DIECISIETE

Mabigat ang mga mata ko pagkagising ko araw ng Sabado. Nakatulugan ko na ang pag-iyak at pag-iisip kung magpapatuloy pa ba ako sa kabaliwan ko o hindi na.

At dahil nga sa pag-iyak ay nakaramdam ako ng gutom at tuluyan ng kinain ang dalang samgyup ni Pete. Tinabi at hinugasan ko na lang ang lagayan para may magpaalala sa akin na gusto ako ni Peter.

Mabigat ang bawat kilos ko ng araw na iyon. Kung wala lang kumakatok sa pinto ko ay hindi na ako babangon.

Si Cindy ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"Kanina ka pa kinakatok ni aling Sari. Pero mukhang natutulog kapa ata." Nakangiti ito sa akin.

I smiled back, pero alam ko na hindi iyon sincere.

"Pinabibigay nga pala nya. Umuwi kase yung anak nya galing abroad." Inabot nito sa akin ang hawak na paper bag.

Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Hindi na nag-abala pang silipin ang nasa loob.

"Ayos ka lang ba?"

Napataas ako ng tingin sa tanong nya. He looked worried but there's something about her look. Medyo nakataas ang mga labi nya, but maybe it was only my imagination.

Tumango nalang ako dahil ayaw ng pahabain pa ang usapan. Hindi na rin naman nya dinagdagan pa ang mga tanong at hinayaan na lang ako.

Iniisip ko pa lang ang maghapon na wala akong gagawin parang mamatay na ako sa boredom.

Napahinga nalang ako ng malalim. Naupo ako sa may sofa para i-check kung ano ba ang laman ng paper bag na binigay ni aling Sari.

Bumungad sa akin ang isang t-shirt. At sa ilalim ay may puro mga chocolates na. Hindi ako masyadong na excite kase may mga chocolates naman akong nakaimbak sa ref.

Pero okay na din yun, para hindi na ako mag-groceries nito bukas.

Sa ngayon pinag-iisipan ko na lang kung pupunta ba ako sa paanyaya ni Kurt o susundin pa rin ang kagustuhan ni Peter.

Nasa kalagitnaan ako ng pagligo ng hapong iyon ng marinig ang tawag sa messenger. Nagbanlaw lang ako ng katawan at nagtapis bago lumabas ng banyo at sinagot ang tawag.

"Pre. Ano? Pupunta ka ba?" Si Kurt sa kabilang linya.

Napakamot ako ng ulo dahil nalilito pa rin sa isasagot. Matapos ang naging komprontasyon namin ni Peter kagabi ay may parte pa rin sa akin na gusto syang sundin at huwag suwayin. Pero ako mismo, gustong mag-rebelde sa kanya at ipakita na hindi lang sya ang lalakeng magugustuhan ko. Parang may pake naman sya sa iniisip ko? Nagpapatawa na lang ako.

"Pasensya ka na. Sa susunod nalang. Promise, di na ako tatanggi."

He looked disappointed for what I said. Gusto ko mang pumunta at magkaroon ng mas maraming kaibigan. Wala naman akong magagawa kung si Peter pa rin talaga ang mas matimbang.

"Sure yan ha?"

I nodded. I was about to wave at him when my phone suddenly slipped at my hand. Nalaglag ito sa lamesa kaya agad kong dinampot. Nang maiharap ko na ulet sa aking cellphone ay sumipol si Kurt sa kabilang linya.

"Ganda ng katawan mo ah." Pabiro nitong sinabi. "Anong ginagawa mo?"

"Ah. Naliligo ako eh." I feel my face heated when I said that.

Hindi pa talaga ako komportable na makipag-usap sa iba lalo na yung mga ganitong ginagawa ko.

"Pwedeng makisabay?"

"H-huh?"

Tumawa ito ng malakas na ikinakunot ng noo ko.

"Joke lang. Joke lang. Sa susunod pupunta ka ha?"

"Oo. Sigurado."

Nang matapos ang tawag ay bumalik na kaagad ako sa paliligo. Matagal ako sa banyo pero pakiramdam ko ay hindi tumakbo ang oras habang nasa loob ako. Totoo ngang mabagal ang oras pag wala kang ginagawa.

Alas-sais pa nga lang ng gabi ay nakahiga na ako sa kama. Ilang beses ko ng pinag-isipan kung icha-chat ko ba si Pete since nakita ko syang naka-online.

Pero natatakot naman ako na baka may masabi pa syang makakasakit sa akin. Ayoko ng dagdagan. Kung ano kami noon, yun nalang ang gusto kong isipin. Yung mga masasayang alaala namin.

Natapos ang buong weekend na sa apartment nga lang talaga ako. Kaya naman ng mag-lunes ay parang na-excite ako since makikita ko na naman sya.

Sinabi nyang tigilan ko na kung anong nararamdaman ko pero ang hirap namang gawin nun kung hulog na talaga ako.

Maaga ako that day, hindi ko na inisip pa hintayin sya at abangan para magkasabay kami sa pagpasok, dahil ayoko ng dagdagan pa ang galit ñya sa akin.

Tahimik akong nakaupo sa usual seat ko at inaantay na dumating sya. I was all smile when he showed up in the front door.

Pero mabilis din iyong nawala ng makitang kasama nya pala si Tricia sa tabi nya. Hindi naman ito nakahawak sa braso nya katulad ng dati pero, hindi rin naman sila palaging magkasabay na pumasok sa school.

His eyes drifted on me for a second, at iniiwas din ng igiya sya ni Tricia sa upuan nila.

Pinutol ko na ang tingin ko dahil alam kong mag-uusap silang dalawa. Nang magkalapit ang katawan. Animo'y nasa pribadong lugar na silang dalawa lang ang naroon.

I opened my notes and busied myself while listening to their conversation. Hindi naman ganun kalakas ang boses nila pero siguro dahil kaonti palang ang tao sa classroom at sa school ay naririnig ko ito.

"Next time, bakit hindi tayo pumunta sa may Jala-jala. Marami diba dung tourist spot? Tsaka ang alam ko meron din dung maliit na talon. Nakapunta na doon sila Cherry. Gusto kong pumunta din." Ani Tricia.

"Siguro sa susunod na buwan? Kung wala tayong masyadong gagawin."

Napalingon ako ng kaunti sa banda nila. Tricia was already looking at me with a smile on her face. Mabilis kong binalik ang tingin sa ginagawa na wala naman talaga.

"O di kaya, isama natin sila Jasmine at Rochelle, tsaka yung mga jowa nila para may iba tayong kasama sa date."

"Hindi ko naman sila ka close."

"Kaya nga isasama na kita pag may lakad kami ng tropa para maka-close mo na rin sila." Pamimilit ni Tricia.

"Date naman natin yun. Hindi ba parang mas intimate kung tayong dalawa lang?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa hawak na ballpen sa huling sinabi ni Peter.

"I know. Pero minsan masaya din namang may kasama."

"Oo nga Peter. I like that idea." Si Rochelle na kanina pa pala nakikinig. "Taga Jala-jala yung boyfriend ko kaya marami syang alam na pwedeng galaan doon."

"See? Kaya pumayag ka na."

Muli akong napalingon sa gawi nila. This time, niyuyugyog na ni Tricia ang braso ni Peter. Nakangiti naman si Pete at parang nasisiyahan pa sa ginagawa ni Tricia.

Nawala nga lang ang ngiti nya ng mapabaling ang paningin nya sa akin. Mabilis naman akong yumuko at sinubukang magsulat ng kahit na ano sa papel. Pero wala talagang napasok sa utak ko kundi ang nangyayari lang sa ngayon, at ang pag-uusap nila.

"Sige-sige."

"Yes! Sure na yan ha. I-schedule na namin yan ni Rochelle."

"Oo nga."

"Sabihan ko mamaya si Liit."

Si Rochelle na ang huli kong narinig na nagsalita ng magsimula ng umingay ang buong classroom. Hindi ko na tuloy namalayan na nasa tabi ko na pala si Kurt, sa sobrang okupado ng isip ko.

Nagkwento ito about sa nangyari noong weekend sa inuman nila ng mga pinsan at barkada, pero wala akong maintindihan kahit isa. Naintindihan ko lang ang huling sinabi nito na. Sayang at hindi ako nakapunta. Close ko na sana lahat ng pinsan at kabarkada nya.

Naging tahimik ang buong maghapon ko. Kung hindi ko lang katabi si Kurt na panay ang salita ay talagang wala ng mangyayari sa araw kong iyon.

Kaya naman ng anyayahan ako nito na pumunta sa kanila at doon gumawa ng homework ay hindi ko na tinanggihan. Kung didiretso naman ako sa apartment ay paniguradong wala lang din akong gagawin pagkatapos kong gumawa ng homework.

"Tayong dalawa lang naman. Kaya hindi ka maiilang." Maingay na sambit ni Kurt.

Kaunti na lang kami sa classroom at isa na doon si Tricia at Peter.

Napalingon pa ang mga ito mula sa pag-uusap. Nahihiya tuloy akong lumingon kay Kurt.

"Mukhang may date kayong dalawa ah." Si Tricia na ngayon ay nakatayo na sa tabi namin.

Mabilis ding lumapit si Peter at tinabihan si Tricia. Nakita ko pa kung paanong marahang pumulupot ang kamay ni Peter sa bewang ni Tricia.

"Gagawa lang ng homework Tricia." Depensa ni Kurt. Tumingin ito sa akin ng nakangiti. "Hindi pa naman namin naiisip yun dalawa."

Halos isimangot ko na ang mukha ko ng kindatan ako nito. Pinigilan ko lang dahil may ibang kaharap.

"Sabagay. Mas maganda nga yung mag getting to know each other muna kayo."

"Oo naman. Hindi naman basta-basta ang makipagrelasyon."

Habang abala ang dalawa sa pag-uusap ay pasimple kong tiningnan si Pete. Mabigat ang titig na iginagawad nito sa akin, habang nakaigting ang mga panga.

Kung ano-ano nang sinasabi ni Kurt pero hindi ko magawang pigilan sya dahil abala ako sa pagmamasid kay Peter. Sa mga reaksyon nyang binibigyan ko na naman ng ibang kahulugan.

"Bakit hindi kayo sumama sa amin this weekend? Baka magpunta kami sa may Jala-jala. Magandang way na rin yun para mapalapit pa kayo." Tricia looked at me.

I looked back at her. At kahit na hindi ko masyadong nasundan ang pinag-uusapan nila ay alam kong iniisip na nya ngayon na may kung anong namamagitan sa amin ni Kurt. Which is not true! Ni hindi ko nga naisip na aabot kaming dalawa sa point na ganoon.

Ginagatungan pa kase ni Kurt! Alam ko namang niloloko lang nya ako at nagiging hobby na nya yun this past few weeks. Pero hindi ko akalain ka-ca-rerin nya pala talaga.

"Hindi na. Nakakahiya naman. Makakagulo lang kami dun. Wala namang namamagitan sa aming dalawa ni Kurt. Loko-loko lag talaga to." Itinawa ko ang kabang nararamdaman, lalo na ng marinig ang paghinga ni Peter ng malalim.

"Di-ne-deny mo pa ang obvious." Patawang saad ni Tricia.

Tong Black beauty na ito. Hindi talaga titigil!

"Oo nga. Baka na-a-awkward na pati si Genesis." Si Kurt. "Tsaka baka magkaroon ulet ng inuman sa amin this weekend. Nangako tong pupunta na, kaya baka matuloy."

Hay! Kahit ayokong makipag-inuman at hindi nama talaga ako sanay. Okay na din yun, kaysa naman makita ko si Peter at Tricia na sweet sa isa't-isa, baka malunod ko lag silang dalawa doon.

"Bakit hindi nalang kayo sumama? Mas marami, mas masaya."

Sabay kaming lahat na napatingin kay Peter ng biglaan itong magsalita. Nakaigting ang mga panga nito at kay Kurt na ngayon nakabaling ang seryosong mga mata.

Nawala na rin ang ngiti ni Tricia at masama na ngayon ang tingin sa akin.

"Maganda nga yang ideya. Hindi naman din ma-le-left out si Genesis. Bukod sa kasama ka naman Kurt, close din naman kayong dalawa ni Peter diba?" Tricia said with a sarcasm.

Napatangin naman ako kay Pete na ngayon inaantay din ang sasabihin ko.

Ano bang in-expect nyang sasabihin ko? Na close kami o hindi?

Baka kung sabihin kong close kami dati magalit sya? Baka ayaw nyang ipaalam sa iba na naging close kami kase kinakahiya nya ako.

"Hindi naman. Nagkakausap lang."

"Oh. Okay pala yun. Postponed muna yung inuman natin. Maganda na ring sumama tayong dalawa sa kanila para makapag-unwind tayo. Date tayo as tropa." Inakbayan ako ni Kurt at tinitigan. Lumalabas ang ngipin sa sobrang pagngiti.

Hindi ko gusto kung anong mga nangyayari. Para bang kahit na anong gawin kong lusot, sasalubungin lang nila ako doon para ipilit kung anong gusto nila. Walang halaga ang mga choices ko dahil bawat isa sa kanila ay may nakalaan ng dapat na gawin ko. Susundin na lang.

"It's settled then. Update nalang namin kayo sa Saturday since yun yung araw ng alis natin."

"Okay!"

"Mauna na kami. Mukhang may lakad pa kayong dalawa." Ani Tricia bago tumingin at tumango kay Peter.

Peter nod too. Para bang isang tingingan lang nilang dalawa ay alam na nila ang gagawin.

Umalis silang dalawa at naiwan naman kami ni Kurt. Kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang hindi natapos na gagawin dahil sa pag-uusap kanina.

The whole time na naglalakad kami patungo sa bahay ni Kurt ay wala syang ibang bukambibig kundi ang magaganap sa Sabado. Marami na daw syang naririnig na kwento na maganda nga daw doon, maliit at super cute daw ng talon.

Naalala ko tuloy dati. Since sa bayan din ako ng Jala-jala nakatita. Nag-uusap-usap yung mga kaklase ko about dyan sa maliit na talon na yan. Maganda daw maligo at malinis ang tubig.

Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na mapuntahan sya. Wala naman akong kaibigan para sumama sa akin doon. Ano yun, pupunta ako mag-isa ta's maliligo lang. Mag-shower nalang ako sa bahay.

"Para palang subdivision tong bahay ninyo." Pabiro kong sinabi.

Meron kasing malaking gate na kulay green sa harap. At pag pumasok ka naman ay doon mo makikita ang mga bahay. Hindi din naman sila basta bahay, dahil halos lahat ng kabahayan ay gawa sa semento. Mga lima o anim na bahay ang meron sa loob.

"Mga tita at tito ko ang mga nakatita dito." Aniya at nanguna na sa paglalakad.

Sumunod naman ako sa kanya. Malawak ang lugar at nakapabilog ang pwesto ng mga bahay. Dahilan upang magkaroon ng malaking bakante ng lula sa gitna.

"Dito tayo."

Iginiya ako nito sa isang bahay na kulay asul ang bubong. Hindi pa fully furnished ang dingding, pero okay na rin naman. May mga asong tumahol sa akin kaya mabilis akong pumasok sa loob.

"Lagay mo na lang dyan yung mga gamit mo." Tinuro nito ang wooden sofa.

Nilagay ko naman doon ang bag ko at naupo. Hinubad ko na rin ang sapatos na suot at nilagay sa ilalim din noon.

"Bibihis lang ako."

Dumiretso na ito sa isa sa mga kwarto. Kurtina lang ang tanging humaharang sa mga kwarto kaya kapag humahangin mula sa bukas na mga bintana ay nililipad iyon at nakikita ang loob.

Habang naghihintay sa kanya na matapos ay inilabas ko na lang ang gagawin namin para makapag-start na kaagad. Nilagay ko ang mga gamit sa lamesita sa harapan.

"Gusto mo ba ng mireyenda?" Tanong nito ng makalabas sa kwarto.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya, at mabilis lang ding ibinalik sa ginagawa. Nang makitang magsusuot palang ito ng pang-itaas, at tanging boxer short lang ang suot pang-ibaba.

"Hoy! Tinatanong kita." Anito ng may multo ng ngiti sa labi.

"Tubig na lang."

"Sige na nga. Ako na ang bahala."

Hindi ko na ibinalik pa ang tingin ko sa kanya. Umalis lang ito sa harapan ko, at ng nakatalikod na ay tsaka lang ako uket nag-angat ng tingin.

Nakabihis na ito ng pang-itaas pero boxer pa rin ang suot sa pang-ibaba. Okay lang naman yun sa'kin. Parehas naman kaming lalake. Kung anong meron sya meron din ako. Pero sino nga bang niloko ko?

Mabalbon si Kurt kaya expected ko ng mabalon din ng ilan sa parte ng katawan nya. Kanina ng makita ko ang katawan nya ay may kaonting balahibo na ito sa bandang dibdib at medyo makapal naman sa baba ng pusod. Ngayon, ang hita naman at binti ay talagang mabalbon.

Hindi ganoon kakapal ang balahibo sa katawan ni Peter. Ang pinakang makapal na balahibo na yata ni Peter sa katawan ay sa may bandag juniun nya.

Naghahanda si Kurt ng kung anong mimeryendahin kaya inabala ko na rin ang sarile sa pagbabasa bago pa nya ako abutang nakatingin sa kanya.

Since hindi naman it opgo group activity at individual homework lang to. Nag-umpisa na akong magsagot. Siguro pakokopyahin ko nalang sya at i-explain sa kanya kung paano ko nasagutan.

"Nagkakausap pala kayo ni Peter?" Tanong nito mula sa kusina

Tumingin ako sa kanya pero nakatalikod ito sa akin.

"Oo, nadadaanan kase nya yung apartment na tinutuluyan ko." Binalik ko ang atensyon sa ginagawa.

Gusto ko mang sabihin sa iba na close kami ni Peter before, ayoko namang pangunahan sya. After all sya ang mas nakakakilala sa mga kaklase namin. Kung gusto nyang itago at isekreto ang naging closeness namin wala namang problema. Sanay naman din na talaga akong mag-isa. Hindi na bago kung iisipin ng lahat na wala akong kaibigan.

"Ah... so parang acquaintances lang?"

"Parang ganun na nga."

"Kala ko magkakilala na kayo before. Para kaseng nakita ko kayo dati na magkasama. Baka nagkasalubong lang." Naglakad na ito palapit sa akin.

May hawak itong tray na naglalaman ng pagkain. Naamoy ko kaagad ang pancit canton kaya may ideya na ako kung anong niluto nya.

Nilapag nito sa lamesa ang hawak at tama nga ang hinuha ko. Dalawang mangkok ng pancit canton at dalawang baso ng juice ang laman ng tray.

Nilagay nito sa harap ko ang isang mangkok at baso bago inalis ang tray sa may lamesita.

"Kain ka na muna."

"Sige."

Naupo na ito sa katabing sofa na inuupan ko. Itinabi ko na muna ang mga gawain at kinuha ang mangkok.

"Patapos ka na ata." Aniya sabay subo ng pagkain.

"Oo, isang question na lang. Pwede ka namang kumopya kung gusto mo."

Nag-umpisa na rin akong kumain. Balak kong komprontahin sya ngayon sa nangyari kanina. Hindi ako masyadong nakapag-focus dahil sa pagtitig kay Pete. Kaya ngayon na nasa tamang wisyo na ako ay gusto ko syang komprontahin para malinaw sa kanya namay boundaries sa mga biro nya pagdating sa akin.

"Yown sana. Di na ako mahihirapang mag-isip." Tumawa ito at muling sumubo.

Binaba ko na muna ang mangko na hawak at ininom ang juice na nasa harap, bago nag-umpisang magsalita.

"Yung kanina nga pala." Tumaas ang kilay nito sa akin. Ngumunguya pa rin. "Ayoko sanang magpahiwatig ka ng ibang kahulugan sa mga kaklase natin pagdating sa'ting dalawa. Baka kase kung anong isipin nila, eh hindi naman totoo."

Natawa ito sa sinabi ko at tinakpan pa ang bibig gamit ang likod ng kanyang kamay na hawak na kutsara.

"Sorry." Uminom ito ng juice sa pagpipigil ng tawa.

Uminit naman ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Alam ko namang tama ang rason ko na komprontahin sya about doon sa nagyari kanina. Pero parang bakit ako pa ang mukhang mababaw?

"Biro ko lang yun. Kilala naman pati ako ng mga yun. Walang maniniwala sa mga sinabi ko." Kumain na ito ulet habang napapailing pa.

Pero gusto ko pa ring tigilan nya yon. Siguro wala nga sa kanya ang mga bagay na yon, at sa iba. Pero sa akin, malaking big deal yun dahil wala namang ibang gumagawa noon sa akin.

"Pero kahit na. Hindi ako sanay."

Tumigil ito sa pagkain at tumitig sa akin ng seryoso. Nakaramdam ako ng kaba sa uri ng titig na iyon.

That stare. Kapareho iyon ng titig na ibinigay sa akin ni Peter ng sabihin nyang wala syang nararamdaman sa akin.

"Seriously, Genesis? Huwag mong sabihin sa akin na iniisip mo talagang magugustuhan kita. Nag-jo-joke ako at haggang doon lang yun. Nakukuha ko ang pinupunto mo pero huwag mo namang isipin na bakla ako." He said seriously.

Kumunot ang noo sya sandale na para bang may naisip na mahalaga. Then he leaned closer to me, until our face was only inches apart.

"O baka naman ikaw ang bakla kaya kung ano-ano ang pumapasok sa kukote mo." His eyes look down on my lips.

Scared from what's going to happen. Mabilis akong tumayo habang hinihingal sa bilis ng tibok ng aking puso.

Hindi ko naman itinatago sa sarile ko na bakla ako. Sa katunayan nga ay ako pa ang umamin kay Peter na may gusto ako sa kanya. Pero wala din naman akong ibang tak na pinagsabihan na bakla ako. Hindi ko kinakahiya na bakla ako pero takot ako na malaman ng iba, lalo na ng mga bago kong kaklase sa kadahilanang baka magbago ang trato nila sa akin.

Maulet kung ano man ang nangyari sa akin dati.

"O? Bakit ka biglang tumayo?" He leaned his back at the backrest of the sofa. Legs were wide open. At ang dalawang kamay ay nakapatong din sa backrest.

"Uuwi na ako, sa bahay ko na lang tatapusin. Isesend ko na lang sa messenger yung sagot." Mabilis hinagilap ang mga gamit ko.

Takot at kabado man sa tahimik nyang panonood ay pinanatili kong huwag gumawa ng kahit na anong kamalian.

Tumayo ito bigla at ramdam ko ang marahan nyang paglalakad patungo sa likuran ko.

Mas binilisan ko ang ginagawa pero napatigil ako ng maramdaman ko syag pumuwesto sa likuran ko at ikiniskis ang kanyang tigas ng ari sa puwetan ko.

Tumayo ako ng tuwid at balak na lumayo sa kanya pero mabilis na pumulupot ang mga kamay nya patungo sa aking tiyan. Napigilan ang tangka kong pag-alis. Ngayon ay magkadikit na ang aming mga katawan. Mas ramdam ko na ag katigasan nya sa aking likod.

Siguro kung normal na pangbubully lang ito ay lumaban na ako at naipagsuntukan. Pero iba kase ang ginagawa nya. Tila ba hinuhuli nya ang kahinaan ko ng sa gayon ay hindi ako makalaban.

May kung ano sa sistema ko ang nabubuhay lalo na ng maramdaman ko ang paggapang ng kamay nya pataas sa dibdib ko. Ang bibig nya ay nasa tainga ko na at halos ramdam ko na ang init ng kanyang hininga sa aking mukha.

"Aalis ka kaagad."

Halos mapakislot ako ng maramdamang pumasok na ang kanyang kamay sa loob ng sando kong suot.

"Pwede pa naman tayong mag-enjoy."

His hand was about to reach my peak. Pero bago pa man iyon mangyari ay buong pwersa na akong lumayo sa kanya. I don't what will happen next if I gave in now.

The consequences that I was trying to avoid ever since that I moved in here.

He looked shocked and amused at the same time. I wanted to give him a punch but I don't want to lose a friend just because of what happened.

Maybe I gave him the wrong interpretation kaya nya nagawa iyon. Hindi nya sinasadya at ako siguro talaga ang mali. Kaya lahat ng ito nangyayari sa akin.

"Kaylangan ko na talagang umalis." Nanginig ang boses sa huling sinabi.

"Okay. Sa susunod na lang kung ganon."

Hindi ko na alam kung paano ko nailigpit ang mga gamit ko. Kung maayos ba o magulo. Basta ko na lang ito pinaglalagay sa loob ng bag at walang lingon likod kay Kurt na umalis sa bahay nya. Hindi na nagawa pang magpaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top