43
*Flashback*
Faye's Pov
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa muling pagkikita namin ni Namnam. Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto ko. Malapit na kasing mag 6 pm eh. Pupunta ba ako? Malamang Faye! Anong iisipin ni Namnam kapag hindi mo siya sinipot? Tsaka nakokonsensya ako sa hindi ko pagpayag sa gusto ni Namjoon. Baka nagtatampo na sakin yon. Inaway ko na nga siya tas ito pa yung isusukli ko sa kanya? Aish, naguguluhan na ako ah! Sana naman maintindihan ni Namjoon yung kalagayan ko ngayon. Papayag naman ako sa gusto niya eh, kaso ang wrong timing lang. Sinabi ko naman sakanya na sa ibang araw nalang pero hindi niya ako nirereplyan. Nababaliw na ako kakaisip kay Namjoon! Masyado ko na ata siyang mahal kaya ako nagkakaganito.
*ting*
Napatakbo ako sa kinalalagyan ng phone ko nang may nagchat.
Namnam just chatted you
Namnam: ready ka na ba aye?
Ayeaye: actually not yet
Namnam: bakit naman?
Ayeaye: hindi ko din alam namnam
Namnam: hindi mo ba ako namiss?
Ayeaye: namimiss!
Namnam: yun naman pala eh
Namnam: osige na
Namnam: malapit naman nang mag 6
Namnam: i can't wait to see you faye
Ayeaye: me too
Namnam: kita nalang tayo mamaya
Ayeaye: okay ^-^
Ayeaye went offline..
Namjoon went offline..
Pagkatapos kong makachat si Namnam ay bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. No, not now. Pinilit kong magbihis kahit na hilong hilo na ako. Nitong nakaraang linggo ay napapadalas na ang pagkahilo ko. Sabi ng doktor baka ito na daw ang senyales na pwede nang bumalik ang alaala ko. I don't know kung gugustuhin ko pang maalala ang nakaraan ko lalo na't nagiging masaya na ako sa buhay ko ngayon. Natatakot nga ako na bumalik ang alaala ko kasi baka biglang magbago yung tingin ko sa mga kaibigan ko ngayon. At ang sabi ng doktor samin ay maaari ngang bumalik ang alaala ko pero may pangamba parin na pwede kong makalimutan ang present ko. It's complicated, right? May parte sakin na gusto kong makaalala pero may parte din na ayaw ko na. Masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon. Pero nga dahil sa magulang ko ay pinipilit kong makaalala. Para sa mga tao sa nakaraan ko. Pero paano naman yung mga taong nasa kasalukuyan ko ngayon? Diba parang ang unfair non? Pano na yung lalaking mahal ko? Si Namjoon? Ano nalang yung mararamdaman niya?
*ting*
Naputol ang pagiisip ko nang tumunog na naman ang phone ko.
Namnam just chatted you
Namnam: im here na aye
Namnam: ikaw nalang ang kulang
Ayeaye: alright
Ayeaye: papunta na ako
Namnam: so see you later?
Ayeaye: yeah
Bumaba na ako sa kwarto para makaalis na. You can do this Faye.
***
Papalapit na ako ng papalapit sa lugar. Sa isip isipan ko ay may nagsasabi na wag na akong tumuloy at ipagpatuloy ko lang. Bakit wag na akong tumuloy? Wala naman ang naiisip na masama kung magpapatuloy ako.
Nagkibit balikat nalang ako dahil sa mga naiisip ko. Nasa bungad na ako park nang may naaninag akong pamilyar na pangangatawan.
"Namjoon?" Ano namang ginagawa dito non? Tumuloy parin ba siya kahit hindi ako pumayag? Pero asan naman si Namnam? Sabi niya andito na siya diba?
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa makalapit ako sa pwesto ni Namjoon. Baka wala sa part na 'to si Namnam. Oo Faye nasa ibang lugar siya, hindi imposible yon kasi malaki 'tong park.
"Uy Namjoon, ba't andito ka?" Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Isang tipid na ngiti lamang.
"May inaantay ka ba?" Wala parin siyang sagot sakin.
"Pipe ka na ba ngayon, Namjoon." Wala parin. Nakatitig lang siya saakin.
Nasasaktan ako, Namjoon. Gusto kong sabihin sa kanya yan pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.
Tumalikod nalang ako sa kanya at lumayo ng kaunti. Si Namnam ang pinunta mo dito Faye, hindi si Namjoon. Asan ba kasi siya?
Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at sinumulan na siyang ichat.
Ayeaye: namnam asan ka?
Ayeaye: akala ko ba andito ka na?
seen✔
Ayeaye: namnam naman eh
Ayeaye: come on, wag mo na ako lokohin
Ayeaye: asan ka?
Kanina pa ako nakakarinig ng tunog ng phone. Baka yon ang phone ni Namnam. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin si Namnam. Pero wala namang ibang tao kundi si Namjoon lang. Posible bang?
Namnam just chatted you
Namnam: andito na ako kanina pa
Ayeaye: huh?
Ayeaye: asan?
Namnam: nasa harap mo
Dahan dahan kong inangat ang aking ulo. What? No..
"Hi Ayeaye.."
Then everything went black.
---
Yow sup mga lodi! Hahaha pabitin muna! ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top