CHAPTER THIRTY-EIGHT

"Flowers for you," nakangiting sabi ni Rorik sabay abot kay Czarina ng isang bouquet ng freshly picked red roses.

Nag-init agad ang pisngi ni Czarina nang magsalubong ang mga mata nila ni Rorik. Para na naman siyang kinikiliti. She had to restrain herself para hindi magpakita ng kilig.

Kahit na nagkaaminan na sila ni Rorik ng tunay nilang nararamdaman sa isa't isa sa ospital pa lamang sa Alabang, hindi pa rin maalis-alis ni Czarina ang pagba-blush sa tuwing may gagawin itong sweetness kagaya ng ginagawa ngayon. Ewan ba. Hindi pa rin siya kampante dahil sa mga kaganapan sa pagitan nilang dalawa.

Bumalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa nang marinig ang panunukso ni Rory. Nakakubli lang pala ito sa pintuan ng kanyang silid sa mansion.

"Halika ngang bata ka!" Ibinaling niya kunwari ang atensyon sa anak na ngayo'y tawa nang tawa na animo'y kinikiliti habang lumalapit sa kanyang kama.

"You're cute when you blush, Mama."

"I didn't blush!" mariin niyang tanggi.

She heard Rorik's sexy chuckle. Pinangunutan niya ito ng noo at inasiman pa ng tingin. Lalong lumawak ang ngiti nito. Pinisil nito ang isa niyang kamay at masuyo siyang hinagkan sa noo.

"Your daughter and I will go to the river where we used to hang out as kids. Kung gusto mong sumama, you are more than welcome to come with us."

Kaagad na umuo ang kanyang damdamin, ganunpaman nang maalala ang mga kalibugang pinaggagawa nila ni Rorik sa tabi ng ilog noon, umatras agad ang utak niya. Hindi pa niya kayang makita iyong muli sa presensya ng kanyang anak. Baka kasi kung ano ang magiging reaksyon niya. Awkward masyado. Nagdahilan na lamang siya na medyo nangangalay pa ang kanyang balikat.

"All right, then. Basta tandaan mong h'wag kang maggagala nang hindi nagpapasama either kay 'insan o sa isa sa mga gwardya ng mansion. Nasa baba lang sila."

"Okay. Masusunod. Enjoy, anak." At hinagkan ni Czarina ang noo ni Rory.

Nang lumabas ng kanyang silid ang kanyang mag-ama'y dumungaw siya sa bintana at hinintay ang pag-alis ng dalawa. Dala nila ang puting pick-up truck na dati-rati'y pag-aari rin ng kanyang pamilya. Paboritong sasakyan iyon ng Papa niya noon. Pina-restore din pala ni Rorik. Pati ang kulay dilaw nilang Volkswagen ay mukhang bago uli. Lahat ng nakagisnan niyang gamit at sasakyan sa mansion ay kasamang nabili ni Rorik noong i-auction ng bangko. Noong nasa Manila pa ito naka-base, itinago lamang nito ang mga nabiling sasakyan sa store room ng mansion. Kamakailan lamang niya ito pina-restore nang magdesisyon silang tatlo na pumirme na sa Bataan.

"Bakit kailangan pang ipa-restore ang mga iyon? It's cheaper to buy new ones," sabi nga niya noon kay Rorik nang mapag-alaman ang plano nito.

"The cost is nothing compared to the satisfaction I get from using what used to be Don Gustavo's priced vehicles."

Aminado si Czarina na medyo may hatid na kirot ang narinig niyang pakli ni Rorik sa kanya. Hindi nga niya iyon nakalimutan. But later on, she thought maybe nag-overthinking na naman siya. Marahil ay ginawa lamang iyon ng lalaki hindi para ipamukha sa kanya ang pag-iba ng kapalaran sa pagitan nilang dalawa kundi sa memories na hatid no'n. Good memories.

No'ng hindi pa naman kasi naging sila ni Rorik noon ay magiliw dito ang kanyang papa. Katunayan, tinrato nito ang dating nobyo na para na ring isang anak. Isinasama-sama ng kanyang ama ang lalaki sa mga pagbibisita nito sa kanilang sakahan. Tinuruan pa ito kung paano maggatas ng baka. Pati ang pagmamaneho sa mga pag-aari nilang sasakyan na ginagamit sa pagdalaw-dalaw sa mga bukirin pati na ang mga luxury vehicles ay personal pang itinuro ng kanyang papa sa lalaki. Kaya marahil labis-labis itong nagalit nang mapag-alaman na niligawan siya't ginawa pang girlfriend. Baka inisip na tinraidor ito ng binata.

"Mag-enjoy ka, anak," sabi niya sa kawalan habang sinusundan ng tingin ang sasakyan na lulan ang kanyang mag-ama. Nang hindi na niya ito natatanaw, saka lamang siya lumabas ng kanyang silid.

Natigil siya sa paglapit sa hagdan nang makita ang isang nakakuwadrong salawikain sa Español sa dingding ng hallway. Wala ito roon noong dumating sila ni Rory sa mansion. Sa pagkakatanda niya'y isinulat lamang iyon ng kanyang ina sa isang canvas at pinakwadro na ng papa niya. And it says, uno siempre vuelve a los lugares donde amó a la vida. Na ang literal na ibig sabihin ay, binabalikan ng lahat ang lugar kung saan nila na-appreciate ang buhay.

Hinipo ni Czarina ang kuwadro na may salawikain at nakaramdaman siya ng warmth. Mayroon na naman siyang naalala. Isinulat kasi iyon ng ina matapos ang kanilang European adventure. Pinangarap kasi noon ng kanyang mga magulang na papag-aralin siya sa Madrid kung saan sila nagtapos ng kolehiyo. Ang kaso, hindi iyon natuloy dahil hindi pa siya naka-graduate ng high school na-involved siya kay Rorik.

"Gising na pala kayo, Ate."

Napatingin sa ibaba ng hagdan si Czarina at nakita niya sa paanan nito ang pinsan ni Rorik. Nakangiti ito sa kanya at mukhang kagagaling lang sa labas. May dala pa itong isang bote ng sariwang gatas.

"Magpapahain na po ba ako ng breakfast n'yo, Ate?"

'H'wag na, Erik. Salamat." At nginitian niya ito. Bumaba na rin siya ng hagdan.

Na-curious si Czarina sa kung sino ang nag-restore ng decoration sa loob ng bahay. Kuhang-kuha kasi nito ang ambience ng kung ano ito noon sa pagkakatanda niya. Tinanong niya si Erik.

"Si Mama. Kumuha lang kami ng katuwang, pero inayos namin base sa mga lumang larawan na nakita namin sa basement." Nilingon siya ni Erik at ngumiti na naman ito. Ngiting humihingi ng paumanhin. Siguro inakala na nagalit siya dahil pinakialaman ang dati nilang mga photo albums.

"Oh no! I'm not mad. Namangha lang ako sa kung gaano ka precise ang arrangement ng lahat ng bagay dito sa loob ng mansion sa kung ano ko ito iniwan noon."

Maingat na ipininid ni Erik ang refrigerator pagkalagay sa bote ng gatas at ngumiti na naman sa kanya. Hindi na ito nagkomento pa. Sa halip, magalang lamang itong nagpaalam.

Mayamaya pa, habang kumakain ng almusal, bigla na lamang lumitaw si Rory. Patakbo itong lumapit sa kanya at yumakap agad. Isang mahigpit na mahigpit na yakap. Sinulyapan niya ang pinanggalingan nito sa pag-aakalang nakabuntot dito ang ama, pero walang Rorik na lumitaw.

"What's wrong, anak?" may kaba sa pusong tanong niya rito.

"Thank you, Mama! Thank you!"

Binitiwan niya ang hawak na toasted bread at hinarap si Rory.

"What happened? What's this all about?" Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Rory. May nangingilid nang luha sa mga mata ng kanyang anak.

"Thank you for choosing to let me live, Mama." At yumakap na naman ito nang mahigpit sa kanya.

**********

"Rorik, anak!" sigaw ng isang pamilyar na tinig habang magkahawak-kamay sila ni Rory na umaahon mula sa hanggang binting tubig-ilog.

He squinted at the woman. Tirik na tirik na kasi ang araw kahit na mag-aalas dies pa lang nang umaga. Nasilaw siya sa liwanag nito kaya hindi agad namukhaan ang sekretarya ng doktora sa bayan na pasekretong nang-a-abort noon para sa mga handang magbayad sa serbisyo nito.

"Kayo pala, Aling Mercy. Kumusta po?"

"Akala ko'y makakalimutan mo na ako, hijo. Ang dinig ko ang yaman-yaman mo na." Napatingin ito kay Rory at bigla na lamang nitong hinipo ang pisngi ng anak niya. "Ito na ba ang bata? Ang baby ni Czarina na dapat sana'y gustong ipa-abort ni Don Gustavo?"

Nang ma-realize ni Aling Mercy ang mga sinabi, nataranta ito. Hindi nito malaman kung paano iyon bawiin. Nang later ay ma-realize na there's nothing she could say to retrieve it back, humingi na lamang ito ng dispensa at dali-dali nang lumayo sa kanila. Kunwari'y hinabol ang lumalayong alagang chihuahua.

Napatingala sa kanya si Rory. Pinangiliran ito ng mga luha. Hindi nagsalita ang bata, pero halatang gustong itanong sa kanya kung totoo iyon. Inakbayan niya ito at masuyong hinagkan sa sentido.

"Your mom was way too young when she had you. She was just around seventeen years old or eight years older than you now. Sometimes, parents can be cruel to others to protect their kid."

Akala ni Rorik ay magtatanong pa ng kung anu-ano si Rory. Hinanda na rin sana niya ang sarili para roon kaya nabigla siya nang bigla na lang itong mapasubsob sa dibdib niya at mapayakap sa kanya habang umiiyak.

"Always remember that your mama and I love you so much. Hindi na mahalaga kung ano pa ang nangyari noon. We love you. We meant for you to live."

Niyakap din niya ang bata nang mahigpit nang maramdaman niya ang pag-uga ng mga balikat nito dahil sa pagtitimpi sa hikbing gustong mamutawi sa kanyang mga labi.

Walang kibo silang bumalik ng mansion sakay ng lumang pick-up truck ni Don Gustavo. Pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng mansion, dali-daling bumaba si Rory. Pagkapaalam sa kanya ay tumakbo na ito papasok ng bahay. Nang mapag-alamang nasa kusina lamang ang ina ay doon na ito dumeretso agad.

"'Insan, ano'ng nangyari at mukhang umiiyak ang bata?" salubong sa kanya ni Erik. "Aba'y, tila hindi ako nakita. Dere-deretso ang takbo, ah."

Pinaliwanag niya ang pagkakasalubong kay Aling Mercy sa ilog at kung paano ito nadulas sa impormasyong matagal niyang pinakaiingatan.

"Ngayon pa nadulas ang matanda? Pambihira! Kaya naman pala. Bueno, ngayong nandito ka na, uuwi na muna ako. Sisilipin ko lang saglit ang inay sa amin."

Tinapik niya sa balikat si Erik. Susundan na rin sana niya ang anak sa kusina nang mag-ring ang telepono sa sala. Malakas ang tunog n'yon dahil isa iyong rotary dial na telepono. Maging iyon kasi ay pina-restore din niya para kay Czarina.

"Boss, sir. Mag-ingat po kayo riyan. Ang dinig namin ay nakalabas ang apo ni Don Fernando. Baka balikan kayo sa mga nangyari sa kanilang maglolo."

Si Miguel ang nasa kabilang linya. Nakalabas na ito ng ospital at nagpapagaling sa bahay niya sa Alabang. Hindi na niya ito isinama sa Bataan pero binilinan na maging mapagmatyag at balitaan siya kung ano ang development sa kaso ng maglolo dahil pormal na silang inihabla sa patung-patong na kaso, kasama na riyan ang attempted murder sa kanilang tatlo at malicious damaging or destruction of private properties dahil sa pag-master mind sa ilang pagsabog sa construction sites ng kompanya niya at sa lumang Science Building ng St Mary's Academy.

"Don't worry. Naka-monitor din ang mga pulis sa Bataan pati na rin sa karatig-bayan. Hindi siya makakalapit dito nang hindi nalalaman ng mga awtoridad."

"Naku, boss, sir, h'wag pakampante. Tandaan n'yong babae ito at hindi lang basta babae. Isang napakagandang babae! Lalaki lang po ang mga awtoridad natin, boss." At humalakhak ito sa sariling biro. Pinangunuta ng noo si Rorik. Pero minabuti na rin niyang tawagan at abisuhan ang hepe ng kanilang lugar pati na rin ang mga karatig-bayan.

"Speaking of which, we were about to call you, Architect. Mayroon kaming nahuling kaduda-dudang babae. Parang pasok yata sa description ninyo. Nandoon pa sa interrogation room at ini-interrogate ng mga bata ko," anang hepe ng Balanga, ang karatig-bayan.

"Sino iyon?"

Napalingon siya kay Czarina. Magkahawak ang kamay nila ni Rory na dumating sa sala.

"A police officer from Balanga."

"A police officer?"

"Sige, pupunta lang ako sa kanila at may kailangan lang akong siguraduhin. H'wag na h'wag kayong umalis ng bahay kahit na ano'ng mangyari."

"Okay," ani Czarina.

Nagkahiyaan na naman sila kung paano umakto ngayong aalis siya. He wanted to kiss her before leaving, pero nag-alala siyang malagay ito sa alanganing sitwasyon now that Rory is beside her. Pero nanaig din ang kanyang damdamin. Nilapitan niya ito at ginawaran ng masuyong halik sa pisngi. Nakita niya itong pinamulahan. Si Rory nama'y nagkunwaring walang nakita. Cute pareho ang reaksyon ng mag-ina. It made him smile. Nilapitan niya tuloy ang anak at itinaas ng kanyang hintuturo ang baba nito saka niya ito hinagkan nang matunog sa tungki ng ilong.

"Aw, Papa! I'm not a baby anymore!" reklamo nito.

"But you're still my baby."

Nagkunwaring hindi apektado si Rory. Pero nakita ni Rorik kung paano ito pinamulahan sa sinabi niya at napangiti nang husto. Nakita niya rin kung paano nag-sparkle ang mga mata ng ina nito. He knew he made them feel good.

Bago umalis ng mansion, ibinilin niya sa mga gwardya ang kanyang mag-ina at tinawagan niya rin si Erik na bumalik ng mansion para samahan ang mga ito. Saka lamang siya umalis nang dumating na sa kanila ang pinsan.

**********

"Ang yaman-yaman n'yo pala noon, Mama, no?" ani Rory habang tinitingnan ang mga luma niyang ritrato na nahalukay sa lumang baul sa kanilang basement. Ang tinitignan ng anak niya ay ang mga kuha nilang mag-anak nang ilibot siya ng mga magulang sa España.

"Hindi naman. Nagkataon lang na solong anak ako ng isang haciendero. Kung nagkataon na marami kaming magkakapatid, hindi ko rin sana nakuha ang mga bagay na ipinagkaloob sa akin noon ng mga lolo't lola mo."

"Mama---mabagsik na tao ba ang lolo?"

Natigilan si Czarina sa tanong ni Rory. Although she kind of expected it from her one of these days, nabigla pa rin siya nang finally ay itanong na nga nito ang tungkol doon.

"Sometimes, there are things that parents do to protect their child from what they think would harm them. Ginawa lang ng lolo mo ang sa tingin niya'y nararapat para protektahan ako."

Napangiti sa sagot niya si Rory. "You and Papa have the same answers."

Si Rorik? Hindi rin nilaglag ang ama niya? Ikinagulat niya iyon. Ang alam niya kasi'y galit na galit ang dating nobyo sa papa niya.

Hinagkan niya sa sentido si Rory at tinabihan ito sa kama. Habang nagbubuklat-buklat ng photo album ang anak habang nakasalampak sa kanyang higaan, pinaandar naman niya ang telebisyon. Timing ang pagbabalita tungkol sa paglaya ni Senator Lee. Pinakita rin ang paglisan ng pamilya nito sakay ng isang commercial flight to Los Angeles. Ayon sa reporter, nagdesisyon ang senador na mamahinga raw muna ng kung ilang linggo sa LA. Ang anak naman nitong congressman at asawa nito'y sumama rin daw para ihanap ng magandang boarding school doon ang unica hija. Parte ng nakuhang presidential pardon ay ang kondisyon na hindi na ito lalapit kay Architect Rorik Rojas at sa mag-ina nito. Sa oras daw kasi na gawin iyon ay ipapawalang-bisa ang natanggap nitong pardon at ibabalik uli ito sa kulungan.

Na-disappoint siya sa balita. Sa dami ng deserved ng presidential pardon, bakit sinayang sa isang drug lord na senador? Hindi niya iyon ikinatuwa. Pakiramdam niya pakonswelo de bobo na lang ang naturang restraining order.

"Daiyu is migrating to the US, Mama?" tanong naman ni Rory.

"I hope so."

Si Don Fernando na lang at ang apo nito ang problema nila sakaling matuloy sa pag-migrate ang pamilya Lee sa US. Isang buwan na ang lumipas simula ng pag-amok ni Don Fernando sa Asian Medical Center. Ang huli niyang narinig sa balita, kinasuhan na ito ng multiple attempted murder, malicious damaging of private properties at money laundering. Ayon sa balita, mahihirapan na ang matanda na ma-abswelto sa mga kaso dahil hinahabol din daw ito ng mga Lee. Napag-alaman na raw ng senador na ito ang utak sa pagkakahuli rito ng PDEA. Ngayong naka-laya na ang senador dahil sa presidential pardon, malamang na lagot dito si Don Fernando. Marahil ang pagpunta nito at ng pamilya sa US ay para sa gagawing alibi lamang.

Napabuntong-hininga roon si Czarina. Nalungkot din siya sa pangyayari. Napalapit na sana nang husto ang kalooban nila ni Rory sa don. Hindi niya sukat-akalain na ang pinakita pala nitong kabutihan sa kanila ay huwad lamang.

"Too bad about Lolo Fernando, Mama. I thought he was the good guy," ani Rory. Natigil na ito sa kabubuklat ng mga luma niyang larawan. "Will he rot in prison, Mama?"

"I have no idea, anak. Maybe. Who knows?"

Gusto niya sanang sabihin na sana nga nang matahimik na silang mag-ina kasama ni Rorik, pero ayaw din niyang magtonong vengeful kay Rory.

Nalungkot din siya nang maalala si Hazel. Poor girl. Nang dahil sa kasakiman ng lolo ay nadamay ito sa gulo. Kaya naman pala kutis-mayaman ang dalaga. Iba ang naging kinis ng balat nito kompara sa karamihang taga-Bataan kung kaya parang nagtaka siya no'ng una itong makilala. Hindi naman ibig sabihin no'n ay wala nang karapatan ang mga mahihirap niyang kababayan na magkaroon ng makinis na kutis. Ang sinasabi lamang niya ay ang mga naobserbahan niya sa kanilang lugar. Kung hindi kasi ordinaryong kawani ng gobyerno o pribadong kompanya ang mga magulang ng mga estudyante roon, mga magsasaka sila o di kaya mga tindera't tindero sa palengke. Madalas ay babad sa init ng araw kaya bihira ang kasing puti na parang papel katulad ng kay Hazel.

In a way, natuwa rin siya sa impormasyong ito dahil ang ibig sabihin no'n ay wala na itong pag-asa kay Rorik. Wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ng nobyo. Medyo awkward pa sila sa isa't isa ngayon, pero pasasaan ba't mapapalagay din ang loob nila sa isa't isa.

Natigil ang panonood nila ng TV nang biglang tumawag si Rorik sa cell phone niya at sabihan silang h'wag lumabas ng mansion. He sounded scared. Kinabahan tuloy siya. Napababa siya ng kama at napatakbo sa pintuan. Sinigurado niyang naka-locked iyon bago sumilip sa bintana. May komosyon na sa harapan ng mansion. At nakita niyang tumatakbo si Erik. Parang may tinatakbuhan ito. Isinara niya bigla ang bintana at sinabihan ang anak na sundan siya sa panic room. Maingat nilang binuksan ang closet door at pumasok sa loob niyon kung saan naroroon ang pintuan papunta sa pinakatagong lugar sa mansion. Nagulat siya nang makitang, maagiw at maalikabok ang silid na iyon. Ibig sabihin, kahit si Rorik hindi alam na mayroon sila niyon. Marahil pati ang bangko ay wala ring alam doon. In short, safe sila roon just in case sinundan sila ng panganib sa mansion.

"Mama, are we in trouble again?" may pag-aalalang tanong ni Rory.

Niyakap niya at hinagkan sa buhok ang anak. Hindi na niya ito sinagot pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top