Chapter 1
:::
Chapter 1: Ordinary day?
Art's Pov:
Nakatitig ako sa harapan kung saan pinapanood kong magturo ang teacher namin sa Art.
Sa totoo lang... Ayaw na ayaw ko sa kanya. Lagi akong trip ng teacher na to eh.
Art daw kasi subject nya eh Art din yung pangalan ko. Nakakatawa grabe. Natatawa nga ako eh.
Pero masaya ako... Kasi kahit pagtripan ni Sir yung pangalan ko ay wala namang may pake. Ayos nang si Sir yung pumapansin at nangaasar sakin kesa ako naman pagtripan ng mga kaklase ko.
"Okay class, we will be having an Art project." namilog ang mata ko ng iemphasise ni Sir yung salitang Art.
"You will be partnered. Kayo na ang bahalang kumuha ng partner nyo, wala akong pakialam." sabi nya. Asang magkaroon ako ng partner. Wala ngang gustong lumapit sakin eh. Walang nga akong kaibigan eh.
"Eh Sir ano po ba ang project na sinasabi nyo?" tanong ng isa kong kaklase na babae.
"Good question. Gagawa kayo ng maskara. Para yun sa mascarade ball na gaganapin next month." nagtilian naman yung mga babae. Excited much? Siguradong hindi naman ako pupunta dahil wala akong susuotin.
"At ang partner nyo sa paggawa ng project na yan ang magiging partner nyo sa ball." oo na. Ikaw na Sir. Psh! Wala naman akong kapartner so hindi ako pupunta sa ball.
*krinnggg*
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lalabas na sana nung may sinabi si Sir.
"Maghanap na kayo ng partner nyo kung hindi bibigyan ko kayo ng 75 na grade." what?! Niloloko mo ba ako?!
Ayoko magkaroon ng 75!! Pano na?! Wala namang may gustong kapartner ako. Grabe ka naman Sir!!!
Gumuho yung mundo ko nung sinabi ni Sir yun. Alam nya siguro na wala akong partner.
Wala na... Matatanggal ako sa rank ko. Puro 97 or 98 grade ko pero pag nagkaroon ako ng 75 ay tanggal ako sa highest rank! Matatanggal din yung scholarship ko!
Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa inis. Naiinis ako sa teacher namin na yun. Pinapahirapan talaga nya ako!
Okay na sana kung pagtripan nya ako eh! Okay lang ako dun! Pero grade ko na yung pinagtitripan nya eh!! Waaaaaaah!! Wala na!
Naglakad ako sukbit ang bag at nagtungo sa rooftop. Paborito kong lugar ang rooftop. Feeling ko malaya ako sa tuwing nandoon ako.
Magandang pumunta dun lalo na ngayon na naiinis ako. Bwisit naman kasi eh!!
Nakarating na ako sa rooftop at ibinaba yung bag ko sa sahig. Dumiretso ako sa may railings at inilaylay ko ang paa ko doon.
Tumingala ako. "Bakit ako lagi yung pinapahirapan mo?!"
Naiinis ako... Naiinis ako sa teacher namin. Gusto kong kalbuhin ang teacher namin na yun.
Gusto ko syang sampalin! Gusto ko syang suntukin! Gusto ko syang sipain! Pero ano naman ang magagawa ko? Teacher sya... Student lang ako. Mahirap pa...
"Matatanggal na ako... Magkakaroon ako ng 75. Bwisit naman kasi! Bakit ba kailangan na merong partner?! Hindi naman ako pupunta sa lintik na ball na yan!!"
Inuntog ko yung noo ko sa railings dahil sa inis. Inuntog ko ulit. Paulit-ulit kong inuntog ang noo ko.
Makalipas ang ilang minuto ay itinigil ko rin. Wala namang mangyayari kung iuntog ko tong noo ko. Magkakabukol lang ako.
"Ano nang gagawin ko?" bulong ko sa sarili.
Ayokong mawala yung scholarship ko dito sa Academy. Pag nawala tong scholarship mahihirapan ako lalo.
"Paano na toh?" inis na sabi ko. Ginulo ko nalang ang aking buhok dahil sa inis.
"Alam mo Miss? Ang ingay mo." nauntog ko ng malakas ang noo ko sa railings dahil sa gulat.
Nahimas ko nalang ang noo ko dahil sa hapdi.
Lumingon ako. "Nakakagulat ka naman! Papatayin mo ba ako?!" singhal ko.
Naglakad sya palapit sakin mula sa pader na sinasandalan nya. Naaninag ko ng maayos ang mukha nya.
Jusko!! Yum! Ang gwapo! Kaso nga lang nakakatakot syang tignan.
Maputi, matangos ang ilong, medyo singkit ang mata and messy hair!! Oh mhay ghad!! Ang gwapo ni boi!!!
"Tapos mo nang titigan ang mukha ko?" napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Ano ba naman Art!! Nakakahiya ka!
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pinulot ang bag ko. Aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko.
"Basta-basta ka nalang bang aalis? You don't have manners." napatingin ako sa kanya.
"Sorry kung wala akong manners. Nasanay kasi akong walang pumapansin sakin." tinanggal ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.
"Bakit mo ba ako kinakausap?" tanong ko sa kanya.
"Kasi kinakausap kita." napabuga ako ng hangin sa inis. Aba pilosopo pala tong sira ulong to eh!
"Wag mo nga ako pinipilosopo!" inis na sigaw ko sa kanya.
Salubong ang kilay na tinitigan nya ako sa mata. Shet! Parang natutunaw aketch!
"Eh ikaw? Bakit mo ako sinisigawan?" tanong nya sakin.
Napakurap ang mata ko at nagiwas ng tingin.
"Kasi ikaw pinipilosopo mo ako. Tinatanong kita ng maayos." sagot ko habang nakatingin sa sapatos ko.
"Oh tapos?" puta! Nakakainis na tong lalaking to ah!
"Ako ba hinihintay mo na murahin ka?!" inis na tanong ko sa kanya.
"Then go, darling." WHAT?! letche naman!
Napatitig lang ako sa kanya at wala ng masagot. Tinawag ba naman ako na... Na darling.
"Hello?" napakurap ako ng ikaway nya ang kamay nya sa harap ng mukha ko.
"Che!" sabi ko at nagsimula nang maglakad paalis.
Pero bago ako umalis ng rooftop ay may sinabi sya na ikinagulo ng isipan ko.
"Xander Klye Carradova. Remember that name cuz I will be your partner Miss Art Criss Reigh." yun ang sinabi nya.
Hah! Sya partner ako?! Nililoko nya ba ako?! Wala ngang gustong lumapit sakin maging partner pa kaya?
Niloloko lang nya ako. Tama yun nga! Nanloloko lang sya.
Naglalakad ako pababa ng hagdanan. Oo nga pala. Hindi ako kumain kasi wala akong pera pambili ng pagkain ko.
Mahirap lang kami. Nagtatrabaho ako pag tapos na ang klase para may panggastos kami ng tatay.
Patay na ang nanay ko kaya kaming dalawa nalang ni tatay ang magkasama. Nagtatrabaho din ang tatay kaso kulang parin kaya nagtrabaho na din ako para tumulong.
Malapit na sana ako sa baba ng may humarang saakin na mga babae.
"Ikaw yung partner ni Prince Xander diba?" kumunot ang noo kong tinignan ang apat na babae.
Prince Xander? Ano yun famous? Prince talaga?!
"Sino? Yung lalaking nasa rooftop ba?" sagot ko.
"What? Nasa rooftop si papa Xander?!" sigaw nila. Psh? Sikat pala yun? Bakit hindi ko alam? Ay! Wala nga pala akong pake.
"Nevermind. So ikaw nga?" tanong ng isang babae.
"Oo. Bakit? Ano bang meron?" sabi ko. Bakit ba kasi sila nagtatanong? Nauubos ang oras ko!
Tumawa silang tatlo dahil sa tanong ko. Ano kaya yung nakakatawa sa tinanong ko? Meron ba? Dapat na ba akong makitawa?
"What? So pathetic!" sabi ng isa pang babae. Tangina! Nakakadalawa na akong mura ngayong araw ah! Baka kayo yung pathetic! Kayo unang nagtanong tapos lalaki pa yung dahilan!
"Hindi mo ba kilala ang isang Xander?" tanong ng isang babae ulit.
"Madaming Xander sa mundo." sagot ko. Totoo naman. Maraming may pangalan na Xander sa mundo. Ako nga kahit sa bagay merong Art eh.
"Wag ka ngang pilosopo!!" sigaw nilang apat. Napa talon naman ako ng onti. Grabe naman tong mga toh! Kung makareact!
"Edi wow." bulong ko. Hindi naman nila narinig dahil kung narinig nila ay nakalbo na siguro ako.
"Xander Klye Carradova ay ang nasa Rank 2 at pinakapopular na lalaki dito sa school." sabay-sabay nilang sabi. Pinagpraktisan ganern?
"Sya pala yung nasa Rank 2? Bakit hindi ko alam?" takang tanong ko.
"What?! You don't know?! You're Rank 3! You should know that!" singhal sakin ng isang babae.
Napakurap ako dahil... Big deal ba na hindi ko alam yun? Pangalan ko lang naman ang hinahanap ko sa Rankings ng Academy eh. Wala na akong pakialam sa iba.
"Sa totoo lang... Hindi ko talaga alam. Kaya pwede ba? Mauuna na ako kasi malapit na matapos ang lunch break. Ayokong malate." sabi ko habang nakatingin sa wall clock malapit dito sa hagdanan.
"Bitch!" narinig kong sigaw nilang lahat. Naglalakad na kasi ako papunta sa classroom. Sayang kaya yung oras. Time is gold kaya!
"Hindi ako bitch. Sadyang sira ulo lang kayo." sagot ko pero sa sarili ko lang sinabi. Baka sabunutan nila ako eh mahaba tong buhok ko. Mahirap magsuklay.
Naglalakad ako sa hallway kung saan maraming students na nakatambay. Hindi pa naman nagbebell. 25 or 30 minutes pa bago tumunog yun.
As usual walang pumapansin sakin. Eh sino ba nga naman ako para pansinin nila diba? Magsasayang lang sila ng oras. Wala din naman akong balak na makisiksik sa kanila. Hindi ako pwedeng makibagay dahil mayaman sila... Ako mahirap lang.
Diretso lang akong naglalakad ng bigla nalang humapdi yung tuhod ko. Nadapa lang naman kasi ako.
Napalingon ako sa nakasagi sakin pero wala na. Hay nako! Bakit ba ako aasa na magsosorry sya.
Napabuga nalang ako ng hangin at tumayo. Inayos ko ang sarili ko at naglakad na ulit. I only have one motto... Once you fail try again, go straight and never turn back.
Lagi kong sinasabi yan. I'll go straight and never turn back. Bakit namam kasi ako lilingon kung wala din naman ako mapapala?
I failed and fall many times but I always try and stand again.
"Just an ordinary day." sabi ko at pumasok na sa classroom nang makarating ako sa tapat nito.
Wala pa masyadong tao. Apat lang na lalaki ang nandito. Nasa kabilang side sila kung saan ako nakapwesto.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at hindi sila pinansin. Bakit ko ba sila papansinin? Papansinin din ba nila ako? Diba hindi?
Binaba ko na yung bag ko at naupo sa upuan ko. Dinukdok ko nalang ang ulo ko sa desk ko tutal wala pang masyadong tao. Pagod din ako. Isa o dalawang oras lang ata ako nakatulog.
"Miss?" naramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Hindi ko nalang pinansin.
"Uy Miss?" kinalabit pa nya ako ng kinalabit. Ano ba naman yan eh!
"Hoy Miss! Hindi mo ba ako papansinin?!" yun na.
Tumayo ako at hinampas paalis ang kamay nya. Nakakainis na tong lalaking to ah!
"Ano ba kasi yun?! Nananahimik ako dito eh! Bakit mo ba ako kinukulit?!" inis na singhal ko sa lalaki. Nananahimik ako eh!
"Woah! Easy lang!" sabi nya habang nakataas yung dalawang kamay na parang nakasurrender.
"Ano bang problema mo?! Kung meron wag mo akong idamay!" inis na wika ko at umupo na ulit at dinukdok ang ulo ko sa desk.
"Tch. Sungit. Gusto ko lang naman makipagfriends." narinig kong sabi nya.
Hah! Friends?! Niloloko mo ba ako? Sya gusto ako maging kaibigan? Imposible yun dahil ayaw ng lahat sakin.
Narinig kong may naglalakad palapit sa direksyon ko. Hindi ko nalang yun pinansin dahil baka yung lalaki na naman.
"Why are you so rude Miss Reigh?" tumingala ako dahil parang iba yung boses.
Pakiramdam ko papatayin na nya ako sa titig nya. Mhay ghad!! Ayoko pang mamatay! Mahal ko pa ang buhay ko!!
Pero gwapo si kuya!! Ang puti!! Nakalaklak ata to ng gluta. Sobrang puti! Yung pang vampire. Pero nah! Vampires doesn't exist.
"Kinakausap kita Miss." sabi nya at bahagyang nakatagilid ang ulo. Shet! Ang hot nyang tignan!
"Edi wow." yun nalang ang nasabi ko dahil baka mautal lang ako pag nagsabi ako ng iba. Nakakahiya kayang mautal sa harap ng isang tao.
"Tch." naglakad na sya paalis. Tss. Sungit naman ni kuya. Sya na nga lumapit sya pa masungit.
Bakit ba ang lalakas ng trip ng mga tao ngayon? Lalapitan ako tapos aalis. Ano toh? Lokohan?
Nagsimula ng magsidatingan yung iba naming kaklase. Pero teka? Sino nga ulit yung mga lumapit sakin? Hindi ko kasi kilala.
Ay! Wala nga pala akong pakialam sa iba. Ang slow mo naman Art!
Siguro dapat ko na din alamin kung sino-sino ang mga tao dito. Para naman makaiwas ako sa mga taong dapat lapitan at iwasan.
Hay naku! Nagsasabi kaya sya ng totoo? Totoo kayang partner ko sya? Parang imposible naman kasi talaga.
First of all nobody lang ako. Second nobody ako. And last nobody lang ulit ako.
Dumating na ang teacher at nag lesson na.
Natapos ang klase ng iniisip ko kung magiging ordinary days ang mga susunod na araw.
Popular pala ang lalaking yun. Popular pala si Xander Klye Carradova.
:::
A/n:
Ayos lang ba guys?
Geh! Exit na ako!
Vote and Comment!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top