CHAPTER TWENTY-TWO

Nagulat si Czarina nang biglang mag-offer ng regular position ang daily newspaper na pinagbilhan niya ng isinulat niyang interview with KD-11. Nagustuhan daw kasi ng editor ang style niya sa pagsusulat. Malaman. Hindi lang puro flowery words patungkol sa career ng lalaki at sa pagiging hot player nito.

"Are you into football?" tanong tuloy ni Didi, ang editor. On first name basis agad sila ng babae at mukhang mabait agad ito sa kanya.

"Umm---not really po. But my daughter plays football."

Parang natigilan ito. "You have a daughter who plays football? Ilang taon ka na ba if you don't mind me asking?"

"Twent-six po."

Medyo nalito si Didi. No'n lang nakuha ni Czarina ang ipinagtataka nito.

"My daughter is playing in the junior level. Grade two pa lang po siya."

Natawa na ang editor. "Now, I understand. Ang iniisip ko kasi ay college level na ang anak mo. Meron din palang football for kids?"

"Yes po. Sa school po ng anak ko."

"No wonder you know certain football terminologies. Anyways, pag-isipan mo ang offer namin sa iyo. Bihira kaming magbigay ng regular jobs sa mga writers namin. We are in difficult times na kasi. Saka kinakain na ng online news ang market share natin. A lot of our readers no longer buy hard copies of newspapers. Mas gusto na lang nilang basahin ang mga balita sa social media. We have to device a way na mapapabalik natin sila sa print media. At tamang-tama ang artikulo mo. Alam mo bang top 1 sa trending topics si KD-11 sa Philippines nitong nakaraang linggo? At top 3 sa buong mundo, ha? I do not think people's interest in him was purely about his career, if you know what I mean," nakangiting sabi pa ng editor. Parang may ibig sabihin.

Hindi sumagot si Czarina. Napayuko lang siya nang bahagya. May ideya na siya kung bakit ino-offer sa kanya ang features editor position. Kung kanina atat siyang kunin iyon nagpapatumpik-tumpik lang siya para taasan ang rate niya, ngayo'y nagdadalawang-isip na.

"Sige po, Didi. I'll think about it."

Dumaan siya sa eskwelahan ng anak pagkagaling niya sa Philippine Topnotch Stories sa Muntinlupa. Ang adviser nitong si Mrs. Parica ang sumalubong sa kanya sa gate.

"Mrs. Garza! Aba'y hindi kita nakilala, ah. Mukha pala kayong artista kung naka-dark sunglasses."

"Kayo naman po," nangingiti niyang sagot sa babae. Hindi na pinansin ang pagtawag sa kanya ng malutong na 'Mrs.' Iyon naman kasi talaga ang tawag ng mga guro sa lahat ng mommies, pwera na lang iyong mga lawyers at doctors.

Hindi na siya nag-akasaya ng oras for small talk. Tinanong niya agad kung nasaan ang kanyang anak. Alam niyang recess time nila nang mga oras na iyon.

"'Lika. Nasa canteen ang mga bata ngayon."

Kahit naka-dalawang taon na si Rory sa St. Mary's, no'n lang napadpad si Czarina sa canteen ng eskwelahan. Napatanga siya sa grandiosong pagkaka-design sa loob. Daig pa nito ang restaurant ng mga five star hotels! At ang presyo ng pagkain ay nakakalula! Dolyar! Nagulat siya at biglang nag-alala para sa anak. Nang mapagtantong halos siomai lang na iilang piraso ang kayang bilhin ni Rory doon sa baon nito, she felt guilty as hell. She made a mental note to do something about it. Kailangan na nga niyang makakuha ng trabaho.

Ang dami nang estudyanteng pumipila sa cashier. Hinanap niya sa mga ito ang anak. Wala. Wala rin ito sa mga estudyanteng nakaupo na sa mesa.

"Nandito lang kanina ang mga kaibigan niya, eh. Saan kaya sila nagpunta?"

Mga kaibigan. Ikinatuwa niya iyon. At least, may mga kaibigan na ang anak niya.

"Come, Mrs. Garza. Dito ang exit patungong old science building. Paboritong tambayan iyon ng mga bata. May mga gazebo pa kasi sa tapat nito, eh."

Paglabas nga nila sa canteen, natanaw agad ni Czarina si Rory na nakatayo habang nakapamaywang sa isang grupo ng mga batang babae. May dalawang kasama ang anak niya this time. Nasa likuran sila pareho ni Rory. Nang makilala niya kung sino ang lider-lideran ng grupo ng mga batang kaharap ng anak, kinabahan agad siya.

"Shit! Apo iyan ng senador!" naibulalas pa niya.

Kaagad din namang tinawag ni Mrs. Parica ang atensyon ng dalawang grupo na tila nagtatalo na. Mukhang hindi ito narinig ng mga bata. Dali-dali nang lumapit sa kanila si Czarina, pero natigil siya ilang metro mula sa mga ito dahil sa mga binitawang salita ng anak.

"Who's poor? We are not poor! My dad is building our new science building! We live in a huge mansion in Ayala Alabang! Sino ngayon ang poor? Bakit? Saan ba kayo nakatira? Di ba sa Katarungan Village lang? Kami ay nasa Ayala Alabang talaga!"

"No! You're lying!" sagot agad ni Daiyu Lee. Sinang-ayunan ito ng tatlong kasamahan.

"I live in Ayala Alabang but I did not see you there," sabat ng isang kaibigan ni Daiyu Lee.

"Kalilipat lang namin kasi. And we have a huge house with a huge swimming pool. We also have lots and lots of chocolates!"

Napanganga si Czarina sa narinig mula sa anak.

"I don't believe you! You're lying! Liar!" At mananampal na sana ang apo ng senador pero natigil ito ng ipagduldulan ni Rory sa mukha nito ang pisngi.

"Sige, hit me here and I will tell my dad to stop constructing the new science building. We'll see what your lolo will say about it," hamon pa nito na ikina-shock lalo ni Czarina. Hindi niya sukat akalain na ipinagmamayabang na ng anak ang kanyang ama.

"Rory Kraix, Daiyu, stop!" saway ni Mrs. Parica. Pumagitna na ito sa mga bata. No'n lang parang natauhan si Rory. Nang malingunan siya nito, pinamulahan agad ito ng pisngi.

"Mama!" At tumakbo ito para salubungin siya. "Kanina pa po ba kayo riyan?" Medyo may pag-aalala ang tinig nito. Sa tingin ni Czarina, iba ang gusto nitong itanong dahil biglang hindi na ito makatingin nang deretso sa kanya.

"I told you not to engage her in a fight. Ano na naman ba ang pinagtalunan ninyo?" sabi niya rito sa malumanay na tinig.

"She said we are so poor---poorer than a rat. And that I don't deserve to be in this school."

Nagpanting ang tainga ni Czarina. Parang gusto niyang tirisin ang apo ng senador. Nang tapunan niya ito ng tingin, inaakay na ni Mrs. Parica pabalik ng canteen.

Sinimangutan ito ni Czarina. Sumama ang loob niya sa guro dahil ito pa mismo noon ang nagbigay ng assurance sa kanya na babantayan nito si Daiyu Lee nang sa gano'n ay hindi na ito makapang-bully pa. Nakapagbigay na rin ng warning si Don Fernando, ang pinakamaimpluwensya nilang benefactor pero bakit ganoon? Mukhang walang improvement sa pakikitungo ng malditang batang iyon sa anak niya? Pinapaasa lang ba siya ng eskwelahan? Kailangan niyang makausap nang masinsinan si Dr. Jalandoni.

"Mama, please do not tell anyone about what you saw here."

Napasulyap si Czarina kay Rory. Her child looked so worried. At medyo pinamulahan pa ng mukha. Naintindihan niya agad ang pinag-alala nito kung kaya inakbayan niya ito't pinisil pa ang balikat.

"Don't worry, anak."

**********

Tumawag si Mrs. Andal at sinabi nitong may problema ang condo buildings na pinapatayo niya sa Mactan for one of his clients in Cebu. Nag-strike daw bigla ang mga manggagawa.

"Paanong nag-strike? We already gave them the wages they demanded."

"Ewan ko, Architect. Siguro'y dapat n'yong puntahan agad iyon to settle the issue. Kapag nagpatuloy ang welga, made-delay ang turnover sa project. Mapu-forfeit ang incentive natin."

One hundred fifty million din iyon.

Napamura siya nang malutong. No'n naman napadaan sa hardin si Czarina. Natigil ito sa paghakbang pagkarinig sa pagmumura niya. Pati ang bata na kabuntot nito'y napatingin sa kanya sabay hawak sa palda ng ina.

He cleared his throat and waved at them. Bahagyang tango lang ang isinagot ng dating nobya. Ang bata nama'y umiwas na ng tingin. Tuluy-tuloy ang dalawa papasok ng living room. Kabuntot nila si Perla na siyang may dala ng school bag na de karo.

Mabilis siyang nagpaalam kay Mrs. Andal at inusisa si Perla.

"Iyan ba ang bag ng bata?" Hindi siya makapaniwala.

"Yes, Noy." At natawa si Perla. "Sing bigat nga, Noy, ng bagahe pag nag-abroad."

Kinuha niya ito sa kamay ng katulong at napasipol siya. Hindi siya makapaniwala na ang isang batang grade two kagaya ni Rory ay laging may akay-akay na ganoon ka bigat na school bag. He needs to discuss it with Dr. Jalandoni one of these days.

Nagulat ang mag-ina nang makita siyang hila-hila ang bag ni Rory papasok ng mansion. Kaagad na lumapit sa kanya si Czarina at kinuha ito sa kanya.

"Pasensya na," anito. Nakita niya itong bahagyang pinamulahan. Siya rin naman ay nag-init ang katawan nang biglang masagi ng babae ang kanyang kamay.

"That's too heavy for a kid. Iyan ba ang lagi niyang dala-dala sa eskwelahan?"

"Yes. Lahat ng grade two ganito ka bigat ang bag."

"Can't she leave some books in school? Bakit kailangan niyang dalhin everyday?"

"She needs all the books here. Ginagamit nila everyday sa school. At everyday din may homework kaya hindi pwedeng iwan niya ang mga libro sa locker room niya."

Nagsalubong pa rin ang kilay ni Rorik. Hindi niya pa rin gusto ang ganoong sistema lalo pa sa panahon ngayon na pwede na ang e-books.

"A lot of schools are no longer using printed materials. Maaari namang mag-e-books na lang ang mga bata. Anong saysay ng technology kung hindi gagamitin?"

"May mangilan-ngilang subjects na nag-e-ebook sila, pero ayaw ng school na lahatin na. Not all parents are tech savvy kaya mas preferred ng nakararami ang printed materials."

Rorik rolled his eyes. Nainis siya sa mga ganoong klaseng magulang. Obviously, nangingialam sa assignments ng mga anak. Imumungkahi niya pa rin kay Dr. Jalandoni na mag-convert na sa e-books ang eskwelahan.

"Kung iyan ang paiiraling argumento ng mga parents, makukuba ang mga anak nila."

Napangiti nang mapakla si Czarina.

"None of the kids in school carry their own bags, except --- Ro---my child."

Binalingan ni Rorik ng tingin ang bata. Nahuli niya itong titig na titig sa kanya. Nang mahuli niya'y bigla itong umiwas ng tingin. Naramdaman niyang parang bigla itong naging uncomfortable. Lumapit ito sa bag na hawak-hawak na ng ina at binuksan ang zipper no'n. Wala namang kinuha.

Naawa naman siya rito kung kaya hinayaan niya ang mga ito na pumanhik na sa kanilang silid. Nang out of earshot na ang dalawa, tinawagan niya si Dr. Jalandoni at minungkahi rito na mag-convert na ang eskwelahan sa e-books. Medyo nagulat ang principal sa naging sadya ng pagtawag niya. Kadalasan kasi'y tungkol sa itinatayo niyang building ang paksa ng usapan nila sa telepono. Nagtanong nga ito kung bakit naging interesado siya bigla sa e-books.

"Are you investing in --- e-books business now, Architect?"

Natawa bigla si Rorik. "Oh no, Dr. Jalandoni! I am just concerned about your pupils' health."

"Speaking of which---the senator called me up again today. Nakipag-away na naman ang anak ng kababayan mo sa kanyang apo. At punung-puno na ang senador. Baka in a few days, magpapatawag na naman ako ng meeting sa ina ng batang iyon. You should know na pinagbibigyan lang namin sila dahil sa concern mo sapagkat kababayan mo diumano ang nanay ng bata."

Nagsalubong agad ang mga kilay ni Rorik. Nabuhay ang galit niya.

"When that fvcking senator called you up again regarding this issue, tell him to contact me directly!" nanggigil sa galit na sagot niya sa principal. Ang akala niya kasi'y tapos na ang isyung ito. Bakit heto na naman?

Hindi agad nakasagot ang huli. Hindi niya alam kung nayanig niya ito o ano. Wala na siyang pakialam. Kung hindi nga lang siya busy these days sa problema sa Cebu, siya mismo ang pupunta sa eskwelahan ora mismo.

**********

"Mrs. Garza, kayo na lang po ang pumasok sa conference room, sabi po ni Dr. Jalandoni. Dito lang po muna sa akin si Rory. 'Lika, anak." At kinawayan ng sekretarya si Rory na lumapit dito. Pinaupo nito ang bata sa visitor's chair ng desk.

Nag-atubili si Czarina na pumasok sa loob. But she had to. Mahirap paghintayin ang senador. Mainitin ang ulo nito.

Napamulagat siya nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa loob. Nandoon ang senador at ang anak nito na si Conrad Lee na isang congressman sa second district ng Muntinlupa. Kasama nito ang maybahay, ang maarteng mommy ni Daiyu Lee. Bukod sa mag-anak, nandoon din ang mga magulang ng tatlong batang babae na kabarkada ng anak nila. Hindi ito mga political figures, pero sa tingin ni Czarina may mga sinabi rin base sa pananamit at mga suot na alahas.

Nasa kabisera si Dr. Jalandoni at medyo hindi maipinta ang pagmumukha nito. Mukha kasing sinisisi ito ng mga magulang ng mga bata.

"Mrs. Garza!" Mukhang nakahinga ito nang maluwag nang makita siya. "Take your seat, Mrs. Garza. We have a serious problem to discuss."

Naisip niya, marahil nagsumbong na naman ang malditang bata na iyon.

Hay, kung hindi lang kasalanan maniris ng batang bitchy, noon ko pa ginawa.

"I guess she is now aware about why we're all here," anang mommy ni Daiyu Lee. Inirapan pa si Czarina. Hindi lang iyon. Nag-hair flip pa.

Nagtinginan ang mga atribida at mapagpatol na mga mommies and they all smirked at Czarina.

"Let us settle this once and for all. Hindi matatapos ang problemang ito kung hindi nae-expel ang pasaway na anak ng babaeng ito."

"Dad, please," saway ni Congressman Lee sa senador. Nagulat si Czarina, lalo pa nang tumingin ito sa kanya at hiningi ng paumanhin ang sinabi ng ama.

"Why the fvck are you apologizing? Inaapi ng anak nito ang anak mo!"

"Dad, gaya ng sinabi ko kanina pa sa bahay, I know my daughter very well. Hindi siya ang tipong nagpapaapi. Ang tapang no'n, eh. Sigurado ako na kung mayroon mang nang-aapi rito, that could be your granddaughter."

"Conrad, nag-usap na tayo," babala ng senador na kaagad na sinang-ayunan ng manugang nito.

Nagulat ang mga magulang ng kaibigan ng kanilang anak. Hindi sila makapaniwala sa tono ng pananalita ni Congressman Lee.

"Saka, away-bata ito, Dad. Hindi na tayo dapat nangingialam dito. I couldn't believe you were swayed by Daiyu into believing she was bullied in school."

Nanggalaiti ang senador sa anak. He glared at him, but Congressman Lee ignored him. Nilapitan pa nito si Czarina at nakipagkamay dito.

"H'wag kang mag-alala, Mrs. Garza. When I told my constituents that I will be the champion of poor people, I mean it." At nginitian pa siya nito. Pagkasabi n'yon binalingan nito ang asawa at niyaya nang umalis sila roon. Nanggalaiti ang babae pero wala ring nagawa.

Poor people.

Matutuwa na sana si Czarina rito, pero bigla siyang nayamot sa medyo mapagmataas nitong tono. Pinamukha pa rin nito sa kanya na hindi sila magka-level.

Nagreklamo ang ibang mga parents na nandoon. Kung ganoon din lang daw, sana ay hindi na sila nag-aksaya ng panahon na pumunta pa sa eskwelahan. Grabe ang disappointment ng lahat, lalo na ng senador. The latter even glared at Czarina. Nagbaba lang ng tingin ang huli.

Later, pagkaalis ng lahat, tinanong siya ni Dr. Jalandoni kung kaanu-ano niya ang mga Dela Paz.

"I beg your pardon?"

"Congressman Lee mentioned the Garzas are relatives of Fernando Dela Paz, iyong may-ari ng Metropolis Capital Bank at major stockholder ng St. Luke's Medical Center."

Familiar ang pangalan ng taong nabanggit at inakala pa niyang iyon si Don Fernando, ang benefactor ng eskwelahan na tumulong sa kanila noong nakaraan, pero hindi naman iyon Dela Paz sa pagkakaalala niya. Kinompirma nga ni Dr. Jalandoni na iba ang Fernando na ito.

Tinawag ng principal ang kanyang sekretarya at sinabihan itong dalhin ang nakalap daw nitong files ng naturang lalaki sa conference room. Nang masilayan ni Czarina ang old pictures ng matanda, bumalik sa kanyang alaala ang imahe ng mapagbigay na kamag-anak. May sundot pa ng nostalgia ang nakita niyang larawan nito dahil nakaakbay dito ang bata-batang version ng kanyang ama.

"O-opo. I think he was my papa's distant cousin. Pero patay na po siya sa pagkakaalala ko."

Ngumiti ang principal. "But he's influence is still alive, my dear. Very much alive. Ang pamilya nila ang may pinakamalaking contribution sa kampanya ni Congressman Lee. Hindi mo naabutan ang mas natinding pagtatalo ng mag-ama kanina rito nang silang dalawa pa lang ang bisita ko."

Buong akala ni Czarina ay nakialam na naman si Rorik sa problema ng anak, iyon pala'y ang Tito Fernando niya ang dapat pasalamatan.

**********

Masayang dumating ng mansion ang mag-ina dahil wala na silang problema sa eskwelahan. This time ay sinigurado sa kanila ng mga magulang mismo ni Daiyu Lee na closed case na ang tungkol sa bullying issue. Na-warningan na raw nila ang kanilang anak na sa susunod na may kaguluhang mangyari, ita-transfer na nila ito ng eskwelahan.

"I think grandpa was rich before, Mama. Is that right?" interesadong pang-uusisa ni Rory. No'n lang nakitaan ni Czarina ng interes tungkol sa kanyang ama ang anak.

"Not really. Just a little better off than other people."

"You're humble, Mama." At ngumiti ito. Ang ngiti ng bata ay nabura nang mapadako ang tingin sa hardin ng mansion. Pati si Czarina ay napahinto rin ng lakad.

"Who's that woman, Mama?"

May kung anong pait na naramdaman si Czarina nang makita ang college student na iskolar ni Rorik sa Bataan Polytechnique College. Naka-halter top ito na may floral design at naka-shorts ng maong. Naka-sandals ito ng may kulay itim na criss-cross straps. She looked every inch a femme fatale. Kausap nito si Rorik at nakangisi sa kanya ang lalaki. Nagtatawanan pa ang mga ito nang mapadaan silang mag-ina.

"Hi there, Rory. Czarina."

Bahagyang tango ang sagot ni Czarina sa lalaki. Binati niya ng kahit paimbabaw si Hazel. Ngumiti lang din ito nang mapakla sa kanya.

Dali-dali na silang pumasok sa loob ng bahay.

"Mama, who's that girl?" ulit ni Rory.

"Dalian mo!"

Halos naglakad-takbo ang anak sa pagsunod sa kanya papunta sa kuwarto nila.

"Mag-impake ka. We are going home tonight."

"What? Why?" At napasimangot ito.

Paglabas nila ng kuwarto nandoon na si Rorik. Nakahawak sa seradura ng master's bedroom. Napataas ang kilay nito nang makita ang hawak nilang bags.

"Where are you guys going?"

"None of your goddamn business!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top