CHAPTER TWENTY-FOUR
A/N: Malapit na lang ang hinihintay ninyong kaganapan. Stay tuned...
**********
Naka-sunglasses si Rorik pagbaba nito ng hagdan. Mukhang mainit ang ulo. Gayunman, hindi ito nakabawas sa gandang lalaki ng kumag, naisip ni Czarina. Bagkus, nakadagdag pa sa hotness ng mokong ang pinakita nitong aloofness.
Tumabi muna saglit si Czarina at hinintay na makababa nang tuluyan si Rorik bago siya umakyat. Nagsisintir pa rin ba ito kay KD-11? Hindi naman siya nagpakita sa atleta. Saka iba na ngayon ang nali-link sa footballer. Ano pa ba ang kailangan nitong pruweba na hindi siya nakikipaglandian dito? O baka iniisip pa rin nito ang phone call noong isang araw? Dapat wala na itong pakialam doon. Why is it even an issue with him? Matagal na silang wala. Mahigit isang dekada na!
"Good morning, Perla. Ano'ng nangyari sa bosing mo at mukhang sambakol ang mukha?"
Galing si Perla sa master's bedroom. May bitbit itong traveling bag at parang nagmamadali.
"May bad news na dumating kaninang umaga. Hindi ko alam kung ano kaya hayun galit na galit si Nonoy. Nasuntok nga ang dingding."
Bad news. Napaisip si Czarina. Tungkol kaya sa mga construction projects ng kompanya nila? Pero lately, very positive ang narinig niyang balita tungkol sa mga pinaggagawa nitong buildings. Na-feature pa ang condo nito sa Tondo at Q.C. sa GMA News Live as one of the most environment-friendly buildings of the 21st century. Idagdag pa ang pagkakasali sa RL Fajardo Company sa Forbes list of Top 20 Filipino companies.
"Malamang hindi tungkol sa work?"
Umiling agad si Perla. "Hindi nagsisintir si Nonoy kapag problema sa trabaho. Ang alam ko nagsimula iyon pagkatanggap niya ng tawag kaninang umaga. Kausap niya ang pinsan niyang si Erik tapos ang Tiya Minda niya."
Kilala ni Czarina si Erik. Minsan niya na itong nakadaupang palad. Iyon ay nang palihim niyang puntahan sa bahay ng mga ito si Rorik nang makagat ito ng pitbull nila. Ang alam niya, close ang dating nobyo sa pinsan, maging sa nanay nitong si Tiya Minda. Na-meet niya rin ang tiyahin nito noon, pero wala siyang gaanong naalala rito bukod sa parang mataray. Tinarayan kasi siya nang bisitahin niya ri Rorik.
"Baka tungkol sa mana?"
"Sus! Ano naman ang mamanahin ni Nonoy sa pamilya o kamag-anak niya?" Napabungisngis pa si Perla na para bagang sobrang nakakatawa ang sinabi niya.
No'n naalala ni Czarina ang tungkol sa proposed renovation ng mansion nila. Wala na siyang naging balita roon matapos niyang pinigilan ang bangko. Ang huli niyang nakuhang impormasyon sa mga ito, napawalang-bisa ang kondisyon na hiningi ng kanyang mga magulang dahil hindi lang iisang taon silang hindi nakapagbayad sa utang kundi halos pitong taon. Simula nga nang malaman niyang wala na siyang habol doon, pilit na lang niyang isinantabi iyon.
"Perla, ano ba!"
Bumalik si Rorik at sinigawan si Perla from the foot of the stairs. Nataranta ang katulong. Napakislot ito sabay takbo pababa ng hagdan. Hindi na ito nakapagpaalam pa kay Czarina.
Na-guilty si Czarina dahil siya ang dahilan kung baki naantala ang babae. Dapat kasi'y bababa na ito nang harangan niya at usisain. Nakita nga ni Rorik na kausap niya si Perla at pinaningkitan siya nito ng mga mata. Tinanggal nito saglit ang sunglasses just to glare at her. At napansin ni Czarina na mugto ang mga mata nito. Halatang umiyak nang matagal. Lalo siya tuloy naintriga.
Binasted kaya ito ng maganda nitong iskolar? Ang labong mangyari no'n. That girl is so into him. Halos iyong babaeng iyon na nga ang gumagawa ng paraan na magkita sila, eh.
Kung hindi lovelife at hindi rin trabaho, ano naman kaya?
**********
"O, 'insan napasugod ka rito?" salubong sa kanya ni Erik. Tila naistorbo niya ito sa pananghalian. Ngumunguya pa habang nagbubukas ng bakal nilang gate. "Ipasok mo na ang kotse mo."
Pagkababa niya sa sasakyan, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Tinanong niya agad ito.
"Ang sabi mo noon sa akin pagkatapos naming maghiwalay ni Czarina, wala na itong naging nobyo rito sa atin? At hindi rin natuloy ang kasal nila ng anak ni Mayor?"
"Oo, iyon nga. Iyan ba ang isinugod mo rito ngayon? 'Insan naman, tumawag na ako kanina sa iyo. Dapat tinodo mo na ang tanong. Pwede naman nating pag-usapan ito sa telepono."
Umiling siya. Naiinis. Paano nangyari iyon?
"Sigurado ka ba riyan, 'insan? Walang naging karelasyon si Czarina matapos kaming maghiwalay?"
"'Insan naman, ang kulit mo! Wala nga! Kung taga-rito sa atin, wala. Baka noong pumunta siya ng Japan? Baka nagkaroon siya ng boyfriend na Hapon."
Umiling siya. "Na-confirm na sa akin ng dalawa kong detectives. Saglit lang si Czarina sa Japan dahil buntis na nang pumunta roon. Wala itong naka-relasyon doon. Pinagmalasakitan lang siya ng may-ari ng club na nag-hire sana sa kanya para maging entertainer. Iyon ang naghatid sa kanya sa Pilipinas. Pero buntis na siya no'n."
"Pasok ka muna sa loob. Kahirap namang dito tayo sa labas nag-uusap."
Sumunod siya sa pinsan. Mayamaya pa'y lumabas din sa sala mula sa kumedor ang Tiya Minda niya. Nagalak ito nang husto nang makita siya. Hinawakan pa siya sa magkabilang pisngi.
"Kamukhang-kamukha mo talaga ang Tatay mo, anak. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." At napakurus pa ito.
Sinikap ni Rorik na maging magiliw sa tiyahin kahit na parang pinupunit ang kanyang kalooban sa mga nadiskubre niya lately tungkol sa pagkatao ng anak ni Czarina. Tiniis din niya ang malansang amoy ng kamay ng tiyahin. Tila hindi ito nakapaghugas nang maigi. Isda siguro ang kanilang ulam.
"Ma, nagkanobyo ba si Czarina pagka-break nila ni Rorik?"
"Ha?" Nagpalipat-lipat ang tingin ng Tiya Minda niya sa kanila ng anak nito. "Aba'y wala akong nabalitaan. Bakit Rorik, anak? Hanggang ngayon ba'y sinasaktan pa rin niya ang iyong kalooban?" Sumeryoso na ang mukha ng kanyang tiyahin.
"Na-curious lang po, Tiya."
Sinenyasan niya ang pinsan na sundan siya nito sa kusina. Nahihiya siyang mang-usisa pa rito tungkol kay Czarina dahil nakikinig ang Tiya Minda niya na simula't sapol ay ayaw sa dating nobya. Hindi raw kasi makabubuti sa kanya ang pakikipagrelasyon sa babaeng mas mataas ang estado sa lipunan. Magsasayang lang daw siya ng panahon dito.
"Iyong anak ni Czarina, 'insan. Iyong sinasabi mo sa aking baka anak ng Hapon ay maaaring akin. Kung pagbabasehan ko ang mga nakalipas na taon simula nang huli kaming magkita ng nanay niya, tumutugma sa reports ng detectives ko ang lahat. Bale, nasa first trimester ng pagbubuntis si Czarina nang lisanin niya ang lugar natin."
Pinangunutan ng noo si Erik. "Hindi ba't natanong ko na ang anak ng sekretarya ng clinic? Positive, 'insan. Nakita ko ro'n sa secret record nila na nagpa-admit doon ang dati mong nobya. Palagay ko'y nagpa-abort nga siya at itong anak niya ngayon ay totoong anak na ng iba."
Umiling siya. "Ang labong maging anak ng Hapon, 'insan. Hindi tumutugma sa edad ng bata. Kasi if that's the case, ibig sabihin premature siyang pinanganak, gano'n? Wala namang ganoong nabanggit si Czarina."
"Malay mo, di ba?"
"Nakita ko na ang birth certificate ng bata, 'insan. Pinakisuyo ko sa principal noong isang araw. Lumabas na kasi ang pangalawang DNA test result namin."
"O, iyon naman pala, eh! Dapat na-klaro na sa iyo ang katotohanan! Ano pa ang pinarito mo kung gano'n? May resulta na pala, eh."
"I failed the paternity test again." May bumara sa lalamunan ni Rorik. Ang luhang kanyang pinipigilan kanina pa ay bigla na lang tumulo.
Mukhang hindi naman nagulat ang pinsan niya. Inakbayan siya nito at pinisil sa balikat.
**********
Nalilito si Czarina. Nagsusumamo sa kanya ang dating kaibigan na bumalik na siya sa dating trabaho para siguradong patuloy itong susuportahan ng dating nobyo at nang hindi ito mawalan ng trabaho, pero a part of her says she has no future in the company. Saka ayaw na niyang makatrabaho pa ang Tres Marias na kung umasta'y akala mo kung sinong magagaling. Buti nga kung tuluyan nang tumiklop ang dailies at bi-weekly paper nila. They all deserved it lalung-lalo na si Ed Santos at Wynona. But then, inuukilkil siya ng guilt. Maraming naging mabait sa kanya roon na madadamay. Isa na nga roon ang kaibigan niyang si Emily.
Nagsalin pa siya ng red wine sa baso. Inisang tungga niya lang iyon. Napa-ah pa siya nang ibaba ang baso sa mesa. She felt good now. Magsasalin pa sana siyang muli nang bigla niyang naibaba sa counter ang bote ng vino dahil may biglang dumating. Gano'n na lamang ang pangamba niya nang makitang si Rorik iyon. Nakabalik na pala itong Manila. Ang akala niya'y magtatagal ito sa kung saan man ito tumungo kaninang umaga kung kaya nakialam siya sa wines nito sa mini-bar.
"I'm sorry kung napakialaman ko ang red wine mo. Papalitan ko na lang."
Itinayo siya nito bigla. Naamoy ni Czarina ang matapang na alcohol sa hininga nito.
"Who did you sleep with after breaking up with me? Did you sleep with the mayor's son?"
"What?! What are you talking about?"
Gulat na gulat siya sa mga tanong nito.
"H'wag ka nang magkaila. You slept with the mayor's son!" Dumagundong ang tinig nito. Galit na galit ito. But at the same time, parang sobrang naghihirap ang kalooban. Na-shock na lang si Czarina nang biglang tumulo ang mga luha nito.
"Wala kaming naging relasyon ni Enrico. Never naging kami."
"You don't need to have a relationship with a guy in order to sleep with him."
Nagpanting ang tainga ni Czarina sa kung ano ang ibig nitong sabihin. "Kung ibang babae, oo! But not me! I have to be in a relationship before I sleep with a guy."
"Stop pretending to be a decent woman, Czarina! Bistado ka na!"
"Why the heck does this matter to you now? Matagal na tayong wala! Kung ano man ang nangyari matapos tayong maghiwalay, wala ka na roon! It's none of your fvcking business!"
"Mayroon akong pakialam! You named your daughter Rory Kraix! That is the name we wanted for our first-born baby girl! You named her Rory Kraix for cyring out loud! And so I thought she was my daughter, too!"
Natigilan si Czarina dahil tila siguradong-sigurado si Rorik na hindi nito anak ang kanyang anak. Ang buong akala pa naman niya'y alam na nito ang katotohanan dahil sa mga nasabi nilang dalawa ng kanyang anak dito noong nakaraan. Hindi man hantaran nilang inamin, pero halata sa kilos nila't pananalita nang usisain nito kung anak nga ba nito si Rory. Bakit ngayo'y nagtatanong na naman? Ganito ba ito ka-dense? Dapat alam na nito!
Nagtalo ang isipan ni Czarina kung aaminin na niya nang harapan na ito nga ang ama ni Rory kaso nga lang, kung aamin siya'y baka i-assert nito ang karapatan bilang tatay at mag-insist ng co-parenting. Iba naman kasi kung sa kanya mismo manggaling ang pag-amin kaysa i-assume lang nito. Kung aamin kasi siya'y wala na siyang lusot. Maaari nitong gamitin iyon para maigiit ang karapatan kay Rory, samantalang kapag she'll just let him assume the truth maaari pa rin niyang i-deny ang katotohanan at sabihan itong asyumero lang ito.
Nangangamba rin siyang makuha nito nang buong-buo ang kalooban ni Rory sa kadahilanang kaya nitong ibigay sa bata ang lahat ng pangangailangan nito. Wala pa nga'y pinangangalandakan na ito ni Rory sa mga kaklase kung hindi siya nakikinig. Konting sundot na lang at bibigay na ang kanyang anak, that's for sure, lalung-lalo na kung magpursige si Rorik na kunin ang loob ng bata. Sa isang banda naman ay nagi-guilty siya na ipagkait dito ang karapatan.
Rory was able to put two and two together at alam na nito ang totoo. Hindi pa lang niya nako-confirm dito nang tahasan, pero iyon na ang pinapaniwalaan ng bata. Na totoo naman. Sa tingin nga rin niya, lalo na these past few days, ganoon na rin ang paniniwala ni Rorik. Napansin niyang masyado itong mabait sa kanyang anak. Bukod doon, lagi pa itong pinagtatanggol sa bagsik ni Senator Lee. Kaya bakit ang weird ng sinasabi ngayon ni Rorik?
I thought she was my daughter, too! Thought! T-h-o-u-g-h-t, thought! Nakakinsulto naman yata na pagdudahan pa ito ng hinayupak. Ito lang ang naging boyfriend niya ever!
"I hate to admit it but---y-yeah. Rory is your---daughter, too!"
Ang dami-dami niyang naisip na pag-aalinlangan pero nauwi rin sa pag-amin.
"Liar! She's not! I failed the paternity test again! Dumating na kanina ang pangalawang DNA na pinagawa ko dahil akala ko nagkamali lang iyong unang ginawa sa amin. I am NOT Rory's father!" At binitawan na siya nito at napaluhod na lang ito bigla sa sahig. He was crying.
Napanganga si Czarina. Paanong nangyari iyon? Kung nag-negative ang DNA test result kay Rorik, ibig bang sabihin ay may baby switching na nangyari sa ospital? Iyon lang ang maaaring rason kung bakit nag-fail ang paternity test ng dating nobyo.
Nanikip ang dibdib ni Czarina. Pinanlamigan din siya. Paano nga kung may baby switching? Gosh, hindi niya iyon matatanggap! Napamahal na nang husto sa kanya si Rory!
Dahan-dahan siyang napaluhod din. Umiiyak na rin siya ngayon.
"Rory is YOUR daughter, Rorik. Wala na akong naging karelasyong iba simula nang magkahiwalay tayo. Buntis na ako nang pumunta akong Osaka kung kaya pinauwi rin ako agad ng may-ari ng club. Walang nangyari sa pagpunta ko roon dahil nagsuka lang ako nang nagsuka. Hindi ko rin kayang ipalaglag na lang ang bata kung kaya minabuti ko na lamang umuwi rito sa atin sa Pilipinas."
"Ang ibig mong sabihin nagkamali ang laboratory? C'mon, Czarina! Mas kapani-paniwala pa sila kaysa sa iyo! Ilang beses mo ba akong pinangakuang sisiputin sa napagkasunduan nating lugar noon? Hindi na mabilang! Pinaghihintay mo lamang ako sa wala! Tapos nabalitaan ko na lang na ikakasal ka na pala sa anak ni Mayor!"
Napayuko si Czarina. Paano niya ba ipapaintindi rito na hindi siya makaalis-alis noon dahil sa dami ng kanyang bantay? Ang pinakahuli nga niyang pagtakas ay muntik na siyang mabaril ng sariling ama. Nagmakaawa lang ang mama niya kung kaya hindi siya nito tinuluyan. Mas mabuti pa raw kasi na mawalan ng anak ang papa niya kaysa magkaroon ng manugang na kargador lamang sa palengke. Gayunman, hindi sana siya titigil sa pagtangkang tumakas sa kanila kung hindi nagbanta ang ama na ipapatay ang dating nobyo.
"Kung nag-negative ang tests sa iyo, baka---" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil may bumara sa kanyang lalamunan.
Natigil muna sa kakasigaw sa kanya si Rorik. Bigla itong parang may naisip. Magkapareho kaya sila ng nasa isipan nang mga oras na iyon?
"I gave birth at Las Pinas Doctors Hospital. Rory was born on February 16, 2001, just a few days later than my due date," sabi pa niya sa mahinang tinig. "Nang dinala ng mga nurses sa akin si Rory, naramdaman ko naman agad na akin siya at naalala kita sa kanya. She has your complexion and your eyes. But then---posible ring nakikita ko lamang iyon dahil---. Maaaring naging negligent ang mga nurses at ---"
"...nagkaroon ng baby switching?" dugtong ni Rorik sa mahinang tinig. Parang no'n lang din naisipan na posible ang ganoong pangyayari.
"No! Not my Rory!"
Napahagulgol si Czarina. Hindi niya kayang isipin iyon.
Tila umurong naman ang mga luha ni Rorik. Natigil ito sa pag-iyak. Matagal itong hindi nakapagsalita. Parang napapaisip.
"There's one way to confirm that. Magpapa-DNA din kayong dalawa," sabi nito kapagkuwan.
Napanganga si Czarina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top