CHAPTER TWENTY-EIGHT

Saved by the bell, 'ika nga. Hindi natuloy ang pagtatalo nila ni Rorik dahil biglang dumating ang may-ari ng Philippine National Reports at hinanap agad nito ang kanyang dating nobyo upang pasalamatan sa generous support nito sa kanilang pahayagan. Tuluyan nang nailayo ito sa kanya nang magsimula ang maikling programa. Pinagkaguluhan na kasi ito ng mga guests kabilang na ang mga local celebrities na dumalo sa pagtitipon.

Mga gold digger!

Mula kasi nang ipakilala ng emcee ng programa na isa sa mga batang bilyonaryo ng Pilipinas si Rorik, hindi na ito tinantanan ng mga kababaihan at mga bading na bisita. Hindi rin naging immune sa charisma nito ang mga bisitang artista, matanda man o bata.

"I think I need to go ahead of you, guys," pamamaalam niya sa kanilang editor-in-chief at sa news editor nang makasalubong ang mga ito on her way out of the restroom. "Wala kasing kasama sa apartment namin ang anak ko at kalilipat lang po namin."

"It's all right, Czarina. Ingat ka," anang news editor.

"Teka. Hindi pa kita naipapakilala kay Mr. Bernardo, ang may-ari ng newspaper natin," sagot naman ng editor-in-chief. Hindi na ito tumuloy sa pagpunta sa CR. Sinabayan siya nito papunta sa gitna ng silid kung saan ang mesang kinauupuan ng may-ari.

Gusto sanang magprotesta rito ni Czarina dahil ayaw na niyang makaharap pa ang dating nobyo. Alam niya kasing magka-table lang ang dalawa. Ganoon na lamang ang paghinga niya nang maluwag nang makitang nakikipag-selfie si Rorik kasama ang mga bago nitong fans. Walang kasama si Mr. Bernardo sa mesa kundi ang maybahay nito't isa pang businessman na nagpalathala rin ng patalastas sa kanilang pahayagan.

"Oh, you're Ms. Garza! It's nice to meet you at last. Thank you for improving the content of our paper. I heard good reviews about your articles."

Nakipagkamay din sa kanya ang maybahay nito sabay pahayag na kasama raw ito sa mga tagahanga niya. "Keep good articles coming," dugtong pa ng babae.

By the time na natapos na sa pakikipagkamay at kuhanan ng larawan si Rorik kasama ang mga bagong tagahanga, nasa exit door na si Czarina. Bago pa siya malingunan ng dating nobyo dali-dali na siyang naglakad patungo sa naghihintay na taxi.

Hindi pa siya nakalalayo nang tuluyan, nag-ring ang phone niya. Hindi niya ito sinagot nang mapag-alaman na galing kay Rorik. Mayamaya pa'y nakatanggap siya ng text message mula rito. Hinahanap siya nito. Hindi na niya ito sinagot pa.

**********

Aminado si Rorik na he was beaming with pride nang marinig ang papuri na binigay ng may-ari sa bagong lay-out ng Philippine National Reports. Nagustuhan din daw nito ang mga bagong artikulo na isinulat ni Czarina.

Nabasa rin niya ang recent copies ng naturang pahayagan at sumasang-ayon siya sa komento ng may-ari. Napansin din niyang nag-level up ang writing style ng dating nobya. Nanghinayang nga siya't hindi na ito parte ng Philippine News Inc. Nag-backfire ang ginawa niyang paninikis dito. Gusto lamang sana niya itong inisin dahil sa ginagawa nitong pakikipagmabutihan sa Australian footballer kaso hindi lumaban si Czarina sa paraang inaasahan niya.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. He meant to talk to Czarina about their daughter, Rory. Nasaan na kaya iyon? Hindi na siya nakatiis. Tinanong niya ang editor-in-chief.

"We have been raving about your new assistant editor-in-chief but where is she now?" kunwari'y interesado lamang siya rito professionally. "Since Mr. Bernardo here is so fond of her work, I am wondering if she can write something for us---for my company. I have been thinking about relaunching our website and I am looking for a freelance writer to write about our projects."

Namilog ang mga mata ng editor-in-chief pagkarinig sa huli niyang sinabi.

"Indeed, our Czarina can do that for you, Architect Rojas. She has a knack for writing great stories," sang-ayon ng babae pero hindi sinagot ang mahalaga niyang tanong. Dinugtong lang naman niya ang tungkol sa paghahanap ng writer para sa website nila para magmukhang business-related ang paghahanap niya sa dating nobya. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi muna ito hinintay na sumagot doon sa unang tanong niya.

Ilang minuto pa'y na-bore na siya sa mga kausap. Gusto na niyang sumibat dahil nabatid niyang wala na roon si Czarina. Tinext niya ang sekretaryo sa Sucat branch ng kanyang opisina na kung maaari ay tawagan siya nito, or better yet ipasundo siya sa pagtitipon para kunwari'y may importante siyang lakad na kailangang puntahan.

Mayamaya nga'y dumating ang driver con bodyguard niya na kanina lamang ay pinagpahinga na sana niya dahil he was expecting to be having dinner with his ex.

"Ser---kala ko po---," kakamot-kamot sa ulong bungad ni Miguel nang makaharap na siya.

"Ihatid mo na ako sa bahay at h'wag mo akong kausapin. Mainit ang ulo ko!"

Paanong hindi iinit ang ulo niya? Nakailang texts na siya kay Czarina ni wala siyang natanggap na sagot. Tinawagan pa niya ito, pero dinedma lang ang kanyang tawag.

He thought about their interactions a few weeks ago. Naging unreasoanable siya't isip bata noong connected pa ito sa Philippine News Inc. pero naging mabait naman siya sa mag-ina nang pansamantala silang tumira sa kanya sa mansion niya sa Ayala Alabang. Bakit ni hindi man lang nito isina-alang-alang ang mga nagawa rin niya para sa kanilang mag-ina?

No'n niya naalala ang anak. Bakit ganoon na lang ang galit nito sa kanya? Sinisiraan ba siya ni Czarina rito? Ano kaya ang pinagsasabi nito sa bata? Hindi aakto ng ganoon ang bulinggit na iyon kung walang nasabing masama ang ina tungkol sa kanya. Nalungkot siya lalo nang mapagtantong baka nga wala nang ginawa ang dating nobya kundi'y siraan siya sa kanilang anak.

**********

Aatras na sana si Czarina nang makitang bisita ni Dr. Jalandoni si Rorik subalit huli na para roon. Nakita na siya ng dalawa.

"Come in, Mrs. Garza."

Medyo nailang si Czarina sa salitang, 'Mrs.' Napakurap-kurap nga rin si Rorik nang marinig iyon kung kaya lalong nag-init ang mukha niya dahil doon.

"Umm---sige po, Doc. Later na lang tayo mag-usap. Mukhang you are busy pa po," sabi niya rito. At binalingan din ang dating nobyo at binati ito ng malabnaw na, "Good morning, Architect."

Tumango lang din ito sa kanya sabay dukot sa cell phone sa bulsa ng business suit jacket. Mayamaya pa'y nag-vibrate ang phone ni Czarina na nasa loob ng kanyang mini-shoulder bag. Napasulyap siya tuloy sa dating nobyo. Ito na naman ba ang nag-text? Hindi niya iyon tiningnan. Kunwari'y wala siyang narinig.

From the corner of her eye, tila hinuhuli ni Rorik ang kanyang atensyon. Parang may gustong sabihin sa kanya. She knew he wanted her to check her phone, pero lalo lamang niyang dinedma ito.

"Sit down, Mrs. Garza." At minuwestra ng principal ang visitor's chair kaharap ng kay Rorik.

Dahil mahahaba ang mga hita nila pareho, nagkiskis ang kanilang mga tuhod. As soon as she felt her ex's knees touching hers, nakaramdam siya agad ng tila boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng init. She felt her cheeks burned. Lalong hindi niya tuloy masalubong ang mga tingin nito. Nakadagdag sa kanyang ill at ease ang paggalaw-galaw ng tuhod nito. Tila sinasadyang ikiskis lalo ang tuhod sa exposed niyang balat. Nakasuot kasi siya ng pencil-cut black skirt at tumaas nang ilang pulgada ang hemline pagkaupo niya.

"The reason why I asked you to come today is because I have some good news for you. You will surely love it!" nakangiting pahayag ni Dr, Jalandoni sa kanya. Oblivious ito sa tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Rorik.

Good news. Pero bakit medyo naalalarma siya? Napasulyap siya tuloy kay Rorik and she regretted it. Nakatitig pala nang matiim sa kanya ang dating nobyo.

Ang kumag at tila nae-enjoy ang pagiging uncomfortable niya! Kaunting-kaunti na lang ang pasensya niya rito. Kiskis kasi nang kiskis sa tuhod niya ang damuho!

"Kraix's tuition fees are all covered until she graduates in this school! Isn't that great? And not only that. She will also receive a full college scholarship once she enters university."

Napamulagat si Czarina. Binalingan niya uli ang dating nobyo. No'n lang binanggit ng punong-guro ang lalaki.

"Thanks to Architect Rojas. He was very generous to offer your daughter a full-time scholarship."

Napakuyom ang mga palad ni Czarina na nasa kanyang kandungan. She controlled her feelings. Hindi pwedeng magkalat siya sa harapan ng punong-guro.

"Ang OA naman na hanggang college na agad, Dr. Jalandoni." She tried to make her voice sound emotionless. Hindi pwedeng mapansin nito ang tunay niyang damdamin tungkol doon.

Tumawa nang bahagya ang punong-guro. Maging ito ma'y nagulat din daw, pero hindi naman daw nakakapagtaka ang generosity ni Architect Rojas dahil kilala ang foundation ng kompanya nito sa pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral lalung-lalo na sa kolehiyo.

"Rory deserves it," mahinang sabat ni Rorik.

"Rory?" ani Dr. Jalandoni. For one brief moment, tila nawala ito sa paksa. Nang ma-realize na si Kraix Garza pa rin ang pinag-uusapan ay napa-ah ito. "I am used to calling her Kraix kasi. Tatlo kasi ang Rory sa campus na ito," paliwanag nito.

Iyon din ang laging tawag niya sa anak sa school dahil bukod sa marami itong kapangalan doon, in a way ay inihanda rin niya ang sarili sa panahong makadaupang-palad ang dating nobyo. Pero hindi na ito importante ngayon dahil nga naamin na niya rito na ito lamang ang posibleng maging ama ng kanyang anak.

Kung dati'y handa na sana siyang makipagkasundo rito sa usapin tungkol kay Rory, ngayo'y may pag-aalinlangan na naman siya. Umiba ang tingin niya sa dating nobyo matapos siyang tawagan ng Hazel na iyon, ang latest fling nito. O baka nga seryosong girlfriend na ngayon. Whatever the status of that woman in his life is, wala na siyang pakialam. Ang gusto lamang niya ngayon ay malayo sila ng anak sa lalaki nang hindi na niya harapin pa ang kung sinong babaeng pakikipagmabutihan nito.

"Oo nga naman, Mrs. Garza. Your daughter deserves it. Aba, ipinanalo nito ang team ng school noong nakaraang laban nila against the Bedan Lioness."

Nginitian niya ito nang tipid saka bahagyang tinulak ng tuhod ang tuhod ng nobyo dahil sa walang humpay nitong paggalaw-galaw. Nagulat ito sa ginawa niya. Nang makabawi ay ngumiti pa ang loko. Inirapan niya ito.

Natigil ang usapan nila nang lumapit ang sekretarya ng principal at ibulong dito na may urgent na kaganapan sa indoor football field. Kailangan daw nitong puntahan iyon agad.

Nang marinig ni Czarina na sangkot ang anak niya, nauna pa siya sa principal na tumakbo papunta sa kinaroroonan ng diumano'y away ng mga estudyante. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa anak na sinasakyan ni Daiyu Lee habang hinahawakan ang ulo nito't tila idinidiin sa sahig ng football field. May humahawak sa magkabilang paa't kamay ni Rory para hindi ito makapanlaban.

Kaagad na hinawakan ni Czarina sa kili-kili si Daiyu Lee at inalis ito sa anak saka hinampas niya ang mga kamay ng batang may hawak ng mga paa't kamay nito. Naitayo na niya ang anak nang makalapit ang principal, dating nobyo, coaches, at mga guro ng paaralan. Ayon sa mga ka-team ni Rory, tinakot sila ng grupo ni Daiyu Lee na ipapa-expel sa lolo nito sa oras na tumulong sila kaya itinawag na lang daw nila sa principal's office ang nangyari.

Nanginginig sa galit si Czarina. Gusto niyang sabunutan ang apo ng senador.

"Ikaw na punyetang bata ka, hindi ka na maawat-awat sa pang-aapi sa anak ko! Bakit ka gigil na gigil kay Rory, bwisit ka?!"

Pinigilan si Czarina ng mga guro. Baka raw kasi makasuhan siya ng child abuse sa pagpatol sa bata.

"Kasuhan na kung kasuhan! Punyeta! Hindi safe ang anak ko rito! Wala man lang nagtanggol sa kanya! Saan ang mga guro? Ang coaches? Bakit hinayaan lamang ang mga batang maglaro rito sa field nang walang adult supervision eh may mga bayolenteng bata kagaya ng malditang batang ito at ng mga kasamahan niyang brat!"

"I will make you sumbong to my lolo!" umiiyak na sabi ni Daiyu Lee at tumakbo palabas ng football field.

"I will tell my mom you frightened and harassed us!" sabi naman ng mga kagrupong bata ni Daiyu.

"Yes! And tell your lolo or your parents that you tried to kill my daughter as well! Wala akong pakialam! Bwisit kayo!"

"Mrs. Garza, calm down," anang punong guro.

Lumapit ang adviser ni Rory na si Mrs. Parica at hinagud-hagod ang kanyang likuran habang niyayakap niya ang humahagulgol niyang anak.

**********

Ang bilis ng mga pangyayari. One moment, he was flirting with Czarina and the next moment they were running towards the indoor football field. Nagulat siya sa bilis ng dating nobya. Pagdating nila roon ng principal, yakap-yakap na nito si Rory at dinuduru-duro na ang grupong nang-api na naman sa anak nila.

"Where the fvck are the coaches and teachers? Why are the kids left on their own here?"

"S-sir---Architect---sumaglit lang po ako sa CR dahil kanina pa po kami nagpa-praktis dito," anang coach nila Rory. He was a bit shaken. Mukhang natakot ito sa kung paano nag-react si Czarina sa kaguluhan. Narinig pa niya itong nagbulong sa isang kasamahan na dapat daw hindi na umentra ang magulang sa away ng mga bata. Lagot daw sila kay Senator Lee.

"Hayan! Ganyan ang dahilan kung bakit namimihasa na ang malditang batang iyon dahil hinahayaan lamang siya! Just because she's a senator's grandchild pwede na niyang api-apihin ang anak ko! Nakita n'yo ang galos ng bata?"

At binitawan saglit ni Czarina ang pagkakayakap sa anak at hinarap ito sa coach. Na-shock si Rorik nang makita ang puno sa galos na mukha ni Rory. Marami itong kalmot sa pisngi at sa ilalim ng kanyang mga mata. Bukod doon may mga sugat din ito sa paa at braso. Napunit din ang jersey pati na ang shorts nito.

Awtomatikong nanginig siya sa galit. Kung hindi pa sana nakalabas ang mga batang nanakit sa anak niya'y baka napagbuhatan niya ng kamay ang mga ito. Ngayon niya lubos na nauunawaan ang pagwala ng dati niyang nobya. Matindi this time ang mga natamong sugat ni Rory.

"Where the fvck are those kids?!" galit niyang sabi. At nauna na siyang lumabas ng football field. Hinanap niya kung saan pumunta ang grupo ng mga bata. Nakabuntot sa kanya ang natataranta at nagpa-panic na class adviser nila Rory, ang coach, at ang punong guro.

Dr. Jalandoni was trying to pacify him.

"Bata lang po sila, Architect. We have to be diplomatic about this."

Nagpanting ang tainga niya. He stopped walking and angrily faced the principal, the coach, and the class adviser. He was shaking in anger.

"That fvcking brat had a history of bullying my child. You knew that, Dr. Jalandoni. Why was there no adult in the field knowing that the brat and her bratty friends were there as well?" Mahina lamang ang tinig niya subalit punung-puno ng galit.

"Your child?" halos sabay na tanong ng tatlo. Shocked sila.

"Yes! My child! And I will not take this sitting down anymore! I am suing the school and the parents of all those fvcking brats!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top