AUTHOR'S NOTE
A sneak peek on what's baking in the oven...
Sweet Series 3 – Bakery of Love
Rooney Marasigan
Habang palapit ng palapit ang sasakyan na minamaneho niya sa destinasyon na pupuntahan ay ganoon din ang palakas na palakas na kabog ng dibdib niya. Napahigpit pa ang pagkaka-kapit niya sa manibela at ilang beses pa siyang napapabuga ng hangin. Pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya.
Ilang beses na ba niyang sinabi sa sarili na hindi na babalik dito? Tinalikuran na niya ang lahat. Nagsimula ng bagong buhay magmula ng...
Mahina siyang napamura at mariin na tinapakan ang accelerator ng sasakyan. Pumapasyal naman siya dito sa lugar kung saan siya lumaki para dalawin ang mga magulang pero sinisiguro niyang hindi siya nagtatagal. Dahil ayaw na niyang marinig ang mga pinag-uusapan ng mga tao.
Rooney, nagkaka-usap pa kayo ni Red?
Alam mo bang ikakasal na sila ng ipinalit niya sa iyo?
Masaya ba ang maging single ulit? Saya ng buhay mo 'no? Dalaga na naman.
Talaga bang nahuli mo silang magkapatong sa kama?
At napakarami pang tanong na ayaw na niyang marinig.
Dahil ang mga tanong na iyon ay nagpapasariwa lang ng sakit na nararamdaman niya.
It's been two years since she got annulled with Red. Her ex-husband. They've been married for only three months and after catching him cheating on her, with their wedding photographer, she immediately filed for an annulment.
Napakasakit noon sa kanya. Sa mismong bahay nila. Sa mismong kama nila. Nahuli niyang nagsi-sex ang dalawa. She couldn't forget that image in her head. Pakiramdam niya ay bumagsak ang langit sa kanya. Lahat ng pangarap niya, ang tumanda na kasama si Red ay naglahong parang bula. How could he hurt her like that? He promised to love her. They vowed to be together for better or for worse. They had so many plans together.
She took up a deep breath and sighed. Maybe life has another plan for her. A better plan perhaps.
Kaya ang ginawa niya, umalis siya sa lugar na ito. Nang matapos ang annulment nila at officially ay single na siya, sa Maynila na siya tumira. She tried to forget everything about her painful heartbreak. At least sa Maynila, walang nakakakilala sa kanya. Walang magtatanong. Walang magpapaalala ng sakit na naramdaman niya.
Mas masaya siya ng mag-isa. She got herself back on the dating game. Gabi-gabi, iba ang ka-date niyang lalaki. Gabi-gabi, laman siya ng bar. Pero hindi naman siya sumasama hanggang kama sa mga iyon. Nag-iingat pa rin siya. Gusto lang naman niya ng company. Nang makakausap. Pero kapag alam na niyang sex na ang habol sa kanya ng lalaking nakasama, agad na siyang umiiwas at umaalis.
But two months ago, she gave in. One night that she gave everything to a total stranger that she met in a bar.
Napakamot siya ng ulo nang maalala iyon. Isang gabi na hindi niya napigil ang sarili at sumama siya hanggang kama sa lalaking nakilala niya sa isang bar.
Well, because the man was a total babe. His mysterious persona made her crave for him more. She saw him drinking alone at the bar area, looking tired and she couldn't stop herself from approaching him. First time na ginawa niya sa buong buhay niya na siya ang nakipagkilala sa lalaki.
What was his name? Franco. Right. That was his name. Even his name sounded so authoritative.
Napangiti siya at napakagat-labi nang maalala kung paano sila nag-usap. Kung paano ito tumingin sa kanya. Pilit niyang inaalala kung ano ang pangalan ng lalaki.
She remembered how his stare made her weak. His smile made her heart skipped a beat. His voice made her tremble when he spoke her name. And his touch. She unconsciously let out a low moan. She felt her body suddenly on fire. She immediately moved her legs because she felt something tingling between it.
Shit.
That was one time that she let other man to have sex with her after her nasty break-up with her ex-husband. One time and she didn't let it happen again with anyone after that. Para ngang walang nangyari sa kanila pagkatapos noon. She woke up alone in her bed. Basta na lang umalis ang lalaki.
Tumunog ang telepono niya at nakita niyang si Barbs ang tumatawag sa kanya. Napangiti siya at sinagot iyon. Inilagay sa speaker mode para hindi maistorbo ang pagmamaneho niya.
"How's the new Mrs. Rossi?" Agad na bati niya.
"Ang daya mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nag-resign ka? Hindi ka pa pumunta sa kasal ko?" Tonong nagtatampo ito.
"Sorry. Biglaan. Si Papa kasi. He needed someone to takeover the business. The bakery." Napangiti siya ng mapakla.
"Oh." Biglang nagbago ng tono si Barbs. "Bumalik ka diyan? Paano kung magkita kayo ng ex-husband mo?"
Natawa siya. "Malabo ng mangyari iyon. May sarili na siyang buhay at ang kapal ng mukha niya kung magpapakalat-kalat pa siya dito sa lugar namin."
"Ganoon ba? Mami-miss kita. Pero at least nandiyan ka, baka magkaroon ka na uli ng love life." Nanunukso na ngayon ang himig nito.
"Love life? You know I am done with men. Sakit lang sa ulo ang mga iyon. Ang pakikipag-date nga sa iba-ibang lalaki masakit na sa ulo."
"Ano ka ba? 'Di ba sikat na sikat diyan sa inyo 'yang Bakery of Love. 'Yang bakery 'nyo. Na-feature pa nga 'yan 'di ba? Kasi nga sikat na sikat na maraming couples ang nagkakakilala diyan at diyang nagpo-propose tapos ay nagkakatuluyan."
Napahalakhak na siya. "Scam 'yan. Bakit kami ni Red? Doon din kami nagkakilala. Doon din siya nag-propose. Pero anong nangyari sa amin? Hindi totoo iyon. And I am going to renovate the bakery. Aalisin ko na 'yang Bakery of Love na 'yan. I'll change the name and the concept. Hindi totoo 'yang love-love na 'yan."
"Ay, ang bitter ni ate." Tumatawang sabi ni Barbs. "Huwag naman. Ikaw na nga ang nagsabi na institusyon na diyan sa lugar 'nyo ang bakery na iyan. Nagpasalin-salin na sa ilang generation."
"Maybe this will be the last. My parents wanted me to take over and I've decided to sell it after I changed the concept. I don't want to stay here. I mean, I've studied in the best pastry school. I've done numerous seminars abroad then I am going to be stuck in our old town? Managing an old bakery? Jesus." Napasimangot siya nang matanaw ang arko na nakalagay ang pangalan ng bayan nila na San Valentin. May malaking tarpaulin pa ang nakasabit sa gilid na nakalagay ay 'Hometown of Bakery of Love.' Parang gusto na niyang masuka.
"Sobra ka naman. Iba pa din naman ang classic bakeries kaysa sa mga napuntahan natin. Ako personally, mas gusto ko pa rin ang mga panaderya. It always reminds me of the laid back life back then. Anyway, good luck on your new endeavor. I hope we will see each other again." Nakadama siya nang lungkot sa sinabing iyon ni Barbs.
"Oo naman. Magkikita pa rin tayo. Congratulations, ha? Finally, you got the chef."
Halatang kinilig si Barbs sa sinabi niya. "Yes. And we're going to be a family. I miss you na agad, Rooney. See you soon. Bye."
"Bye." Sinabi niya iyon pero wala na siyang kausap. Napangiti siya ng mapakla at ibinalik sa kalsada ang tingin. She was happy for Barbs. At least she found her true love. Siya? Malamang malabo na niyang matagpuan pa.
Ipinarada niya sa tapat ng bakery ang kotse at pinatay ang makina noon. Hindi agad siya bumaba at sinilip muna ang paligid. Naipagpasalamat niya at walang masyadong tao. At least walang magtatanong sa kanya. Dali-dali siyang bumaba at pumasok sa loob. Nakahinga siya ng maluwag at wala ding tao. Sabagay. Maaga pa naman. Tumingin siya sa relo at pasado alas-nuebe lang ng umaga. Alam niyang hapon hanggang pa-gabi dumadami ang mga tao dito.
Tiningnan niya ang paligid at hindi siya natutuwa sa nakikita niya. The place needed a very good renovation. Sobrang dilapidated na ang hitsura ng loob. Hindi nga niya maintindihan kung bakit marami pa ang tumatangkilik dito. Kung siya ang head ng sanitation department ng lugar nila, malamang matagal ng sarado ito.
"'Pa?" Tawag niya. Lumakad siya at tinungo ang production site. Lalo na siyang napangiwi nang makita ang loob. Sobrang ang kalat. Ang mga pinaggamitan na sako ng harina ay nakakalat lang sa gilid. Ang mga eggshells ay nagkalat sa paligid ng basurahan. Alam niyang may on-going production ng tinapay dahil nakita niyang nakaparada sa stainless table ang ilang mga pinu-proofing na dough. Marahan niyang nahilot ang ulo at napapailing na pinagdadampot ang mga nagkalat na eggshells at isa-isa iyong inilagay sa basurahan.
Naramdaman niyang may pumasok sa loob pero hindi na niya nilingon. Sigurado siyang ang tatay niya lang iyon.
"'Pa. Grabe naman 'tong production site. Bakit naman ganito ka-dugyot? 'Di ba nagturo na ako ng proper cleaning dito? Tingnan 'nyo naman 'to. Nagkalat ang mga basura." Umikot siya habang nanatiling nakaupo at patuloy sa pagdampot ng mga mga basura. "Itong mga itlog na ito. Dadagain at iipisin dito. Nasaan ang proper handling na..."
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pares ng paa na naka-suot ng Birkenstock shoes ang nakita niya. Sigurado siyang hindi ito paa ng tatay niya. Hindi nagsusuot ng ganitong klaseng sapatos iyon kahit ilang beses na niyang binilhan.
Unti-unting nag-angat ang mukha niya. Nakasuot ng cargo shorts ang nasa harapan niya. Kita niya ang magandang panglalaking shape ng legs. Hindi masyadong mabalahibo. Napalunok siya dahil sunod na nakita niya ay ang umbok na nasa pagitan ng hit anito. Ipinikit niya ang mata dahil pakiramdam niya ay nagkakasala siya. Bakit nakaumbok? Ang laki. Nang imulat ang mata ay pumako ang tingin niya sa flat na tiyan. Maraming nakaukit at tumutulo pa ang pawis. Wala itong suot na damit? Nagmumura ang mga abs. May mga pandesal sa tiyan.
At nang mag-angat pa ang mukha niya ay nakita niyang seryosong nakatingin din ang lalaking nasa harap niya.
And that stare.
She couldn't forget that stare.
The man was staring at her that immediately made her knees weak, and she unconsciously sat down on the floor while still looking at his face.
Oh my God. No. What is he doing here?
She knew that face.
She knew that was one time and she tried to forget about it.
But every memory of that steamy night flooded her head. Every kiss that they did. Every moan that escaped from her mouth while he was kissing her all over her body. Every touch that he did to her skin that was beginning to set her on fire.
Because it was him.
Her one-night affair.
Standing right in front of her.Third story from the Sweet Series. Written in third POV, it contains a little bit of steamy sex scenes, sweetness and wit. No cliffhanger and a happy ever after.
-------------------------------------------------------------
This story currently on-going on Patreon and FB VIP group.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top