CHAPTER THIRTEEN

May kutob na si Czarina na alam na ng dating nobyo ang pinakaiingatan niyang sekreto. Nagdududa na ito sa tunay na katauhan ng anak niyang si Rory. Bakit naman kasi ito mag-aabalang mag-attend pa ng parents' meeting tungkol sa bullying issue ng mga bata gayong ang pagkakaalam niya, napaka-busy nitong tao. Pruweba ang pagkakaroon nito ng tatlong opisina. Isa sa Makati, Sucat, at Alabang. Bawat opisina ay may kanya-kanyang nakatokang kompanya na pinangangasiwaan niya. Kaya mayroon din itong tatlong sekretarya. Sa mga ito, pamilyar lamang siya sa naka-assign sa Makati at Alabang.

Gosh, paano nga kung alam na nitong siya ang ama ni Rory? What if i-assert nito ang karapatan bilang ama? Ano ang gagawin niya?

Inatake ng kaba si Czarina. Though she trusts Rory to fight for her, sigurado siyang hindi nito basta-basta makukuha ang bata sa kanya, mayroon nang kapangyarihan ngayon ang damuho. Maaari nitong gamitin iyon laban sa kanya. Napapansin nga niyang medyo may takot din sa dating nobyo kahit papaano ang senador na lolo ni Daiyu Lee.

"Ma? What's wrong?"

No'n lang napatingin si Czarina sa anak. Katabi niya ito sa back seat ng sinakyan nilang taxi. Ito ang maghahatid sa kanila sa inuupahang bahay sa Zapote. Mataman siyang tinititigan ng bata.

"Mama, diyan lang po kami sa kanto, ha?" sabi niya sa taxi driver para makaiwas sa tingin ng anak.

"Ang sabi ni Architect Rojas magkababata raw kayo sa province and that you were good friends." Rory said it matter-of-factly. Tapos sumulyap ito sa kanya.

Napalunok nang ilang beses si Czarina. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. May pakiramdam siyang tinatantiya siya ng bata. Hindi isang ordinaryong siyam na taong bata si Rory. Minsan masahol pa ito sa matanda kung mag-isip.

"Did he say that?" kunwari'y kaswal lamang na balik-tanong niya. She was buying time. Hindi pa siya nakakaisip ng magandang isasagot. Kung sasabihin niya agad-agad na nagsisinungaling si Rorik Rojas, baka maisip ng anak, ano naman ang motibo ng isang bilyonaryong architect na magsinungaling tungkol doon?

Hindi sumagot si Rory sa tanong niya. Sa halip napatingin ito sa labas ng bintana.

"He was not lying." Mahina ang tinig ng bata. It was a firm statement. Tila isang realization. Parang may lungkot pa sa tinig nito nang sambitin iyon.

Naisipan ni Czarina na kausapin ito nang masinsinan pagdating nila sa kanila. Hindi na muna siya sumagot dahil nag-slow down na ang taxi. Mayamaya pa'y huminto na ito sa tapat ng eskinita kung saan sila napasok para makarating sa maliit nilang apartment.

"We're here," sabi niya sa anak.

Pagkabayad ng pamasahe sa driver, dali-dali na silang bumaba. Wala silang imik habang naglalakad. May mangilan-ngilan na bumati sa kanila at nagsabing dalaga na si Rory. Ngiti ang sinagot niya sa mga ito. Si Rory nama'y isang mahinang tango.

Pagdating sa kanila, walang inaksyaang panahon si Rory. Inulan siya ng tanong tungkol kay Rorik. Habang pinagmamasdan ni Czarina anag mukha ng anak, napagtanto niyang mas kamukha nito ang ama kaysa kanya. Marahil ay napansin na rin ito ng dating nobyo kung kaya naging interesado na sa bata. Dumadalas na nga ang dalaw nito sa eskwelahan nila Rory, eh.

"Yes. We grew up together," pagkompirma niya. Again, she made it sound casual.

"Hindi n'yo siya nabanggit sa akin kahit minsan."

"Well---I only mention people that mattered to me. Alam mo iyan, anak."

Pinakatitigan siya ni Rory tapos tumangu-tango ito at nauna nang magpunta sa kusina. Binuksan nito ang ref at kumuha ng chocolate drink saka sumalampak sa harapan ng TV sa living room. Mayamaya nang kaunti para na itong batang nine years old habang nanonood ng rerun ng Naruto. Tumitili-tili at nakikisagot sa mga dialogues ng tauhan.

Pinagmasdang mabuti ni Czarina ang anak at may kung anong kumurot sa kanyang puso. Napangiti siya rito at ginulu-gulo niya ang buhok ng bata nang madaanan ito sa sala sa kanyang pagtungo ng kusina.

"Aw, Ma! Ginugulo n'yong buhok ko!"

**********

Napangiti si Rorik nang mapag-alaman kay Ed Santos na tinanggap nga ni Czarina ang promotion nito bilang bagong editor ng bi-weekly paper nila. Ngayon nga raw ay aligaga ito sa paghahanap ng makabuluhang story para sa kanilang readers.

Habang tinitingala ang kinaroroonan ng opisina ng dating kasintahan sa isa sa mga gusali sa Northgate, napangiti siya. Just seeing the windows of the editor's office makes his heart leap for excitement. Aminado siyang sa kabila ng lahat at sa tagal ng panahong nawalay ito sa kanya, wala man lang nawala sa dati niyang damdamin para rito. Ang kaibahan nga lang ngayon, hindi na siya ang dating walang muwang na kargador na hahamakin ang lahat maibigay lamang ang kagustuhan ng minamahal. Nag-mature na siya. And he has learned his lesson well. Napagtanto na niyang walang babae sa mundo ang karapat-dapat pag-alayan ng isang daang porsyentong pag-ibig.

"Architect Rojas?" untag ng driver con bodyguard niya sabay lingon sa kanya sa backseat. "'Kako'y magpa-park pa po ba ako, sir? Dadaan po ba kayo kay Sir Ed Santos?"

Saka lang bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Rorik. Tiniklop niya ang laptop na nasa kandungan at nilapag sa tabi bago minanduan ang driver na ihinto ang sasakyan at bababa na siya. Inayos muna niya ang kurbata at pinadaanan ng ilang daliri ang maikling buhok bago umibis siya ng kotse.

Habang naglalakad sa parking lot may iilan siyang nakasalubong na babae na tila kinilig nang kanyang sulyapan. Maging nang pumasok na siya sa building nila Ed Santos ay ganoon ang nakukuha niyang reaksyon sa mga nadaanan. He smiled to all of them. Lalo silang kiniliti. May iilan pang bumati sa kanya ng, "Hi, pogi! Good morning!" Matamis na ngiti ang sinagot niya sa mga ito bago dali-daling lumapit sa elevator.

"Architect Rojas! Good morning! It's nice to see you here, Architect!"

Inayos ni Rorik ang sunglasses sa bridge ng ilong habang pinagmamasdan ang babae para hindi naman mahalata na pinakatitigan niya ito. He was trying to remember where he knew her from. Sa totoo lang, pamilyar nga ang mukha ng babae pero wala siyang ideya kung sino ito.

"It's Wynona, Architect. I'm one of the editors of the Morning Sun newspaper."

Ah, kaya pala. Sigurado na siyang na-meet na niya ito noon at nakausap pa siguro kung kaya kampante itong lapitan siya at kausapin. Not many women have the guts to do that although many have the hots for him. Ayon kasi kina Mrs. Andal at Mrs. Pernis, ang dalawa niyang sekretarya, mukha raw siyang suplado. Pinatotohanan din iyon ni Mr. Salas, ang lalaking sekretarya naman sa Sucat. Mayroon daw siyang air of arrogance na nakaka-intimidate.

"Good morning, Wynona. Is Ed around?"

Tila kiniliti ang babae nang banggitin niya ang pangalan nito. Parang nagpigil lang itong mapatili.

"Yes, Architect! Actually, he's waiting for you now."

Waiting for me? Nagsinungaling ang babae sa kanya. Alam niyang hindi iyon totoo dahil surprise visit lang itong pagpunta niya roon. Walang kaalam-alam ang pobreng Ed Santos na pupunta siya roon ngayon. Gusto lamang niyang makita si Czarina bago siya pumunta sa kanyang ka-meeting sa West Gate. Naghihintay na raw sa Brother's Burger, isang mamahaling burger store ang kausap niya. Hindi siya ang tipo na nale-late sa meeting, pero hindi lang niya matiis ang pagkakataong masilayan muna kahit sandali lang ang nakabusangot na mukha ng dating katipan para magbigay-inspirasyon sa kanya.

Hindi na siya sumagot sa sinabi ni Wynona. Tumingin lamang siya sa relos para ipakita rito na wala na siyang interes na palawigin ang kanilang pag-uusap.

Pagbukas nga ng elevator sa ikalimang palapag kung saan ang opisina ng newspaper ay dali-dali na siyang lumabas. Hindi na niya pinansin pa ang babae. Natigil lamang siya sa paghakbang nang unahan siya nito sa pagbukas sa glass door.

"After you, Architect!" kinikilig nitong wika. Bahagya siyang pinangunutan ng noo. Hindi ba dapat ay siya ang gumagawa no'n?

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang ginawa ng babae at mauuna na sana siya sa paghakbang papunta sa opisina ni Ed Santos nang tila inunahan na naman siya nito. At nagulat siya ng pumalakpak pa ito sa mga kasamahan na nagsisipagtrabaho na sa kani-kanilang mga mesa at ihudyat ang kanyang pagdating. He frowned at the woman. Pero pinilit na rin niyang ngumiti nang isa-isa siyang binati ng mga nagtatrabaho roon.

Nagpalinga-linga siya sa mga nandoon. Wala ang hinahanap niya. No'n niya lang naalala na hindi na pala ordinaryong manunulat doon ang dati niyang katipan. Mayroon na itong posisyon kung kaya sigurado siyang nasa sarili na itong opisina.

Nag-isip siya ng gagawing excuse sa pagbisita sa silid nito. Napagdesisyunan niyang puntahan na lang muna si Ed Santos at kunwari'y makikibalita siya rito sa performance ni Czarina. Then, from there he'll try to somehow suggest na puntahan nila pareho ang babae sa work station nito. At least, hindi siya magiging obvious kapag iyon ang ginawa.

He smiled at his plan. Inakala tuloy ng mga nakakasalubong niya na sa kanila siya ngumingiti kaya halos lahat ay kumaway at bumati sa kanya ng, "Good morning, Architect!"

**********

"What? Interview who? For what?" sunud-sunod na tanong ni Ed Santos.

Natigilan si Czarina sa narinig sa dati niyang bosing. Pinakatitigan niya tuloy si Ed Santos. Larawan ito ng pagkayamot. Tila baga may sinambit siya ritong isang napaka-istupidang ideya kung kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito. He really looked so exasperated with her. Nawala tuloy ang momentum niya. Kani-kanina lang ay ang sigla-sigla niya over a very good story prospect. Ngayo'y tila pinagbagsakan siya ng langit.

"Well, do it for all I care, Ms. Garza! Total naman hindi mo na ako boss. Katunayan, kung titingnang maigi, we are on the same level now. Editor ka ng bi-weekly paper ng kompanya at ako nama'y editor din ng ating dailies. Gawin mo ang gusto mong gawin for all I care!"

Napasambit ng 'for all I care' nang dalawang beses ang Sir Ed niya. Ibig sabihin, gigil na gigil talaga ito sa naisip niyang story. Akala pa naman niya kanina ay matutuwa ito. Afterall, ideya rin iyon nila Luisa at Diva, iilan sa nakagaanan nito ng loob.

"I just want to get your opinion, sir. That's all."

Kumumpas-kumpas ito na tila binubugaw siyang parang langaw. No'n naman bumukas ang pintuan at masayang sumilip si Wynona. The moment she saw her there, her facial expression changed. Bumusangot agad ang masaya nitong mukha pero bumalik ang kislap sa mga mata nito nang sumulyap sa dati nilang boss na si Ed Santos.

"We have a visitor, sir! Architect Rojas is here!" excited nitong balita.

No'n lang ngumiti ang bugnutin na si Ed Santos. Iniwan nito ang desk at agad na sinalubong si Rorik na kaagad namang lumitaw pagkaanunsyo ni Wynona sa kanyang presensya. Pagkapasok nito sa opisina'y kaagad na nagtama ang kanilang mga mata. For one brief moment, Czarina felt like she was hit by a high voltage electric current. Biglang kumalabog ang kanyang dibdib at pinagpawisan pa siya. Halos hindi na siya makahinga nang matapat rito sa kanyang paglabas sa opisina. Nang tuluyan na niyang maipinid ang pintuan ay napahawak muna siya sa dibdib na tila hapung-hapo. Nadaanan siya ni Emily na hawak-hawak ang harapan ng puting blusa.

"It didn't go well?" tanong nito agad. Ang ibig sabihin ay ang pagsangguni sa plano sana niyang pag-interview sa isang sikat na Pinoy footballer na pinagkakaguluhan ngayon sa Australia.

"Stupid idea raw," sagot naman niya rito. Na totoo naman. Iyon kanina ang pinabatid sa kanya ng dati niyang boss. Bukod sa stupid ay very costly pa raw. Sigurado raw kasing hindi naman papayag iyon nang walang bayad. Sa ngayon daw kasi hindi kaya ng kanilang bi-weekly paper na gumastos nang malaki para sa isang story dahil wala pa sila halos napapatunayan at limited pa ang budget.

Napailing-iling si Emily. Inambahan ng suntok ang harapan ng pintuan.

"Ang sarap talagang bugbugin ng kalbong Ed na iyon minsan! Nakuw!"

Napangiti si Czarina. Paniwalang-paniwala kasi ang kaibigan na ang reaksyon niya na tila hapong-hapo ay dulot ng hindi magandang outcome sa paghingi niya ng opinyon ng dating bosing.

"Is it for real? Nandito si Architect?" impit na tili ni Diva at Luisa nang may nagbalita sa kanilang isang writer na bumisita nga raw ang guwapong architect sa office nila. Kasama raw ito ni Wynona sa pag-akyat at mukhang may 'something' daw ang dalawa.

Napalingon si Emily sa kanila. At iniwan siya nito para maki-chika na rin sa mga tsismosa. Napailing-iling na lang si Czarina sa kanilang lahat. Sinenyasan nito ang kaibigan na babalik na siya ng office niya.

Ni wala pang limang minuto siyang nakaupo sa harapan ng desk, may kumatok na sa kanyang opisina at sumilip ang kanyang sekretarya. May sinabi ito sa hindi maintindihang salita dahil mas lamang ang kilig. Mayamaya pa, lumitaw sa likuran nito si Rorik. Nakapatong na ang dark sunglasses nito sa ulo at buo ang loob na naglakad palapit sa kanyang mesa.

"I'll be straight to the point here. Do whatever it takes for the paper to take off. I want it to be the talk of the town not just for a week but for the entire year. Kung sa tingin mo, makakatulong ang pag-serialize ng interview sa sikat na footballer na iyon, by all means, do it."

Napanganga si Czarina. Ang sabi kasi kanina ng Sir Ed niya walang budget ang management sa ganoong klaseng story.

"Ako ang mag-a-approve ng lahat ng budgetary concerns ng paper so here I am now assuring you that it is okay. I am giving you the green light."

Napalunok si Czarina. Inakala pa naman niya na kaya siya pinuntahan doon ni Rorik ay dahil gusto siya nitong makita at makausap. Iyon pala, tungkol lang sa minungkahi niyang story kay Ed Santos. Natuwa siya sa approval ng kanyang planned project, pero nadismaya rin at the same time. Lalo siyang nainis nang makita niyang bumukas uli ang pintuan at sumilip ang kinaiinisan niyang si Wynona. Walang kiyeme itong lumapit sa dati niyang nobyo at may tila ibinulong dito. Tumango naman ang damuho at sinabi rito na susunod na raw siya.

"All right, Ms. Garza? Are we clear?"

Ms. Garza.

Ewan ba. May kakaibang pait na ang dating ng apelyido niya sa tuwing sasambitin ito ng dating kasintahan. Para bagang sinasampal sa kanya na isa na lamang siyang estranghero rito. Wala na siyang kung ano mang papel dito kundi isang tauhan sa negosyong kinasasangkutan nito ngayon.

Aminado siyang she's willing to give anything just to hear him say his nickname for her again, pero batid din niyang she's wishing for a miracle. Kailanma'y hinding-hindi na niya maririnig dito ang palayaw niyang Cza-Cza (prnounced Cha-Cha) na ito rin ang nagbigay noon.

"Yes, Architect Rojas. Salamat po," tanging naisagot lamang niya bago ito lumabas ng pintuan kasama ang kinabubwisitang katrabaho na si Wynona.

**********

"What? Negative? No, no, no! There must be a mistake!"

"Sir, h'wag ho kayong maingay dito, ha? I just gave you a heads up dahil alam ko kung gaano po kayo ka-excited sa resulta ng DNA," anang staff ng laboratory kung saan niya ipanagawa ang DNA test nila ni Rory. "But this is against our protocol. I hope hindi ho makakarating sa supervisor ko, sir, Architect Rojas," may pangamba na sa tinig ng lalaki. Nagiging OA na a ito sa pagiging polite.

"Sigurado ako na positive dapat ang result niyan. Hindi pwedeng negative! Formality na nga lang itong test na ito, eh."

"Umm---ganito na lang po, sir. Uulitin po natin. Please make sure po, sir, na sa bata talaga galing ang specimen. Baka po kasi nagkaroon ng pagkakamali sa pagkuha ng sample o di kaya na-contaminate ito. It happens."

Posible. Sa dami ng inaasikaso ni Dr. Jalandoni at sa tanda na rin nito, marahil na-contaminate ang sample. Baka bumahing ito sa hibla ng buhok ni Rory o di kaya ay inubuhan ito. Maaari ring nagkaroon ng mix-up ng sample sa laboratory. The possibilies are endless.

"Okay, I will resubmit our sample. Ayusin mo ang trabaho next time, ha?"

Imbes na dumeretso sa opisina para pumirma ng mga kontrata at memos, naisipan niyang bisitahin sa St. Mary's Academy ang anak ni Czarina. Nagpang-abot na naman sila roon ng dating nobya. Napansin niyang umiiwas sa kanya ang dating nobya. Ang bata nama'y halos hindi siya tapunan ng pansin. Minsang, napatingin ito sa direksiyon niya accidentally, nagkunwari pang hindi siya nakita. Parang piniga ang puso niya sa coldness ng bata. Looking at her right now, may nararamdaman talaga siyang something kaya hindi niya matatanggap ang resulta ng test. NEVER!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top