CHAPTER SEVEN

"Mama, the school principal was kind to me again today," salubong sa kanya ni Rory pagkauwi niya ng bahay nang hapong iyon. Nagbida pa ito at sinabing pati raw ang guidance counselor ay may mahigpit na bilin na hindi siya pagalitan o kung anupaman ng kanyang mga guro.

Natigilan si Czarina. She knew it must be because of Rorik. Kinabahan siya. Inusisa niya agad si Rory kung bumalik pa sa eskwelahan nila ang lalaki.

"Who? The kind gentleman? No. Why?" At sinipat ng bata ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Nang umiling lang siya rito, sinundan siya hanggang sa kanilang shared bedroom at nagtanong pa ito kung kilala niya ang taong nagmalasakit daw dito noong nakaraan.

"No," kaila niya habang naghuhubad ng stockings.

"Why was he kind to me---to us, Mama?"

"I do not know. Sometimes, strangers are," kunwari'y kaswal na sagot niya habang nagtatanggal ng earrings, pero sa loob-loob niya'y inaatake na siya ng takot at kaba.

Matalino ang kanyang anak. Baka ma-figure out nito sa bandang huli na ama nga niya ang nagmagandang-loob na ipagtanggol siya laban sa mabangis na senador. Kapag dumating ang araw na iyon, siguradong magugulo ang kanyang buhay. Natitiyak niya kasing mag-assert ng karapatan niya si Rorik. At sa estado nito ngayon, hindi malayong mangyari na makukuha nga nito ang kanyang unica hija.

Nilingon bigla ni Czarina ang anak at hinawakan sa magkabilang balikat. Halos magkapantay na ang kanilang mga mata gayong siyam na taong gulang pa lamang ito. She held her gaze. All of a sudden she felt sentimental. Lalo pa nang maalala niya ang naging dahilan kung bakit ito nabuo.

Nayakap ni Czarina nang mahigpit na mahigpit ang anak. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata. Kaagad niyang pinahiran ito bago pa man bitawan si Rory.

"What's wrong, Mama? You're being weird today, just like my teachers and the principal in school." At lumabas na ito ng kanilang silid bago pa niya masagot ang tanong.

**********

Nagulat si Rorik sa bagong impormasyong nakalap ng kanyang detective. Isang buwan lang daw pala ang itinagal ni Czarina sa Japan dahil bigla itong napauwi agad. Ayon sa sinabing rason ng dati raw nitong nakasama sa apartment sa Osaka, nagkasakit daw ito kung kaya inayawan ng club na pinagdalhan sa kanya.

"What disease?" tanong agad ni Rorik sa detective nang mabasa ang parteng iyon ng report.

"It was not revealed, sir. The roommate did not know as well. But according to some of the people who helped her go to Japan, it was just something mild. However, the Japanese employer did not like it so she was sent home."

Inasiman ni Rorik ng mukha ang lalaki. Kaya nga siya nagbayad ng mahal sa isang detective ay para masagot ang lahat niyang katanungan. Gumawa ng report, kulang-kulang naman. Nairita siya rito at hindi niya ikinubli iyon.

"Sorry, boss, sir."

"Did she really get married with a Japanese guy in Japan as what you told me last week?"

"Umm, I think, y-yes sir."

"I think?" Dumagundong ang kanyang boses. Nanginig ang mga kamay ng detective nang damputin ang nilapag nitong report sa kanyang mesa.

"Y-yes, sir. She didn't marry the guy. I mean, she married the guy."

Nahilot ni Rorik ang sentido sa inis. Kung hindi siya magpipigil mabubulyawan niya itong detective na ito. Hindi niya sukat-akalain na walang kasiguraduhan ang sinumite nitong report sa kanya.

"The next time you come back here, make sure you are sure of your report." Mahinahon na ang tinig ni Rorik pero hindi maikakaila ang galit. "Please leave now."

Walang inaksayang panahon ang detective. Pagkaalis nga nito'y pinatawag niya agad si Mrs. Pernis at Mrs. Andal. Minanduan niya ang dalawa na ikuha pa siya ng isa pang detective.

"You already have one, sir, from one of the best agencies in Manila," sagot ni Mrs. Pernis.

Rorik glared at her secretary. Nakita niyang palihim na kinablit ni Mrs. Andal ang babae nang titigan niya ito nang masama.

"Obviously, their so-called reputation was just fake news."

Natahimik na ang sekretarya.

"Cancel all my meetings today. I am going somewhere." At tumayo na siya. Isinuot niya ang suit jacket at kaagad na lumabas ng kanyang silid. Nauna siyang lumabas sa dalawang sekretarya na naulinigan pa niyang nagsisihan kung bakit hindi naghanap nang mas mahusay na detective.

"Sir, will you be back by lunch time? May meeting po kasi kayo with the investors. Darating po ang taga-Malaysia at Indonesia," sabi uli ni Mrs. Pernis.

Nilingon niya ito, pero hindi na sinagot. Nainis din siya rito. Hindi ba maliwanag ang sinabi niya kanina? Cancel all meetings?

"Cancel all meetings nga!" narinig ni Rorik na paalala ni Mrs. Andal kay Mrs. Pernis.

Tumahimik ang huli. Napailing-iling na lang siya.

Pagkaupo ni Rorik sa harapan ng manibela ng kanyang sasakyan, naisip niya agad na dalawin ang construction ng Project Eduk sa St. Mary's Academy. May isa rin siyang gustong makita roon. Ang batang nagngangalang 'Kraix'. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa bata. Ang isang bahagi ng kanyang isipan ay nag-iisip na baka anak niya ito kay Czarina. Na baka hindi totoo ang balita noon. Sa isang banda naman, naisip niyang baka ito ang naging bunga ng pagpuntang Japan noon ng dating nobya. Kahit malaki ang posibilidad na anak ng iba si Kraix, nais pa rin niya itong puntahan. May naramdaman siyang kakaiba sa bata na hindi niya maipaliwanag. He wants to know kung iyon ay totoo at hindi lang dahil sa awa. Halos lapain na kasi ito ng senador sa sobrang galit dahil diumano sa ginawang pambu-bully nito sa apo, which he did not believe to be true. Isang tingin lang niya sa dalawang bata alam niya agad kung sino ang bully sa dalawa.

Nataranta ang mga guro, lalung-lalo na ang principal nang dumating siya sa eskwelahan. Kulang na lang ay salubungin siya ng banda.

Habang hindi magkamayaw sa pag-estima sa kanya ang mga guro ng paaralan sa bungad ng gate, some of which were fliritng with him unabashedly, nahagip ng paningin niyang tinutulak ng apo ni Senator Lee ang anak ni Czarina sa hindi kalayuan. Immediately, sumulak ang dugo sa kanyang ulo lalo pa't nasaksihan niya ang pagkasadlak ng bata sa damuhan sabay sipa sa kanya ng dalawa pang batang babaeng may colorful ribbon sa ulo. Isa na roon ay ang apo ng senador.

"Kraix!" sigaw niya sa bata.

Nagulat ang grupo ng mga bulinggit. Napalingon sila sa kanya habang dali-dali siyang lumalapit sa mga ito. Nagsiatrasan ang mga malditang batang babae, pero ang apo ng senador ay humarap pa sa kanya nang nakapamaywang. Tila hinahamon siya nito.

Nagpakahinahon siya habang tinutulungan ang anak ni Czarina na makabangon. Nagulat ito nang makita siya roon. Kasing-gulat ng mga bullies nito with the exception of one.

"Why did you push her? Don't you know that it's bad to gang up on someone?" Mahinahon ang kanyang tinig. Isa-isa niyang tiningnan ang mga nangtulak kay Kraix.

Tila maiiyak na ang mga ito, kung kaya he tried to soften the expression on his face.

"I'll make you sumbong to my Lolo!" sigaw sa kanya ng apo ng senador. Binelatan nito si Kraix at sumunod na sa mga nagtakbuhang mga kaibigan.

Hindi magkandatuto sa paghingi ng paumanhin sa kanya si Dr. Jalandoni, ang principal. Ganoon din ang guidance counselor sampo ng mga guro ng eskwelahan.

Hinayaan niyang kunin ng school nurse ang anak ni Czarina para magamot nito ang gasgas ng bata kaya malaya niyang naipahayag ang disgust at disappointment sa nasaksihan.

"Tell the parents of those students to discipline their children. And do something about this issue once and for all. Ano pa ang hinihintay n'yo? Ang tuluyan nilang magawan ng mas masahol pa sa ginawa nila kanina ang bata?"

"Don't worry, Architect Rojas. We have already filed a report to our school bullying committee and the issue is now being investigated by the ---"

"Do more than just simply investigating on the issue!" putol niya sa sasabihin pa sana ng principal. "Nakita n'yo naman ang nangyari, di ba?"

"Yes, sir! Don't worry!"

"I am not worried. You should be the one to get worried," malaman niyang pahayag at galit na umalis sa harapan ng grupo.

**********

Nagbibigay ng assignment sa mga editors ng news department si Czarina nang tila nagkaroon ng komosyon sa labas ng kanilang conference room. Gaya ng dati, dali-daling nagsilabasan ng silid ang mga staff niya matapos nilang matanggap ang assignment. Excited na hindi maintindihan ang grupo. Ni hindi na nakapagpaalam sa kanya nang matino.

Paglabas niya sa conference room, saka lang niya nalaman ang dahilan. Dumating na naman pala sa opisina nila ang hambog niyang ex. Ngayo'y masayang kahuntahan si Ed Santos sa gitna ng working area ng buong kawani ng newspaper nila. Parehong mukhang maganda ang mood ng dalawa. Ano kaya ang magandang balita?

"Ms. Garza, come here!" tawag agad ng Sir Ed nila pagkakita sa kanya.

Nag-atubiling lumapit si Czarina lalo pa nang magtama ang paningin nila ni Rorik. Ewan ba. Kahit ilang beses na niyang nasabihan ang sarili na h'wag magpaapekto sa presensya ng lalaki, hindi pa rin niya narerendahan ang puso. Natuturete pa rin ito sa tuwing tinititigan siya ng lalaki. Tila bagang may dala itong kuryente dahil pakiramdam niya'y sobra siyang charged kapag nasa iisang silid sila ng kumag.

"Good news! Our national daily is chosen by universities in the north as a recipient of the Most Outstanding Philippine Dailies! Imagine that! Isang buwan pa lang tayong nag-o-operate pero may nakapansin na sa ating performance!" excited na pahayag ng kanilang bosing.

First time siyang makausap nito nang hindi ito sumisigaw at nang-iinsulto. Nanibago si Czarina.

"Listen up, guys! Dahil sa award na ito, inaatasan ko ang representative ng bawat department na pumunta sa Bataan Polytechnic College upang kunin ang award."

Natigilan agad si Czarina pagkabanggit sa kanyang bayan. Parang nag-freeze din ng buo niyang kalamnan. Awtomatikong napasulyap siya kay Rorik at nahuli niya itong nakatitig sa kanya.

"Czarina, please pick your staff that you want to go with you," mando pa ni Ed Santos.

"Ho? Ako ho?"

"Alangan namang ako?" pakli agad ng Sir Ed niya. Bumalik na naman ang pagka-antipatiko nito.

Naghagikhikan ang kanyang mga kasamahan. Inirapan siya ng mga ito. Mayroon sanang nagtaas ng kamay para boluntaryong sumama sa kanya, pero binaba iyon ni Wynona. Narinig pa ni Czarina ang bulong nito sa dalawa nitong BFF na sina Luisa at Diva.

"Solohin mo, bitch!"

"Wynona!"

Nataranta ito nang tawagin ng boss nila. Napahalukipkip naman si Czarina at napatingin dito with satisfaction. Instant karma, naisip niya agad. Subalit ang inaakala niyang galit ng boss niya sa babae dahil sa pagkakarinig sa sinabi nito ay hindi nangyari. Bagkus, good news pa ang binitawan.

"Ikaw muna ang mamahala sa news department habang nag-iikot sina Czarina sa norte promoting our paper. Maaasahan ko ba iyan?"

Pabirong nag-hand salute si Wynona sabay impit na tumili. Tapos, pasimple itong umirap kay Czarina. Imbyernang-imbyerna ang huli rito.

Ang hindi alam ni Czarina, hindi iyon nakalampas kay Rorik. Pati na ang pag-atubili ng babae na kumuha ng award ng kanilang newspaper sa unibersidad sa kanilang bayan.

**********

"Please arrange a trip for me to Bataan," sabi agad ni Rorik sa isa niyang sekretarya, kay Mrs. Andal nang dumating siya sa opisina sa Crimson hotel sa Alabang. Minanduan niya itong ipalinis ang kanyang rest house doon at siguraduhing may sapat iyong pagkain na nakaimbak.

"For how many days, sir?"

"Make it a week."

"You'll be gone for a week?" Tila may pagkagulat sa tinig nito.

"Will that be a problem?"

Napakurap-kurap ito at alanganing ngumiti. "No, sir."

Ang totoo niyan, nabanggit niya sa mga unibersidad sa norte ang newest investment niya, ang newspaper na pinamumunuan ni Ed Santos. Dahil mayroon siyang scholarship grant sa lahat ng eskwelahan doon, hindi na siya nagulat nang tawagan siya ng asosasyon ng mga unibersidad doon na nahirang daw ang kanilang newspaper na isa sa mga tinitingala sa buong bansa. May kutob siyang the universities just wanted to please him. Pero sa isang banda, saludo rin siya sa changes na naiambag ni Czarina sa nasabing pahayagan. Malayo na ito sa mga nailathala nila in the last few weeks. He has a good feeling na hindi niya pagsisisihan ang paglalagay ng pera sa bagong lunsad na newspaper ng kompanyang ito. Ang kailangan na lang niyang ayusin siguro ay ang bi-weekly paper ng mga ito na nilalathala na parang magazine style. Kailangan iyon ng overhauling. But that can wait. Aminado siyang na-excite siya at the prospect of spending some time with his ex in Batan.

Medyo nangamba mang umurong na naman si Czarina sa assignment na pumuntang Bataan, nagbakasakali pa rin si Rorik na maghanda sa pagpunta roon. He also hoped he could see Kraix again dahil inisip niyang dadalhin ito ng ina, pero nabigo siya. Napag-alaman niya kay Ed Santos na mag-isa dumating sa kanilang bayan si Czarina. Kahit staff nito'y tumangging sumama sa kanya.

Alam niyang ikagugulat ng babae ang presensya niya sa Bataan Polytechnique College kung kaya nag-abiso siya agad sa presidente ng eskwelahan na darating din siya. Nangako naman ito na bibigyan siya ng pagpupugay sa halos isang dekada nang pagbibigay ng scholarship ng RL Fajardo Company sa mga estudyanteng kapos.

Nang araw na magkita sila ni Czarian doon, gusto niyang mangiti dahil nagulat ito at parang nag-isip na sinusundan niya roon. Buti na lang mabilis na lumitaw sa eksena ang presidente ng eskwelahan. Ito mismo ang nagsabit sa kanya ng garland for special guests.

"Architect Rojas! We are so honored that you accepted our invitation. Welcome to Bataan Polytechnique College!"

Nakita ni Rorik na napalingon kay Dr. Puno si Czarina. Kinamayan din ito ng butihing presidente at winelcome sa eskwelahan, pero hindi kasing init ng pagtanggap sa kanya.

Halos sabay na silang hinatid ng mga estudyanteng nagsilbing usherettes at ushers sa opisina ni Dr. Puno. Doon daw muna sila habang naghihintay na magsimula ang programa.

Nang iwan sila saglit ng presidente sa lounge nito para harapin ang iba pang bisita, may biglang pumasok na matandang propesora. Pinangunutan ito ng noo pagkakita sa kanilang dalawa. Mayamaya pa'y hindi ito nakatiis. Una nitong nilapitan si Czarina.

"Czarina, hija? Ikaw na ba iyan?"

Nakita ni Rorik ang pagkagulat sa mukha ng dating nobya.

"Ako si Anita Adlawan, ang kindergarten teacher mo."

Nang hindi agad makahuma si Czarina, nagpatuloy pa ang babae.

"Hindi ba ikaw ang nag-iisang anak ni Don Gustavo Garza ng Dinalupihan? Dating nagtatrabaho bilang taga-ani ng palay at mani sa bukirin ninyo ang aking asawa. Baka hindi mo na siya natatandaan. Ang bata mo pa kasi nang mag-retiro siya dahil sa severe arthritis. Angelito ang kanyang pangalan."

Pagkarinig sa pangalang Angelito, natigilan si Rorik. Awtomatikong umigting ang kanyang bagang at dumagundong ang kanyang puso sa matinding galit. Paano niya makakalimutan ang lalaking ilang beses na nanuntok sa kanya noon? Ito rin ang tumutok sa kanya ng baril sa unang pagtangka nilang magtanan ni Czarina. Nang sumunod nilang attempt, nakita niyang ito ang nagpaputok sa ere para siya'y takutin.

Liar. Tumigil lang ang asawa mo sa pakikilahok sa pag-aani ng palay at mani dahil halos nalumpo ito ni Don Gustavo sa kadahilanang hindi niya kami napigilang magkita ni Czarina sa batis!

Nainitan bigla si Rorik sa loob ng silid kahit na ang lakas-lakas ng aircon doon. Tumayo siya at mag-papaalam na sanang lalabas saglit para magpahangin nang siya naman ang binalingan ng matandang propesora.

"You must be---R-Rorik Rojas. Ikinagagalak kong nagtagumpay ka, anak."

Anak? 'Tang-inang matandang ito!

Napakagat-labi si Rorik sa pagpipigil sa galit na nais kumawala sa kanyang dibdib. Marahil nabasa ni Czarina ang laman ng kanyang damdamin, nakitaan niya ito ng simpatiya. Kaso nga lang, umiwas din agad ito ng tingin.

Naisip ni Rorik, naalala rin kaya ng dating nobya ang pait na sinapit niya sa kamay ng asawa ng matandang ito? Mukha kasing hindi. Tila magiliw pa rin siya sa babae.

Napansin siguro ng propesora ang lamig ng pakikitungo niya rito kung kaya kaagad na nagpaalam sa kanila. Sinundan niya ito nang matalim na tingin.

"What her husband did to you---to us---is not her fault---never her fault."

Napasulyap siya sa dating nobya. Ito naman ang binigyan niya ng isang matalim na tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top