CHAPTER THIRTY-FIVE
"This is yours, Rory Kraix Garza---Rojas."
Napanganga si Czarina sa narinig. May bumara sa kanyang lalamunan at nagbabadyang uamgos ang kanyang mga luha, ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang mag-emote sa harapan ng dating nobyo.
Napalingon sa kanya si Rory na tila nalilito subalit bumalik din agad ang atensyon nito sa ama. She reluctantly took the keys from Rorik and stared at them. Pinangunutan ito ng noo habang binubusisi ang mga susi na hawak-hawak.
"C'mon. I will show you around." Inakbayan ito ni Rorik at masuyong nilalapit sa mansion. May kung anong kumurot sa puso ni Czarina habang pinagmamasdang magkaakbay ang mag-ama.
Napalingon pa nang isang beses ang anak niya bago tuluyang nagpahila sa ama papalapit sa mansion. Nang nasa bungad na sila ng sementadong hagdan na pabilog tumigil sila pareho. Si Rorik ay lumingon sa kanya at minadali siyang lumapit. No'n lang siya napahakbang palapit sa dating tirahan. Nakatingala siya sa grandiosong porma nito habang naglalakad. Hindi siya makapaniwala na madatnan itong buo at katulad ng kung paano niya ito iniwan isang dekada na ang nakararaan.
Sabay silang tatlo na humakbang paakyat sa hagdan patungo sa front door. Pati iyon ay na-restore sa dating ayos. Namangha na naman si Czarina. Hindi siya makapaniwala dahil naabisuhan na siya ng bangko ilang buwan ang nakararaan na gigibain at gagawing isang hotel resort ang dati nilang mansion. Kaya ano itong gimmick ni Rorik at hindi na itinuloy ang balak?
Kahit na expected na ni Czarina na makita sa dating ayos pati ang loob ng bahay, ikinagulat pa rin niya ang nabungaran. Mula sa antigong sofa, divider o cabinet, at dining table na gawa sa purong Narra, nandoon din ang malalaking vase ng mama niya pati na ang lumang chandellier na nabili pa ng kanyang papa sa Espanya.
"Ba't ka pa bumili niyang chandellier na iyan, Gustavo? Aba'y pagkamahal-mahal niyan!"
Napangiti ang papa niya at niyakap ang kanyang ina mula sa likuran.
"Nakita kong pinakatitigan mo siya noong pumunta tayong Madrid. Alam ko na pinapangarap mo siyang bilhin. Bakit ko pa patatagalin kung kaya ko namang ibigay sa iyo ngayon? You deserved it. Kulang pa iyan sa deserved mong makuha."
Tumulo ang mga luha ng kanyang ina at napayakap agad ito sa papa niya.
Tiningala niya ang grandiosong chandellier na nasa itaas lang ng kanilang dining table. Hindi naman espesyal ang dating sa kanya, pero kung pinangarap iyon ng mama niya, maganda na rin sa kanyang paningin.
"Do you like it? I mean the restoration."
Napakurap-kurap si Czarina at napasulyap sa dating nobyo na ngayo'y nakatitig na sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango.
"Ang akala ko---hindi ba't---ang sabi ng bangko gagawin mo itong h-hotel resort."
Naglakad-lakad sa kabuuan ng dining room si Rorik at iginala ang mga mata sa paligid.
"Yes, I thought about it, pero ---- nais kong makita ni Rory ang kinagisnan mong buhay. I want her to get in touch with her roots as well."
Na-touch si Czarina. May bumara na naman sa kanyang lalamunan.
"Saka, medyo malayo ito sa dinadayo ng mga turista dito sa atin. It wouldn't be a good investment. Malaki ang gagastusin sa pagpapa-renovate nito para gawing hotel resort pero hindi sulit dahil ano naman ang bibisitahin dito?"
Umurong ang mga luha ni Czarina. Akala pa naman niya ginawa nito ang restoration para sa kanilang mag-ina. Hindi naman pala. Napakagat-labi siya.
**********
Hindi maintindihan ni Rorik kung bakit tila alam na alam ng mga iniiwasan niyang tao ang bawat galaw niya. Noong nakaraan, nang magpunta siya sa isa nilang construction site sa Quezon City may naganap na pagsabog sa hindi kalayuan. Na-injure pa ang iilan niyang construction workers na nagpahinga saglit sa kanilang barracks. Noong mga oras na iyon, kaaalis lang niya sa lugar na iyon. Napabalik tuloy siya sa site nang wala sa oras. Hindi lamang iyon. May pinuntahan siyang kliyente sa Pasig noong nakaraang buwan at bago pa niya marating ang restaurant na pagmimitingan sana nila, may pagsabog ding naganap doon. Iilang servers ng naturang kainan ang naospital dahil natalsikan sila ng mga shrapnels ng bomba. Buti na lang wala namang namatay. Sinwerte ang client niya dahil nahuli ng dating. Ganoon din siya. Kung siguro'y pareho silang on time sa venue, siguro'y nasapol sila pareho.
"Mag-ingat ka sa tusong senador na iyon, hijo. Hindi porke nakakulong siya ngayon ay ligtas ka na," paalala nga ni Don Fernando minsang nagkita sila sa opisina nito sa Ortigas. He was there to discuss with him kung ano ang nais nitong ipagawa sa resthouse sa Baguio City. Napag-usapan din nila ang mag-amang Lee na tila nawala bigla sa eksena matapos mapakulong ang matanda. Sa ngayon daw ay hinahabol din ng mga katunggali nito sa politika ang senador. Malamang ay sasamantalahin daw ng mga ito ang pagkakulong sa matanda para gawan pa ito ng kung anu-anong kaso nang sa gayon ay hindi na ito makalabas in time for the next national election. Napabalita kasing tatakbo raw sana itong bise o di kaya'y pangulo ng bansa.
Nawala na sa isipan niya si Senator Lee. Katunayan, ni hindi niya ito naisip na siyang may kagagawan ng lahat. Tingin niya kasi'y napakababaw ng maaaring dahilan nito para habulin pa siya. Nabalitaan kasi niyang mabuti na ang lagay ng apo nito sa bagong eskwelahang pinaglipatan. Katunayan, noong isang araw lang ay may nagbalita sa kanyang teacher ng St. Mary's na napili raw itong maging team captain ng girl's football team sa new school. Nanalo pa nga sila sa friendly game laban sa dating paaralan. Nanghinayang nga raw ang ibang guro ng St. Mary's sa bata.
Naisip niya tuloy ang anak. Kung nandoon pa rin nag-aaral si Rory at hindi nila hi-nome school, siguradong ilalampaso ng koponan nito ang koponan ng apo ng senador. Hindi na lang siya nagkomento sa sinabi ng guro sa kanya.
Kung hindi ang senador, mga relatives pa rin kaya ng tatay-tatayan niyang si Don Jaime ang may pakana ng lahat? Pero nakakulong na rin ang kaisa-isa nitong pamangkin at ang adopted daughter nito. Sa lagay nila ngayong walang-wala na, paano sila makapag-utos na gawan siya ng masama mula sa bilibid? Tingin niya unlikely na sila ang mastermind.
Sumagi rin sa kanyang isipan si Congressman Lee. But then again, he has alway been the more practical and logical member of the Lee family. Siguro naman ay hindi nito isusugal ang political career para lamang sa isang away-bata. Just the same, hindi niya lubusang ini-scrap sa isipan ang possibility na baka nga may kinalaman ito sa mga nangyaring pagsabog kamakailan. Isama na roon ang nangyari sa lumang Science Building ng St. Mary's Academy.
Tiningnan ni Rorik ang relos. Halos magtatanghali na. Inutusan niya ang sekretara na umorder na lang ng pagkain sa kalapit na restaurant sa office niya sa Alabang. He couldn't afford to leave his office dahil marami siayng dapat tapusin. Dapat pagka-alas tres ay pabalik na siya ng Bataan.
The moment he remembered his daughter, he smiled. May kung anong excitement siyang naramdaman at the thought of seeing her at the end of the day. Lalo siyang napangiti nang may marinig na munting tinig sa kanyang isipan na nanunukso sa kanya. Anak nga ba niya ang nilo-look forward niyang makita?
"Shut up!" At natawa siya nang mahina.
"Sir?" Si Mrs. Andal. Iginala nito ang tingin sa paligid at pinangunutan ito ng noo. Narinig siguro nito ang naibulalas niya at hinahanap kung sino ang kausap niya. Hindi niya pinansin ang pagtataka nito. Nang makita ang dala-dala nitong pagkain ay minanduan niya itong ilapag na ito sa round table sa visitor's area ng kanyang opisina.
"That is all, Mrs. Andal. You may go now."
"Sige po, sir." Pero napalingon pa ito saglit sa kanya bago walang kibong lumabas ng pinto.
**********
Nagising sa malalakas na katok ng kuwarto niya si Czarina. For a while ay na-disorient siya. Nalito siya kung saan siya naroon kung kaya hindi siya kaagad nakabangon. Inakala niya noong una na hallucination lamang ang narinig na malalakas na katok. Kaya napapiksi siya nang ilang minuto matapos niyang imulat ang mga mata ay may tila bumabayo na naman sa pintuan.
Dali-dali siyang bumaba ng kama niya at tinungo ang pintuan. Habang lumalapit doon ay napasulyap siya sa orasan sa dingding. Alas kuwatro y medya pa lang pala. Inikala niyang umaga na. Nakaidlip pala siya ng mga tatlong oras matapos ng masagana nilang pananghalian ni Rory.
"Czarina!" humahangos na bati ng pinsan ni Rorik. Bigla siyang kinabahan.
"Erik, ikaw pala." Pinipilit lamang niyang maging kalmado.
"Si Rorik! Na-ambush ang sinasakyan niya pabalik ng Bataan! Nag-aagaw-buhay siya sa ospital sa Alabang! Kailangan natin siyang puntahan doon!"
"What?! Paanong na-ambush?! He has bodyguards with him!"
"Saka ko na ipapaliwanag! Let's go!"
Napatingin siya sa suot na denim shorts at puting T-shirt. Gusto pa sana niyang magpalit ng damit, pero ayaw naman niyang masayang pa ang oras. Kailangan niyang marating na ang ospital kung nasaan ang dati niyang nobyo. Abot-langit ang kaba niya. Parang bagyong rumagasa sa kanyang isipan ang mga pagkakataon na nasabi sana niya rito kung gaano niya pinagsisihan ang naganap noon. Ang pag-iwan dito nang walang paliwanag, ang hindi pagsabi rito noon na hindi niya napalaglag ang anak nila, at ang pagtataray dito nang magkita sila makaraan ang kung ilang taong lumipas, at ang katotohanang wala siyang ipinalit dito sa kanyang puso. Noon at ngayon, ito pa rin ang mahal niya. Nagpadala siya sa pride. Kung may mangyari kay Rorik at hindi niya masabi ang lahat ng ito, natitiyak niyang habng-buhay niya itong pagsisihan.
"Saglit lang! Gigisingin ko muna si Rory!"
Tatakbo pa sana siya sa silid ng anak nang biglang bumukas ang pintuan nito na nasa hindi kalayuan lamang. Pupungas-pungas itong lumapit sa kanila.
"Mama, bakit?"
"Iyan na ba si Rory? Aba'y dalagita na, ah!" At nginitian ito ni Erik. Pinangunutan naman ng noo ni Rory si Erik. Madaliang pinakilala ni Czarina ang dalawa at hinablot niya ang kamay ng anak para madaliing bumaba ng bahay.
"Czarina, dito sa rooftop. Maghe-helicopter na tayo ngayon. Wala nang oras."
Helicopter? May helipad na sa mansion nila?
Mayamaya pa nga ay nasa loob na sila ng helicopter na ayon kay Erik ay bihirang nagagamit ni Rorik. Palagi pa rin daw itong nagko-kotse sa tuwing umuuwi sa kanila.
"Nang umalis sa atin noon si 'Insan, isinumpa niya sa kanyang sarili na hindi babalik dito nang isa pa ring hampaslupa. Nagsikap siyang mabuti. Oo't sinuwerte na nakilala niya si Don Jaime, pero alam mo bang papalugi na ang mga negosyo ng matanda nang saluhin ni 'Insan?"
Ano ba'ng pinagsasabi ng lalaking ito? Nag-aagaw-buhay sa Asian Medical Center si Rorik at kung anu-ano ang pinagsasabi nitong pagbibida sa pinsan.
Hindi siya kumibo.
"Ang daming naging syota ni Insan matapos mo siyang iwan, Czarina, pero ni isa sa kanila ay walang sineryoso. Katunayan, ni isa man sa kanila ay wala siyang pinakilala sa amin ni Mama."
Ano naman ang pakialam ko roon?
But then nakapagbigay iyon ng ibayong kaligayahan sa kanya. She tried hard na hindi mapangiti sa sinabi sa kanya ni Erik.
"Gagawin sanang hotel-resort ni Insan ang dati ninyong mansion. Katunayan, nag-usap na sila ng tourism officer dito sa atin. Plantsado na sana ang plano. Siniguro na sana ng munisipyo na dito padadaanin ang mga turista sa tuwing may pupunta ng World War II Museum natin. Bale, kasama sana sa mga itinerary ng mga local and foreign tourists itong gagawing hotel-resort kung natuloy. Kaso matapos kausapin ang bank manager nagbago ang isipan ni Insan."
Bank manager?
Bumalik sa alaala ni Czarina ang huli nilang usapang ng manager ng rural bank. Nagmakaawa siya rito na hindi ipagiba ang dati nilang mansion. Umiyak pa nga siya habang kausap ito sa telepono. Kahit noong sinadya siya nito sa Alabang ay ganoon pa rin ang drama niya. Ngunit sa parehong pagkakataon ay mariin siya nitong tinanggihan. Kaya lang daw ito personal na nakipagkita sa kanya sa Alabang ay dahil may ipapirma sa kanya. Hindi raw kasi niya ito sinipot sa bayan nila.
Matapos ang madrama nilang negosasyon ay pinirmahan din niya ang mga papeles. Iyon na ang pruweba na pumapayag na siyang ipaubaya sa mga ito nang tuluyan ang mansion.
Napalingon si Erik kay Rory na kanina pa walang kibo sa tabi ng ina. Nakatingin ito sa labas ng bintana. Kinumusta ni Erik ang pakiramdam nito. Sa mahinang salita ay sinagot naman ito ni Rory na okay lang siya at h'wag siyang alalahanin.
Mayamaya pa, dahan-dahan nang bumaba ang sinasakyan nilang helicopter at tuluyan nang nag-landing sa rooftop ng isang gusali.
"Nandito na tayo," ani Erik.
Dali-dali silang bumaba ng helicopter at masuyo silang inalalayan ni Erik sa pagsakay sa itim na limo. Pagkapasok nila sa loob ay pinasibad agad ang sasakyan. Nang makita na ni Czarina ang signage ng Asian Medical Center, pinanlamigan siya nang husto. Napahawak siya nang mahigpit sa kamay ng anak dahil pakiramdam niya'y mapupugto ang kanyang hininga.
**********
Naramdaman ni Rorik na may pumasok sa kanyang silid. May tumakbo pa sa gilid ng kanyang kama. He felt her presence right away. Alam na niya kung sino ang kanyang bisita kaso ayaw niyang malaman nito na gising na siya at ligtas na sa panganib. Nag-tulug-tulugan siya.
"Rorik! My God!" At naramdaman niya ang pagsubsob nito sa kanyang dibdib. "Ano'ng nangyari sa iyo? Sinasabi ko na laging mag-ingat ka! You shouldn't have gone back to Manila. Dapat kasi'y hindi ka nagko-kotse sa tuwing umuuwi ka sa atin!"
He smelled her fresh-smelling hair. Ang bango. Parang mga bulaklak sa tag-sibol. Natukso siyang samyuin ito at halikan subalit kailangan pa niyang magkunwaring tulog. Na-curious siya kung hanggan saan ang paghihinagpis ng babae nang dahil sa pag-aalala sa kanya.
"Ang dami kong pinagsisihan sa buhay ko, Rorik. Nang sinabi ko sa iyo noon na hindi kita ganoon ka mahal kaya nagawa kong sumama sa anak ni Mayor, hindi iyon totoo. Gusto lamang kitang iligtas sa tiyak na kapahamakan. Alam ko kasing seryoso na si Papa sa banta niyang papatayin ka matapos niyang malamang nabuntis mo ako. Sana pinatawad mo na ako. Sana hindi mo iyon pinaniwalaan. Mahal na mahal kita. Sukdulan hanggang langit ang pagmamahal ko sa iyo! Ni hindi nagkaroon ng puwang ang ibang lalaki sa puso ko dahil ikaw lang talaga ang itinitibok nito noon magpahanggang ngayon. Dapat alam mo iyan. Wala kang dapat ipagselos sa kahit kanino maging sa football player na iyon. No one is good enough for me. Ikaw lang talaga."
At naramdaman niyang masuyo siyang hinalikan nito sa noo. Kahit may benda ang parteng iyon, naramdaman niya ang mainit nitong mga labi. Hindi na niya kaya ang pagpapanggap. Gayunman, kunwari'y dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at umungol pa siya para perfect ang pagkukunwaring masama pa rin ang lagay niya.
"N-nasaan ako?"
"Rorik! Thank God, you're awake now!"
Nagpalinga-linga si Czarina, tila may hinahanap. Sila lang dalawa pala sa silid. Good. Mabuti't nasunod ni Erik nang husto ang ibinilin niya rito. Hindi sa ayaw niyang makita agad ang kanyang anak. May oras din siya para sa bata. Gusto lamang niyang mapaamin muna ang mama nito sa tunay nitong nararamdaman sa kanya.
Nang akmang pipindutin na sana ni Czarina ang nurses' station buzzer, hinuli niya ang kamay nito.
"Not so fast, babe," nakangiti niyang sabi rito. "Gusto muna kitang masolo."
Nanlaki ang mga mata ni Czarina nang ma-realize na okay na okay na siya. Nakita niya itong pinamulahan. Marahil naisip na nitong narinig niya lahat ang mga pinagsasabi nito kanina. Ang lawak ng kanyang ngiti sa babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top