CHAPTER THIRTY-NINE
May mga naririnig na silang tunog ng barilan sa labas ng mansion. Marahil nagmula ang iba sa isang high-powered gun dahil ramdam nilang mag-ina ang tila pagyanig ng sahig sa panic room. Napahawak sila sa kamay ng isa't isa. Sa takot ay napasok sila sa gitna ng dalawang naglalakihang book shelves na nakatayo sa gilid ng silid. Sa pagmamadali ay may nasagi si Rory doon. Bumagsak sa sahig ang isang tila libro at may lumabas roong naninilaw na white envelope. Dinampot iyon ng kanyang anak.
"Para sa pinakamamahal kong Rosalinda," sambit ni Rory habang nakatunghay sa sobre. "Sino si Rosalinda, Mama?"
"Rosalinda? Akin na nga iyan."
Binigay naman agad ni Rory ang sobre sa kanya. Nakilala agad ni Czarina ang sulat-kamay ng kanyang ama. Pinangunutan siya ng noo dahil hindi Rosalinda ang tunay na pangalan ng mama niya kundi Clara o kung tawagin ng papa niya ay Clarita.
Nawala sa kaguluhan sa labas ng mansion ang atensyon ni Czarina. Dumagundong ang puso niya sa kaba hindi dahil sa nalalagay na naman sa panganib ang buhay nilang mag-ina kundi sa antisipasyon kung sino ang pinatutungkulan ng kanyang ama sa sulat na iyon. Bagama't hindi maganda ang kanyang pakiramdam sa pangingialam sa sulat ng may sulat, binuksan pa rin niya ang sobre at binasa ang nilalaman niyon.
"Mama, bakit?"
Napanganga siya sa kanyang natuklasan. Ang babaeng sinasambit ng papa niya sa liham ay ang una at tunay na pag-ibig nito diumano. Iyon ay walang iba kundi ang ina ni Rorik!
"My God!"
"Mama, bakit? Namumutla po kayo."
Bumalik sa kanyang alaala ang unang araw nang makilala ng papa niya si Rorik. Nang mapag-alamang pamangkin ito ni Aling Minda na kapatid ng ina ni Rorik, naging magiliw agad ang papa niya sa dating nobyo. Tinrato itong parang tunay na anak. Napa-Dios mio na si Czarina sa puntong ito. Malakas ang kutob niya na kaya ganoon ang reaksyon ng papa niya kay Rorik nang una itong makita ay dahil inakala nitong anak din nito ang lalaki!
"Mama? Why are you crying?" naluluhang tanong ni Rory. Napayakap ito sa kanya. Napayakap na rin nang tila wala sa sarili si Czarina sa anak. Ang kaba niya ay nadagdagan nang ma-realize na baka incestuous baby itong si Rory.
No'n niya naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit ng papa niya nang mapabalitaang nagkakamabutihan sila ni Rorik. They could be siblings for Pete's sake!
**********
Patay na ang tatlong gwardya nang dumating sila Rorik sa harapan ng mansion. Mayroon pang lumalaban kina Hazel at mga tauhan nito pero halatang dehado na sila. Umaatras na kasi ang mga ito palayo sa front porch ng bahay, kung saan sila pumupwesto dapat. Nang mapag-alaman sa mga itong napasok na ng mga tauhan ni Hazel ang loob ng kabahayan niya, nag-panic na si Rorik. Kung hindi siya napigilan ng mga pulis na sumama sa kanya roon ay napasugod sana siya agad-agad.
"My woman and my child are inside our house!" sigaw niya sa mga ito. Ngarag ang kanyang boses sa galit dahil ayaw siyang payagan na lumusob na sa mansion. Wala naman silang ginagawa maliban sa pagmamatyag.
"Yes, sir, we know, pero delikado po. Hintayin muna natin ang reinforcement mula sa karatig-bayan bago tayo sumugod. May mga kasama raw na mercenaries si Ms. Ferreria, sir. Delikado masyado kung padalus-dalos tayo."
Napasipa sa gulong ng pick-up si Rorik. He was helpless. Sising-sisi pa siya kung bakit personal niyang pinuntahan ang pulisya nang ibalita ng mga ito kanina na baka nasa mga kamay nila si Hazel, ang wanted criminal ng Manila. Dapat sana'y inutos niya lamang iyon kay Erik kanina.
Speaking of Erik, where the fvck was he? Puro gwardya ang mga nag-retreat at lumalapit sa kanila. Lalo siyang kinabahan tuloy.
"Sir, architect," anang isa sa mga bodyguards niya. "Nabihag po ng isang tauhan ni Ms. Hazel si Sir Erik. Dinala po siya sa loob para tumulong sa pagtunton kina Ma'am Czarina at Rory."
Binalingan ni Rorik ang hepe ng kapulisan. "Chief, did you hear it? Nasa panganib pati ang pinsan ko! We have to do something now!"
"Relax lang kayo, architect. We have to study our moves or else lahat tayo'y masasawi rito. They are no ordinary mercenaries."
Tinanong ng hepe ang gwardya kung ilang katao ang dala ni Hazel.
"Mga sampo lang siguro, chief, kaso ang lalaki ng mga armas nila. Parang lulusob talaga sa giyera."
"May namatay na ba sa kanila o nasugatan man lang?"
"Si Ms. Hazel po, chief. Nabaril ko po at nasapol ko sa hita at tagiliran. Inalalayan na lamang iyon ng isang kasama kanina. Tapos may napuruhan ding isa si Lando. May sugat na rin ang tatlo pa, pero ang lima ay nakaligtas at ngayo'y gumagalugad sa buong kabahayan."
Binalingan ng hepe si Rorik at tinanong tungkol sa disenyo ng bahay. Matapos masalaysay ng una kung ano ang nasa ground floor, second floor, at third floor mabilis na pinulong ng hepe ang mga tauhan nito.
"There's one more info you need to know, chief. May secret passage papasok sa bahay mula sa hardin ng mga orkidyas na nasa gilid ng mansion. Itulak n'yo lamang ang lumang pintuan, chief. Sa loob ay may isa pa pong pinto. Naka-digital lock po ito at ang password ay 7-8-1-9. Basement ang una ninyong mapapasukan kung doon kayo dadaan. Sa loob ng basement ay mayroon hong mga built-in cabinets na nakapaligid. Nakabaon po ang mga handles ng doors nila kung kaya nagmumukha silang ordinaryong granite walls lamang. Kapag nabuksan po ninyo ang cabinet ay makikita ninyong may tatlong secret doors sa loob. The one closest to the basement door will take you to the dining hall. Ang gitna ay magdadala sa inyo sa living room at ang pinakadulo ay sa harapan ng paanan ng hagdan paakyat sa second floor namin. Ang unang silid na makikita ninyo sa second floor ay ang master's bedroom. Ang kasunod niyon ay ang guest room kung saan natutulog si Czarina. Ang kasunod naman no'n ay silid ng anak kong si Rory."
"Did you get that sarge?" baling ng hepe sa sarhento niya.
"Roger that, chief."
"Paano pala namin mapapalitaw ang cabinet handles nang mabuksan din sila?" tanong pa ng hepe.
"Pagpasok po ninyo sa basement mayroon po kayong makikitang digital lock sa dingding. Number coded pa lamang po ang pagbukas ng cabinets as of now dahil hindi ko pa tapos ang biometric program. Ang passcode po ay ang coordinates ng lugar natin."
"Sarge, did you hear them?"
"Yes, chief. Loud and clear!" At nag-hand salute pa ito.
Isa-isa nang minanduan ng sarhento ang mga kasama niya kung paano nila lulusubin ang mansion. Mayamaya pa nga ay isa-isa nang nagsipuntahan sa gilid ng mansion ang mga pulis. Nagpumilit sanang sumama ni Rorik pero hindi siya pinayagan ng hepe. Nanatili siya twenty meters away from the front lawn kasama ang isa pang pulis at mga duguan niyang gwardya.
Sa kada naririnig na putok ay napapatalon siya sa kaba. Hindi siya mapakali knowing that Czarina and Rory may be trembling in fear right now. Kamakailan lamang sila napasabak sa bakbakan din sa ospital sa kagagawan ni Don Fernando. Katatapos nga lang ng sessions nila sa kanilang counselors nang dahil doon tapos heto na naman.
After thirty minutes of waiting, wala na silang narinig pa mula sa loob. Nag-panic na naman si Rorik at kinulit nang kinulit ang kasamang pulis. Nag-away pa sila dahil ayaw na niyang paawat sana this time. Buti na lang dumating ang reinforcement nila mula sa mga karatig-bayan. Ang mga ito ang pumasok sa loob para tulungan ang mga naunang grupo. Wala pang sampong minuto, lumabas na ang grupo nila Hazel. Inaalalayan ito ng dalawa nitong kasama. Nakataas ang isa nilang kamay habang ang isa nama'y nakahawak sa tila nanlalatang babae. Ang mga pulis namang lumusob ay may inaalalayan din. Tatlo sa mga iyon ay mga kasamahan ni Hazel. Sugatan lahat. May dalawang hinihila ang mga iyon na tila wala nang buhay. Tatlo lamang ang tila hindi nasugatan. Ang mga ito'y nakataas na rin ang kamay at nasa mga kapulisan na rin ang kanilang mga armas.
Pagkakita ni Rorik sa pinsan niyang naliligo sa sariling dugo at inalalayan din ng dalawang pulis, napatakbo siya rito.
"Erik! Erik!"
"'Insan, kayo na ang bahala kay Nanay. Inaantok na ako," sambit nito sa mahinang tinig bago tuluyang nawalan ng malay.
"Erik! Erik! Hoy! H'wag mo akong tulugan! Nasaan sila Czarina at Rory?"
Hinila siya ng isang pulis palayo kay Erik. May mga lumapit sa pinsan niyang nakaputi at nagmadaling ihiga ito sa stretcher. Pati si Hazel at ang mga kasamahan nitong duguan ay inalalayan ding makasakay sa ambulansya. Ang iba sa kanilang hindi malubha ang sugat ay pinosasan at isinakay sa patrol car. Ang dalawang nasawi naman ay isinakay mismo sa dalang sasakyan nila Hazel at pinadala ang mga ito sa morge ng pinakamalapit na ospital para sa isang forensic autopsy. Dalawang pulis ang namahala rito. Ang nasawing pulis ay isinakay naman sa patrol car ng karatig-bayan at mga comrades nito mismo ang maghahatid sa kanila sa morge ng ospital para rin ma-autopsy ang kanilang mga bangkay. Nalungkot nang labis si Rorik habang hinahatid ang mga ito ng tanaw.
Dahil sa dami ng nasugatan at namatay sa hanay ng mga gwardya niya't tauhan ni Hazel pati na rin sa grupo ng mga kapulisan, tila nakalimutan na ng lahat ang kanyang mag-ina.
"Chief, where's my child and her mother?"
Natigilan ang hepe. Tila no'n lang din iyon naalala. He summoned his remaining people there at tinanong din ang mga ito.
"Sir, nahalughog na ho namin ang buong kabahayan at hindi namin nakita ang inyong mag-ina," anang sarhento. "Ako mismo ang sumama sa search and rescue team na nakatoka sa paghahanap sa kanila. Baka po nakatakas sila nang hindi namamalayan ng lahat?"
"That's impossible! I told them to stay in the house."
Tatakbo na sana siya papasok ng mansion nang pinigilan na naman siya ng isang police sargeant. Hindi pa raw kasi tapos ang pag-iinspeksyon sa kabahayan. Baka raw kasi may iniwan na bomba ang mga tauhan ni Hazel kung kaya hinalughog na rin ito ng bomb squad para sigurado.
It took them more than two hours pa bago siya pinayagang makalapit sa mansion. At nang gabing iyon, may limang pulis na nagpaiwan sa kanila. Kasama ang ilang gwardiya na hindi nasugatan, sila ang nagsilbing bantay nila.
Alas siyete na ng gabi pero hindi pa rin nagpaparamdam ang kanyang mag-ina. Kung anu-ano na ang kanyang naiisip. Nahalughog na rin kasi niya ang buong kabahayan pati na ang mga secret rooms doon pero wala ang dalawa. Ire-report na sana niya as missing persons ang mag-ina at ipapahanap na sana niya sa buong Bataan police force nang may marinig siyang kaluskos sa bandang closet ng kuwarto ni Czarina. Ipininid niyang muli ang pinto ng silid at bumalik siya sa loob. Nagkabulagaan silang tatlo.
"Papa!"
"Rorik"
"Rory, Czarina!"
Napasugod siya sa mga ito at napayakap nang mahigpit na mahigpit. Nagkumustahan silang tatlo. They seemed so composed and calm sa kabila ng nangyari sa loob ng mansion. Ang pinagtataka pa ni Rorik paanong hindi niya nakita kanina ang dalawa nang buksan niya ang closet?
"We went to the panic room," paliwanang ni Czarina at itinuro sa kanya ang secret door sa likod ng mga damit sa closet. Pinasilip ng mag-ina ang silid na iyon. Nagulat siya sa nakita sa loob. Paanong nakalampas iyon sa atensyon ng mga karpinterong pinagawa niya sa restoration ng bahay? Tuloy ay hindi siya aware sa existence ng silid na iyon.
"It was so scary, Papa! We can feel the ground moving!"
"I'm very glad that you stayed inside the panic room the whole time. Kung nasa labas lang kayo baka na-kidnap na kayo ng mga goons or worse, baka---" Hindi na niya tinuloy ang gusto sanang sabihin. Nag-alala siyang baka lalong matakot ang kanyang mag-ina.
"That's what we thought, too. In fact, we saw them when they came here. Nasilip namin ni Mama from the closet."
"Bakit pala hindi kayo lumabas agad? Kanina pa tapos ang engkwentro."
"Naisip kasi namin na baka hindi pa nakaalis ang mga masasamang tao. Kaya lang kami lumabas ngayon dahil nang sumilip ako kanina mula sa closet nakita kitang papalabas ng silid. Naisip namin na kung nandito pa ang mga enemies ay hindi ka papasok ng kuwarto."
"Yes, Papa. If they were still here, you wouldn't come near Mama's room for fear of being followed by the goons, right?"
Napanganga si Rorik sa narinig sa kanyang mag-ina. They trust him so much! Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Nahila niya si Czarina at nayakap muli ito. Sinenyasan niya rin ang anak na lumapit at niyakap niya rin ito.
"I love you both! I love you so, so much!"
Naramdaman niya ang paninigas ni Czarina. Tila na-tense ito sa mga sinambit niya. Hindi ba nito nagustuhan iyon? Hindi ba't tila iyon na lang ang kulang sa pinagagawa niya sa kanila? He thought Czarina would be ecstatic upon hearing the magic three words. Bakit mukhang hindi ito natuwa?
"Why?" tanong niya sa babae nang kumalas ito sa kanyang pagkakayakap.
Isang awkward na ngiti ang sinagot sa kanya ng dating nobya.
**********
Tila nagimbal si Rorik matapos basahin ang sulat ni Don Gustavo sa mama nito. No'n lang din nito nalaman na dating kasintahan pala ng ina ang mabagsik na don. Na nagkahiwalay lang ang dalawa nang ipadala ng mga Garza si Don Gustavo sa Madrid nang ito'y magkolehiyo na.
"Nabuntis ng papa mo ang mama ko?" tila sa sarili lang nakikipag-usap ni Rorik. He was so shocked, namumutla pa ito.
Ikinagulat din iyon ni Czarina nang una niyang nabasa ang impormasyong iyon sa sulat, pero naka-recover na siya kahit papaano. Ang pinoproblema na lamang niya ngayon ay ang maaring relasyon nila ni Rorik.
"I now understand why Papa was so against our relationship. Kung bakit tila papatayin ka niya sa pagpigil na magkatuluyan tayo. At kung bakit sa tuwing nandoon na sa akto na kakalabitin na lamang niya ang gatilyo ng baril para mapatay ka niya'y hindi rin niya matuluy-tuloy. He might be thinking na baka anak ka rin niya."
"That's impossible!" Napokpok ni Rorik ang mesa sa kusina kung saan sila naroroon nang gabing iyon. Napatayo agad ito at napalakad-lakad. Maya't maya'y napapasabunot ito sa ulo. "Mahal na mahal ng mga magulang ko ang isa't isa. Katunayan, walang ibang minahal ang aking ama kundi ang mama ko lamang!"
Tumangu-tango si Czarina. "Yes. That's true. Pero hindi mo ba nabasa sa sulat? Inihabilin ng papa ko sa ama mo ang iyong ina. Magkakaibigan silang tatlo. Best friend ni Papa si Mang Rikardo. Ang hindi lang alam noon ni Papa ay ang lihim na pagmamahal ng ama mo sa iyong ina. All along he was expecting his best friend would make sure his girlfriend was taken cared of. Hindi niya inisip na tatraidurin siya ng iyong ama."
Medyo napikon dito si Rorik. Pinamukhaan din siya. "Hindi mo rin ba nabasa sa sulat? Buntis ang mama at nasa Madrid ang papa mo! Ano ang mukhang ihaharap ni Mama sa mga magulang niya at sa mga tao dito sa Dinalupihan? Natural na papasaklolo siya kay Papa!"
"Ba't sa akin ka nagagalit?" Napika na rin si Czarina.
Napabuntong-hininga si Rorik at binagsak na naman ang katawan sa upuan sa harapan ni Czarina. Hindi ito nakaimik. Bumuga ito ng hangin at ginagap ang kamay ng dating nobya na nasa ibabaw ng mesa. Pinisil-pisil nito ang palad ng babae. Binawi naman agad ni Czarina ang kamay at nilagay sa kanyang kandungan.
"I do not know. Hindi ko nararamdaman ang lukso ng dugo sa iyo, Cza-Cza. I do not think we are related. I swear to God, I do not feel anything remotely similar to that feeling. Wala talaga!"
"Hindi tayo nakasisiguro," malungkot na sagot ni Czarina.
"We could get tested through our DNAs," ani Rorik.
Si Czarina na naman ang napabuntong-hininga. Sawang-sawa na siya sa DNA tests na iyan. Ibayong kaba ang binigay niyan sa kanya noong isinagawa ang paternity testing ni Rory. At heto na naman? Pero mukhang iyon na lang ang choice nila para ma-resolve ang kanilang pinoroblema.
"Kung hindi DNA, maaari nating tanungin si Tiya Minda. Pero sa ngayon, malabo tayong masagot no'n. May galit ang Tiya Minda sa akin dahil sa nangyari kay Erik. Kung hindi magigising ang pinsan ko, tiyak na kamumuhian niya ako habang-buhay," malungkot na sabi ni Rorik. Bumagsak na nang tuluyan ang kanyang mga balikat.
Naawa naman si Czarina rito at nag-alala rin siya sa kalagayan ni Erik. Bago niya mamalayan ang sarili, nakalapit na siya sa likuran ni Rorik at nayakap ito from behind. Tumayo ang lalaki at gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Mayamaya pa'y bumaba ang mga labi nito at dumampi sa kanyang batok. No'n napapitlag si Czarina.
"What are you doing?"
"What?" ganting tanong ni Rorik. He seemed disoriented.
"We could be siblings for Pete's sake and you're kissing me like that?" asik ni Czarina dito.
"How many times do I need to tell you? You are not my sister! I do not feel that you are my sister! YOU ARE NOT MY SISTER!"
Tuluyan nang kumalas si Czarina kay Rorik at tinapunan pa ito ng masamang tingin bago walang imik na lumabas ng kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top