CHAPTER THIRTY-FOUR

Nahagip ng tingin ni Czarina ang nakabusangot pa ring mukha ni Rory kahit na matagal nang nakalabas ng kanilang silid ang ama. Para itong istriktang ina kung makatitig sa kanya. Ngayon nga'y nakahalukipkip pa ito habang hinuhuli ang tingin niya.

Hindi napigilan ni Czarina ang pagmutawi ng ngiti sa mga labi. Na-amuse siya sa ekspresyon ng anak at mayroon siyang naramdamang warmth sa pinakita ni Rorik sa kanya.

"What was that, Mama?" Nanlalaki na ang mga mata nito. Para bagang handa nang magbigay sa kanya ng pagkahabang litanya.

"Stop, anak. It's not cute anymore." At tinalikuran niya ito dahil natatawa na naman siya. Alam niya na kapag nakita ni Rory na tila kinikilig pa siya sa nangyari ay mapapagalitan pa siya lalo nito.

Lumapit si Czarina sa kurtina na tumatabing sa floor to ceiling na sliding door. Dinampot niya ang remote control at hinawi ang mga kurtina. Lumabas siya ng veranda at tinanaw ang swimming pool ng mansion. Nakahahalina ang tubig. Parang gusto niyang lumusong doon lalo pa't umaalinsangan na ang klima. Kaso nag-aalala rin siyang magtagal sa labas ng mansion. For all she knows baka ang surveillance camera sa paligid ng bahay ay minomonitor ng isang tauhan na espiya pala ng kalaban. Sa dami ng naipamana ni Don Jaime kay Rorik, hindi malayong mangyari na pag-interesan ang buhay nito at damay silang mag-ina dahil si Rory ang direct heir ni Rorik kung sakali. Saka hindi pa sila nakakasiguro na tumahimik na nga ang mga Lee. Baka kumukuha lang ng buwelo ang mga ito. Hindi siya naniniwala sa sinabi sa telepono ni Don Fernando noong nakaraan nang sabihin nitong duwag si Senator Lee at masyadong mataas ang pangarap para sa sarili at sa congressman niyang anak. Hindi raw susugal ang mga ito na ipakita sa taong-bayan na pinatulan nila ang away ng mga bata. Baka raw mapurnada ang plano nitong pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon. Gayunman, hindi siya naniniwala. A part of her believes, Daiyu is important enough for them to risk everything they have just to get even with her enemy.

"Mama, 'lika!" sigaw ni Rory sa loob.

Pagkalingon ni Czarina, napansin niyang hindi pala niya naisara ang sliding door. Bahagya itong nakabukas, dahilan para marinig niya ang tungayaw ng anak. She seemed excited over something. Ayaw pa sana niyang pumasok sa loob, pero naintriga siya kung tungkol sa ano ang isinisigaw nito.

"Mama, look!"

Nakita ni Czarina sa malaking screen na ini-interview ang senador. Hindi maipinta ang mukha nito. Grabe ang galit ng matanda habang ini-interview ng isang reporter na taga-ABS-CBN.

"I was framed up by some good-for-nothing idiot! Makikita ng hinayupak na iyon! Hindi basta-basta sumusuko si Senator Lee!"

Kinuha ni Czarina ang remote control sa anak at nilakasan ang volume ng TV. Pigil ang hiningang pinakinggan pa niya ang nira-rant ng matanda at napag-alaman niyang na-raid pala ang mansion nito nang umagang iyon at nakitaan ng worth ten million pesos na party drugs at shabu ang basement nito. Ayon sa alegasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na siyang nagmando sa raid, matagal na raw minamanmanan ang mag-amang Lee dahil sa isang reliable source na nag-tip sa kanila tungkol sa pagkakasangkot nito sa illegal drug business. Ngayon nga'y nahulihan na ng ebidensya.

Napakapit sa braso niya si Rory nang makitang hinawakan na ng dalawang pulis ang senador para posasan. May tinatanong ito.

"I said, will Daiyu's grandpa be jailed?"

Napasulyap si Czarina sa anak.

"I hope so, anak."

**********

"Good job, Miguel," nakangiting bati ni Rorik.

Si Miguel ang naging susi sa pagkahuli kay Senator Lee kamakailan. Ito ang nag-tip sa kanya na may involvement ang matanda sa illegal drug business. Ilang beses na raw kasing natiyempuhan ng driver con bodyguard niya na nakipagkita ito sa isang Chinese national na kamakailan ay na-deport dahil sa involvement sa isang kidnapping ng kanilang kababayan. Ang naturang Intsik ay na-extradite na dahil may mas malaking kaso sa kanilang bayan.

Hindi sana mangingialam doon si Rorik kung hindi siya hinahamon ng matanda. Makailang beses na ring nagpakitang-gilas ito dahil lamang sa away-bata ng apo nitong si Daiyu. Nagbanta pa sa kanyang sasaktan ang kanyang mag-ina dahil sa pagkaka-expel ng apo sa St. Mary's Academy.

Kung tutuusin, si Don Fernando naman sana ang may kagagawan ng expulsion. Ito mismo ang nanggipit sa eskwelahan na patawan na ng parusa ang bata dahil sa pang-aapi nito sa mga kaklaseng hindi umaabot sa pamantayan nito. Ang rason ng don ayaw nitong pamaresan ng ibang bata at mga magulang nila ang pang-aabusong ginagawa ng paslit. Ang kaso, dahil nga si Rory ang huling nakaaway ni Daiyu, si Rorik ang sinisi ng senador. Si Rorik din kasi ang naringgan nito na nagbabala na gagawin ang lahat mapaalis sa eskwelahan ang mapang-abuso nitong apo.

"Sayang nga, bosing. May naka-tip kay Congressman agad. Sana silang mag-ama ang pagpipiyestahan ng mga bilanggo sa Munti." At tumawa ito.

Totoo nga ang sinabi nito. By the time na i-raid din ang bahay ni Congressman Lee, nalinis na nila ang pinagtataguan ng ebidensya. Hinalughog ang buong mansion nito sa Katarungan Village pero wala nang nakuhang pruweba sa involvement nito sa drugs ang mga tauhan ng PDEA.

"The son is smarter than his father."

"O, paano, bosing?" At kumindat-kindat ito sa kanya.

Alam na niya ang tinutukoy ng driver. Binuksan niya ang drawer at inabot dito ang isang brown envelope na may lamang isang daang libo. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa isang bungkos na pera. Hinagkan-hagkan pa nito ang mga iyon saka parang bata na sumuntok sa ere. Napangiti lamang siya rito.

Years ago, it was him doing that nang binigyan siya ni Don Jaime ng ganoon ka laking halaga para simulan ang hardware business niya. Makaraan lamang ang ilang buwan ay nakapagpatayo siya ng tatlo pang branches, hanggang sa tuluyang mapalago niya ang negosyo. Sa ngayon ay mayroon na siayng higit-kumulang dalawang daang branches nationwide.

Nalungkot siya nang maalala niya ang matanda. Bukod sa pangungulila niya rito, naaalala rin niya ang naging buhay nito noon. Ang pinakatumatak sa kanyang kuwento nito ay ang naging resentment nito sa mga kaanak. Dahil wala itong anak at ang tanging pinakamalapit na kamag-anak ay ang pinsan sa ina, ang huli raw ang ginawa nitong sole heir nang pinagawa ang last will and testament. Nang malaman daw ito ng pinsan, nagprisinta itong maging alalay ng don. Dahil malapit na kamag-anak, pinagkatiwalaan ito ng matanda. Subalit ang huli mismo ang nakadiskubre ng binabalak ng pinsang pagpatay sa kanya. Dahil doon nagkalabuan sila pati na ng mga magulang ng lalaki na buhay pa nang mga panahong iyon.

"Bosing, tenk yu beri mucho!" pakwelang pahayag ni Miguel. He stood at attention at pabiro pang nag-hand salute sa kanya.

"Lumayas ka na rito dahil baka magbago pa ang isipan ko't bawiin iyan!" kunwari'y asik niya rito.

Tumatawang tumakbo palabas ng kanyang opisina ang lalaki.

**********

"Wow, Mama!" sigaw ni Rory nang makita siyang lumabas ng dressing room sa poolside. Naka-puting two-piece bikini na lang kasi siya with a halter top nang samahan itong lumusong sa tubig.

"Maganda pa rin ba ang mama?" nakangiti niyang biro rito.

"Hindi lang maganda! Super ganda at sexy!"

Yumakap si Rory sa kanya at pinupog siya ng halik bago nag-dive sa tubig. Nagtalsikan ang tubig sa mukha at ulo ni Czarina matapos gawin iyon ng anak. Napatili siya.

Nagsabuyan sila ng tubig ni Rory habang tumatawa. Ganoon sila nadatnan ni Rorik. Na-conscious siya agad nang makita itong fully-dressed – isang kulay kremang business suit with a dark blue tie and golden brown shoes, na sa tingin niya ay pinasadya pa ng lalaki sa isang mamahaling fashion brand sa Italya para sa sarili. Naka-sunglasses si Rorik kung kaya lalo siyang na-conscious. Pakiramdam niya kasi ay binibistahan siyang mabuti nito underneath those dark glasses.

"I hate to cut your fun time together but we need to go."

"Huh?" gulat na gulat niyang sagot dito.

"Aalis na naman kami ni Mama? Saan na naman tayo pupunta?" May disappointment sa tinig ni Rory. Parang ayaw pa nitong umalis sa tubig. Kung sa bagay, kalulusong lang din kasi nilang mag-ina roon. Ngayon pa nga lang nila nagagamit ang pool dahil noong mga nakaraang araw ay takot silang lumabas ng mansion.

Umupo si Rorik sa isa sa mga sunbathing beds doon at nakangiting hinarap si Rory. Itinaas nito ang sunglasses at pinatong sa ulo bago sinagot ang anak.

"All right, I will let you have fun in the pool for a few minutes, young lady. I'll be here waiting for you." At humilata na nga ito sa sunbathing bed na kaharap ng bahagi ng pool kung saan nagtatampisaw ang mag-ina. Nang makita ni Czarina na prente nang nahiga roon si Rorik, dali-dali niyang hinablot si Rory para iahon sa pool. Naudlot tuloy ang pag-yehey ng bata.

"Mama, he said we can linger for quite a bit."

"'Lika na. Saka na lang tayo maligo uli. It sounds urgent," anas ni Czarina sa anak.

Rory pouted as she scowled at her.

"Okay lang, Cza-Czarina. It's all right. I can wait pa naman."

"No! I mean, sayang ang oras mo."

Muntik nang mag-slide ni Czarina sa gilid nang pool nang umaahon siya dahil sa pagmamadali. Mabilis namang nakalapit sa kanya si Rorik at bago pa siya totally ma-off balance ay nakakapit na ito sa kanyang baywang. As soon as he grabbed her waist, pinamulahan ng mukha si Czarina. Awtomatiko ring dumagundong ang puso niya nang malanghap ang after shave cologne nito. Pakiramdam pa niya, saglit na tumigil sa pag-inog ang mundo.

Nang sulyapan niya si Rorik, kitang-kita niyang titig na titig ito sa kanyang mukha. She saw his eyes darkened with desire. Bigla siyang na-conscious sa suot kung kaya naitulak niya ito. Bago siya makahakbang palayo sa lalaki, tumilamsik ang tubig sa kanilang likuran at nabasa ang mamahaling suit ni Rorik lalo na ang kanyang sapatos.

"What the hell---," naibulalas nito.

Napalingon din si Czarina at nahuli pa niya ang pilya niyang anak na sumusuntok nang malakas sa tubig para gumawa ito ng malaking splash. Nasapol din siya sa mga binti pero okay lang din sa kanya dahil basa na siya, pero si Rorik ang kawawa. Kung kanina'y impeccably dressed ito ngayo'y tila isang basang sisiw habang nagpapahid ng mukha, braso, at pantalon na ngayo'y basang-basa na.

Samantala, maingat na umahon naman si Rory at nagkunwaring walang kinalaman sa pangyayari. She looked at Rorik and smiled secretly pero nang mapatingin dito ang ama ay dali-dali nang bumuntot sa ina.

"See you later, Architect!" magiliw pa nitong sabi habang umii-skip papunta sa shower room. Inunahan na nito si Czarina na lumi-lingon-lingon pa sa basang-basa na lalaki.

"Rory, what was that for?" sita ni Czarina sa anak nang madatnan na ito sa shower room.

Napatingin sa kanya si Rory na kunwari'y nalilito. Natigil ito sa pagsa-shampoo ng buhok.

"Yes, Mama?"

"Sabi ko, ano iyong ginawa mo sa iyong ama?"

"Huh? Ang alin?"

Sinimangutan ito ni Czarina, but she was not angry. In fact, she was not even irritated. Na-amuse siya sa ginawa ng anak at sa pagmamaang-maangan niya ngayon.

**********

Lumakas ang kalabog sa dibdib ni Rorik nang finally ay huminto ang sinasakyan nila ni Czarina at Rory sa harapan ng mansion ng mga Garza. Pigil-hiningang nilingon niya ang mag-ina na nakaupo sa kanyang likuran lamang.

"We are here," sabi niya sa mga ito.

Unang nagising sa pagkakaidlip si Rory at habang kusut-kusot ang mga mata'y napatingin ito sa labas ng bintana. She looked puzzled. Siguro nagtataka ito kung nasaan na sila.

Hindi na hinintay ni Rorik na magising si Czarina. Nauna na siyang bumaba at binuksan niya nang maluwang ang pinto ng limo. Dilat na dilat na ang dating nobya nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Nakanganga ito nang bahagya habang nakatingala sa kanilang lumang mansion na ngayo'y mukhang hindi man lang nagbago. Sulit nga ang ginastos niya sa pag-restore ng mansion sa paraan ng pagtingin dito ngayon ni Czarina. The look of disbelief on her face is all worth every peso he spent in the restoration. Siniguro niya kasing magmukha itong katulad ng dati---the way he remembered it. Pati ang mga punong nakatanim sa front yard nito ay binuhay din niya kesehodang bumili siya ng katulad ng mga iyon sa Mindanao at i-uproot para itanim sa harapan ng mansion ng mga Garza. Ang mansion kasi ang simbolo ng masaya na malungkot niyang kabataan. Malaking bahagi rin iyon ng kamusmusan at kabataan ng babaeng naging malaking bahagi ng kanyang buhay.

"Why are we here, Mama?" pabulong na tanong ni Rory sa ina.

Naudlot ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig ang tanong ng anak. Napangiti pa siya rito. Nilapitan niya ang bata at inakbayan. Gumalaw-galaw ang balikat nito kaya inalis niya ang braso roon. Sa halip ay hinawakan niya ang ulo nito at masuyo itong hinagkan.

"Whose mansion is this, Mama?" tanong uli ng bata nang hindi pa rin sumasagot ang ina sa una nitong tanong.

Nang mga sandaling iyon, kausap na ni Rorik ang hardinero at nag-uutos na rito na dalhan sila ng fresh flowers from the garden. Dalawang bungkos ng red at pink roses ang sinabi niya ritong pitasin. Ang mga pulang rosas ay para kay Czarina at ang kulay pink naman ay para sa pilya niyang anak na sa tuwing nagkakalapit sila ng ina nito ay may ginagawang kung ano para hindi matuluy-tuloy ang halik na nais na naman sana niyang mangyari.

Napangiti si Rorik nang maalala ang ginawa nito sa pool noong isang araw.

"This house is awesome, Mama! Pero mukhang luma ang design. Maganda na parang panget." Napangisi pa ang paslit sa huling sinabi ngunit nawala ang ngiti nito nang makita ang ekspresyon sa mukha ng ina. "I was just kidding, Mama!" nag-aalala nitong banggit. Pinangiliran na kasi ng mga luha si Czarina.

No'n lumapit sa anak si Rorik at masuyo itong inakbayan.

"Whose mansion is this?" ulit niya sa tanong nito kanina.

Awkward na napasulyap sa kanya ang bata saka tumango.

Inabot niya rito ang susi ng bahay. "This is yours, Rory Kraix Garza---," sumulyap si Rorik kay Czarina na nagpapahid na ng luha, "R-Rojas."

Natigil sa pagpapahid ng mga luha si Czarina at napamulagat sa kanya. Masuyo niya itong nginitian bago niya hinuli ang kamay ni Rory at masuyong hinila palapit sa mansion.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top