37
[FLASHBACK]
Marianne's Pov
Hindi ako mapakali dahil don sa mga chat ni Faye. Don't tell me na bal—
"Tangina si Faye! Balak atang magpakamatay ni gago!"
"Huh? A-ano?!" Napatayo si Namjoon sa kinauupuan niya.
"Ano Marsie?!" Nagsilapitan silang lahat saakin.
"K-kanina kasi, yung mga chat ni Faye. Parang namamaalam na siya saatin. H-hindi ko alam." Halata sa ekspresyon ng mukha ang gulat at pagkatakot.
"Ano pa bang hinihintay natin?! Puta puntahan na natin sa kanila." Sigaw saamin ni Ynah. Titingnan ko palang sana si Namjoon pero wala na siya sa pwesto niya. Don ko lang narealize na nauna na siyang pumunta kila Faye kahit hindi pa tapos yung sinasabi ko.
***
Pagkapunta namin ay takang tumingin saamin sila Tita. Pano ba naman, para kaming may reresbakan. Full force pa ang pagpunta namin dito.
"Bakit ba kayo nandirito mga anak? Humahangos na pumunta dito si Namjoon. Pagkatanong saamin kung nasaan si Faye ay kumaripas na nang takbo sa kwarto. Ano bang—"
Hindi na namin pinatapos magsalita si Tita, sa halip kumaripas na rin kami ng takbo paakyat. Masyado na kasing maraming sinasabi si Tita eh. Mas importante si Faye kaysa sa mga sinasabi niya. (A/N: Aba't bastos na bata!)
Naabutan namin na buhat buhat ni Namjoon si Faye. May mga dugo siya sa palapulsuhan niya. Napatakip nalang ako ng bibig.
"Padaan! Dadalhin ko siya sa hospital!" Binigyan namin siya ng daan papalabas ng pinto.
Kahit isa saamin ay walang masabi. Lahat ay gulat dahil sa nakita. Bakit ba gustong magpakamatay ni Faye?!
***
Hindi kami mapakali sa labas ng ER. Hindi namin alam kung ano nang nangyayari kay Faye.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Doctor.
"Doc, kamusta po si F-faye?"
Tinanggal ng doctor ang surgical mask niya sabay iling. Pamilyar sakin yung ganitong sitwasyon, eh. Ganito yung dating kapag namamatay ang pasyente.
Teka— namamatay?
"I'm so sorry—"
"Ano?! Doctor ba kayo?! Bakit hindi niyo ginagawa ng maayos yung trabaho niyo?! Hindi niyo binigay yung lahat para mabuhay siya..."
W-wala na si Faye? Iniwan niya na ba talaga kami?
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top