cindy ay mas gumagaan na ang pakiramdam ko. Siguro nga lang talaga ay sa umpisa lang tong inis na nararamdaman ko since, kakakilala ko pa lang naman sa kanya.

Magkakasama pa rin kami hanggang sa makabalik sa apartment. Sinamahan ko na rin silang bumili nang kanilang mga ulam. At nangako pa nga sila na bibigyan nila ako once na nakaluto na sila. Itapon ko rin kaya ang ibigay ni Cindy?

"Mamaya na lang ulet. Magluluto lang ako."

"Ako din."

Nagpaalam na sila sa aking dalawa at ako naman ay tumango sa excitement. Another libreng ulam na naman for today's bidyow.

Nang makapasok na ako sa kwartong tinutuluyan ay nanaig ang katahimikan sa aking sistema. Doon ko lang na realize na kahit na gaano ako kasaya sa labas kasama nang iba. Sa huli, ay mag-isa pa rin akong ipagpapatuloy ang araw, at ang walang kwenta kong buhay.

Pero higit sa lahat, ay hindi mawala sa isip ko na hindi ko manlang nasalubong o nakita si Pete kahit saan man dito sa lugar na ito. Kung kaylan naman ako gumising nang maaga.

Dahil wala naman akong magawa ay gumawa nalang ako nang hot chocolate, para ipartner sa mainit kong pandesal.

Napapalakpak ako sa tuwa nang maamoy ko ang aroma nang tsokolate nang mailagay ko na ang mainit na tubig sa aking baso.

Saktong alas-sais palang nang umaga pero medyo ramdam ko na ang init para sa araw na iyon. May sinag na rin nang araw ang pumapasok sa loob nang apartment, at nakakatuwa kase ngayon ko lang nakita na pwede palang ganoong kaaga sumikat ang araw.

Binuksan ko ang aking radyo na nakapatong sa ibabaw nang ref, at isang tugtugin mula doon ang bumungad sa akin. Pinakinggan ko na muna ang ilang lyrics nang kanta bago ako nagpatuloy sa pag-inom nang mainit na tsokolate.

Morning has broken like the first morning
Blackbird has spoken like the first bird
Praise for the singing, praise for the morning
Praise for them springing fresh from the world

Tiningnan ko ang bintana ko na kung saan ay tanaw ang mga taong dumadaan sa labas. Umaasa na baka masumpungan ni anino ni Peter o kahit na sino man sa mga kapatid nya.

Sweet the rains new fall, sunlit from Heaven
Like the first dewfall on the first grass
Praise for the sweetness of the wet garden
Sprung in completeness where His feet pass

Ilang sandale din akong nakamasid doon bago napagdesisyunan na kuhanin ang cellphone. Hindi ko pa rin naa-add si Pete sa fb dahil nahihiya ako. At mas nakakahiya kung ime-message ko sya na hindi naman kai mutual friends. Napahigop nalang ako nang tsokolate dahil sa hindi ko mahanap ang sarileng tapang na i-add si Pete sa fb. Kahit na sa personal naman ay ang kapal-kapal nang mukha ko.

Mine is the sunlight, mine is the morning
Born of the one light, Eden saw play
Praise with elation, praise every morning
God's recreation of the new day

Kinagatan ko ang pandesal na nakalagay sa platito. Hanggang sa may nag-pop-up na notification sa itaas nang cp ko. Jocelyn Macaslang sent you a friend request. Kumunot ang noo ko sa nabasan. Na naman? Hindi ba to makaramdam? But, since medyo naging okay naman kami kanina. Maybe i should accept her friend request na. And maybe, this is the sign that i should send a friend request na rin kay Pete, kahit na gaano pa akong nahihiya. Pinindot ko ang confirm at tila pinagsisihan ko pa iyon makalipas lang ang ilang segundo. Ang bantot naman nang tunay nyang pangalan.

Dahil sa nagugulumihanan ako ay muli akong napalingon sa may bintana. At doon nga ay nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko si black beauty na dumaan nang mabilis doon. Mabilis akong napatayo at naglakad patungo sa front door nang bahay. Mabilis ko iyong binuksan at siniguro kung si black beauty nga ba ang dumaan. And it's confirmed. Sya nga. Mabilis akong sumunod sa kanya na ngayon ay walang malay sa ginagawa ko.

Habang paalis ay naririnig ko pa rin ang papahinang tunog nang radyo sa aking tainga. At mas nadama ko na ang kanta ngayong nasa labas na ako nang apartment. Kita ko ang mamasa-masang mga halaman sa paligid, ang mga ibong humuhuni at lumilipad. Ang mahinang simoy nang hangin na dunadampi sa aking balat habang ako'y dahan-dahang naglalakad. At ang may kainitang sinag nang araw. It's such a great to stalk someone right now.

Morning has broken like the first morning
Blackbird has spoken like the first bird
Praise for the singing, praise for the morning
Praise for them springing fresh from the world

***

Ilang minuto pa naming paglalakad ay napansin kong tinatahak nya ang daan patungo sa kung saan nakatira si Peter. Mabilis na kumunot ang noo ko. Maghapon na nga silang magkasama kahapon, tapos ngayong umagang-umaga doon kaagad ang punta nya. I wonder kung nasaan ba ang parents nitong babaitang ito.

Nakasara ang gate nila Pete kaya naman nagtago muna ako kung saan habang binubuksan nya pa iyon. Gate crasher.

Nang makapasok na sya ay doon ako nagsimulang maglakad palapit sa may gate. Nagtago ako sa mga halamang nakatanim sa tabi nang gate habang maingat na sinisilip kung ano man ang ginagawa ni black beauty.

Meron itong hinahanap sa kung saan man nakaapak ang paa nya. Maya-maya lang ay may dinampot sya sa ilalim nang paso. Doon ko lang napagtanto na susi pala yun nang buksan nya ang pintuan nila Peter gamit iyon.

Nang makapasok sya sa loob ay pumasok na din ako sa loob nang bakuran. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa bahay ay mabilis nang lumabas si black beauty kaya sa taranta ay mabilis ulet akong nagtago sa isa sa mga halaman. Jusme! Kitang-kita naman ako dito. Pero wala na akong tataguan. Kung gagalaw pa ako ngayon paniguradong mas mahahalata nyang nandito ako.

Nanatili lang akong nandoon habang nagdadasal na sana ay hindi nya mahalata na nandito din ako. Ano ba namam kasing ginagawa nya dito kila Pete nang ganito kaaga. Tsaka bakit parang walang tao sa loob? Wala ba dito ang magkakapatid?

"Alam kong nandyan ka. Bakit ka pa ba magtatago eh kitang-kita ka naman."

Mabilis akong napamulat nang mata nang marinig ko ang tinig ni Tricia. Katatapos lang nitong ilock ulet ang bahay at ngayon ay nakatingin na sa akin nang diretso.

May iilan na ring mga tao na dumadaan pero kumportable ako dahil hindi naman nila ako kita. Sa taas ba naman nang mga damo sa bakuran nila Pete eh.

Napahinga nalang ako nang malalim. Wala na rin naman na akong magagawa since nakita naman nya ako. Alangan namang magpanggap pa akong halaman dito, eh magmumukha lang akong patay na kahoy dito sa mga halamang nakapaligid sa akin.

Tumayo ako at taas noong pinagpagan ang sarile. "Aw!" Sigaw ko nang maramdaman ang masakit na kagat nang langgam sa aking kaliwang hita. Sa takot na baka putaktihin ako dito nang mga langgam ay mabilis akong naglakad palayo sa kinatatayuan at lumapit na nang tuluyan kay Tricia.

Magkakrus ang mga braso nito habang nakataas pa ang isang kilay. Bahagya ding nakabaliko ang kaliwa nitong paa dahilan upang mas lumiit sya sa paningin ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinipilit ang sarile na huwag kamutin ang nangangati ko nang hita kung saan ako kinagat nang langgam. Keri pa to.

Mas lalo nitong tinaas ang kilay na tila ba hinihintay nito na magpaliwanag ako sa kanya kung bakit nga ba ako naroroon. Pero dahil mataas ang pride ko ay pinagkrus ko din ang aking mga braso at ginaya ang kanyang pustura, bago itinaas ang aking kanang kilay. Actually di ako sigurado kung isang kilay nga lang ba talaga ang nakataas. Usually kase dalawang kilay talaga ang naitataas ko, di naman kase ako marunong tulad nya.

Natapatawa sya sa ginawa ko at tumuwid na sa pagkakatayo habang ang susi sa kamay ay inikot-ikot. "Whatever. Your just a waste of time." Nilampasan nito ako nang lakad nang hindi manlang tumitingin sa akin.

Sinundan ko sya nang tingin at napagtantong kaylangan ko rin syang kausapin, kung gusto kong malaman kung nasaan nga ba si Mega Pete.

Tumikhim ako at umayos sa pagkakatayo. Nasa gate na sya nang bakuran nang tawagin ko.

"Nandito ako para malaman kung nasaan ba si Pete."

Napatigil naman sya sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sa akin.

Tinagilid nito ang ulo pakaliwa at kita kong pinagmamasdan ako nang kanyang mga mata.

Ano ba to? Na exorcist na ba sya?

"Bakit? Ano ka ba nya?" Mapanuya nitong tanong matapos ang mahinang pagtawa.

Kumunot naman ang noo ko, at pakiramdam ko'y nakuha ko nang itaas ang isang kilay lamang.

Pero napaisip din ako. Ano nga ba ako ni Pete? Hindi masasabing magkaibigan kami kase, wala naman kaming napag-usapan tungkol dyan. Ang alam ko lang ay pinagsisiksikan ko ag sarile ko sa kanya kase alam ko sa sarile ko na may gusto ako sa kanya. Pero sya? Ano nga ba ang tingin nya sa akin.

Marahang humarap sa akin si Tricia at naglakad palapit sa akin. Dalawang hakbang nalang ang layo nya nang tumigil at tumingin sa mga mata ko. Mga mata kong hindi na alam kung paanong ipapakita ang tamang emosyon sa taong kinaiinisan.

"Alam kong may gusto ka kay Peter. Kaya ka parang linta kung makadikit sa kanya." Tumalim ang tingin nito sa akin, tila ba nagbabanta na dapat ko nang kilalalin kung sino ang babanggain ko. At sya yun.

Hindi ko maintindihan ang sarile ko kung bakit naestatwa ako sa kinatatayuan sa mga sinabi nya. Aminado din naman ako sa sarile ko na totoo lahat nang sinabi nya. Pero ang hindi ko lang siguro in-expect, ay yung alam nya kung ano nga ba ang nararamdaman ko, at motibo sa paglapit ko kay Pete.

"Ano? Nagulat ko na alam kong bakla ka? Hindi ka mahirap basahin. Kilalang-kilala ko na ang bawat kilos ninyong mga baklang nagtatago sa kloseta ninyo. Kaya wala kang maitatago sakin." Mariin nitong sinabi.

Pinigilan ko ang sarile ko na sumagot. Kase alam ko na kung sasagot ako at sasagot sya nang pabalik sa akin, ay magkakagulo lang. Kase hindi ko na makokontrol ang sarile ko sa oras na makaramdam ako nang galit.

"Layuan si Peter, naiintindihan mo? Hindi ka non magugustuhan kase bakla ka. Lalaki yun at hindi yun magkakagusto sa katulad mo. Hindi ko nga alam kung anong sinabi mo dun para kaawaan ka at patuloy pa rin na pansinin, kahit na ang totoo ay naiinis na sya sa paglapit mo sa kanya."

Hindi ko alam pero parang natamaan ang ego ko sa mga sinabi nya. Kase napapansin ko din naman minsan na, parang irita nga si Peter sa tuwing kasama ko sya. Pati yung isa nyang kapatid. Lalo na kapag nasa bahay nila ako. Pero kase, wala naman syang sinabi na hindi nya gusto ang presensya ko. Na ayaw nya akong makasama. O baka naman, nahihiya lang syang sabihin sa akin na naiinis sya sa tuwing pumupunta ako sa kanila? After all, para lang naman akong kabuteng basta nalang sumulpot sa buhay nya.

Huminga ako nang malalim at ibinaling ang paningin sa kung saan. Nakaka-intimidate naman kase ang titig nya.

"Siguro nga, hindi nya ako gusto. At siguro nga, nahihiya lang syang sabihin sa akin na naiinis sya pag kasama ako."

"Walang siguro dyan. Lahat yan totoo." Singit nito dahilan upang muli akong mapabaling sa kanya

"Kung yan ang pinaniniwalaan mo." Mahinahon kong sagot. "Pero hindi naman importante sa akin kung hindi nya ako gusto, o naiinis sya sa akin. Ang mahalaga lang naman sa akin yung makasama ko sya. Makitang masaya din sya kapag kasama ako. Hindi naman sa lahat nang oras inis sya sakin. Kaya ko namang tiisin yun."

She smirk after I said those words. Para bang hindi makapaniwala sa kung ano mang dahilan.

"Talagang ganyan kakapal ang mukha mo? Kahit na alam mong hindi ka gusto nang tao, kahit na ayaw sayo nang tao ipagsisiksikan mo pa rin ang sarile mo?" Mariin nitong sabi. Iniiwasan na marinig kami nang mga taong dumadaan.

"Siguro. Besides, napapansin ko din naman nitong mga nakaraan, napapalapit na rin sya sa akin. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan din nya ako romantically, okay na sa akin yung ganito. Nagkakausap kami. Nagtatawanan. Hindi lang naman kase romantic relationship ang gusto ko, kundi pagkakaibigan." Mariin ko ding sinabi.

Ngumiti ito. Tila ba alam na kung ano ang sasabihin ko. "Sa umpisa yan naman talaga ang sasabihin mo eh. Pero katagalan? Alam kong iba na ang magiging takbo nang utak mo sa oras na hulog na hulog ka na sa kanya." Lumapit pa ito sa akin, pero hindi ako umatras o nagpakita nang kung ano mang takot sa kanya. "Pero hayaan mong balaan kita." I can already hear the anger and frustration on her voice. And at some point, it sent shiver down my spine. "Wag na wag kang magkakamaling subukang agawin sa akin si Peter. Dahil sa oras na subukan mo. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang naging desisyon mo."

Tumalikod na ito sa akin nag-umpisang maglakad palayo. Pero syempre, hindi ko hahayaang utak ko lang ang magulo sa paghihiwalay nang landas naming dalawa no.

"Akala ko ba nililigawan ka nya. Bakit ayaw mo pang sagutin nang hindi ka napapraning?" Natatawa kong tanong.

Totoo naman kase diba? Hindi naman nya ako kaylangan pang balaan kung sasagutin lang nya kaagad si Pete. Nasa modern world na rin naman na tayo. Hindi na nakakahiya kung sasagutin mo ang isang lalakeng nanliligaw sayo sa loob lang nang isang buwan, o ilang linggo lang. Kaya bakit kaylangan pang paabutin nang dalawang buwan? Kung pwede naman nyang itali na sa kanya ngayon.

"Wala kang alam sa aming dalawa. Kaya ang mas mabuti pa. Idistansya mo na lang yang sarile mo sakin, lalong-lalo na sa kanya." Sagot nito nang hindi na humaharap sa akin. Bago tuluyan nang umalis.

Yun na yun? Parang baliw lang. Kung sinagot nalang kaagad nya yung tanong ko kung nasaan si Pete edi hindi na sana hahaba nang ganito usapan namin.

May pagkapraning din pala yung black beauty na yun. Hindi pa sila pero sinasakal na nya. Pero in fairness ha. Medyo kinabahan ako sa kanya. At para san naman ang pagbabanta? Ano bang kaya nyang gawin?

Nasan ka na ba kase Mega Pete! Nakaka-stress ang nililigawan mo.

***

Dahil nga mukhang wala naman doon ang magkakapatid ay bumalik nalang ulet ako sa apartment. Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala natapos ang pagkain kanina. Kaya naman malamig na ang tsokolate at medyo kumunat na ang pandesal na nabili.

Itinapon ko na lang sa lababo ang tsokolate at inilagay sa tapat nang apartment ang mga pandesal, para kung sakali mang may mga asong dadaan ay makain nila.

Dahil maaga pa naman at wala akong ginagawa ay naglinis nalang ako nang buong bahay. Habang nagpapatugtog nang medyo malakas sa speaker. Nagpapatugtog din kase sa kabila, eh mga old song ang kanta, hindi naman ako masyadong nakikinig sa ganoon.

Nang matapos maglinis ay nanood ako nang tv, pero parang sounds lang din iyon dahil ang atensyon ko ay nasa cellphone na gamit.

Nakita kong online sa messenger si Aaron. At hindi na ako nagdalawang isip pa na i message sya. Para na akong masisiraan nang bait sa kagustuhan kong malaman kung nasan ba si Pete. Dinaig pa ako nang nililigawan nya.

Ako:
Hey. Musta. Hehe

Napahilamos ako nang mukha nang mapansin kong parang tanga lang yung chat ko sa kanya. Like? HEHE? Ano yun?

Pero hindi naman nagtagal nang minuto ay na seen na kaagad nya ang message ko sa kanya.

Para akong bulate na binudburan nang asin sa sofa habang nakikitang nagta-type na sya nang message. Kanino nga ako ulet dapat kinikilig?

Aaron:
Ayos naman kuya. Ikaw kamusta?

Ako:
Hindi ako okay

Mabilis kong dinilete ang message na iyon bago pa man ma sent.

Nakakahiya syempre no. Tsaka hahaba pa ang usapan. Baka mamaya kung ano pa ang masabi ko sa bata.

Humiga ako sa sofa bago nag-type nang panibago.

Me:
Nasan kayo? Parang wala yata kayo sa inyo ah?"

Nilagay ko sa ibabaw nang dibdib ko ang cellphone at tumitig sa kisame pagkatapos. Nag-aantay na tumunog ito para sa reply ni Aaron.

Hindi naman nagtagal ay naka-reply na sya kaagad at mabilis ko nga iyong binasa.

Aaron:
Nasa Batangas kami kuya. Binisita namin si Papa.

Nagulat pa ako doon. Dahil ang pagkakaalam ko ay may iba nang pamilya ang papa nila. At hindi nila ito kasundo. Kamusta naman kaya ang magkakapatid? Sana hindi sila inaalipusta doon.

Kung nasa Batangas sila, edi mukhang matatagalan pa sila doon. Pero isang buwan pa naman bago ang pasukan. Baka makabalik na din sila kaagad bago pa ito magsimula.

Nakipag-chat pa ako kay Aaron nang mga ilang minuti at tama nga ang hinala ko na bago ang pasukan ay makakabalik na sila dito. Buti naman. Baka first day of school mapaaway kaagad ako.

Dahil nga sa pag-uusap naming dalawa ni Aaron ay nagkaroon na ako nang lakas nang loob na i-add friend si Peter.

Siguro naman hindi nya ii-ignore ang friend request ko dahil kami naman palagi ang magka-usap at magkasama. Kung malaman yun ni Tricia for sure mamumula talaga ang maitim nyang mukha.

Nag-antay ako nang nag-antay na ma-accept nya ang friend request ko, pero nakatulog at nakagising nalang ako ay hindi nya pa rin ako naa-accept. Kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarile na i-messgae na sya directly.

Me:
Hoy! Mega Pete. Accept mo yung friend request ko, feeling famous ka ah!.

Na send ko na iyon bago ko pa maisip na parang masyado yatang sumobra ang na type ko. Pati yung dapat ay nasa utak ko lang na type ko na.

Mabilis kong kinalikot ang messenger para sana i delete nalang yung message ko. Pero huli na ang lahat. Na seen na ito ni Pete at kasalukuyan nang nagta-type.

Dahil sa sobrang kalikutan ko sa mga nagyayari ay mabilis akong nahulog sa sofa na hinihigaan. Mabilis kong ininda ang sakit pero nang marinig na tumunog ang messenger ay natunon na kaagad doon ang atensyon ko.

PJ:
Mega Pete?
Yan pala ang tawag mo sa akin ha

Nasapo ko ang noo sa sarileng kahihiyan. Hindi ko naman talaga dapat ita-type yun. Pero dahil sa inis sa kanya ay hindi ko na napigilan. Pero atlis, hindi nya alam yung kay black beauty.

Me:
Wala yan. Compliment ko yan sayo no

Nag-antay ako nang reply nya pero hindi na iyon dumating. Bagkus ay nag notif nalang fb sa akin na in-accept na ako ni Peter.

Mas ayos na rin siguro to. Kung makakachat ko sya baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. I was about to go to the kitchen when I heard my messenger tone rang.

I immediately check kung sino ang tumatawag at laking gulat ko nang makitang si Pete iyon. At video call pa talaga!

Mabilis akong nag-ayos nang sarile at maayos na naupo sa sofa. Kaya naman nang sagutin ko ang tawag ay para bang may kung sinong opisyal akong kakausapin.

I immediately saw his face. Kita ko ang kalangitan sa background nya at isang puno nang niyog. Tahimik at tanging ang ihip lang nang hangin ang maririnig. I wonder kung nasa beach ba sya kase hindi ko naman makita ag kabuuan nang lugar.

Nakangiti ito nang kaunti sa akin habang ako naman ay tila isang poste na hindi na gumalaw magmula nang sagutin ko ang tawag nya.

"Ano? Tahimik ka ata." Sabi nito sa kabilang linya.

Tumikhim naman ako at gumalaw nang kaunti para itago ang kabang nararamdaman. "Hindi ko naman kase gustong makausap ka." Nakangiwi kong sagot upang ipakita sa kanya ang pagkadisgusto ko kuno sa mga nangyayari.

He made a face after hearing what I said. Siopao talaga ang mukha. Kung jowa lang ako nito baka palagi kong mapisil ang pisngi nya.

"Ayaw mo pala kong kausap. Sige, ibababa ko nalang."

Tinaasan ko lang sya nang kilay matapos nyang sabihin iyon, sa pag-aakalang hindi naman nya talaga gagawin iyon sa akin. Pero ang tukmol! Binabaan talaga ako nang tawag.

Naiwan tuloy ako doon nang mag-isa at tulala sa pangyayari. Buong akala ko ay excited sya na makausap ako kase tumawag pa talaga sya sa akin. Tapos papatayan lang pala ko nang tawag?

Annoyed at his sudden action. Ay tinawagan ko ulet sya. Malapit nang matapos ang tawag ko nang sagutin nya ito nang mas lalong nagpainis lang sa akin. Jowa yarn?

"Oh? Kala ko ba ayaw mo akong kausapin? bakit napatawag ka ata bigla?" Nagngiting aso ito na tila ba natutuwa pa sa biglaan kong pagtawag sa kanya.

Baka kinikilig sya? Pwede din naman. Napatawa ako sa sarileng naiisip. Pero agad din namang nanahimik nang mapansin nakatitig lang sya sa akin. Luh! Baka isipin nito nababaliw na ako.

Muli akong tumikhim at pilit na itinago ang pagkapahiya. Tumayo ako at naglakad patungong kusina. Gusto kong uminom nang tubig dahil hindi ko na maibuka ang aking bibig para sumagot pa sa tanong nya.

Habang umiinom ay mataman lang ako nitong pinapanood. Kaya naman nilambutan ko nang kaunti ang bawat kilos ko para naman ma-akit sya sa akin. Kung maakit nga.

"May gusto lang kase akong itanong. Kaso nasagot na nang kapatid mo kanina. Kaya..." Nagkibit ako nang balikat bago naupo sa upuan.

Nakapangalumbaba na sya ngayon sa lamesang kaharap. Palagay ko ay hawak nya ang cellphone dahil magalaw ang kanyang palogid.

"Nakwento nga nya sa akin. Sabi pa nga nya, gustong-gusto ko daw ako makausap?"

Kita ko ang pang-aasar sa kanyang mukha. Tila ba ay nahuli nya ako sa akto na may kung anong ginagawang kababalaghan sa buhay.

Umismid ako dahil sa pagka-eksaherada nang pagkakakwento sa kanya ni Aaron.

"Wala naman akong sinabing ganyan no. Nagtaka lang ako kase hindi kita napansin na bumili nang pandesal kanina."

"Yun lang?"

Aba! Ano pa bang gustong malaman nito?

"Oo yun lang. Bukod sa nakita kong pumasok si Tricia sa loob nang bahay nyo kanina."

Kita ko kung paanong nawala ang kanyang ngiti sa huli kong sinabi. Napataas ako nang kilay. Talagang marinig lang nya ang pangalan nang babaeng yun, halos tumigil na ang mundo nya. Hulog na hulog na talaga sya.

"Tsaka, nagkausap kami nang kanuti..." Hindi ko alam kung ikukwento ko ba lahat sa kanya.

Pero kung ikukwento ko naman ang mga napag-usapan naming dalawa ni Black Beauty, baka naman isipin nyang pareho kaming baliw. At baka mabaliw na rin sya kakaisip na pinag-aagawan namin sya ni Tricia. Grabe naman ang charisma nang baboy na to.

Sumeryoso ang mukha nito at medyo tumuwid sa pagkakaupo. Tila ba may nasabi ako sa kanyang nakakabahala.

"Okay ka lang?" Nananantya kong tanong, kinakabahan na baka may masabi akong mali sa kanya.

"Anong pinag-usapan nyo?" Nakakunot nang bahagya ang noo nito. medyo naging conscious tuloy ako sa sasabihin ko.

Well, let's just skip the part na alam ni Tricia na may gusto ako sa kanya. Baka bigla syang mapauwi sa nalaman nya.

"Well, wala naman." I tilted my head as I continue to talk. "Naabutan ko lang sya kanina sa bahay nyo kase nagpunta ako at nabobore ako dito sa apartment. And ayun, natanong ko lang kung anong ginagawa nya sa loob nang bahay at kung nasaan kayo."

Napatango-tango ito sa sinabi ko. "Yun lang?"

Parang hindi pa yata kumbinsido to ah. "Yun lang naman. Bakit? May iba pa ba dapat kaming pag-usapan?"

Mabilis itong umiling sa sinabi ko. Ngumiti ako at pinilit na baguhin na lang ang usapan.

"So? Kamusta ang Batangas?"

"Ayos naman."

"Boring no? Wala kase ko dyan eh."

Napatawa ito sa sinabi ko. Habang ako ay napatitig sa kanya. Kahit na ilang beses kong itanggi sa sarile ko na okay na ako sa pakikipagkaibigan, hindi pa rin talaga mawawala sa akin ang umasa.

Na paano kung iba na pala talaga ang pakikitungo nya sa akin kase may lihim din syang pagtingin. Na paano kung kaya nya natitiis lahat nang mga pangungulit ko sa kanya kase gusto din nyang napapalapit sa akin?

Pero kung gusto din nya talaga ako ay dapat nilinaw na nya at itinigil na ang panliligaw kay Black Beauty.

Napahinga ako nang malalim at pinaintindi sa sarile na hindi naman na importante kung gusto din ba nya ako o hindi. Ang mahalaga lang naman ngayon ay masaya sya na kasama ako, at masaya ako na kasama sya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top