Chapter 5

...

Chapter 5: Confused

Art's Pov:

Hay naku... Kanina pa ako naiinis dahil sa lalaking toh. Nabubuwisit na talaga ako.

Kaninang umaga pagkastart ng klase nakasunod sya sakin. Akala ko nga iiwan na ako nito yun pala hindi.

Kaninang lunch break pumunta na sya sa mga kaibigan nya... Akala ko hindi na nya ako babalikan.

Pero ito sya sa tabi ko... Nangungulit. Napakadaldal din ng lalaking toh. Kalalaking tao napakaligalig. Ang likot nya kahit nakaupo.

"Ano ba? Ang likot mo. Para kang kiti-kiti. Napakalikot mo." sermon ko sa kanya. Hindi ako makapagfocus sa lesson dahil sa lalaking ito.

"Ateng ganda naman eh. Ayaw mo kasi akong kausapin eh." sagot nya.

Namilog ang mata ko at tumingin sa desk ko. Bwisit sya! Pag hindi ako nakaperfect sa long quiz namin sa Friday malilintikan tong lalaking to sakin.

Patuloy parin sya sa pagugoy ng upuan nya kaya talagang naiirita na ako.

"Ano ba kasi talaga yang problema mo?!" pabulong na sigaw ko sa kanya. Ayoko nga mapagalitan ng teacher namin.

"Ikaw ang problema ko, ateng ganda." sagot nya na Parang batang nagmamaktol.

"Anong ako?" taas kilay na tanong ko.

"Eh hindi mo ako pinapansin eh. Bad ka ateng ganda." sagot nya.

"Ako pa bad?" tanong ko sa kanya.

"Ay hindi! Joke lang yun noh!" sagot naman nya.

Napabuntong hininga nalamang ako at tinuon ang atensyon ko sa nagtuturo sa unahan.

Bahala sya dyan. Ang gulo guli nya. Ang sarap nyang ihulog sa upuan nya...

...

Xander's Pov:

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

Sya ba talaga yun? Akala ko hindi na sya babalik. 2 years na ang nakalipas... Bakit pa sya bumalik?

"Hay naku Kuya! Ano ba nasa utak mo? Kanina ka pa tulala ah."

Napalingon ako... Si Nash lang pala.

"Hah? Kanina pa ba ako tulala?" alanganing tanong ko.

"Oo Kuya! Kanina pa kita tinatapik pero hindi ka man lang kumikibo." sagot nya.

"Ay ganun ba?" wala sa sariling tanong ko at tumingin nalamang sa nga palad ko.

"Alam mo Kuya napaghahalataan ka eh. Inlove ka na Kuya. Si Art ba ang nasa isip mo at ganyan ka? Naku naku Kuya! Tapos nagseselos ka ata Kay Gab kanina eh!" nabatukan ko agad sya. Kapal ng batang toh!

"Gago! Bakit naman ako magseselos hah?!" singhal ko sa kapatid ko.

"Grabe ka naman Kuya! Biro lang naman... Ang defensive mo. Alam mo yun?" nakangising sabi nya.

"Anong-"

"Mr. Xander and Nash Carradova! Get out of this class! Now!!"

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa professor namin. Bwisit naman oh!

Pinandilatan ko ng mata si Nash saka inayos ang gamit ko at lumabas ng classroom.

Sumunod nalamang ako sa professor namin kesa naman sa mas magalit.

Parang bubuga nang apoy eh...

Kasunod kong lumabas si Nash. Saktong paglabas nya ay agad agad ko syang binatukan.

Bwisit tong batang toh! Nadamay pa tuloy ako sa kanya.

Okay pa sanang nakatulala nalang ako kesa sa pinalabas ako... Bawas grade yun.

Number 8 sa school rules na kapag napalabas ka ng klase ay may bawas sa grade yun.

Grabe nanghihinayang ako...

"Aray naman Kuya!!" daing nya.

"Anong aray ka dyan!! Lintik ka!! Nasa labas tuloy tayo ng classroom! Bawas sa grade ko toh!!" bulyaw ko sa kanya.

Pag yung grade ko talaga nabawasan dahil sa kagagawan ng gunggong na toh! Hay naku!!

"Hindi kita bibilhan ng Ice Cream mamaya! Bwisit ka!!" sigaw ko saka lumakad palayo.

"Uy Kuya!! Wala namang ganyanan!! Yung Ice Cream ko!!!!" pahabol na sigaw nya.

Tss... Bahala sya dyan. Pake ko sa Ice Cream nya.

Yung grade ko...

Bwisit naman kasi eh!!!!!

Napalabad tuloy ako... Bawas grade yun. Baka 2 or 3% bawas sa grade ko nun.

Mahigpit pa naman dito sa academy.

Malilintikan ka talaga Nash Xzan Carradova!!!!!!

...

Art's Pov:

Inis na talaga ako...

Kanina pa sya eh...

Matatadyakan ko na toh...

"Ateng ganda, hatid na kita sa inyo." sabi nya.

"Wag na."

"Sige naaaaaa... Para naman safe ka paguwi."

"Ayaw ko nga."

"Dali na kasi! Parang may iba ka namang pupuntahan." nakangusong sabi nya sakin.

"Eh paano kung meron nga?"

"Edi sasamahan kita!"

Napailing nalang ako at lumabas na ng classroom.

Uwian na kasi namin at kailangan ko nang pumunta sa part time job ko.

Palabas na ako ng classroom ng....

"OH MY GOD!! WHAT THE HELL?!"

Shet... Sakit ng pwet ko. Sino ba yun?

"Aray..." daing ko.

Langya naman kasi... Dadaan nalang namumunggo pa ng tao.

"Grabe ka naman. Makasigaw ka parang ikaw yung natumba." sagot ko. Langya makasigaw eh.

"Eh kung hindi ka ba naman t*nga at tumingin ka sa dinadaanan mo sana ako nagasgas!! My god!! Look at my arm! May gasgas ako dahil sayo!!" ouch lang hah... Makat*nga naman tong babaeng toh.

Naramdaman kong may humatak sakin patayo kaya napatingin ako sa taobg yun.

"Okay ka lang?" may halong pagaalalang tanong sakin ni Gabriel.

"Oo... Pero ang sakit lang sa heart kasi nat*nga pa ako." bulong ko sa kanya.

Grabe naman kasi yung babae... Ako na nga tong nabunggo nya. Hindi nya ba napansin? Kaya nga ako tong nasa sahig eh.

Natawa si Gabriel dahil sa sinabi ko at tinulungan akong pulutin yung gamit ko.

"Geh... Tawa ka pa." inis na sabi ko saka pinagpag ang palda ko.

"Sorry naman... Ang cute mo kasing mainis." sagot nya.

Tumingin sya sa babaeng nakabunggo sakin.

Biglang sumimangot ang kaninang nakangiti nyang mukha.

"Ikaw pala yan, Gab!" nakangiting sabi nung babae.

Anong meron? Magkakilala sila?

"How many times did I told you that don't call me Gab... Hindi tayo close." iritadong sagot nya dun sa babae.

Magkakilala pala sila eh... Pale ko naman.

"Whatever, but do you know that girl? Grabe yung ginawa nya sakin ahh! May gasgas tuloy ako!" namilog naman ang mata ko dahil sa narinig kong sinabi nya.

Wow lang! Gasgas lang yun! Napakaarte naman nya... Kung ako nga natumba pa sa sahig eh.

"Umalis ka na nga." sagot ni Gabriel.

"Hindi ako aalis. May atraso sakin yang babaeng yan!" singhal nung babae sa kanya.

"Paano naman ako nagkaatraso sayo?" bulong ko nalang.

"Hindi ka aalis? Bakit hindi? Diba expert ka sa ganyan? Ang umalis at mangiwan ng tao?" seryosong sabi ni Gabriel dun sa babae.

Natahimik bigla yung babae. Bakit kaya? Ano bang nangyari?

"Look... I am sorry, okay?" sabi nung babae.

"I have my reasons kaya ako umalis at iniwan sya." dagdag pa nya.

"Sabihin nalang nating isa kang selfish b*tch. Tapos ang usapan Quen. Kung ayaw mong umalis... Kami nalang." sabay hawak nya sa kamay ko.

Hindi na ako umangal dahil baka sakin pa magait toh... Mukhang pang seryosong usapan ang meron sila eh.

"Wait... Who is she?" tanong nung Quen ata.

"Ahh, sino sya? Girlfriend ko. So don't you dare lay a finger on her." sabay taas nya nung kamay ko na hawak hawak nya.

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa iba pang estudyante na nanonood sa amin.

ANO?!?!?!

Girlfriend ko...

Girlfriend ko...

Girlfriend ko...

Girlfriend ko...

Girlfriend ko...

Girlfriend ko...

Waaaaahhhh!!!!!! Girlfriend nya ako?!?!?!

Luh!! Paano?!?!

Hindi pa nga sya nanliligaw eh!!!! Girlfriend agad?!?!?!

Waaaaaaaahhh!!!! Ano toh?!?!?!

Namalayan ko nalang na nasa labas na kami ng campus.

Hinarap ko sya at sinimangutan... Tong lalaking toh.

"Anong girlfriend mo ako?!" singhal ko sa kanya.

"Ayaw ko nun? Kung girlfriend kita... Boyfriend mo ako." sabay kindat nya sakin.

Sundutin ko yang mata mo eh! Makita mo! Landi din pala ng lalaking toh!

"Girlfriend agad?! Eh ni hindi ka pa nga nanliligaw sakin eh!" sermon ko sa kanya.

"Bakit? Gusto mo ligawan kita?" nakangising sabi nya.

"Heh! Saka sino naman ang may sabing gusto ko maging girlfriend mo?! Hah?!"

"Syempre ako." taas mukha nyang sabi.

Onti nalang makakatanggap ng suntok tong lalaking toh.

"Alam mo ba kung anong gulo tong pinasok mo?! Dinamay mo pa ako! Hindi mo ba nakita na madaming estudyante dun kanina?!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Sa tingin mi ba sasabihin ko yun if hindi ko alam ang consequences?" seryosong sagot nya.

The heck! Ano ba naman toh?!?!

"Bakit mi ba kasi ginawa yun?!"

"Kasi may reason ako."

"Then anong reason mo?" tanong ko.

"Secret na yun, ateng ganda."

Nagtiim ang bagang ko at tinalikuran sya. Ano ba naman kasi eh! Ang kapal lang ng mukha! May pa reason reason pang nalalaman hindi naman din sasabihin!!

Naglakad na ako paalis. Naku! Mapapagalitan ako ni Kuya Kit. Sabihin late ako sa trabaho.

"Uy! Wait mo naman ako!"

Ano ba naman yan eh!

"Wag mo nga ako sundan!" inis na sabi ko.

Ano ba gusto ng lalaking toh?! Nagawa na nya gusto nya ah!

Late na ako ano ba! Nakakainis na talaga tong lalaking toh!

"Where are you going?" tanong pa nya.

"Wag mo akong englishin!" sagot ko.

"Nagtatanong lang naman." sabi nya.

Wow lang ahh.

"Nagtatanong?! Eh ako ba nung nagtanong ako sumagot ka? Diba hindi!" singhal ko sa kanya.

Ang kapal talaga ng lalaking toh! Arghhhh!!

"Fine... Hindi na kita susundan." sagot nya saka basta bastang umalis.

'Hindi ako makapaniwala na sinabi nya na girlfriend nya ako sa harap ng maraming tao.'

...

Xander's Pov:

F*ck!

F*ck!

F*ck!

Anong kag*guhan na naman ang ginawa ko Gab?!

Sumosobra ka na!

Pag nakita lang kita... Sh*t paduduguin ko nguso mo!

Ang kapal ng mukha mo!!

Napaka ganda ng speech mo para sa mga estudyante.

How dare you to declare that you own that girl?!

P*tangina! Nangangati ang kamay ko para suntokin ka!!

"Hey, easy ka lang Kuya." napatingin naman ako kay Nash.

"Wow! Easy lang?!" singhal ko.

Itinaas nya yung dalawang kamay nya na parang tinutukan sya ng baril.

"Sorry na."

"Tch." naglakad na ako palabas.

Nandito pa kasi kami sa loob ng campus.

"Kuya... Sa totoo lang. Napaka weird mo." sabi ni Nash.

"Ako weird? Kelan pa?" sagot ko habang patuloy sa paglalakad kasama tong tukmol.

"Ang weird mo nga Kuya. Napansin ko kasi na parang lagi kang may iniisip." sabi nya kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ano?" pagmamaang maangan ko.

"Tapos kanina... Galit na galit ka Kuya. Para kang inagawan." seryosong sabi nya. Looking at me dead in the eye.

"Sabihin mo nga sakin Kuya... Gusto mo ba si Art?" tanong nya.

Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin.

"Hindi ko sya gusto. Saka sino naman ang magkakagusto sa babeng yun?" sagot ko.

"Ikaw nagsabi nyan. Sana lang Kuya... Wag ka magsisisi." sabi nya.

Muli akong tumingin sa kanya.

"Bakit naman ako magsisisi?" tanong ko.

"Kasi kung hindi mo pa kukumpirmahin sa sarili mo na gusto mo sya... Maraming tao ang pwedeng umagaw sa kanya Kuya." sagot ni Nash.

"Naguguluhan ako sayo Nash." kunot noong sabi ko.

"Hindi ka naguguluhan sakin Kuya. Naguguluhan ka sa sarili mo. Ang slow mo Kuya... Sobra." saad nya.

"Geh Kuya. Mauuna na ako sa paguwi ah? Baka mauntog pa kita sa pader para matauhan ka." si dagdag nya pa.

Nagtatatakbo sya paalis.

Naguguluhan...

Ako?

Naguguluhan ako sa sarili ko?

I'm so confused.

...

A/n:

Hello guys!

I am really sorry!

Sobrang tagal nyo po sigurong naghintay para dito.

So ito po pambawi ko na po!

Naging busy lang po talaga.

Hope you guys like this chapter!

Vote or Comment.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top