CHAPTER TWENTY-ONE
Susundan pa sana ni Czarina ang anak sa silid na pinasukan nito nang bigla na lamang itong patakbong lumabas doon. Halos ay nabangga siya nito sa pasilyo sa pagmamadali. She looked kind of shaken. Bigla itong napayapos sa baywang niya nang mahigpit na mahigpit at impit na nanangis. Kinabahan si Czarina. Hindi naman kasi iyakin ang anak niya. Pasulyap-sulyap pa ito kay Rorik na parang something bothered her so much.
Yumuko nang bahagya si Czarina sa harapan ni Rory at hinawakan ang magkabila nitong pisngi.
"What's wrong?" tanong niya sa bata.
Hindi ito sumagot. Bagkus, tuluy-tuloy na tumulo ang mga luha nito sa pisngi.
"Umuwi na tayo, Mama, please." At yumakap uli ito sa kanya.
Napalingon si Czarina kay Rorik at nakita niyang nakatalikod na ito sa kanila ni Rory. Nakaalis na rin doon si Perla. Silang tatlo na lang ang nasa pasilyo sa harap ng pintuan na pinasukan ng anak. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng bata. May kutob si Czarina na may nakita ito sa loob.
Gusto niya sanang pasukin din ang silid, pero gumalaw na si Rorik at ni-lock nito ang pinto.
"Kaninong silid ba iyan?" kaswal niyang tanong dito.
"It's the master's bedroom."
Hindi na nang-usisa pa si Czarina. Nabatid niyang kay Rorik nga iyon. Pero bakit humagulgol si Rory paglabas doon? Gusto niya pa sanang itanong iyon sa lalaki kaso hinihila na siya ng anak palayo roon. Palayo kay Rorik.
Hindi nila natapos ang house tour. Dahil hindi naman nila mapagbibigyan ang hiling ni Rory na bumalik sa apartment nila sa Zapote, kinalamay na lamang niya ang loob nito sa hardin. Ni hindi natuloy ang brunch nila dahil mariing tinanggihan iyon ng bata. Dinamayan niya ito. Sinamahan sa kapapanood sa mga hardinerong nagti-trim ng mga halaman at nagbubungkal ng lupa para taniman ng panibago. Nakahimlay si Rory sa kanyang braso habang nakataas ang isa nitong paa at nakapatong sa makintab na wooden bench paharap sa mga tanim.
"Bakit ka umiyak na lang bigla? What did you see in the master's bedroom?"
Hindi sumagot si Rory. Hinagkan ito ni Czarina sa pisngi. Tila naalimpungatan ang bata.
"Ha? Mama?"
Hindi nga nito narinig ang tanong niya. Hindi na niya inusisa pa ito dahil tila wala itong balak magkwento. Aalamin niya mamaya kay Perla kung ano ang nasa master's bedroom na maaaring naging dahilan ng pagtangis ng kanyang anak.
**********
Malungkot na hinipo-hipo ni Rorik ang mga malalaking picture frame ni Rory na nakasabit sa dingding na nasa itaas ng headboard ng kama. Kuha iyon nang kompletuhin nito ang hat-trick sa exhibition game nila with the third graders. Paborito niyang kuha iyon ng bata. Makikita kasi ang intensity ng emosyon nito habang sumisipa sa bola.
Tinitigan din niya nang matagal ang iba pang nakakalat sa buong silid niya. May kuha siya roon sa bata habang malungkot itong nakaupo sa visitor's chair ng principal. Nakatungo ito at mukhang nag-aalala sa kahihinatnan ng bullying case against the senator's granddaughter. Mayroon ding kuha sa pagpasok nito sa conference room kung saan ginanap ang 'hearing' ng school tungkol sa diumano'y pagmamalupit nito sa apo ng senador.
Creepy ba ang dating ng pagkuha niya ng photos nang walang pahintulot? Iyon ang bumabagabag sa isipan ni Rorik. Bakit ganoon na lang kasi ang reaksyon ng bata? Wala siyang ibang dahilan sa pagkuha ng mga iyon at pagpapa-frame. Gusto niya lamang maramdaman ang presence nito sa kanyang silid. Kahit sa pamamagitan lamang ng mga naglalakihang portrait na ito ay maramdaman niya ang existence ng bata na maaring anak din niya. Alam niya kasing marami pa siyang bigas na kakainin para mapaamo ito. Mukha kasing galit ito sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Napaupo sa kama si Rorik na tila hapung-hapo. Tinitigan niya uli ang mga naglalakihang portraits ng bata na nakakalat sa dingding ng kanyang silid at napayuko siya sabay himlay ng mukha sa mga palad. He was sad dahil sa naisip na solusyon para mapanatag ang kalooban nito sa mansion niya.
"What did I do, Lord? It seemed like I have hurt her badly with my gesture," naibulalas niya tuloy.
Tumayo siya at umikot pa nang isang beses sa kuwarto habang matamang pinagmamasdan ang mga larawan ng anak ni Czarina. Right there and then, he decided to have them taken down that day kung iyon ang magpapanatag sa bata na manatili sa kanyang mansion.
Nang mapadako siya sa digital picture frame nila ni Czarina nang sila'y mga bata pa na nakapatong sa kanyang bedside table, natigilan din siya. Matagal niya iyong tinitigan at kahit ilang beses na niyang nakita ang lahat ng nailagay niyang larawan doon, name-mesmerize pa rin siya sa sayang dulot ng mga kuha nila noon ni Czarina. Most of the pictures were taken in the beach where they used to hang out at saka sa tabi ng ilog na malapit sa eskwelahan. Walang larawan doon na hindi sila nakabungisngis.
Iyon kaya ang nakita ng bata at ikinalungkot nito? Imposible! Who would feel bad about those pictures? Positive vibe lagi ang dulot no'n sa kanya. Hindi maaaring mapukaw ang lungkot o galit ninuman just by looking at their old happy pictures.
The child may have thought that I'm a pervert. Baka iyon ang iniyakan niya. Baka hindi nito nagustuhan ang mga larawan nito na kinuha ko nang walang pahintulot.
Natigil sa pagmumuni-muni si Rorik nang may marinig na sunud-sunod na katok sa pintuan. Sinilip niya ito sa peephole at nang makita na si Perla lamang iyon, pinagbuksan niya ang katulong.
"Noy, nandito na po si Lando. May iuutos daw po kayo sa kanya?"
"Oo. Paki-assist siya, Perla." At minanduan niya ang dalawa na tanggalin na lahat ng portraits doon ng bata. "When you're done, please put them in my study. H'wag ikabit. Ilagay lang doon sa gilid."
"Sayang naman ng mga ito, Noy. Gandang-ganda ako rito kay Rory, eh."
"Wait---Rory? Not Kraix?"
"Opo, Noy. Rory." At ngumiti ito. Nagkomento pang kapangalan niya raw ang bata.
Na-overwhelm si Rorik sa narinig. Rory din ang pangalan ng bata at hindi lang Kraix! Ang ibig sabihin no'n, pinangalanan ito ni Czarina ng Rory Kraix! Iyon ang pinangarap nilang ipapangalan sa batang babae sakaling magkaanak sila someday!
Hindi pa man lumalabas ang resulta ng isa pang DNA na pinagawa niya nito lang, nag-uumapaw na sa excitement ang puso niya. Siguradong-sigurado na siyang kanya nga ang bata at nagkaroon lang ng pagkakamali sa mga naunang paternity tests.
Kung dati'y medyo may agam-agam pa siya na baka coincidence lang ang lahat at baka pinaglalaruan lang siya ng tadhana, ngayo'y hindi na. Totoo ngang sa kanya minana ng bata ang galing nito sa football! Hindi lamang iyon coincidental circumstances lamang! At ang gaan ng loob na nararamdaman niya rito ay hindi lamang dahil anak ito ng babaeng pinaka-espesyal sa puso niya. Talagang mayroon siyang lukso ng dugo na naramdaman!
Noong ipinapakabit niya ang mga larawan ng bata sa dingding ng master's bedroom, ina-assume na niyang anak niya ito. Ngunit dahil na rin sa hindi consistent na impormasyong nakuha sa mga pinsan at ibang kababayan sa Bataan, nagkaroon siya ng pagdududa. Gayunman, niyayakap niya't tinatratong anak pa rin ang bata. Naisip niya noong mga panahong iyon, kahit hindi man kanya ito, the fact that she's Czarina's child, she deserved to have her pictures in large picture frames that adorned his room. Reminder na minsa'y mayroon siyang espesyal na kaugnayan sa ina nito. At ngayong alam niyang totoo lahat ng nararamdaman niya para rito, parang nanalo siya sa jackpot. Mahirap isalarawan ang saya na kanyang nadarama.
"Bakit parang hindi n'yo alam, Noy? Akala ko naipakilala na sa inyo ni Czarina ang bata."
Hindi niya ito sinagot. "Ikaw na ang bahala rito, Perla. Pakitago lang muna ang mga portraits. Pupuntahan ko lang sila sa labas."
**********
"Rory, anak, bakit bigla ka na lang naiyak kanina?" tanong ni Czarina sa bata dahil mukhang kalmado na ito at mukhang tanggap na ang pananatili nila sa mansion na iyon pansamantala.
Natigil si Rory sa paglipat-lipat ng channel ng telebisyon at tumabi ito sa kanya sa malaking kama. Nasa guest room na sila ng mansion nang mga oras na iyon.
"Mama---b-bakit kayo n-naghiwalay noong architect na iyon noon?"
Nagulat si Czarina sa tanong nito. Pinanlamigan pa. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkawindang kanina nang tapatin siya ni Rory na alam na nitong buhay ang totoong ama at iyon nga'y si Rorik kaya medyo nangangapa pa siya ng isasagot dito. Kung aamin kasi siya'y lalabas ang totoong nagsinungaling siya rito noon. Nasabi na kasi niyang Hapon ang ama nito at matagal nang patay.
She has been dreading this day to come. Ayaw niyang mapingasan ang tingin ng anak sa kanya. Rory has always idolized her. Baka kung alam nitong nagsinungaling siya noon ay mapipingasan ang pagtingin nito sa kanya.
"Mahabang kuwento, anak."
"I am willing to listen to a long story, Mama."
Pinangilirian ng luha si Czarina. Naghalu-halo na ang kaba at pag-aalala niya sa maaaring reaksyon ng anak sa kanyang kasinungalingan.
"And I---I have forgiven you already for lying to me." At ito naman ang pinangiliran ng luha.
Pagkarinig doon, tumulo na nang tuluyan ang pinipigilang luha ni Czarina at nayakap niya nang mahigpit ang anak.
"Your lolo did not like your father for me, anak. He wanted me to break up with him but I just could not do it, so he did what strict fathers usually do. Hinanapan niya ako ng tingin niya karapat-dapat na lalaki para sa akin, pero hindi rin natuloy ang kasal namin ng lalaking iyon. Ang problema, itong ama mo, he thought I married that guy, so he left our town for good. But before he did, he told everyone he hates me and that he would never ever come seeking for me and that ---"
...I may rot in hell for all he care!
Hindi na tinuloy ni Czarina ang iba pang sinabi ni Rorik noon na parang punyal na humiwa sa kanyang puso. Baka lalong sumama ang tingin ni Rory sa ama. Sapat nang malaman nito ang totoo na ito nga ang kanyang biological father at hindi ang Hapon na nasa maliit na ID picture na baun-baon nito sa kanyang pitaka.
"Is that why he left you, Mama?"
Napatitig si Czarina sa mga mata ng bata. Naisip niya, how could this kid be that smart? Parang hindi nine years old ang kausap niya.
"It was M-Mama who left him," pag-amin niya. Nahihiya. Medyo pumiyok pa ang kanyang tinig. At nag-alala na naman siya sa magiging reaksyon ni Rory. Siya naman kasi ang unang nang-iwan sa dating nobyo. But that was because she wanted to protect him from her father's wrath. Alam niya kasing hindi empty threat ang sinabi ng ama na sa susunod na makita nito ang kanyang nobyo ay hindi na ito magdadalawang isip na tadtarin ito ng bala.
Pinangunutan ng noo si Rory. Tila naguluhan na sa kuwento niya.
"Before I agreed to marry the guy your lolo had chosen for me, I already broke up with your dad. I wanted to protect him from your lolo's anger. You see, your grandfather threatened to kill your father if we continue on seeing each other."
Napasinghap si Rory at malungkot na napatingin sa kawalan.
"But then again, if he loved you, he would have fought for you, Mama. I hate him! He's a coward!"
Nagulat si Czarina sa reaksyon nito. Ang akala niya kasi'y sa kanya magagalit ang bata. Mabilis niyang binalikan sa isipan ang mga sinabi rito at napakagat siya ng mga kuko sa daliri nang maalalang kinuwento niya pa ang mga sinabi ni Rorik sa mga tao sa kanila na he hates her. Hindi na niya dapat binulgar iyon. Sising-sisi siya tuloy.
"Anak, don't say that. You do not know how cruel your lolo can be if he was mad. He was serious about his threat to your father. Your lolo could have killed him if he insisted on seeing me even after he was warned by your lolo's bodyguards."
Umiling-iling si Rory. Nakatiim-bagang pa ito.
Hinila ito ni Czarina at hinagkan sa ulo. Naisip din niyang marahil na-impluwensyahan ang bata ng mga katapangan ng mga characters sa anime na napapanood nito, kung kaya naisip na duwag ang ama dahil hindi hinarap ang hamon ng lolo nito. Pinaliwanag niya rito na iba sa totoong buhay.
"Some of my classmates had grandfathers who disliked either their mommy or their daddy. Their grandfathers also threatened their parents. But their parents did not give up on each other." At lumukot na naman ang mukha ng bata.
Nalungkot si Czarina sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng guilt. Kung mayroon mang unang nag-give up sa kanila ni Rorik, siya iyon. Natakot siya na mapatay ito ng kanyang ama. Masakit man ang mawalay dito, naisip niya noon na mabuti na iyon kaysa sa forever nang lisanin ni Rorik ang mundo. Mas kaya niyang harapin ang buhay kahit wala ito sa tabi niya basta nabubuhay lang ito somewhere kahit pa nga sa piling ng iba. Sinabi niya iyon kay Rory. Tumingin lang ito sa kanya at tumangu-tango. Hindi na nagsalita pa.
Paano ba niya maipapaintindi sa bata na wala itong dapat ikagalit sa ama? Biktima sila pareho ng sosyedad---ng paniniwala na ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para lamang sa kapwa nito mahirap.
Bakit wala man lang bad comment si Rory tungkol sa lolo? Kung tutuusin ilang beses niyang sinabi rito na ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ng ama nito.
Mabilis tuloy niyang binalikan sa isipan kung na-build up niya ang character ng papa niya rito noong ito'y sobrang bata pa. Parang bihira naman niyang nababanggit ang ama o ang mga magulang niya. Kahit nga si Rorik ay hindi niya na-mention. Nito lang dahil umeksena na ito sa buhay nilang mag-ina.
Nagpasya na lang si Czarina na saka na lang ipagpatuloy ang usaping ito. Hahayaan niya munang makapagpahinga ang utak ng anak. They went through a lot today. Marahil ay naii-stress pa ito.
"But then, Mama, he---he seemed to --- love me so much!" At pumiyok ang boses nito.
Napabalik sa kama si Czarina at napatitig sa anak.
"What?" halos ay naisigaw niya sa kabiglaanan.
"I'm beginning to feel s-something f-for the --- architect guy, Mama." At tumulo uli ang mga luha ni Rory. Butil-butil na naman. "And I don't like it!"
Napayakap dito si Czarina at dalawa na sila ang nag-iyakan.
Dahil sa tindi ng emosyon, hindi nila narinig ang katok sa kanilang pintuan. Maging nang pihitin ang seradura nito at silipin sila roon, wala silang naulinigan.
**********
Ang nag-iiyakan na mag-ina ang tumambad kay Rorik nang subukan niyang pihitin ang seradura nang hindi sinagot ang mga katok niya. Kanina pa niya hinahanap ang dalawa. Ang sabi ng hardinero'y kanina pa sila pumasok sa loob ng bahay. Wala sila sa kumedor maging sa kusina kung kaya naisipan niyang baka nagpapahinga na sila sa guest room na itinalaga para sa kanila. Hindi nga siya nagkamali.
Parang hiniwa ang puso niya sa nakita. They seemed to be in so much pain. Na-guilty tuloy siya sa ginawa sa mga ito. Does his presence in the house make them feel that way? He was kind of hurt. But then, when he looked back to what had transpired that day, they were always crying. Hindi ba nakatulong ang paglipat niya sa mga ito sa kanyang bahay pansamantala? Ganoon ba ka tindi ang inis nila sa kanya na hindi nila kayang manatili sa kanyang mansion?
"Noy, may tawag ka."
Napapiksi siya nang bahagya nang marinig si Perla. He also felt kind of uncomfortable dahil nakita siya nitong tila naninilip sa kanyang mag-ina.
"Sino iyan?" tanong niya bago tanggapin ang portable phone.
"Si Mr. Rivera, Noy. Tungkol daw sa binabalak n'yong renovation sa mansion nila Czarina."
"Akin na." At naglakad siya papunta sa kanyang silid na nasa dulo ng pasilyong iyon.
Gabi na nang lumabas ng kuwarto ang kanyang mag-ina. Kasama nila si Perla na nagtungo sa kusina. Dahil mayroong CCTV ang buong kabahayan, pwera sa mga kuwarto sa second floor, nakita ni Rorik na mukhang nagutom ang dalawa kung kaya nagpahain ng dinner sa katulong. Iyon pa lang ang una nilang kain sa pamamahay niya. And it was already ten o'clock at night.
Tinext niya si Perla na iwan ang mga ito sa kusina. Bumaba siya at pinuntahan ang dalawa. Nagulat ang mga ito nang makita siyang kunwari'y kumukuha ng tubig sa ref. Natigil sa pagnguya ang bata. Pagkakita rito, may kung ano siyang naramdaman. May bumara nga sa kanyang lalamunan dahil tila nalagay niya sa alanganin ang anak. He smiled at her and gently patted her shoulder. Hindi naman nag-react ang ina nito maging ang bata mismo.
Paglingon ni Rorik kay Czarina, nakita niyang pinamumulahan ito ng pisngi. No'n niya lang na-realize na sa sobra niyang excitement na maabutan sa kusina ang kanyang mag-ina ay hindi na siya nakapagbihis nang disente.
Inayos niya ang pagkakabuhol ng bathrobe sa harapan. Na-expose pala ang kanyang dibdib kanina. Wala namang dapat ikabahala si Czarina. Nakasuot naman siya ng puting boxer shorts underneath the silky robe. Matanggal man ang buhol ng suot, may natitira pa naman siyang kasuotan sa loob no'n. Sinupil niya ang ngiti sa labi sa reaksyon ng dating nobya.
"May tsokolate sa ref. Help yourself, guys."
From the corner of his eyes, he saw his child's eyes lit up, pero kung gaano iyon kabilis kuminang pagkarinig sa tsokolate, ganoon din kabilis naging expressionless. Kunwari'y hindi ito interesado.
Nagsalin siya ng tubig sa baso at pagkainom no'n ay bumalik na siya sa sariling silid. Pinatay niya ang monitor ng CCTV sa kuwarto para hindi siya matuksong silipin kung ano ang pinagagawa ng kanyang mag-ina. He slept peacefully knowing na kumain na rin ang mga ito sa wakas. Saka na lang niya haharapin ang resentment ng anak sa kanya. Tomorrow will take care of itself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top