Chapter 3

:::

Chapter 3: Just a Thing

Gabriel's Pov:

Grabe naman sila makajudge. Napaka judgemental naman ng tatlong to. Gusto ko lang naman makatabi si ateng ganda sa pagtulog. Masama ba yun?

Ginawa pa akong driver ng tatlong to. Si Kris parin tong nasa tabi ko tapos yung tatlo sa likod. Wala paring malay si ateng ganda eh. Napasama ata yung tama nung ulo nya sa pader. Kasi naman! Bakit ba ang mga tao ngayon ay malilibog?

Parang ikaw hindi.

Shut up! Hindi kaya ako malibog! Ang tino-tino ko kaya! And hindi porket gwapo ako ay malibog na!

Sino may sabing gwapo ka?

Tangina naman! Gwapo kaya ako! I'm so handsome and hot kaya! Itong konsensya na to hindi nalang maki-oo eh. Basag trip!

"Malapit na ba tayo pandak?" napangiwi ako dahil sa tanong ni Nash. Bakit kailangang may pandak? Mas matangkad lang naman sya ng 3 cm ah! T~T.

"Malapit na isip bata!" ganti ko sa kanya. Langya! Ano akala mo? Ikaw lang pwedeng mang-asar? Hell no!

"Tch." luh! Idol ba nito si Kris? Pareho silang puro 'Tch', 'Tss' tapos nangiirap. Tanong ko lang... Berde ba dugo ng mga to kaya laging tumitirik ang mata? Naku! Kailangan kong lumayo! Boys ang habol nito!

Tanga!

Luh sya! Natanga pa ako! Ano ginagawa ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh! Baka bakla tong dalawang to! Buti nalang straight kami ni pareng Xander.

"N-nasaan ako?" napatingin ako sa rear mirror at nakita kong gising na sya.

"Waaaah! Gising na si ateng ganda!" masayang sigaw ko.

Napansin kong biglang nagmulat si Xander at parang ewan na patingin-tingin kung saan saan. Haha! Nagulat ata!

"Gago! Ginulat mo ako!" sigaw nya saakin. Napatawa nalang ako at huminto ng biglang nag red light.

"Nagising ba kita?" natatawang tanong ko.

"Uh... Saan n-nyo ako d-dadalhin? A-ano nangyari?" biglang singit ni ateng ganda saamin.

"Mamaya na namin ipapaliwanag." parang batang sagot ni Nash.

"Green light na." napatingin na ulit ako sa harap nung biglang sinabi ni Kris na green light na. T~T. Ayoko talagang nagdadrive.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na din kami sa bahay. Bumaba si Nash at binuksan yung gate para maiparada ko yung kotse sa garahe.

Pinatay ko na yung makina at bumaba na ng kotse at nagsibabaan na din yung iba.

"Wow.. Teka. B-bakit nyo ako sinama dito?" sabi ni ateng ganda.

"We don't know your address. So we bring you along with us and besides it's pretty late." sagot ni Kris. Edi wow.

"H-ha?" takang tanong ni ateng ganda.

"We bring you here since it's late. We don't know where is your house. Do I need to explain again?" medyo iritadong sagot ni Kris ulit. Hay naku. Beast mode na naman.

"A-ano.." bigla nalang parang may tumulo mula sa ilong ni ateng ganda. Hala! Nasobrahan ata sa english!

"Hala! Nagdugo yung ilong mo." tila parang namanghang sabi ni Nash.

"Oi! A-ano na naman nangyayari sayo?!" tarantang sabi ni Xander. Haha! Di ba obvious? Nosebleed yan! Nanosebleed si ateng ganda.

"Okay lang ako. Nasobrahan lang kasi dahil sa english nya. Nosebleed tuloy ako." sagot ni ateng ganda sabay punas sa ilong nyang dumudugo.

Medyo napatawa ako dahil sa sinabi nya. Hay. Sinabi ko nga ba eh. Kanosebleed naman kasi talaga kung mag english tong si Kris.

Hinatak ko na si ateng ganda papasok sa bahay. Tulungan ko na nga to sa ilong nya. Walang tigil sa pagdugo eh. Kris talaga.

Sobrang talino kasi. Kahit tao napapadugo na yung ilong kahit sa simpleng english lang nya.

"T-teka lang!" sabi ni ateng ganda. Hindi ko nalang sya pinansin at nagtungo sa living room.

Pinaupo ko sya sa couch at isinandal yung ulo nya sa sandalan. Parang nakatingala sya ganun. Tapos pumunta ako sa mga cabinet at kinuha yung box ng tissue.

Bunalik ako kung saan nakaupo si ateng ganda. Umupo ako sa tabi nya at kumuha ng tissue tapos padampi kong pinupunasan yung dugo sa ilong nya.

Ang ganda talaga ni ateng ganda. Sabi ko na nga ba at mas maganda sya pag nakita mo sa malapitan. Kahit may dugo yung ilong nya ay maganda parin sya.

"Ateng ganda, ano ba yung ginagawa mo dun sa madilim na street na yon kanina?" tanong ko habang patuloy parin sa pagpunas ng tissue sa ilong nya.

"Ano... Pauwi na kasi ako." sagot nya kaya napakunot amg noo ko. Doon ba sya nakatira sa street na yun?

"Dun ba sa street na yun ka nakatira?" tanong ko sa kanya. Edi kung doon sya nakatira edi sana dun nalang namin sya dinala.

Ay! Oo nga pala! Hindi nga pala namin alam.

Tanga ka kasi.

Alam mo konsensya... Kanina ka pa eh! Ang kulit mo! Maki-oo ka nalang kasi para tapos na! Epal ka pa eh!

"Naku, hindi! Short cut lang yun. Galing kasi ako sa—nevermind." napasimangot naman ako. Bakit ayaw nyang sabihin?

"Galing ka saan?" napalingon ako at nakitang palapit yung tatlo. Kanya kanya silang upo sa mga couch dito sa living room.

"Wala." bulong nya.

Paanong wala? Ano yung dumaan lang sya sa street na yun ng ganitong oras?

"Fine, kung ayaw mong sabihin it's okay." sagot ko. Hanggang ngayon nakauniform pa tong si ateng ganda. Saan ba talaga to galing?

"Sige magpahinga ka na. Hatid na kita sa guest room." saad ni Xander at isinama na si ateng ganda sa taas.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha yung mga ginamit na tissue at yung box. Itinapon ko na yung mga gamit na tissue tapos itinabi ko sa cabinet yung box.

"Pandak, wag na wag mong maiisip na sa guest room matulog." narinig kong sabi ni Nash. Psh. Bakit pandak? T~T.

"HINDI NGA!!!"

:::

Art's Pov:

"HINDI NGA!!!" narinig kong sigaw mula sa baba. Sino kaya yun? Parang pamilyar eh. Siguro yun yung lalaking nagpupunas nung ilong ko kanina.

"Don't mind them." napatingin ako kay Xander. Eh ano daw?

"Pwedeng tagalog?" pakiusap ko. Kasi naman nakakabobong makinig sa english nila. May accent.. You know?

Marunong naman ako mag english kaso nga lang pag english na yung subject namin sa school. Pero pag face to face na ganire? Naku! Bokya ako dyan!

Napatingin lang sya sakin at biglang umiling-iling. Hala! Ano ginawa ko?

"Ang sabi ko wag mo nalang silang pansinin." pageexplain nya.

Bigla nalang nyang hinatak yung kamay ko at naglakad ulit. Napahinto kasi ako nung may sumigaw sa baba. Tapos napahinto narin sya.

Ewan ko ba pero nakatitig lang ako sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Parang may kakaibang feeling.

Sa mga taon ko sa Academy ngayon lang ako napansin ng mga estudyante na katulad nila. Hindi lang yun... Partner ako ni Xander sa project at sa darating na ball next month, tapos kanina lang iniligtas nila ako galing sa manyak na yun, pinagamot nila yung ulo ko na kasalukuyang may benda at ngayon dito na daw ako magpalipas ng gabi.

"Xander.."

"Hmm?"

"Pwede bang umuwi nalang ako?" sabi ko at saktong nasa tapat na kami ng isang kwarto.

Naramdaman kong humigpit yung hawak nya sa kamay ko. Hindi naman sya masakit.

"Hindi pwede. Hindi mo ba nakikitang hating gabi na? Delikado sa labas." sabi nya at tumingin sakin.

"Pero baka nagaalala na ang tatay! Baka kung ano yung mangyari sa kanya. May sakit ang tatay ko sa puso." pangangatwiran ko sa kanya.

"Eh paano naman kung sayo may mangyari?! Ha?!" sigaw nya kaya napatahimik ako.

Bakit ba nya ako sinisigawan? Ano ba ginawa ko? Ano naman pake nya kung may mangyari sakin?

"Ano ba problema mo?!" singhal ko. Parang naman ang laki ng problema nito. Kung makasigaw.

"Problema ko?! Ikaw!" napatitig ako sa kanya. A-ano?

"A-ako?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Tama ba narinig ko?

Bakit ako naging problema nya? Anong meron? Bakit naman ako? Wait lang—may gusto ba sya saakin?!

No Art! Bawal maging asyumera! Imposible yun. Kakakilala lang nya saakin. Talagang imposible.

"Oo ikaw!" eh?!

"Kasi partner kita! Babagsak ako pag nagkaroon ako ng 75 sa grade ko. I need you para hindi ako bumagsak." ah... Ganon pala yun. Saklap naman. Ang asyuming ko. Haha.

"Okay.." yan nalang ang tanging nasabi ko sa kanya.

"Magpahinga ka na." sabi nya at akmang aalis na pero biglang may tanong na lumabas mula sa bibig ko.

"Bakit ako?"

:::

(Kinaumagahan)

:::

Bumangon na ako galing sa kama. Sa totoo lang ngayon lang ako nakatulog sa isang napakalambot na kama.

Inayos ko yung comforter at kinuha yung suklay galing sa bag ko.

Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Ang laki nga nitong banyo eh. Kasing laki na nga to ng kwarto ko sa bahay namin.

Napatingin ako sa salamin at himawakan ang pisngi ko.

"Grabe. Para akong kamatis." bulong ko sa aking sarili.

Yung mga mata ko ay pulang-pula at namamaga. Ang pisngi ko ay tumbok. Nangingitim din ang ilalim ng aking mga mata.

Hindi ako nakatulog ng maayos. Kundi ay tahimik akong umiiyak kagabi. Bakit?

Dahil sa sinabi nya saakin kagabi.

'Tinatanong mo kung bakit? Dahil matalino ka. Alam kong pag ikaw ang kapartner ko ay hindi ako babagsak. Kailangan lang kita para sa grades ko. Nothing more, nothing less.'

Sobrang sakit nung sinabi nya. Alam ko naman na yun lang yung habol nya sakin eh. Pero bakit kailangan nyang ipamukha saakin?

Bakit? Tao din naman ako ah?

Bakit ba turing saakin ng lahat ay parang bagay ako? Na parang robot ako na walang pakiramdam?

Bagay ba ako kaya ginagamit lang nila ako para sa sarili nilang kapakanan? Paano naman ako?

Hindi ba nila alam na tao ako at hindi bagay? Hindi ako bagay na kapag tapos mo ng gamitin ay itatapon at ibabaliwala mo nalang.

Hindi ako bagay na kahit ihagis, itapon, sirain ay hindi nasasaktan.

Tao ako... Pero kung ituring ng karamihan ay isang bagay lang. Bagay lang.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay inayos ko ang bag ko at isinukbit na sa balikat ko at lumabas na ng kwarto.

Hindi pa sila gising. Sinadya ko talagang gumising ng maaga. 4 am palang ngayon.

Magluluto nalang ako ng breakfast nila bilang thank you dahil pinatuloy at iniligtas nila ako kahapon.

Ibinaba ko yung bag ko sa upuan at naglakad palapit sa refrigerator.

Tinignan ko yung laman ng refrigerator nila at kumuha ng mga lulutuin ko.

Nagprito lang ako ng hotdog, bacon at itlog. Naglagay na rin ako ng tinapay sa lamesa nila. Inilagay ko sa hiwa-hiwalay na plato yung mga niluto ko.

Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko. Nagsulat ako sa papel at inilapag dun sa lamesa.

Sinukbit ko na ulit yung bag ko at naglakad na palabas ng kusina.

Tinignan ko muna kung gising na sila saka lumabas ng main door.

Nang makalabas ako ng gate ay lumingon pa ako sa bahay nila.

"Sana ito na ang huling makakapasok ako sa pesteng bahay na yan." bulong ko at saka nagumpisang maglakad paalis.

Buti nalang at alam ko ang village na to. Tinanong ko kasi dun sa lalaking nagpunas nung dugo sa ilong ko.

Nasa Leighton Village daw kami. Ilang lakad lang ay makakarating din ako sa bahay. Malapit lang kasi tong Village sa Subdivision namin.

H

abang naglalakad ako ay parang madilim parin ang paligid. Diba dapat ay pasikat na yung araw?

Nakaramdam ako ng parang tubig na pumatak. Eh? Ano to?

Tumingala ako at saktong bumuhos yung ulan.

"Kaya naman pala.." sabi ko at niyakap nalang ang sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit ba napakamalas ko?" wala sa loob na tanong ko.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa parang wala ng tubig na pumapatak sakin. Pero umuulan parin naman.

Tumingala ako at lumingon.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo, ateng ganda." napatingin ako sa kanya.

P-paano nya ako nasundan? Diba tulog pa sya?

"A-akala ko tulog k-ka pa." utal-utal na sagot ko dahil nanginginig ako. Malamig kasi.

Bigla nya akong hinatak at niyakap. Hala! Anong pumasok sa kukote nito ha?

"U-uy. Baka mabasa ka." sabi ko at pilit na kumakawala.

"Ateng ganda.. Narinig ko yung mga sinabi ni Xander sayo kagabi. Narinig ko din yung mga hikbi mo." para akong naestatwa.

"H-ha?"

Hinigpitan nya ang pagyakap saakin at nabitawan nya yung payong kaya pareho kaming naliligo sa ulan.

"Alam mo ateng ganda? Pwede tayong maging friends. I won't treat you like at thing or just a thing".

Nung narinig ko ang mga salitang binitawan nya ay kusang sumabay sa ulan ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap ko nalamang sya pabalik.

:::

A/n:

Posted: October 18, 2017.

Ito na po yung bago kong update! Hope you like it po!

Vote and Comment!

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top