Chapter 2
:::
Chapter 2: Saved
Art's Pov:
Napabuga nalang ako ng hangin nang matapos na ang shift ko. Nagtatrabaho ako bilang waitress dito sa isang coffee shop.
Napasinghap ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko ay boss ko lang pala.
"B-bakit po?" kinakabahang tanong ko. Hala! May nagawa ba akong mali? Matatanggal na ba ako sa trabaho?!
Tinignan ako ni Sir Kit ng seryoso. Kinagat ko nalang yung dila ko dahil sa kaba. Paano na kung matatanggal ako sa trabaho? Saan naman ako maghahanap ng panibago? Paano ko na matutulungan si tatay sa mga gastusin?
Napakunot ang noo ko ng bigla nya ako ngitian. "Natakot ba kita?"
Napakurap ako at sunod-sunod na umiling. "H-hindi naman p-po."
May nilabas sya mula sa likod nya. Nakita kong may hawak syang white envelope.
"A-ano po yan?" tanong ko.
Nginitian nya ako at inabot ang kamay ko at ipinatong ang puting envelope. Eh? Ano ba kasi to? What's diz?
"Yan yung sweldo mo. At wag ka na mag po sakin. 2 years lang naman age gap natin kung maka po ka naman. And just call me Kuya Kit. Gasgas na kasi ang Sir." sabi nya habang nakangiti sakin. Napangiti nalang ako at tumanggo.
"Sige po—sige Kuya Kit." sagot ko na medyo nagkamali pa. Hindi kasi ako sanay alam mo yun?
"Geh. Umuwi ka na dahil gabi na. Baka magalala pa yung tatay mo." saad nya na medyo tinutulak ako para pauwiin. Napatawa nalang ako at nagumpisa nang maglakad.
Sukbit ang bag ay naglakad na ako pababa ng isang street. Short cut ito kaya dito nalang ako dumaan. Madilim dito pero kaya ko naman. Hindi naman kasi ako takot sa dilim. Sanay na din naman ako dumaan dito dahil magiisang buwan na ako sa trabaho ko. Oo, bago palang ako sa coffee shop. Pero sinisikap ko na wag matanggal dahil kailangan kong tulungan ang tatay.
Habang naglalakad ako ay bigla akong kinabahan. Naisipan kong lumingon dahil pakiramdam ko na merong nakasunod sa akin.
"W-wala namang t-tao." bulong ko sa aking sarili. Para kasi akong sinusundan.
Patuloy lamang akong naglalakad sa madilim na street nang biglang may nakasalubong akong isang lalaki na pagewang-gewang kung maglakad.
Hindi ko nalamang sya pinansin dahil baka lasing ito. Mahirap na at baka mapahamak pa ako nito.
Lalampasan ko na sana yung lalaki nang biglang may humatak sa braso ko.
Napadaing ako ng bigla akong itinulak nung lalaki sa pader. Hindi ako makapagsalita dahil sa takot. Ramdam ko ang pananakit ng likod ko. Sobrang lakas ng pagkakatulak nya sakin at parang nahihilo din ako dahil naaamoy ko ang alak mula sa bibig nya.
"Ganda *hic* mo miss *hic* a-ah. Gusto mong *hic* maglaro?" nakangisi sya sa akin. Pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa takot.
"P-pakawalan nyo p-po ako. P-pakiusap." utal-utal na sabi ko sa kanya.
Paano kung saktan nya ako? Paano kung marape ako? Ayoko! Hindi ko pwedeng isuko ang virginity ko! Lord naman! Nangako ako na sa asawa ko lang to ibibigay! Hindi to pwede! Paano kung marape ako tapos patayin ako?
"Hindi *hic* pwede. Maglalaro pa *hic* tayo miss." napaiyak na ako ng unti-unti nyang inilapit yung mukha nya saakin. Waaah! Ayoko! Yung first kiss ko! Hindi pwede!
"B-bitawan mo ako! Please! B-bitiwan mo a-ako. B-bitawan mo a-ako." mangiyak-ngiyak na sabi ko. Pilit akong kumakawala pero mas malakas sya sa akin.
Itinulak nya ako ulit nang muntik na akong makatakbo. Tumama ang ulo ko sa pader at napadaing nalang ako dahil sa sakit. Parang umiikot ang paningin ko dahil sa lakas ng pagkakatulak nya sa akin.
Hahalikan na nya sana nya ako dahilan para mapapikit ako pero parang biglang nawala... Inimulat ko ang mga mata ko at napaluhod. Nahihilo ako pero tinitiis ko lang. Napatulala nalang ako dahil sa takot.
"Miss, okay ka lang?" napatingin ako sa kaliwa ko nang makita ko ang dalawang lalaki.
Ibinuka ko yung bibig ko pero walang boses na lumalabas. Para akong napipi dahil sa nangyari kanina.
"Putangina mong hayop ka! Ang pangit mo na nga nagawa mo pang galawin ang partner ko. Gago na to." rinig kong sabi ng isang lalaki. Nilingon ko sya at nakitang sinuntok ng ng isang beses yung lalaki sa mukha kaya napadaing ito.
"X-xander?" yun nalamang ang labas sa bibig ko ng naramdaman kong may tumulo mula sa ulo ko. Umuulan ba? Bakit may tumulo?
"Shit! Nagdudugo yung ulo nya Xander!" sabi nung lalaking nasa tabi ko. Ay. Dugo pala toh?
"Fuck! Pag may nangyari sa babaeng hinaras mong hayop ka papatayin kita! Tandaan mo yan!" narinig kong sigaw ni Xander.
"Kuya! Tama na yan! Dalhin na natin si Art." sabi pa ng isang lalaki.
Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin. Para akong lantay na gulay, nahihilo din ako.
"Wag kang matutulog babae. Baka ikaw ang masuntok ko." grabe naman. Kung kaya ko lang ako na mismo ang nakasuntok sa kanya.
Sasagutin ko na sana sya pero biglang kumirot ang ulo ko. Biglang nagdilim ang paningin ko.
:::
Xander's Pov:
Hay. Para naman kaming tanga neto. Ang kulit kasi nitong si Gab. Nakakita na naman siguro ng bagong target.
Heto kami, naglalakad habang si Gab ay parang sira ulong sumusunod dun sa babae. Hindi ko maaninag dahil madilim tong street. Nagtataka nga ako dahil bakit sa madilim na street na to dumaan yung babae.
"Kuya, talaga bang susundan natin yang si Gab?" napatingin ako sa kapatid ko na nakapamulsa habang nakasimangot.
Naiinip na siguro to. "Ano pa ba gagawin natin? Nakasunod na tayo eh."
Napairap nalang sya. Haha! Bakla ba tong kapatid ko? Lagi ko na syang nakikitang umiirap ah. Nahawa na siguro dito kay Kris.
"Nash, gaya-gaya ka talaga." sabi ko. Napatingin naman sya sakin.
"Luh! Gaya-gaya daw ako. Sino naman ginagaya ko Kuya? Wala nga eh." haha! Baliw talaga tong lalaking to.
"Si Kris. Nangiirap ka na din eh. Signature move kaya yan ni Kris." natatawang sabi ko.
Napanguso ang kapatid ko dahilan na matawa na talaga ako. Isip bata talaga to.
"Wag nyo nga akong dinadamay dyan sa usapan nyo." napalingon ako sa lalaking nagsalita.
Dinilaan ko nalang si Kris at nagpatuloy sa paglalakad.
"B-bitawan mo ako! Please! B-bitawan mo a-ako. B-bitawan mo a-ako."
Napatingin ako sa sumigaw dahil parang familiar yung boses nya. Nagigting ang panga ko ng makita kung sino yun.
Tumakbo ako at sinuntok yung hayop para mabitawan nya si Art. Nakita kong nilapitan nila Gab si Art.
"Putangina mong hayop ka! Ang pangit mo na nga nagawa mo pang galawin ang partner ko. Gago na to." inis na sigaw ko. Sinuntok ko ulit sya at nakita kong parang tulog na.
"X-xander?" napalingon ako sa kanya. Pakiramdam ko para akong natuod dahil sa nakita kong lagay nya.
"Shit! Nagdudugo yung ulo nya Xander!" saad ni Gab habang pinagmamasdan yung ulo ni Art.
Tumingin ako sa lalaki. "Fuck! Pag may nangyari sa babaeng hinaras mong hayop ka papatayin kita! Tandaan mo yan!"
Sisipain ko na sana ulit yung lalaki nang tawagin ako ng kapatid ko.
"Kuya! Tama na yan! Dalhin na natin si Art."
Lumapit ako sa kanila at dahan-dahang binuhat si Art. Ang gaan lang nya. Kumakain pa ba tong babaeng to? Parang walang taba sa katawan eh.
Nakita kong pilit lamang nyang binubuksan ang mga mata nya.
"Wag kang matutulog babae. Baka ikaw ang masuntok ko." pananakot ko sa kanya.
Ibubuka na sana nya yung bibig nya ng maramdaman kong bumigat ng onti yung katawan nya. Unti-unting nagsara yung mga mata nya.
Mas madami na rin yung tumatagas na dugo mula sa ulo nya.
Nagsimula na akong tumakbo pabalik. Alam ko namang nakasunod lang sila at ang kapatid ko kaya hindi na ako nagabalang lumingon sa kanila.
Dumiretso ako sa kotse at sa likod pumwesto. Inihiga ko yung ulo nya sa lap ko at tinapik yung pisngi nya.
"Babae. Huy! Gumising ka." pilit kong gising sa kanya. Nagsipasukan na din sila Nash dito sa kotse.
Si Gab yung nasa driver seat. Si Kris nasa tabi nya at si Nash nasa tabi ko.
"Paandarin mo na pandak!" singhal ko kay Gab dahil marami nang dugo yung nawala kay Art.
"Ito na! Makapandak ka naman." inis na sagot nya at pinaandar na yung kotse.
"Dumiretso ka na sa pinakamalapit na ospital. Dali!" sabi ko. Tinignan ko ulit tong babaeng at tinapik-tapik yung pisngi. Baka sakaling imulat nya ang mga mata nya.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na din kami sa ospital. Agad akong bumaba at sinugod si Art sa emergency room.
Pinanood lamang namin na gamutin sya ng doktor at mga nurse.
Lumabas muna kami nung room at doon nalang naghintay.
"Kilala mo pala sya, Xander?" biglang tanong sa akin ni Gab.
"Oo, sya kasi yung napili kong partner sa Art project." sagot ko.
"WAAAAHHH! BAKIT?!" nagulat ako sa pagsigaw nya. Binatukan ko nalang sya dahil napakaingay... nasa loob pa naman kami ng ospital.
"A-aray." himas nya sa ulo nya (bawal green).
"Ang ingay mo kasi. Nasa ospital kaya tayo. Tanga lang?" sabi ng kapatid ko. Napatango-tango lang ako dahil sinabi na nya eh. Ano pa ba ang sasabihin ko?
"Tch." napailing tuloy ako. Hay naku... Itong si Kris ang sarap lunurin sa alcohol. Ang dami pa namang alcohol dito sa ospital.
"Uh. Pwede ko po ba kayong maistorbo?" napalingon kami sa isang nurse na may hawak ng clipboard.
"Kayo po ba yung nagdala sa babae?" tanong nya kaya napatango nalang kami.
"Yes. Okay na ba sya?" tanong ni Gab. Psh! Suntokin ko kaya to. Ako dapat magsasabi nun eh!
"She's okay. Pwede nyo na daw po syang iuwi sabi ni doc. Papirmahan nalang po ito tapos okay na."
Agad kong inabot yung pinapapirma nung biglang may nakikuha din. Sinamaan ko ng tingin si Gab. Binitawan din naman nya at pinabayaan na ako yung pumirma.
"Pwede ko po bang tanongin yung pangalan nung babae? Ilalagay ko lang po dito sa form." tanong nung nurse.
"Oh. Her name is Art Criss Reigh." sagot ni Nash.
Tila hindi maipinta yung mukha nung nurse nung sinabi ni Nash yung pangalan ni Art.
"P-po? Art R-Reigh?" gulat na tanong nya ulit. Tumango lang kami para iconfirm.
"S-sige po. Aalis na po ako." matapos nyang kunin yung clipboard ay dali-dali syang umalis.
Tinignan ko lang yung nurse. Ang weird. Bakit ganun sya kung makareact nung sinabi namin yung pangalan ni Art? May problema ba?
"Kuya, ang weird nung nurse." biglang sabi ni Nash. Napatingin ako sa kanya.
"Oo nga!" sagot din ni Gab. Tanging tango lamang ang naisagot ko.
Napansin ko lang. Puro kami tango. Anong meron sa tango?
"Tss. Tara na. Saan naman natin dadalhin yang babae? Hindi naman natin alam kung saan yung bahay nya." pahayag ni Kris. Oo nga pala. Saan namin dadalhin tong babaeng yun?
"Sa bahay nalang kaya, Kuya. Tayo-tayo lang naman ang nakatira dun." napatingin ako kay Nash.
"Anong sa bahay? As in sa bahay na tinutuluyan nating apat?" tanong ko. Madami kasi kaming bahay eh.
"Oo Kuya. Wala naman kasi tayong ibang pagdadalhan sa kanya. Eh di doon nalang sa bahay nating apat." sagot nya.
Seryoso ba tong batang to? Sa lahat ng bahay na pwedeng piliin. Doon pa! Hay naku! Bahala na nga.
"Oo na. Tara na nga at makuha na yung babaeng yun." sagot ko at nagumpisa nang maglakad papunta sa kinaroroonan ni babae.
"Yehey! Pwede akong matulog sa tabi nya?!" biglang tanong ni Gab. Agad kaming humarap sa kanya at sabay-sabay na nagsabing...
"HINDI!!"
"Baka manyakin mo pa. Minanyak na nga sya kanina." saad ni Kris. Yeah. Yan din yung iniisip ko eh.
"Hindi naman eh!" nakangusong sagot ni Gab.
"Heh! Maniwala sayo! Ikaw pa! Napakalibog mo!" natawa nalang ako sa sinabi ni Nash.
"Tara na nga." sabi ko at tuloy-tuloy na nag lakad.
Hay. Paspecial na tong babaeng to. Partner ko na nga sya. Niligtas na nga namin sya kanina. Makakatuntong pa sya ng bahay naming apat.
Ewan ko ba kung bakit sya.
:::
A/n:
Chapter 2 is posted.
Hope you like it!
Thank you talaga sa mga nagbabasa nitong story.
Vote and Comment.
Thank you again!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top