CHAPTER THIRTY-TWO
Hindi mapakali si Czarina. Umaalingawngaw sa kanyang isipan ang narinig niyang sagot ni Rorik sa telepono. Magkikita na naman sila ng Hazel na iyon. Hindi na maganda ang pakiramdam niya sa babaeng iyon. Alam niya kung bakit panay ang tawag ng bruhang iyon. Determinado ito na mapasakamay si Rorik!
Napakuyom siya ng mga palad. Nanggigil siya sa babae.
Bruha! Malandi! Haliparot!
"Mama, bakit?"
Napakurap-kurap si Czarina at napasulyap kay Rory. Natigil ang anak niya sa kapapanood ng anime sa TV. Naka-pause ang screen habang nakatitig ito sa kanya. Nasa loob sila ng guest room ng bahay ni Rorik sa Kawit.
"Huh?" kunwari ay nalilito niyang tanong.
"You were talking to yourself."
Natigilan siya. Bigla siyang nag-alala. Narinig kaya nito ang mga pinagsasabi niya kay Hazel?
"I was?" pagmamaang-maangan niya.
Hindi na sumagot si Rory. Pinagpatuloy na nito ang panonood sa anime. Si Czarina naman ay natigil na rin sa kabubulung-bulong sa sarili. Pinagpasalamat niyang tumawag si KD kaya may rason siyang tumalikod sa anak para sagutin ang tawag.
Binuksan niya ang sliding door papunta sa terrace. Nakailang segundo lang siya sa pakikipag-usap kay KD nang may mapansin siyang kararating na sasakyan sa harapan ng mansion. Ganoon na lamang ang panggagalaiti niya nang makitang umibis mula rito ang ikinukulo ng dugo.
Nakasuot ng halter top na kulay yellow si Hazel. Maikling denim shorts ang pares nito. Dahil maputi at mahahaba ang binti ng babae, kaaya-aya itong tingnan. Daig pa nito ang isang artista. Marahil naramdaman nito na may nakamasid from somewhere dahil nagpalinga-linga ito at nang lumaon ay napatingala. Nagtama ang kanilang paningin at nakita niya itong napa-smirk at napa-hair flip pa. Ganoon na lamang ang panggagalaiti niya. She knew they were meant for her.
**********
"What the fvck!" galit na naibulalas ni Rorik nang mabalitaang dumeretso sa Kawit si Hazel. Ang usapan nila hihintayin siya nito sa Bataan dahil doon naman talaga ang trabaho nito. She was tasked to do the interior design of the Garza's mansion.
"So, ano, boss? Pipik-apin ko siya sa Kawit?" tanong ng driver niyang si Miguel.
"How the fvck did she get there? Who drove her there in the first place?"
"Sabi nila Mando, boss, may naghatid daw sa kanya ro'n."
"Who? Pasabi kay Mando to fire that bastard!"
Tumalikod si Miguel at tinawagan si Mando. Mayamaya ay bumalik ito sa kanya at sinabihan siyang hindi raw nila kilala ang naghatid kay Hazel sa Kawit.
Natigilan si Rorik at napaisip kung sino ang nagpahatid kay Hazel sa Kawit. Nobody knows kung saan ang mansion niya sa Cavite. Paano nito nalaman na nandoon siya umuuwi these days?
Biglang kinabahan si Rorik.
"Get that fvcking woman out of my mansion!"
Nagulat din si Miguel sa urgency ng tinig niya. Tumalima rin ito agad.
Imbes na tumuloy sa Bataan napamando si Rorik na bumalik sila sa Cavite. Sinabihan niya ang driver na siya na ang magmaneho sa sasakyan. Nag-atubili sana ang karelyebo ni Miguel subalit napahinuhod din dahil sa bagsik ng tinig niya.
Halos paliparin na ni Rorik ang kanyang sasakyan. Abot-leeg ang kanyang kaba. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan siya para sa kanyang mag-ina.
Pagdating nila sa Kawit, patay na ang ilaw sa loob ng mansion. Sa porch at sa labas ng bahay na lang ang maliwanag. Hindi na niya ipinasok sa garahe ang sasakyan. Iniwan na niya ito sa mga kasamang drivers con bodyguards. Tumakbo na siya agad papasok sa loob ng bahay.
"Czarina! Rory!"
Sinalubong siya ng pupungas-pungas na mayordoma. Tila nagising ito sa kasisigaw niya.
"Bakit, Noy?" tanong nito agad. Bakas sa mukha ng matanda ang pagtataka.
"May dumating ba kaninang bisita rito? Iyong babaeng maganda? Mestisahin?"
Saglit lang na pinangunutan ng noo ang mayordoma na tila nag-iisip at kaagad ding lumiwanag ang mukha nito.
"Ah, si Hazel ba, Noy? Oo. Nandito siya kanina at hinahanap ka. May usapan daw kayong magkikita kanina. Sabi ko nga nagkasalisihan lang kayo."
"Did she see Czarina and Rory? Nakita ba niya ang dalawa?"
"Hindi naman. Saglit lang kasi siya rito. Nang malamang nakaalis ka na'y umalis din agad. Siguro'y pabalik na rin iyon sa Bataan. Bakit hindi mo na lang tinawagan at nang sabay na lang kayo sanang pumunta roon?"
"That's what I did yesterday. Pero imbes na hintayin ako roon, pumunta pa rito. Who the hell gave this address to her?" Ang huli niyang sinabi ay parang sa sarili na lamang tinanong dahil hindi na niya hinintay pang sumagot ang mayordoma. Dali-dali na lang siyang pumanhik sa itaas para tsekin ang mag-ina niya.
Kumatok siya sa pinto. Naka-lock ito. Tinawag niya si Czarina pero dahil makapal ang pinto at wall to wall ang carpet sa buong kabahayan, alam niyang hindi siya maririnig ng nasa loob. Pumasok na lang siya sa sariling silid at tinawagan ang mga ito gamit ang intercom.
Siguro mga limang minuto siyang tawag nang tawag bago may pumik-ap sa telepono. Boses ng batang babae ang sumagot sa kanya. Tila nagising niya ito. Nang marinig ang tinig niya, bigla itong napasigaw ng, "Papa!" Then, there was silence. Nagulat din siya sa tawag nito sa kanya kaya hindi rin siya agad nakapagsalita. Hindi mailalarawan ang sayang naramdaman niya nang mga oras na iyon. Sasagot na rin sana siya nang bigla itong magsalita. This time her voice was controlled. Wala na ang sigla at kasiyahan sa tinig nito. She was nice and polite, but distant.
"Yes, po. Mama and I are okay. Bakit po?"
"I'm glad, anak."
**********
Nagising si Czarina na tila nagsasalita si Rory. Nang sulyapan niya ito sa tabi, hawak-hawak nito ang awditibo ng intercom. Binababa na nito ang telepono nang makita niya.
"Who was that?" tanong niya sa bata.
"Si Papa---I mean si Architect Rojas."
Nang malaman ni Czarina kung sino ang tumawag, napabangon ito.
"He's back? He's here now?"
Napatikhim-tikhim si Czarina to clear her throat. She wanted to hide her excitement.
"Yes. Nagtanong kung kumusta tayo."
"What did you say?"
"That we are okay."
Napakunot ang noo ni Czarina. Bakit naman mangungumusta agad? Kahapon lang naman ito umalis. Bakit naman hindi sila magiging okay? Ang weird.
"Okay then. Go back to sleep."
Nang maradaman ni Czarina na nakatulog na si Rory, dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng silid. Nagbakasakali siyang makasalubong si Rorik sa ibaba. Nang may marinig na kaluskos sa isang bahagi ng living room, dali-dali siyang pumuntang kusina para may rason siya kung bakit siya bumaba. Nagbukas siya agad ng ref at nagsalin ng fresh milk sa baso nang maradamang may pumasok din doon. Paglingon niya hawak-hawak ang baso isang hindi kilalang babae ang nakaharap niya. Nagulat siya sa presensya nito.
"Magandang umaga, ma'am. Kayo po siguro ang mama ng anak ni Noy Rorik. Kumusta po? Ako po pala si Isabel, ang bago ninyong katulong."
Bagong katulong? Nag-hire pa ng isa pang katulong i Rorik? Aba'y dalawampo na ang stay-in helpers nito na nakatoka sa paglilinis, pagluluto, at pag-aalaga sa mga pananim sa hardin pati na rin sa pagpapakain sa mga aso. Hindi pa kabilang diyan ang mga lalaking katulong na naka-assign naman sa paglilinis ng mga sasakyan at garahe.
Hindi maganda ang pakiramdam nito sa babae, pero sinarili lamang niya iyon.
"It's nice to meet you, Isabel. Ako nga pala si---"
"Ma'am Czarina po." At ngumiti ito sa kanya. "I know po. Nasabi na sa akin ng ibang katulong dito. Kayo po ng anak ninyo ang amo namin kapag wala si Sir Rorik sa bahay."
She felt kind of alarmed, but she tried not to entertain it. Baka masyado lang siyang naging paranoid gawa ng mga pangyayari lately.
"O siya, Isabel, mauuna na ako sa iyo."
"Wala po ba kayong iuutos sa akin, Ma'am Czarina? Gusto n'yo po dadalhan ko ng gatas ang anak ninyo sa inyong silid?"
"No!" tanggi niya agad. Napataas ng kaunti ang kanyang tinig. Napakurap-kurap tuloy ang babae sa gulat. Pinaliwanag niya agad kung bakit ganoon ang reaksyon niya.
"Okay lang po, ma'am. Naiintindihan ko po. Kahit ako man sa sitwasyon ninyo ay tiyak magiging paranoid din. Sige po. Punta na po ako sa silid namin kung wala na po kayong iuutos."
Tumango si Czarina at lumabas na rin ng kusina.
Hindi pa siya nakakapanhik ng hagdanan may narinig na siyang commotion sa labas. May iilang gwardya na halos aligaga sa kahahanap ng kung ano. May hila-hila pang sniffer dogs ang lima sa kanila. Lalo tuloy siyang kinabahan. Napatakbo siya sa ikalawang palapag kung saan ang silid nila ni Rory. May naramdaman kasi siyang panganib para sa anak.
Ganoon na lamang ang gulat at takot niya nang makita sa loob si Isabel. Hawak-hawak nito si Rory. Kinakaladkad ng katulong ang anak niya palabas ng silid. Hinahawakan niya ito sa leeg.
"Isabel! Bitawan mo ang anak ko!"
Ngumisi sa kanya si Isabel. Umiba bigla ang aura nito. Hindi na mukhang mabait ang hitsura. Larawan na ito ngayon ng isang babaeng hoodlum. Isang halang ang kaluluwang hoodlum.
"Mama!" nanginginig ang tinig ni Rory. She looked so scared. Parang hinihiwa naman ang puso ni Czarina sa nakikita niyang helplessness ng anak. Dahil doon napasugod siya kay Isabel. Natigil lamang siya halfway nang tutukan siya nito ng baril.
"Huwag! Don't do anything to my mama. Please, I am begging you!"
"Tumigil ka nga sa kai-Ingles sa aking bata ka! Isa pa at pipilipitin ko na ang leeg mo!"
No'n nagdatingan sa paanan ng hagdan ang kung ilang gwardya ng mansion pati na si Rorik. Nang makita ng huli ang ginagawa ng babae kay Rory, napasigaw ito. Minanduan nito si Isabel na bitawan si Rory. At no'n lang napagtanto ni Czarina na hindi ito isang hired helper lamang. Somebody sent her to them. Kung sino ito'y wala siyang kaide-ideya pa. Naisip niya agad ang senador at ang congressman na ama ni Daiyu Lee, pero a huge part of her says there is someone more powerful than them who's determined to harm Rorik and whoever is attached to him.
"Hurt my daughter and you die!" banta ni Rorik kay Isabel.
Humalakhak si Isabel. "Ang tapang mo pala," sarkastiko nitong sabi at ngumisi.
Tumakbo palapit sa dalawa si Rorik. Katulad ni Czarina ay natigil din ito halfway dahil nagpaputok ang babae. Sapol ang isang sniffer dog ng isa sa mga gwardya na nasa hindi kalayuan. Grabeng atungal ang narinig sa buong kabahayan. Napasigaw sina Rory at Czarina sa gulat at takot.
Strange. Ang ingay na sa corridor sa second floor pero ni wala kahit isang katulong na lumabas ng quarters nila para alamin kung ano ang nangyayari sa itaas ng bahay. Hindi naniniwala si Czarina na hindi sila naririnig ng mga ito. Pinanlamigan siya nang maisip na baka may kasabwat si Isabel sa hanay ng mga kasambahay at baka nga alam nila ang pangyayari pero ayaw makialam dahil gustong maging successful ang operation ng kanilang kagrupo.
"Drop the gun, Isabel. You know you are outnumbered," sabi ni Rorik habang nakataas ang kamay. "Napapaligiran ka ng mga tao ko. You will only suffer if you don't do as I say," dugtong pa ng lalaki sa kalmadong tinig.
Lumakas lalo ang tawa ni Isabel. "Outnumbered? Maybe you're talking about yourself?"
Nagulat si Czarina sa tatas nitong umingles. Kasabay ng pagkaunawa kung ano ang ibig nitong sabihin, napasulyap siya sa mga gwardya na kasama ni Rorik pumanhik. Nakita ni Czarina na tinutukan nila ng baril ang isa nilang kasama habang nakaamba naman ang armas ng iba sa direksyon ni Rorik. Napakurap-kurap ang huli. Marahil sinisiguro nito kung tama ang nakikita nito at hindi ito nagha-hallucinate lamang.
Napanganga si Rorik sa mga kasamahang gwardya, lalo na sa pinuno ng mga ito nang ma-realize na nagtiwala siya sa mga tauhan ng kalaban.
**********
Rorik was shocked to see four of his trusted bodyguards pointing a high-powered gun towards him, his daughter, and his ex-girlfriend. No'n niya na-realize na na-penetrate na pala ng kalaban ang kanyang mga tauhan. At bago pa siya maka-react doon, binaril ng mga ito ang bitbit na sniffer dogs pati na ang nag-iisang gwardya na kaanib ni Rorik. Napasigaw nang matinis ang mag-ina. Si Rorik naman ay parang itinulos sa kinatatayuan.
"I know this is all about me. Whoever your boss is, please tell him to spare my child and her mother. Wala silang kinalaman dito."
Sumeryoso ang mukha ng babaeng may hawak pa rin kay Rory. His little girl is now sweating like crazy. Nanginginig na rin ito sa takot. How he wanted to put his arms around her kung hindi siya hinaharangan ng baril ng mga gwardya.
"Shut the fuck up!" At halos ay ipasok ng isang gwardya ang dulo ng hawak nitong armalite sa bunganga niya. Napaatras siya.
"What do you want?"
"Ang susi?" tanong ng isang gwardya, ang pinuno ng kanyang security.
"Anong susi?" balik-tanong ni Rorik dito. He was a bit confused.
"Susi sa baul na may lamang ginto at pilak na iniwan din sa iyo ni Don Jaime. Nandoon ang lahat ng papeles na nagdedetalye sa kinaroroonan ng perang ninakaw niya sa organisasyon."
"What? Anong baul ang pinagsasabi mo? At anong pera ng organisasyon?"
"Susi nga! 'Tangina! Niloloko mo ba kami?!"
Naramdaman ni Rorik ang tigas ng dulo ng baril sa likuran ng ulo niya't sentido. Napasigaw na naman ang kanyang mag-ina. Pakiramdam niya tutuluyan na siya ng mga gwardya dahil pinaninindigan niyang wala talaga siyang alam sa susi. Sa totoo lang, narinig na niya noon ang tungkol sa susi pero kahit patayin man siya ngayon wala siyang impormasyong maibibigay dahil nga hindi naman kasama iyon sa mga iniwan sa kanya ng yumaong tatay-tatayan.
Nang makita niyang tumango ang head ng security sa dalawang tumututok ng baril sa ulo niya, ipinikit na lamang niya ang mga mata. Kung lalaban siya kasi'y malalagay sa panganib ang buhay ng kanyang mag-ina. Mas mabuting siya na ang magsakripisyo. Isa pa, hindi niya alam kung ilan sa mga tauhan niya ang espiya ng kalaban. Mahirap na.
Umalingawngaw ang isang putok na sinundan ng kung ilan pa. Kasunod n'yon ay ang nakaririnding sigaw nila Czarina at Rory. Pagkadilat nga niya nakita niyang nakahandusay sa sahig ang duguang katawan ng apat na gwardya pati na rin ng babaeng may hawak kanina kay Rory. Nang makitang wala nang may hawak sa kanyang anak, mabilis niya itong nilapitan at niyakap nang mahigpit.
"Are you all right, baby?" masuyo niyang tanong.
Hagulgol ang sagot ni Rory. Naghi-hysterical ito. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.
"Rory, this is Papa! You are safe now!"
No'n niya nakita si Czarina na nakahandusay din sa sahig. Nabitawan niya si Rory at lumuhod siya agad sa harapan ng walang malay na babae. Ang lakas ng sigaw niya nang maramdaman ang malamig nitong kamay.
"Boss, okay lang kayo?" tanong ni Miguel. May hawak-hawak pa itong high powered gun.
No'n lang naintindihan ni Rorik na sinakluluhan sila ng iba pa niyang mga gwardya sa pamumuno ng driver con bodyguard na si Miguel. Ngayon nga'y isa-isang hinihila ng mga bagong dating ang nakahandusay nilang mga dating kasamahan.
"Tumawag kayo ng ambulansya at mga pulis na rin. Kailangang mai-report natin sa mga awtoridad ang pangyayaring ito," mando pa ni Miguel, pero blurry na iyon sa diwa ni Rorik dahil sa labis-labis na pag-aalala sa dating nobya na hindi man duguan pero wala namang malay.
"Czarina! Cza-cza! Please don't leave me!"
"Buhay siya, boss. Hinimatay lang siguro si Ma'am," ani Miguel habang pinupulsuhan si Czarina.
Napayakap si Rorik sa babae at pinaliguan ito ng halik sa pisngi.
"Please live, babe. Please live. If my presence in your life will put your safety in danger, I will set you free. Kayo ng ating anak." At butil-butil na luha ang umagos sa pisngi ni Rorik. Lalo siyang naluha nang makita nang nakayakap sa ina habang humahagulgol ang kanyang unica hija.
Niyakap niya nang mahigpit ang dalawa habang paulit-ulit niyang sinasambit kung gaano sila kaimportante sa kanyang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top