17
*Flashback*
Namjoon's Pov
Nang andito na silang lahat ay agad kaming dumiretso sa kwarto ko. Hindi naman sa pagmamalaki pero malaki yung kwarto ko kaya kasya kaming lahat. Okay ang yabang ko na naman, pero seryoso guys malaki siya.
"Namjoon bakit ngayon mo pa naisipang ipahack? Pwede namang bukas o kaya sa isang araw." Tiningnan ko ng masama si Hoseok dahil masyadong makapal yung mukha niya at masyado siyang feel at home. Nakahiga ba naman sa kama ko ng nakatsinelas. Sino ba namang tarantado ang gagawa non.
"Tsk tsk, tatayo na. Kung mago-over night kami dito, saan naman kami matutulog? Eh ayaw mo nga kami sa kama mo." Taas kilay niyang sabi saakin.
"Sa lapag ka-" Bago pa ako matapos sa pagsasalita may lumanding kaagad na mga unan sa mukha ko.
"Mga paps! Arte pa kayo? Nakacarpet nga 'tong sahig ng kwarto ko tapos mag-iinarte pa kayo."
"Hyung malamig ang sahig, gusto mo bang magkasakit kami?" Nakapout na sabi sakin ni Taehyung.
"Mukha kang bakla papi. Sige na, diyan na kayo. Pagkasiyahin niyo yung sarili niyo ah."
Lumapit na ako kay Yoongi-hyung na seryosong nakatutok sa harap ng laptop ko. Kasi nung pagkarating nila pumwesto kaagad siya sa harap ng laptop. Masyado atang excited.
"Ano na hyung?"
"Ito inaaral ko pa uli kung pano manghack, ilang taon na rin kasi akong natigil sa paggaganito. Bagong buhay na ako paps." Walang lingon-lingon na sabi niya sakin. Tumayo muna ako at pumunta sa napakaingay kong mga kaibigan. Hating gabi na sobrang ingay parin nila.
"Huy wag nga kayong masyadong maingay! Nakakabulahaw na kayo ng kapitbahay!" Mahinang sigaw ko sa kanila.
Muntanga kasi ang mga gago, tawa ng tawa. Tas sobrang lakas pa ng mga tawa nila, lalo na kay Seokjin-hyung. Akala mo kinakatay na baboy eh.
"Bakit ba kayo tumatawa, huh? Ano bang nakakatawa sa pinapanood niyo?" Tiningnan ko yung pinapanood nila. Tss mga vines lang naman, ang bababaw ng kaligayahan nila pagdating sa ganyan.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan nilang lahat dahil don sa lalaking nagpadulas pero hindi nakapag-preno at nasubsob.
"Tangina! Papatayin ko yung wifi!"
"Subukan mo Namjoon, hindi ko itutuloy tong pinapagawa mo." Napanganga ako dahil sa sinabi ni Yoongi-hyung.
"Sshh wag kasi kayo masyadong maingay. Kung maaaring pigilin niyo yung mga tawa niyo."
"Pfft baka mautot naman kami non hyung." Napahawak nalang ako sa sintido ko. Dapat pala si Yoongi-hyung nalang ang pinapunta ko dito.
***
Makalipas ang ilang oras pero hindi parin mahack ni hyung yung account. At yung mga balahura naman don ay mga tulog na. Pati nga ako inaantok na eh, pero pinipigilan ko kasi nakakahiya naman.
"Kaya mo pa ba? Pwede namang ipagpabukas yan kung inaantok ka na."
"No, Im fine. Hindi pa ako inaantok." Nagkibit-balikat nalang.
Aish! Inaantok na talaga ako. Hindi na kaya dumilat ng takukap ko. Alas-kwatro na rin kasi ng madaling araw. Buti pa sila ang sasarap na ng tulog.
"Pwede ka munang umidlip Namjoon. Mukhang antok na antok ka na diyan." Napaayos ako ng upo at nagkunwaring gising na gising.
"Hindi pa ako inaantok. Ah-eh gusto mo ba ng maiinom, makakain?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Di okay lang. Malapit na rin namang matapos 'to." Nung pagkasabi niyang matatapos na ay biglang nawala ang antok ko.
Finally. Tsk kilalanin munang mabuti ng empostor na yon ang kinakalaban niya. Don't mess with me dude.
"Gotcha." Ngising tumingin saakin si hyung.
Tiningnan ko ang account at may nakalagay na 'You successfully hacked the account write a new password'
(A/E: Eme lang yan guys, kunwari yan yung nakalagay ng mahack na yung account.)
"Okay na Namjoon, magagamit po pa yung account na 'to so anong password ang ilalagay ko." Akala ko konti lang ang chance na magamit yung acc matapos mahack. Pero wow huh. Ang galing ni hyung.
"Ikaw na bahalang maglagay ng password." Tumango lang siya saakin.
"Pwede ka nang matukog hyung." Hindi na siya nagsalita pa at dirediretso na sa sofa.
"Salamat hyung." Tumango siya sabay pikit ng mata.
Hays makakatulog na rin. Naglatag na ako sa lapag at matutulog na. Nakakahiya sa mga bisita eh.
***
Naramdaman kong may humahampas sa balikat ko. Yah inaantok pa ako.
"Namjoon gumising ka na." Isang malakas na hampas ang natanggap ko pero dedma lang kasi inaantok pa talaga ako!
"Inaantok pa asgsjsjdjd.."
"NAMJOON GUMISING KA NA! NAKALIMUTAN KO YUNG PASSWORD NUNG PINAHACK MONG ACCOUNT!" Nagising ang diwa ko sa lakas ng sigaw ni hyung.
"Ano?! Pero bakit, diba iniwan nating nakalog-in yung account?" Bago kami matulog iniwan naming nakalog-in yung account. Imposible namang malog-out yon ng walang gumagalaw ng laptop. Teka! May nangealam ng laptop ko!
"Sinong nangealam ng laptop sainyo? Ano? Sagot!" Napasabunot nalang ako sa buhok dahil sa inis.
"S-sorry h-hyung, a-ako yung g-gu-mamit."
Napahilamos nalang ako sa mukha ko. "Wala na tayong magagawa don Tae. Siguro gagawa nalang ako ng panibagong account."
"Aish, wag nga kayo masyadong tahimik diyan. Bumababa na tayo at mag-almusal." Inakbayan ko silang lahat para akayin pababa.
"Gago alas-tres na ng hapon!" Nanlaki naman ang mata ko.
"Shit hindi ko pa nachachat si Faye!" Tinaasan nila ako lahat ng kilay.
Great Namjoon, great. Hindi mo pa pala naikekwento sa kanila. Im sure mahohot seat na naman ako *face palm*
---
Sayang effort ni Yoongi mga paps!
Happy Birthday Kookie! 🎉🎂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top