Chapter 4
:::
Chapter 4: Friends
Art's Pov:
Nagising ako dahil sa pagtawag ng tatay ko mula sa baba.
Tumingin ako sa wall clock ko. 9 am na nung tinignan ko ito.
Bumangon ako mula sa kama ko at lumabas ng kwarto ko papunta sa kusina.
Nakita ko ang tatay kong nakaupo sa silya katapat ng lamesa na may iniinom na kape at nagbabasa ng dyaryo.
Ibinaba nya yung baso at yung dyaryo na binabasa nya at tumingin saakin.
Napalunok ako ng matalim akong tinitigan ng tatay ko. Grabe! Kinakabahan ako. Baka ratratin ako ng sermon nito.
"Saan ka galing kagabi ha?!" nakagat ko nalang ang ibabang labi ko dahil pag sumagot pa ako ay baka atakihin ang tatay ko sa puso pag sinabi ko.
"Hindi mo ba alam na nagaalala ako sayo?! Akala ko nakauwi ka na! Dapat mas nauna kang umuwi saakin dahil part time job lang ang meron ka!" napayuko lang ako.
Sabi ko na nga bang magaalala ang tatay ko. Napakawalanghiya talaga ni Xander! Kung pinabayaan nalang nya akong makauwi edi pwede ko pang sabihin sa tatay ko na nag overtime lang ako kasi may event.
Isinusumpa ko. Hinding hindi na ako lalapit sa pesteng Xander na yan! Ako lang yung napapahamak.
"Ngayon magsalita ka! Saan ka nanggaling?!" naku patay na ako nito. Hindi ko naman pwedeng sabihin na natulog ako sa bahay ng apat na lalaki diba?
"Ah tay! Kailangan ko na palang maligo! 10:30 nga pala pasok namin ngayon!" sabi ko sabay takbo pabalik ng kwarto ko.
"Kinakausap pa kita Art!" napasandal nalang ako sa pinto nang nasarado ko na ito.
Bigla ko nalang naisip yung nangyari kaninang madaling araw.
Ano na kaya ang ginagawa ni Gabriel?
Kinuha ko na ang uniform ko at dumiretso sa banyo para maligo.
'Si Gabriel ang kaunaunahang gusto akong maging kaibigan. Pero sana hindi nya ako ginagamit... Dahil kung ginagamit lang pala nya ako ay baka tuluyan na akong mawalan ng tiwala na pwede pala akong magkaroon ng kaibigan.'
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas ng banyo. Pinunasan ko ang buhok ko para hindi naman masyadong basa tapos sinuklay ko.
Inayos ko ang bag ko at sinuot ang sapatos ko saka lumabas ng kwarto.
"Alis na po ako, Tay!" sigaw ko pero walang sumagot.
Naglakad ako papuntang kusina at may nakitang papel. Sa papel ay may nakaipit na dalawang libo.
Binasa ko yung nakasulat sa papel.
'Art, nauna na akong umalis. Anak pakiusap naman umuwi ka ng maaga. Nagalala ako nung hindi ka umuwi kagabi. At yung dalawang libo na iniwan ko ay sobra sa binigay mo saakin nung nakaraang isang linggo. Ipunin mo nalang yan para may nakatago kang pera. Umuwi ka ng maaga mamaya kung hindi sasabunutan kitang bata ka!'
Napatawa ako sa huling sentence. Grabe. Sasabunutan mo talaga ako Tay? Hahahaha!
Inilagay ko yung dalawang libo sa white envelope na ibinigay saakin ng boss ko kahapon.
"7 thousand na ang pera ko. Itatabi ko na muna to." sabi ko at itinago yung envelope sa drawer ng cabinet sa tabi ng refrigerator.
Lumabas na ako ng kusina at lumabas na rin ng bahay. Nilock ko yung pinto para safe.
Nang makalabas na ako ng gate ay nagumpisa na akong maglakad. Malapit lang naman ang Academy. Pagkalabas nitong subdivision ay isang liko lang sa kabilang Hi-way ay nandun na.
"Bakit kaya 10:30 am pasok namin ngayon? Buti nalang friday ngayon at makakapagfocus ako sa part time job ko sa sabado at linggo."
Patuloy lang akong naglalakad ng makalabas na ako ng subdivision.
"Art! Maglalakad ka parin ba?" napalingon ako kay manong guard. Sya yung guard nitong subdivision pag may papasok dito sa entrance at exit.
"Opo, manong. Malapit lang naman po eh." sagot ko at tumigil muna sa paglalakad.
"Naku, bata ka! Sige na nga. Pumasok ka na." sabi nya at iwinasiwas ang kamay nya na parang bang binubugaw ako.
Tumango nalamang ako at naglakad na para hindi na ako malate. Sana nga... Baka magalit na naman ang first period teacher namin pag nalate ako.
Sana wala sa schedule ko ngayon ang Art. Putek naman kasi si Sir. Sarap sampalin eh!
Nakarating na ako sa harap ng Academy.
"Hi friend!" napalingon ako ng may biglang umakbay sa akin.
Si Gabriel pala. Tinanggal ko ang braso nyang nakaakbay sa akin at humarap sa kanya.
"Please wag dito sa school. Baka mapagtripan ako ng mga fans nyo. Sikat kayo diba? Kaya please." sabi ko at naglakad na papasok ng Academy.
"Eh ano naman?" tanong nya. Napatingin ako sa kanya.
"Anong 'ano naman?' nasisiraan ka na ba? Gusto mo ba akong mabully dito sa Academy?" inis na tanong ko sa kanya.
"Bakit ba nagagalit ka?" tanong nya ulit. Napairap nalamang ako.
"Eh bakit ba kung makapag sabi ka na parang wala lang para sayo? Grabe ah!" sigaw ko sa kanya.
"Then I'm going to protect you." napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo magagawa yan." sagot ko dahil totoo naman. Sino ba ako para protektahan nya diba?
"Magagawa ko." saad nya. Napailing ako.
"Paano? How? How will you protect me kung sa mga oras na mapapahamak ako ay kasama mo ang mga tunay mong kaibigan at hindi ako?" I questioned.
"I can because you're my friend remember? I'll do everything just to protect you." sagot nya habang nakatitig sa akin
"Asang maprotektahan mo ako sa mga babaeng pinapatay na ako sa isip nila." sabi ko kaya napalingon sya sa mfa estudyante na kanina pa ako minumurder sa utak nila.
Kung makatingin yung mga babae at bakla parang gusto akong ipasalvage.
Bumalik sa akin ang tingin nya at hinawakan yung kamay ko.
"O-oi! Oi!" bigla nya akong hinatak.
"Wag mo silang pansinin at ako lang ang pansinin mo." sabi nya at hinatak ako sa kung saan man na hindi ko alam.
"Oi saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang sya ay patuloy sa pagtangay sa akin at paghatak sa kamay ko.
"Sa classroom. Saan pa ba? Late na po tayo." sagot nya.
Pinabayaan ko nalang syang hatakin ako. Ano ba magagawa ko? Mas malakas kaya sya kaysa sa akin.
Pero ngayon ko lang to naramdaman. I'm so comfortable to be with him.
Siguro pwede ko na syang tanggapin bilang kaibigan ko. Wala namang masama kung maging kaibigan ko sya diba? Sya rin naman ang nag insist.
Nakarating kami sa classroom at naabutan ang teacher na nakatayo dun sa unahan.
Gusto kong bumitaw kay Gabriel pero ayaw nyang bitawan yung kamay ko. Grabe. Pakiramdam ko mamatay ako sa kaba. Yung mga classmates kasi namin tinititigan yung kamay naming magkahawak... I mean kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
"Ma'am sorry we're late." sabi nya sa teacher at hinatak na naman ako.
Oh my God. Oh my God. Oh my God. Oh my God!
Pinaupo na nya ako sa chair ko saka umupo sa chair na katabi ko. Wala naman kasi akong katabi.
Itinaas nya ang kamay nya kaya napatingin si Ma'am at ang buong klase pati na rin ang tatlo nyang kaibigan na nasa kaibilang row.
"Ma'am! Dito na po ako uupo. Wala naman pong nakaupo dito diba? Dito na po ang bago kong pwesto." sabi nya kaya medyo napaawang ang bunganga ko.
Tumango ang teacher namin at nagumpisa ng mag lesson.
Napatingin ako kay Gabriel. Nginitian lang ako ng mokong! Ano ba gusto nitong mangyari?!
Napadpad ang tingin ko kila Xander na katropa nya.
Para akong natuod dahil sa tingin ni Xander. Ako lang ba o sobrang sama ng tingin nya sa akin? Hala! Naku naman oh!
"Wag kang magalala. Hindi ikaw ang tinitignan ni Xander. Ako tinitignan nya ng masama, ateng ganda." napatingin ako kay Gabriel.
"Pwede ba? Wag mo akong tawagin na 'ateng ganda'. Saan mo ba napulot yang nickname mo sa akin?" kunot noong sabi ko sa kanya.
Ateng ganda? Hindi naman ako maganda ah. Malabo na ata ang mata nitong lalaking to.
"Ayaw mo nun? Maganda ka kaya 'ateng ganda' ang tawag ko sayo." sagot nya.
Bagsak balikat akong tumingin sa teacher namin na kasalukuyang nagtuturo ng lesson.
"Bahala ka nga." bulong ko.
:::
Xander's Pov:
Hah! Ano to?! Magkaibigan na sila?
"Uy Kuya. Tama na yan. Parang pinapatay mo na si Gab nyan eh." napatingin ako sa kapatid ko.
"Tch."
"Luh! Si Kuya maka Kris ka na din ah! Naku, Kuya. Welcome to the group!" pang-aasar nya.
Binatukan ko sya kaya napa kamot nalamang sya ng batok at tumingin sa teacher namin na nagtuturo sa unahan.
Napadpad ang tingin ko kay Art. Ewan ko ba... Parang gusto kong magsorry dahil sa sinabi ko sa kanya kagabi.
Sobrang nasaktan kaya sya dun? Siguro hindi. Parang wala nga lang sa kanya eh.
Hay... Wag ko na nga lang pansinin. Bakit ba ako nagaalala kung nasaktan sya sa sinabi ko?
"Aish!"
"Ayos lang yan bro. Nakokonsensya ka na." napatingin ako kay Kris na ngayon ay tinapik yung balikat ko.
"Ano?"
"Alam ko kung ano ginawa mo kagabi. Bro masakit yung sinabi mo kay Art." nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kanya.
"Alam mo yun?" takang tanong ko sa kanya.
"Narinig ko lahat." medyo napaawang ang bibig ko. N-narinig nya l-lahat?
"Kung nagstay ka ng onti maririnig mo syang umiiyak. Galit na galit nga sya sayo." seryosong sabi nya.
Napayuko lang ako. Nasaktan pala sya... Grabe naman ako.
"G-ganun ba?" tanong ko.
Tumango lang si Kris at tumingin na sa harapan kung saan nagtuturo yung first period teacher namin.
Napabuga nalang ako ng hangin. Ano ba gagawin ko?
Nasaktan ba talaga sya sa sinabi ko?
Eh ano naman pake ko?!
Arghhh!! Ang gulo ko! Ano ba?!?! Arghhhhhhhhhhhhhhhh!!!
:::
"Kuya, tama na yan." napalingon ako kay Nash.
Nasa cafeteria kami dahil lunch break na. Kaming tatlo lang ulit ang magkakasama.
Si Gab?
Nandun sa bago nyang kaibigan. Kasama nya si Art.
Sa totoo lang ngayon ko nga lang nakita si Art na nasa loob ng cafeteria na to. Kahit minsan ay hindi ko sya nakikita.
Ay. Bakit ko nga ba sya makikita o mapapansin kung hindi ko naman sya kilala noon?
Kailan na ba ako naging slow?
Ngayon lang...
Eh? Hay ewan.
Ano ba nangyayari sakin? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko sa totoo lang.
"Uy! Kuya!" sabi ni Nash sabay palakpak sa harap ng mukha ko.
Hinampas ko yung kamay nya dahil ang ingay ng palakpak nya.
"Ang kulit mo, Nash." inis na sabi ko at isinubo yung fries na binili ko.
"Eh kasi naman Kuya kanina ka pa. Matutunaw na si Art dyan sa titig mo. Sige ka! Mawawala si Art." namilog ang mata ko dahil sa sinabi nitong bugok kong kapatid.
May natala nabang tao na nawala dahil tinitigan ng matagal?
"Ewan ko sayo, Nash." tanging nasabi ko.
"Ewan ko din sayo, Kuya." banat nya pa. Hindi ko nalang sya pinasin at sumubo nalang ulit ng fries.
Si Kris? Ayun tahimik na kumakain sa tabi ni Nash. Walang nangungulit sa kanya eh. Si Gab lang naman ang mahilig na kulitin sya.
Sumubo nalang ako ng sumubo ng fries. Ang boring grabe.
"Uy penge!" tumingin ako sa taong dumukot sa fries ko.
Kunot noo akong tumingin sa kanya na umupo sa tabi ko.
"Akala ko dun ka kay Art?" inis na tanong ko.
Pilit syang tumawa at nagkamot ng batok.
"Pinalayas ako eh." sagot nya kaya napailing nalamang ako.
"Bakit naman?" tanong ni Nash.
"Oo nga." napatingin ako kay Kris na ngayon lang nagsalita.
"Ang ingay ko daw eh. Kaya ayun... Napalayas ako." nakangiting sagot nya.
Baliw... Ngiti pa more. Syempre mapapalayas ka talaga. Sobrabg ingay mo ba naman.
"Uy penge." sabi nya kay Kris na kumakain ng burger.
"Ayoko nga! Bumili ka ng sayo!" sabi ni Kris saka tumayo at umalis dala ang burger nya.
"Ey! Wait for me!" habol sa kanya ni Gab. Ewan ko ba. Sobrang close ng dalawang yun.
"Kuya sunod na ako sa kanila ah?" sabay tayo ni Nash at umalis habang nakatitig sa cellphone nya.
Ang daya naman ng mga to. Iwan ba naman ako?
Tumayo na ako at maglalakad na sana paalis ng biglang may nasagi akong tao.
"Sorry." sabi ko at tumingin sa nasagi ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino sya.
:::
A/n:
Low po! Hehe!
Ito na po yung chapter 4.
Thank you for reading!
Vote and comment!
Mwah!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top