CINCO
"Ay." Dismayado kong sinabi.
Kanina pa ako nagpiprito dito at halos lahat ng ham ay sunog. Dalawa nalang ang ipiprito ko at kung masunog pa ito ay talaga nga namang wala akong makakain na masarap na ham.
Muli kong inilagay ang dalawa pang ham sa kawali matapos magdasal na sana ay hindi na ito masunog sa pagkakataong ito.
Pero hindi ko pa man nababaliktad ay nangingitim na ito kaya mabilis ko na namang hinango at naiinis itong pinagmasdan. Mabilis kong pinatay ang kalan ng makitang umuusok na ito.
"Diwata ng pagluluto, kaylan mo ba ako sasaniban?!" Sigaw ko habang nawawalan na ng pag-asa.
Dismayado kong pinagmasdan ang mga ham na sunog at ang hotdogs na hindi pa naluluto.
Huwag ko na lang kayang lutuin ang hotdogs? Pwede naman siguro tong kainin ng hindi luto? Hala sya! Baka mamaya magkasakit pa ako dahil sa gagawin.
Sa huli ay muli kong binuksan ang kalan. Ngayon ay mas hininaan ko na ang apoy. Nilagay ko na ang lahat ng hotdogs sa kawali at inikot-ikot iyon.
Napangiti ako ng makitang mukhang mapeperfect ko iyon sa ngayon. "Hindi na sya masusunog." Kanta ko.
Natigilan ako at naisip na masarap ngang kantahin ang linyang iyon kaya ipinagpatuloy ko na lang.
"Hindi na sya masusunog, marunong na akong magluto."
Bigla lang akong natigil sa pagkanta ng marinig na may kumakatok sa pintuan ko.
Napalingon ako doon ng nakangiti bago iniwan ang niluluto at dumiretso doon para buksan. Sino naman kaya ang bisita ko? Wala naman akong kakilala pa dito.
Marahan kong binuksan ang pinto at nagulat na ang kapitbahay ko pala iyon.
"Hi." Nahihiya kong bati at mas nilakihan pa ang bukas ng pintuan.
Iminuwestra nito ang hawak na Tupperware na naglalaman ng mukhang masarap na ulam. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkakagulat.
"Ito oh. Naghanda kami ng ulam panghapunan para sayo." Nakangiti nitong sinabi.
Napatakip pa ako sa bibig bago dahan-dahang tinanggap iyon dahil mainit-init pa.
"Wow. Salamat po."
"Teka. Anong amoy yun?" Nagtataka nitong sinabi at suminghot-singhot pa sa hangin bago napabaling sa likuran ko. "Nasusunog ang kawali!" Sigaw nito at dali-daling pumasok at nagtungo sa kusina.
Dahil sa taranta ay napasunod din kaagad ako sa kanya.
"May tela ka ba dyan?" Taranta nitong tanong sa akin.
Parehas kaming nagpalinga-linga sa paligid. Naghahanap ng tela. Nalala ko, nasa kwarto ko nga pala lahat. Mabilis kong ibinaba ang hawak sa lamesa at dali-daling pumasok sa kwarto. Pinulot ko na kaagad ang unang nahawakan ng kamay ko at paglabas ay may ibang tao na sa loob ng apartment ko.
"Anong nangyari?" Alalang tanong ng isang lalake, na palagay ko'y asawa nitong babae.
"Ate ito." Binigay ko na ang damit na nadampot. Ngayong nasa maliwanag na at makikita ko na iyon ay tsaka ko pa lang napagtanto na iyon pala yung damit na binili kong nagkakahalaga ng isang libong piso.
Mabilis na binasa ni ate ang damit tsaka... tsaka... pinatong sa umaapoy na kawali?! Oh my gosh...
Nagpunas pa sya ng pawis nya sa noo at mabilis naman syang nilapitan ng asawa at humawak pa sa balikat nya.
"Hay! Kala ko masusunog pa itong buong apartment."
Hilaw akong ngumiti at napatango na lang habang ang paningin ay napako na sa damit kong ngayon ay alam kong dugyot na.
"Naku hijo. Huwag kang kukuha ng course na culinary. Baka masunog mo ang buong school." Biro pa ng lalake. Na sabay nilang tinawanan. Weird.
"Tinapay lang ba ang kakainin mo ngayong gabi?" Tanong sa akin ng babae dahilan upang mapabaling ako sa kanya.
"Opo eh." Nahihiya kong pag-amin.
"O sya sige. Hahatiran kita ng kanin dito at bukas mo na lang kainin yang tinapay."
Tumango na lang ako dahil masama pa rin ang loob ko na ang pinakang-mahal kong damit ay naging pamatay lang ng apoy sa isang iglap.
Bumalik na nga silang dalawa sa kanilang bahay habang ako ay naiwang pinagmamasdan ang nasunog na kawali pati ang dugyot ko ng damit. Maybe I should buy again next time?
Bumalik nga si ate na may dala ng kanin na sakto lang sa akin. Para ngang sobra pa. Laking pasasalamat ko na nagbigay sila ng pagkain ngayon. Kasi kung hindi. Baka magutom ako ngayong gabi.
Pero habang kumakain at nginunguya na ang masarap na caldereta ay sumagi na naman sa isip ko ang damit. Jusko, nalinis ko na lang lahat-lahat ng kalat bumabalik pa rin sya sa isip ko.
Hayaan mo, bibigyan kita ng magandang libing.
Maaga akong nakatulog ng araw na iyon pero maaga din naman akong nagising. Alam kong may tinapay na naman na ako pero feel ko lang na bumili ulet ng pandesal. Bakit ba?
Nagsuot ako ng manipis na jacket dahil medyo malamig ang simoy ng hangin ngayon. Tulog pa ang mga katabing bahay ko kaya naman tahimik akong nakalabas ng gate.
Nilingon ko ang itaas na bahagi ng kalsada at ng makitang wala namang taong pababa ay nagdesisyon na rin akong magpatuloy na lang sa paglalakad.
Patingin-tingin pa ako sa likod ko kung mayron na bang naglalakad pero wala talaga. Bukod na lang sa anino kong kanina pa nakasunod sa akin.
Hindi ko alam pero, dismayado ako hanggang sa makarating na ako sa bakery. Palaman na lang ang binili ko dahil meron na namang tinapay sa bahay. Hanggang sa pagbalik ko sa apartment ay hindi ko pa rin napigilan ang sarile na magpalinga-linga sa paligid. Talagang wala sya ha!
Pabalik sa apartment ay may nakita akong isang bulto ng lalaki na bagamat ilang beses ko pa lang nakikita ay kabisado ko na.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa excitement. Nang papaliko na ito sa kabilang kanto ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para sundan sya. Hindi ko alam na may daan din pala dito patungo sa kanila.
Naging malayo lang ako sa kanya. Ayokong mahalata nya na sinusundan ko sya. Baka mamaya lumaki na naman ang ulo nito eh. Pero diretso lang naman ang lakad nya at parang walang pakialam sa mundo.
Kaya naman diretso na lang akong naglakad ng malayo sa kanya. Nakatitig sa kanyang likod. May iilan akong nakakasalubong marahil ay bibili rin ng pandesal o di kaya ay magtatrabaho.
Sa dahang tinatahak ni Peter ay mas sumisikip ang daan at mas dumidilim. Dikit-dikit din ang bahay pero halos lahat naman ay sementado. Wala yata akong nakitang bahay na kahoy dito.
Lumusot pa sya sa isang eskinita na tanging ang ilaw lang sa labas ng kahoy na gate ang liwanag sa paligid. At, pumasok sya don? Doon na kaya sya nakatira?
Nang maisara na nito ang gate ay dali-dali akong lumapit. Puro halaman sa paligid ng bahay. Parang gusto ko rin ng ganito.
Nang tuluyan na syang makapasok sa loob ng bahay ay doon ko lang kinumpirma na doon nga talaga sya nakatira. Now I know.
Dahil sa pagiging chismoso ko ay lumapit pa talaga ako sa gate para pagmasdan ang bahay nya. Gising na siguro ang mama nya ngayon? Humawak pa ako sa kahoy na gate at tumingkayad ng konti kahit kita ko na ang lahat.
Kung tatawagin ko ba sya sa loob lalabasin nya ba ako o papapasukin? Gusto kong makilala yung dalawa nyang kapatid. Baka mas pogi yung mga yun, charot. No to bagets tayo.
Sa tagal kong nakatayo doon ay hindi ko namalayan na may nakalapit na palang aso sa akin doon sa labas ng gate. Napansin ko ito dahil galit na galit ang mahina nitong tinig.
Nanginig bigla ang kamay ko at nangatog ang tuhod sa kaalamang medyo malapit lang ito sa akin.
Dahan-dahan kong ibinaba ang paningin at nakita ang isang brown na aso na may katabaan at maganda ang balahibo. At malaki rin.
Hindi naman siguro ako nito kakagatin? Maganda naman sya eh.
Ngumiti ako dito kahit na halata namang kinakabahan. "Browny... shoo." Maingat kong abog dito pero parang mas nagalit pa ito sa akin. Humakbang ng isang beses ang paa nito dahilan upang mataranta kaagad ako pero pinanatili kong kalmado ang sistema.
"Good dog. Tsu, tsu. Alis ka na." Halos umiyak na ako sa pagmamakaawa.
Matapang man ako sa maraming bagay, pero ito talaga ang kinakatakutan ko sa lahat. Jusko, pano ba ito.
Dahil sa parang hindi ito nakikinig ay ginamit ko na ngayon ang kamay ko pang-abog sa kanya. "Shoo, doon." Pero parang mas ginalit ko pa yata sya sa ginawa ko.
Dahil bigla nalang itong tumahol ng malakas tsaka ako sinugod.
Kaya naman dahil sa gulat at takot ay napasigaw ako ng malakas at by instinct ay binuksan ko kaagad ang gate at pumasok doon.
Gumawa iyon ng malakas na ingay dahilan upang magtahulan pa ang ibang mga aso sa katabing mga bahay.
Nang mai-lock na ang gate ay lumayo ako ng kaunti dito habang pinapanood pa rin ang galit na galit na aso na pilit pa ring pumapasok sa loob para kagatin ako.
Taas baba ang aking dibdib at halos manlabo ang paningin dahil sa namuong luha sa mga mata. May iilan pang napalabas ng kanilang bahay para lang tingnan kung ano ang nangyayari.
Kahihiyan. Yan na lang ba ang mararanasan ko dito? Kung naka lock siguro ang gate malamang nalapa na ako ng aso na ito.
"Sino ka?" Narinig ko ang tinig mula sa likod ko.
Para akong nabunutan ng tinik sa boses na narinig. Mabilis na tumulo ang luha ko at nakakainis yun. Hindi ako basta-basta umiiyak pero dahil sa nangyari ang bilis bumagsak ng mga punyetang to.
Pinunasan ko muna iyon bago suminghot at hinrap sya.
Kita ko ang gulat sa mga mata mi Peter, marahil ay hindi inaasahan na nandito ako.
Nang mapansin ang pagluha ko ay mabilis itong lumapit tsaka pahaklit na hinila ang braso ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mariin nitong tanong sa akin.
Kinalma ko ang sarile at naghanap ng sasabihin. Pero wala talaga. Puno na lang ng takot ang sistema ko at hindi ko na alam ang gagawin at kung ano pa ba ang dapat na sabihin sa harap nya.
Sa huli ay huminga nalang ito ng malalim at nagpapasensya akong tiningnan.
"Pumasok ka na muna sa loob." Tiim bagang nitong sinabi at nauna nang pumasok sa loob ng kanyang bahay.
Habang papasok ay kinalma kong muli ang sarile at pinunasan ng maigi ang mga luha. Maliit lang ang bahay nila pero malinis.
Hinubad ko na muna ang tsinelas ko bago nagdesisyong pumasok na. Nakita ko syang naglalagay ng inumin sa baso.
"Maupo ka na muna." Utos nito na mabilis kong sinunod.
Napabaling ang paningin ko sa malaking double deck na kama. At halos manlaki ang paningin ko ng makita ang dalawa nyang kapatid na nakahiga doon sa ibabang bahagi ng kama.
Gising na ang isa at naniningkit pa ang mata habang nakatingin sa akin. Siguro ay nagtataka kung sino ako. Pero hindi iyon ang pumukaw sa atensyon ko, kundi ang nakabukol sa gita ng suot nitong boxer shorts.
Uminit ang mukha ko at mabilis na napabaling kay Peter na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Lumapit ito at ibinigay ang isang baso ng tubig sa harapan ko.
"Uminom ka na muna."
Mabilis ko na namang sinunod iyon at halos maubos ko ang laman niyon. Hindi ko na alam ngayon kung para saan naman ang pagkakataranta.
"Sino sya kuya?" Naupo mula sa pagkakahiga ang kapatid nyang nagtanong pero hindi ko na sya nilingon pa.
Napako na lang ang paningin ko kay Peter na kanina pa pala ako pinagmamasdan pero nakuha paring bigyan ng atensyon ang kapatid.
"Asong gala." Sagot nito bago umalis sa harap ko.
Nanlalaki naman ang mata kong sinundan sya ng tingin. Bumusangot ang mukha ng kanyang kapatid dahil sa walang kwenta nitong sagot.
"At salamat dahil pinatuloy ako ng malusog na baboy." Sarkastiko kong balik dahilan upang samaan ako nito ng tingin.
Napatawa ang kapatid nya at napailing pa. "Burn." Namamaos nitong sinabi bago tumayo at dumiretso na sa may banyo.
"Baka gusto mong ipakagat na kita ng tuluyan sa mga aso." Banta nito.
Umismid nalang ako at nag-iwas ng tingin. Pasalamat sya at takot ako sa mga aso, kung hindi.
Pinagmasdan ko na lang kung ano ba ang ginagawa nya. Nagtitimpla sya ng kape sa dalawang baso. Eh? Akin yung isa? Sweet naman. Napabungisngis ako sa naiisip. Muli na namang napatingin sa akin ang cute na si Peter.
Pero nginitian ko na lang sya ng matamis para hindi na sya mainis sa akin.
Nang matapos sa pagtitimpla ay muli itong lumapit sa lamesang kinauupuan ko dala ang dalawang baso ng kape. Napaupo ako ng tuwid habang ang paningin ay napako na sa dalawang baso ng kape. Hmm, mukhang masarap ha.
"Oh. Kape." Aya nito at inilapag sa harap ko ang isang baso.
Natutuwa ko itong inamoy habang nakapikit pa. Nang dumilat ay paningin nya kaagad ang nakita. I chuckled a bit dahil sa kahihiyan. "Ngayon lang kasi may nagtimpla sa akin mg kape." Maligaya kong sinabi.
Tumango lang ito at naupo na sa harapan ko. Sakto namang lumabas ang kapatid nya sa banyo at dumiretso kaagad sa kung saan nakalagay ang mga kape.
"Aaron. Pakidala nga dito ang tinapay." Utos nito sa kapatid.
"Okay."
Marahan akong humigop sa kape dahil mainit pa iyon. Hmm. Medyo mapait pero matamis ng kaonti. Ganito ang gusto ko. Wala mang creamer pero masarap pa rin.
Lumapit sa amin si Aaron dala na ang tinapay, may monay at pandesal. Naupo din ito sa katabi kong upuan.
Dun ko lang naalala na may binili nga pala akong palaman. Hinugot ko iyon sa aking bulsa at ipinakita sa kanila. Mabuti nalang at malaki ang nabili ko at palagay ko'y magkakasya ito sa dami ng tinapay.
"Tada! May palaman." Excited kong sinabi.
Nanlaki ang mga mata ni Aaron at halata ang saya sa kanya. Pero si Peter ay nakataas lang ang kilay na para bang isang kahibangan ang ginagawa ko.
"Wow naman kuya, gusto ko talaga—"
"Sinong nagsabing kakain ka ng tinapay?" Napatigil sa pagsasalita si Aaron dahil sa sinabi ng kuya nya. Ang paningin ay nasa akin.
So? Ako ang hindi kakain dito ng tinapay?
"Luh! Kuya naman eh. Minsan na nga lang magkapalaman pa fc ka pa dyan." Sumimangot si Aaron sa kuya nya bago nakangiting tumingin sa akin.
"Kuya. Hayaan mo yan si kuya Pete at kj talaga yan. Akin na yang palaman." Kinuha na nito sa kamay ko ang palaman bago pa man ako makapag-react. "Papalamanan na rin kita ng tinapay." Excited nitong sinabi at dali-daling binuksan ang palaman na binili ko.
Nakanganga pa rin ako habang pinagmamasdan ang mga nangyayari. Di naman na dapat akong magtaka diba? Dahil pamg-asar naman talaga tong si Peter? Pete? Parang mas cute pakinggan ang Pete. Masarap Petepitin dahil masyadong pang-asar..
Pero dahil nga pang-asar din ako ay ngumiti nalang ako sa busangot na si Pete tsaka kinindatan. Kumunot pa ang noo nito na para bang nandire sa ginawa ko. Haha.
"Ito kuya oh." Inabot sa akin ni Aaron ang isang monay na may palaman na.
Tinanggap ko iyon at muling bumaling kay Pete na pinapanood ang bawat kilos ko.
Muli akong marahang uminom ng kape bago kinagatan ang timapay ng hindi inaalis ang paningin sa kanya. Ganun din naman sya. Exciting to ah.
"Ano nga palang pangalan mo kuya?" Tanong sa akin ni Aaron habang may nginunguya.
"Genesis." I smiled.
"Apelyido?"
"Garcia."
Napaisip ito sa sinabi ko.
"Parang wala gaanong Garcia dito ah. Bagong lipat ka lang ba dito?"
Natawa ako dahil parang sobrang curious nya sa akin. "Oo, bagong lipat lang ako dito. Nung isang araw." Muli akong uminom ng kape.
"Kaya pala. Marami sigurong Garcia sa lugar nyo." Dagdag pa nito.
Hindi na ako nakasagot dahil sa totoo lang, kami lang din ang natatanging Garcia sa maliit na baryo na iyon. Lumipat lang din sila mama at papa sa lugar na iyon matapos ang kanilang kasal dahil tutol ang mga magulang nila sa kanilang dalawa.
Buntis na noon si mama sa akin, kaya para hindi ma stress ay napagpasyahan nilang dalawa na lumayo na lang sa kanilang mga angkan. At hanggang ngayon, hindi ko pa name-meet ang both grandparents ko dahil mukha ayaw din naman nila sa akin. Since tutol na silang lahat sa relasyon ng dalawa.
"Oh? May bisita?"
Natigil lang ako sa pag-iisip ng marinig ang tinig ng isa pang kapatid ni Pete. Tabain din ito kagaya nya at pansin kong ito ang pinakang-maitim sa lahat.
Si Pete ay maputi, ang bunso ay tama lang ang kulay at itong isa ay maitim pero mas maitim parin si Black beauty girl kagahapon. Iba-iba kaya ang ama nila?
"Ligaw na aso lang." Si Pete na naman ang sumagot at mabilis na tumayo para ilagay sa kanilang lababo ang kanyang basong ginamit.
Masama na lang syang tiningnan ng huli bago muling bumaling sa akin. Ang cute naman ng pisngi nito. Ngumiti ako sa kanya at hindi ma lang pinansin ang may toyong si Pete. Ngumiti ito pabalik sa akin.
"Morning." Bati nito na ikinagulat ko.
"G-good morning." Hindi ko inaasahan na may babati sa akin ha.
Nagpatuloy na ito sa pagbaba sa kama at dumiretso na sa kanilang banyo.
"Kuya Genesis. Babalik ka bukas?" Bulong na tanong ni Aaron.
Napaisip ako. Mukha ngang magandang ideya iyon pero, ayoko namang sagarin si Pete. Kahit na mukhang masayang gawin iyon.
"Next time na lang siguro."
Nalungkot ito sa naging sagot ko kaya naman mabilis akong bumawi. Payat na nga nya malulungkot pa ba sya?
"Pero promise, babalik ulet ako dito. Pero baka hindi na ganito kaaga." Sabi ko ng maalala ang aso kanina. Baka mamaya matuluyan na talaga ako.
"Dala ka ulet ng palaman ha? Kasi yan si kuya. Hindi yan bumibili ng palaman."
"Naririnig ko pinag-uusapan nyo." Si Peter na ngayon ay nakatalikod sa amin at hindi ko alam ang ginagawa.
"Minsan nga, bawasan nyo ang taba ng kuya nyo. Nasobrahan lang yan sa taba kaya ganyan." Medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig talaga nito.
Makabawi man lang sa pang-aasar nya sa akin kanina.
Sabay kaming tumawa ni Aaron at sabay ding tumigil ng humarap sa amin si Pete. At muling bumungisngis ng tumalikod na itong muli.
Saktong paglabas ng isa pang kapatid ni Peter sa banyo. Nagtimpla din ito ng kape at humarap sa akin.
"Di ko alam na may iba palang kaibigan si kuya." Kumuha ito ng tinapay at nilagyan na din ng palaman. "Anong pangalan mo?" Nakataas ang kilay ako nitong tiningnan. Nag-aantay sa sagot ko.
Bakit may feeling ako na... ay! Basta, nevermind nalang.
"Genesis." Ngumiti ako kahit na kalahati sa akin ay ayaw gawin iyon.
Tumango-tango sya at hindi na muling nagsalita. Sa kanilang tatlo, ang pinakang friendly ay itong si Aaron. Si Peter ay mukhang mabait pero palaasar naman ang punyeta. Itong isa ay masungit pero pag ngumiti ay masasabi mong mabait naman.
Lumipas ang oras at nanatili lang ako doon hanggang sa magliwanag na. Masaya din palang kakwentuhan ang mga kapatid ni Peter. Nawala yung bad vibes na na-feel ko kanina as the time pass by.
Itong si Pete lang talaga ang epal, magwalis ba naman ng pagkakaalikabok. Aga-aga pa kung ano-ano ng ginagawa.
Nagluluto na si Pete ng kanilang agahan ng mapagpasyahan kong umalis na. Nakakahiya naman kung makikikain pa ako ng agahan.
"Dito ka na mag-agahan kuya. Marami pa akong kwento." Nagpa-cute pa si Aaron sa akin habang nakahawak sa kamay ko.
Nakatayo na ako at buo na ang desisyong umalis. "Pasensya ka na. Kaylangan ko na talagang umuwi at may gagawin pa din ako sa amin eh."
Syempre. Una na doon ang pagbili ng mga grocery. Kahit na wala naman talaga akong alam sa pagluluto.
Malungkot na tinanggal nalang nito ang pagkakahawak sa akin. "Basta babalik ka ha?" Pahabol pa nito.
Ngumiti ako at tumango. "Sure." Tumingin ako sa gawi ni Pete na ngayon ay nakatalikod sa amin.
Ang malapad na likod nito ang syang tangi naming nakikita. "Alis na ako." Tinaas ko ang kilay ko habang pinagmamasdan ang malapad na likod nito.
"Ingat." Tangi nitong sinabi na nagpasimangot sa akin.
Kala ko pa naman ihahatid nya ako. Ngumiti akong muli ng lumingon sa dalawa nyang kapatid. Napansin na pala ng mga ito ang nakasimangot kong mukha.
"Una na ako."
Nakalabas na lang ako sa kanilang bakuran ay wala talagang sumunod na Mega Pete sa akin. Hmph! Di ko na pala in-expect na ihahatid nya ako dahil first of all, may black beauty girl na pala sya.
Magsama silang dalawa. Si payat at si taba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top